hello..

hello guys..

Sunday, February 28, 2010

short short story

Bahay sa Puno

(Tree House)

Jeorgelyn C. Barcelon

Masayang naglalaro ang mga bata sa kanilang tambayan. Masasayang kwentuhan at tawanan ang maririnig, mga sigaw ng bata na galak na galak sa mga larong Gawain nila araw-araw. Hindi maalis sa mga mukha ang saya na kanilang nadarama habang nakikipaglaro sa kapwa nila kalaro. Sina Angela at Alfred ay kapwa magkalaro sa araw-araw. Lagi silang magkasamakaya bata palang ay tinitukso na silang magkasintahan dahil sa kanilang pagiging malapit sa isat-isa. Araw-araw naglalao at sabay din sila pumasok sa paaralan na kapwa magkapatid ang turingan. Sobrang malapit sila sa isat-isa dahil ang kanilang mga magulang na sina Lanie at Margie ay magkaibigan din simula pagkabata. Pangarap ng magkumare na sa tamang pnahom ang kanilang mga anak ang magkatuluyan sa kanilang pagtanda.

Isang araw si Angela ay pumasok na sa paaralan ngunit sa kanyang paglalakad sa daan ay hinarang siya ng mga siga sa kanilang paaralan. Ang mga estudyanteng namemwersang kumuha ng baon sa kapwa nila mag-aaral para ipambili lang ng kanilang bisyo. Bisyo ng mga estudyante sa paaralan ay ang paglalaro ng jolen dahil kapag marami kang jolen sa paaralan ay tila para kang artistang pagkakaguluhan ng iyong mga kapwa mag aaral. Umiyak ng umiyak si Angela dahil ang kanyang baon ay kinuha ng mga bata pero ito ay nabawi rin sa tulong ng kanyang kaibigan. Napadaan si Alfred dahil ay papasok na rin sa paaralan. Nakita niya si Angela na umiiyak at pilit na kinukuha ang kanyang baon. Sinabihan lang ni Alfred ang kapwa mag aaral na tigilan ang kanilang masamang ginagawa sa kapwa nila mag aaral. Umalis ang mga estudyante at tumakbo papasok na sa kanilang paaralan. Si Alfred ang laging nagtatanggol kay Angela pa may nang aaway dito, kaya mas lalo silang nagging malapit sa isa’t-isa. Si Alfred ay apo ng Prinsipal sa kanilang paaralan kaya ang mga estudyante ay kilala siya. Maganda ang pakikisama ni Alfred sa kapwa niya ag aaral kaya siya ay ginagalang at habang si Angela naman ay lagging inaaway dahil siya ay mabilog na bata.

Sa pagsasama nil;ang dalawa, gumawa sila ng bahay sa itaas ng puno para maging taguan nila pag sila ay maglalaro at isang ala ala narin ng kanilang pagkakaibigan. Inayos nila ang bahay, nilagyan ng mga dekorasyon at papag upang silay ay mahigaan kapag napagod sila sa pag lalaro. Pag may problema sila, pinag uusapan nila ito sa kanilang bahay bahayan at ito ay kanilang nakakalimutan pag sila ay naglalaro. Araw araw nilang pinupuntahan ang kanilang bahay bahayan upang linisin ang simulang ang isang masasayang laro. Habang sila ay nagsasaya sa paglalaro, ang kanilang mga magulang ay nag uusap tungkol sa ama ni Alfred na nasa ibang bansa. Si Alfred ay mag aaral at mag tatapus sa sa Amerika. Mahirap man sa lugar ng kanyang ina ay dapat siyang pumayag para narin sa kinabukasan ng kanyang anak. Matagal pinag isipan ni Lanie ang lahat sa pag sang ayon ng kanyang asawa.

Pag – uwi ni Alfred sa kanilang bahay ay sinalubong niya ang kanyang ina upang ibalita ang masayang nangyari sa kanya sa araw na iyon, kasama si Angela . sa kanilang tahanan ay laging Masaya walang malungkot at walang nag aaway, ngunit sa isang balita tumigil ang kanilang kasayaha. Sinabi ni Lanie kay Alfred ang balak nilang mag asawa sa kanilang anak. Nagtampo si Alfred sa kanyang ina ngunit sa huli ito rin ay naayos din dahil naisip niya na para sa kanya rin ang ginagawa ng kanyang mga magulang. Niyakap niya ang kanyang ina habang pumapatak ang luha sa kanyang mga mata na tila butil ng mais. Naawa si Lanie sa knayang anak dahil mapapahiwalay ito sa kanya. Hindi mawari ni Alfred kung paanu ito sasabihin sa kanyang matalik na kaibigan; si Angela.

Sumunod na araw, nagkita sila ni Angela sa kanilang tambayan sa puno, malapit sa tabing ilog. Nag usap silang dalawa, una ay Masaya sila ngunit nung banggitin na ni Alfred ang pag punta niya ng Amerika ay tila baga lungkot ang dumaloy sa kanialng dalawa. Matagal silang hindi magsasama at mag kikita dahil sa pag alis ni Alfred. Pinuno nila ang araw ng masasayang bahay upang kahit sa kanilang huling pagsasama ay maramdaman nila na sila pa rin ay magkaibigan hanggang pagtanda. Lahat ng laro ay kanilang ginawa, umaga hanggang gabi sila ay magkasama, sinusulit ang huling araw na sila ay magkasama, ngunit sa paghahatid ni Alfred kay Angela ay biglng napaluha si Angela, niyakap nito ng mahigpit si Alfred. Alam na ni aling Margie ang pag alis ni Alfred ngunit hindi niya ito sinabi kay Angela dahil ang gutso niya ay ang mga bata ang mag usap tungkol dun.

Sa araw ng pag alis ni Alfred patungong amerika sinundo siya ng kanyang ama sa kanilang tahanan. Sa huling pamamaalam, pumunta si Angela sa bahay nila Alfred upang magpaalam, kinuhanan niya ito ng litrato , gayon sa pag alis ni Alfred ay mayroon siyang alaala dito. Pagka alis ni Alfred ay lungkot at takot ang kanyang naramdaman. Dahil sa pagkahiwalay sa matalik na kaibigan.

Sa pag alis ni Alfred, nag aral si Angela ng hayskul at nakapagtapos. Kahit na natatakot sya dahil sa mga nang aaway sa kanya at wala na ang kanyang tagapagtanggol, nagging malakas ang kanyang loob, sa pagdadalaga ni Angela, nakita ang mga magagandang katangian nang isang dalaga sa kanya. Nag – aral siya ng kolehiyo at nagtapos sa kursong Hotel and Restaurant Management. Natulungan niya ang kanyang ina sa kanilang negosyo sa bayan. Napatakbo nila ito ng maayos. Kahit sa pagtanda nila ay hindi pa rin naalis ang mga alaala ng kanyang matalik na kaibigan, lagi niya ini isip kung nassa mabuti bang kalagayan si Alfred, at kung naiisip din siya nito gaya ng ginagawa niya.

Sa araw ng pagbabalik ni Alfred sa kanilang tahanan, sinundo siya ng kanyang ina sa Amerika upang makasigurado na sasama ang kanyang ‘big boy’ pag uwi sa Pilipinas. Habang sa bahay nila ay naghahanda ang mag ina ni Angela sa pag uwe ni Alfred. Inayos nila ang mga dekorasyonsa bahay at naghanfa ng masasarap na pagkain. Sa pagadating ng sasakyan nila Alfred ay pagka sabik ang naramdaman ni angela. Sinalubong ni Margie si Lanie ng masayang mukha, at hinanap agad ni Angela si Alfred. Si ya ay laki sa amerika kaya hindi na siya sanay sa klima dito sa Pilipinas. Hinintay ni Angela na lumabas si Alfred sa sasakyan pero hindi parin ito lumabas. Tinawag ni LAnie ang kanyang anak sa sasakyan, nagulat si Angela sa kanyang nakita, isang gwapo at nakisig na binata ang lumabas. Hindi akalain ni Angela na ang binatang iyon pala ay si Alfred. Lalong nahulog ang loob at pag kasabik na nararamdaman ni Angela kay Alfred. Ngunit paglapit ni Alfred , mga pang iinsulto ang sa pinas ang kanyang mga sinabi. Maarte na ang kanyang ugali sa mga bagay na nakapaligid sa kanya, kumain silang lahat ng sabay sabay, habang nagpapalitan ang magkumare ng masasayag kuwento. Si Alfred at Angela naman ay hindi mag kasundo. Inalok ng sago’t gulaman ni Angela si Alfred, ngunit may sinabi si Alfred na nakasakit sa dalaga, “madumi daw ang pinapainom na iyon sa kanya” wika ni Alfred. Sumama ang loob ni Angela sa puntong iyon, dahil sa kung anu – ano pa ang sinabi ni Alfred sa kanyang ginawa. Sa loob ni angela, hindi na niya matanggap na ang Alfred na kilala niya ay tila nagbago na. Nagsimula na ang araw ni Alfred maninrahan sa pinas. Nanibago siya sa kanyang paligid, pinagsabihan siya ng knyang ina na humingi ng tawad kay Angela fahil sa pang babastos na ginawa nito sa dalaga, nagulat si Angela sa pagpunta ni Alfred sa bahay nila. Humingi ito nga tawad sa ngunit ito ay napilitan lamang. Sumang – ayon naman ang dalaga kahit nasaktan ito sa mga sinabi ni Alfred. Kahit nakahingi na ng tawad si Alfred ay tampo parin ang nasa isip niya. Sila ay nag aasaran sa tuwing nagkikita at hindi matigil na bangayan araw – araw.

Nalaman ng manliligaw ni Angela ba umuwi na ang kanyang kababata. Joseph ang ngalan ng manliligaw ni Angela ngunit ayaw pa nito magkaron ng kasintahan. Hindi mapakali si Joseph, dahil ang pinakamamahal ni Angela ay nagbalik na. Mayaman ang pamilya ni Joseph, at nalaman nito na may alita si Angela at Alfred, ngunit nangagamba siya nab aka magkasundo ulit ang dalawa.

Sa samahan naman ng magkumareng si Margie at Lanie ay pinagdiwang ang pagkikita sa paglabas. Pumunta sila sa isang sayawan kung sa sila ay nagpaturo ng ballroom dancing. Masaya silang dalawa na tila dalagang nagpapansin sa lalaking nagtuturo sa kanila magsayaw.

Nagsimula na naman ang araw nilla Alfred at Angela na may alitan. Nahulog pa si Alfred sa silya, habang tawa ng tawa naman itong si Angela, naasar si Alfred sa ginawa ng dalaga. Pinagsabihan ni Alfred ang dalaga. Habang sila ay nagtatalo, pumasok sa bahay nila si alex para awatin si Alfred. Tinutukan niya ito ng patalim na ikina gulat ng dalawa. Natakot si Angela sa pwedeng gawin ni Alex kay Alfred kaya kinausap niya ito ng masinsinan, sinabi nito na naglalambingan lamang sila ni Alfred at tigilan na ang pagtutok nang patalim dito. Napakiusapan ni Angela si Alex at ito ay umalis na. umuwi narin si Alfred sa kanila na may takot na nararamdaman dahil sa pangyayari. Ngunit hindi parin natigil ang pagbabangayan ng dalawa hanggang sa isang araw nagbago ang tingin ni Alfred sa dalaga, nagging magaan ang loob niya dito, dahil narin nahulog siguro ang loob nito kay Angela. Nakikita niya si Angela sa bintana na nakapang dalaga ang suot kaya biglang nahulog ang loob nito sa dalaga.

Nalaman at naramdaman ni Angela na nagbago na ang kanyang matalik na kaibigan. Nag iba na ang ugali nito habang tumatagal, kaya simula non ay hindi narin siya nangasar at iniwasan niya nalang ito. Isang araw binigyan ng bulaklak ni Alfred si Angela sa karinderia bilang kapalit sa mga ginawa nito sa dalaga. Natawa naman si Angela sa binigay ni Alfred sa kanya. Nang Makita ni Joseph ang masayang mukha ni Angela ng tinanggap ang bulaklak na bingay ni Alfred ay pagkainis ang kanyang naramdaman.

Naging magkaibigan ulit ang dalawa. Bumalik ang datin nilang pagsasamahan na parang bata. Naging malapit ang loob nila sa isa’t – isa, masayang silang nagsama ulit, ngunit may hadlang sa kanilang pagsasama, si Joseph. Sinimulang ni Alfred ang panliligaw sa dalaga, simula ng nagkasundo sila, sumigla ang pagsasamahan nila . halos araw-araw silay magkasama at pinupuntahan ang dating tagpuan.

Nag sama ng masaya sina Alfred at Angela, ngunit ang kanilang mga magulang ay may kunting alitan. Nalaman ng kanilang magulang na may gusto ang isat – isa kay Alex, ang nagtuturo sa kanila ng sayaw. Nag iba ang pag sasamahan ng magkumare. Lihim silang dalawa nakikipagkita kay Alex at lumalabas. Nag iba ang turingan nilang dalawa dahil sa isang lalaki kaya pati kanilang mga anak ay ndadamay sa alitan nila.

Pinagsabihan nila Lanie at Margie ang kanilang mga anak na maghiwalay na dahil masama raw ang ugali ng isat – isa. Naguluhan bigla ang sina Angela at Alfred dahil pagkabata palang ay gusto na nang mga magulang nila na sila na an gang magsama at magkatuluyan pero ngayon ay pilit naman sila pinaghihiwalay. Kaya sila ay gumawa ng paraan para maayos ang kanilang mga magulang.

Pinagbawalan na si Angela makipagkita kay Alfred, hindi na siya pinalabas at ang kanilang mga magulang ay hindi na rin nag papansinan. Ngayon promblema naman ni Alfred at Angela ang kanilang mga magulang. Gumawa sila ng paraan upang magkita at makapag usap. Nagpunta sinan angela sa sayawan kung saan sumayaw ang kanilang mga magulang. Kinausap nila si ALex at pinagsabihan. Si Alex ay may asawa’t anak. Ngunit hindi niya ito sinasabi sa kanyang mga tinuturuan. Sinabihan nila ito na tigilan na ang kanilang mga magulang. Upang matigil na ang alitan nito.

Pag – uwi sa kanila, kasama nila Alfred at Angela si Alex para pag usapin ang kanilang mga magulang. Sinabi ni Alex ang tungkol sa kanya. Napatigil sina Lanie at Margie ng narinig ang sinabi ni Alex. Sinabi ni Alex na magbati na ang mag kumara fahil hinfi iyon magada, bukod pa ron ay higit na naapektuhan ang pag iinigan ng kanilang mga anak.

Kinaumagahan si Lanie ang unang pumunta sa bahay nila Margie at nakipag usap tungkol sa alitan nilang magkaibigan, nagpsasensyahan ang dalawa at isipin nalang nawalang nangyari at sunuportahan nalang ang pagmamahalan ng kanilang mga anak. Simula ng mag usap sila nga maayos. Naayos nila ang gusot sa kanilang mga pamilya.

Silang lahat ay naging masaya at nagsama ng puno ng pagmamahalan. Naging magkaibigan ulit ang kanilang mga magulang at nagsama ng punonh puno ng pagmamahalan sina Alfred at Angela.

Saturday, February 27, 2010

Short Short Story

Textmate mo, Textmate ko
Charissa Mae R. Peraz
BSBM II – irreg.

Isang bayan sa lalawigan ng Kabite ay may magkakaibigan ang nag-aaral sa isang unibersidad, sila ay magkakasama sa iisang boarding house. Ang kanilang turingan ay para nang magkakapatid, wala silang inililihim sa isa’t isa. Si Jovy ay masayahin at matalino na taga Magallanes. Samantala si Rita naman ay tahimik at mapagmasid, taga Maragondon at si Lyca at Lonnie naman ay pawang taga Bulacan. Nagkakilala silang apat sa unibersidad at nagkataon naman na nagkasama-sama sila sa isang boarding house, silang apat maraming pagkakatulad kung kaya hindi sila nahirapang pakisamahan ang isa’t isa. Ang isa sa pinakahihiligan nila ay ang makipagtextmate. Gayunpaman, ay hindi naman ito nagiging hadlang sa kanilang pag-aaral sapagkat ang priority nila ay makatapos sila sa kursong kinukuha nila. Sina Jovy, Rita, Lyca at Lonnie ay hindi magkakasabay na pumapasok dahil magkakaiba ang schedule na nakuha nila at kung minsan wala silang panahon na makapag-usap kung sila’y nasa campus dahil wala silang pagkakataon na makita ang isa’t isa, kung kaya puno sila ng usapan kapag nakauwi na silang lahat sa boarding house, at ang kasama nilang si Rita ay unti-unti nilang nababago ang ugaling tahimik at nakikisabay na ito sa kanilang mga tawanan, kulitan at kalokohan. Bukod sa usapan ukol sa maghapon nila sa campus ay napag-uusapan din nila ang kanilang mga katextmate, kung minsan nga ay nagpapalitan o nagbibigayan pa ang mga ito at saka nagkakasundo na pagtripan ang kanilang mga katext, mahilig silang magpaikot at mambola ng lalake sa text at titigil na kung sawa na. At ito ang kanilang nagiging pampalipas oras kung tapos na sila sa mga dapat nilang gawin.
Isang gabi, may dumating na mensahe sa cellphone nina Jovy, Rita, Lyca at Lonnie na nanggaling sa hindi kilalang numero, ang laman ng mensahe ay “gndang gbi, pwd po makipgtxtm8?” Ang apat sa kani-kanilang silid ay napa-isip kung sino ang nagtext, at dahil sa hilig nila ang makipagtextmate ay sinagot nila ang mensahe ng “oo” at tinanong nila kung ano ang pangalan niya. Nagpakilala ang nagtext sa iba’t ibang ngalan, ang pakilala nito kay Jovy ay Nathaniel, Leonard naman kay Rita, kay Lyca naman ay Ivan at Andrew naman ang pakilala kay Lonnie. Ngunit ang totoong pangalan nito ay Mathew, isang lalaki na matangkad, moreno, mayaman, matalino, mabait at sobra magtiwala at magmahal o almost perfect kung baga na hilig din ang makipagtext sa mga babae siya ay taga Imus, Kabite. Maayos ang naging takbo ng pakikipagpalitan ng mensahe ng apat kay Mathew (na lingid sa kaalaman nila ang tunay na pangalan) at hindi na nila natanong kung saan at kung paano nalaman ang number nila, dahil si Mathew ay mahusay makipagtext at makipagkilala sa iba’t ibang babae, magaling din siyang mambola sa mga ito. Ilang linggo ang lumipas ay tuluy-tuloy pa rin ang pakikipagtext ni Mathew kina Jovy, Rita, Lyca at Lonnie, hanggang sa sinimulan na nito ang panliligaw sa apat. Sa mga mensahe naman na pinapadala ni Mathew ay kinikilig na mabuti ang apat at madalas silang napupuyat sa kanilang pakikipagtext at naging pang-araw-araw na nila itong gawain. Isang umaga, nagkaabutan ang apat sa boarding house, si Lonnie na palaging una sa kanilang naalis ay nakita pa ng tatlo na hindi pa nakabihis at nakaupo pa sa kanilang hapag kainan animo’y nagmumuni-muni, sina Rita, Jovy at Lyca naman ay halos magkakasabay na nagising na ni minsan ay hindi pa nangyari sa kanila dahil si Lyca ang pinakahuli na nagigising sa kanila dahil ito ang tanghali na ang schedule sa kanila. Nagtaka tuloy si Lyca sa kanila, wika niya “oh, bakit mukhang mga bagong gising palang din kayo ha? Rita at Jovy, di ba dapat ay papaalis na kayo at naghahanda sa pagpasok at bakit si Lonnie ay nandito pa rin, huli ka na ah? Oo nga eh sobrang huli na talaga ako nito, hindi na ako papasok sa una kong klase ang tugon ni Lonnie. Ang nagmamadaling ani naman ni Rita kay Lonnie “bakit nahuli ka ngayon ha at mukhang puyat na puyat ka pa ah”, animo’y may ibig ipahiwatig. Si Jovy ang tumugon, siguro may katext ka kagabi ano? ang pabirong sagot niya, “siguro nga ano” ang makulit na panggagatong ni Lyca.tumugon naman si Lonnie ng “kayo di naman ah, mukhang mga puyat siguro may mga katext din kayo kagabi noh? udyok niya sa mga kasama at saglit na nagkakulitan ang tatlo habang si Rita naman ay tumuloy na sa pagpasok.
Kinahapunan ay naging abala ang apat lahat sila ay diretso kaagad sa kani-kanilang silid at kunwa’y mga abala sa kanilang pag-aaral, ngunit ang textmate nilang si Mathew ang kanilang inaatupag. Unang beses na nangyari sa kanila na hindi man lang nila pinag-uusapan na may mga bagong textmate pala sila. Si Mathew naman ay patuloy ang pakikipagpalitan ng mga nakakakilig na mga mensahe sa apat, isa sa kanyang mga paraan ang pagpapadala niya ng mga usong pick up lines. Dahil din sa mga ito ay unti-unti nang nahuhulog ang loob nina Jovy, Rita, Lyca at Lonnie sa kanya. At hindi naman nagtagal ay sinagot siya ng mga ito kahit na hindi pa sila nagkikita, ang huling sumagot sa kanya ay si Lyca sapagkat pihikan ito at ayaw niya sa ganoong relasyon ngunit di rin niya napigil ang kanyang damdamin para kay Mathew. Ang hindi naman alam ng apat sapagkat hindi na nila napag-uusapan ang kanilang textmate ay nagkaroon na pala sila ng iisang kasintahan. Pagkatapos ay pinlano na ni Mathew ang susunod niyang hakbang para sa apat, tuwang-tuwa siya na napasagot niya ang apat kahit na wala naman siyang nararamdaman para sa isa sa mga ito at ang tanging nais niya lamang ay ang maghiganti kahit na alam niya na masama ang bagay na ito at lagi niyang tinatanong sa sarili kung tama ba ang kanyang ginagawa. Ang sumunod niyang hakbang ay inaya niya sina Jovy, Rita, Lyca at Lonnie na makipagkita sa kanya sa mall sa magkakaibang araw, una niyang inaya si Rita, pumayag naman ang dalaga na makipagkita sa isang Mall sa DasmariƱas, Kabite sa araw na sabado. Dumating ang araw ng sabado, si Rita ay nagpaalam sa kanilang landlady at sa kanyang mga kaibigan. Aling Aida! alis po muna ako, paalam ni Rita. Nang-usisa naman si Lyca kung saan ito pupunta ngunit nang sabihin ni Rita na gagawa ito ng project sa bahay ng kaklase niya ay hindi na ito muli pang nagtanong. Nakarating na nga si Rita sa usapan nila ni Leonard at nagpadala ito ng mensahe “Leonard saan k n? nand2 n ko, nakapink n blouse at white na pants ako”. Nagreply naman si Mathew, “nand2 ko sa my department store nakablue na polo”. At nagkita na nga ang dalawa si Rita, hindi alam ang kanyang gagawin sa kanilang pagkikita sobrang humanga na kaagad siya kay Leonard at pakiramdam niya lalo na yata siyang nahuhulog dito. Ang tingin naman ni Mathew kay Rita ay isang dalagang mahinhin at mahiyain. Ngunit hindi naman hinayaan ni Leonard na manahimik na lang silang dalawa, gusto pa niyang makilala lalo si Rita kung kaya marami siyang tinatanong dito habang sila ay kumakain. Pagkatapos nila kumain ay sinigurado ni Mathew na hindi malilimutan ni Rita ang araw na iyon kaya naglaro sila sa quantum at naging sobrang saya nila at si Rita ay nawala na rin ang pagkahiya sa kasintahan na noon pa lamang nakita. At hindi pa doon natapos ang gimik ni Mathew sapagkat bago sila maghiwalay ay binigyan pa niya ito ng isang maliit na stuff toy kunwa’y nahihiya pang tanggapin ni Rita ngunit kinuha din at nagwika, “nakakahiya naman pero salamat ha!”. Hanggang sa pag-uwi si Rita ay labis ang tuwa sa kanyang naging araw samantala si Mathew ay masaya din sapagkat unti-unti nang natutupad ang kanyang mga plano. Bago dumating sa boarding house ay itinago na ni Rita ang bigay sa kanya ni Leonard dahil ayaw niyang mausisa pa siya at sa boarding house hindi niya maalis ang tuwa sa kanyang mukha at sobrang napa-inlove talaga siya ni Mathew. Napansin agad ito ng kanyang mga kaibigan kung kaya hindi pa rin siya nakaligtas sa mga ito at nagsimula pa rin ang pang-uusisa sa kanya at panay naman ang pagtanggi niya sa mga tinatanong ng mga kaibigan. Sa puntong ito unti-unti nang nagkakaroon ng tampo sa kanya ang kanyang mga kaibigan dahil naglilihim na siya sa kanilang samahan. Unti-unti na ring nawawala ang pagiging malapit nila sa isa’t isa dahil palagi nalang silang nagkukulong sa silid at nakikipagtext.
Sa sumunod na sabado ay inaya ni Ivan si Lyca na noong una ay ayaw pang pumayag na makipagkita sa kanya dahil pihikan nga ito at mailap sa mga lalaki, ngunit pinilit talaga ito ni Ivan at napapayag niya din. Tulad ng mga ginawa ni Mathew sa unang pagkikita nila ni Rita ay ganoon din ang kanyang ipinakita at ipinaradam kay Lyca sapagkat gusto din niya itong makilala pa, ngunit magkaiba ang naging pakikitungo niya kay Lyca dahil di tulad ni Rita si Lyca ay hindi mahiyain. Gaya naman ni Rita si Lyca ay mas lalo pa ding nahulog ang loob kay Ivan dahil sa taglay nitong mga katangian. Sa pag-uwi naman ni Lyca mayroon ding pabaong alaala si Mathew ngunit iba ito sa ibinigay niya kay Rita, kwintas ang ibinigay niya dito. Si Lyca ay tuwang-tuwa sa naging unang pagkikita nila ni Ivan, lalo pa at sinigurado talaga ito ni Ivan. Pagdating naman ni Lyca sa boarding house ay hindi niya rin nagawang makapagkwento sa mga kaibigan.
Ang paghahanda namang ginagawa ni Mathew ay para sa pagkikita nila ni Jovy, nagbasa siya ng mga jokes dahil sa mga araw na magkatext sila ay napansin niya na masayahin ito. Si Jovy ay excited sa kanilang pagkikita ni Nathaniel at dahil sa masayahin ay namukod tangi siya sa kanilang magkakaibigan naikwento niya sa kanyang mga kaibigan na makikipagkita siya sa kanyang textmate na ang pangalan ay Nathiel, hindi naman nagduda ang nauna nang nakipagkita kay Mathew dahil sa magkakaiba naman ang pakilala nito sa apat na magkakaibigan sa halip ay na’excite din ang mga ito para sa kanilang kaibigan. Ang pagkikita nina Nathaniel at Jovy ay naging kaiba kina Rita at Lyca dahil sa sobrang masayahin nga si Jovy naging sobrang saya ng kanilang unang pagkikita sapagkat pinasaya din ito ni Nathaniel dahil sa mga baon nitong jokes, at kagaya naman nina Lyca at Rita ay madali ding lumalim ang pagtingin ni Jovy kay Mathew. Gayunpaman, pinaibig niya talaga si Jovy katulad ng ginawa niya sa dalawa at nakita naman niya na nagtatagumpay siya. Si Jovy ay nakatanggap din ng isang regalo mula kay Nathaniel at ito naman ay isang bracelet na nahihiya pang kunin ni Jovy aniya “nakakahiya naman, mukhang mamahalin ito ah, sigurado ka ba?” “oo, kunin mo na para sa’yo talaga ‘yan” ang tugon ni Nathaniel. Kung kaya napilitan na lamang siyang kunin ito. Pagkauwi naman ni Jovy sa boarding house ay ikinwento kaagad niya ang nangyari sa pakikipagkita sa katext niya at hindi niya sinasabing boyfriend na niya ito. Kilig din naman ang mga kaibigan sa kwento niya at ipinakita pa nito ang regalo sa kanya, “ang galante at ang bait ng katext ko binigyan ako ng bracelet, kakahiya nga tanggapin eh kaso ipinilit niya” ang pagmamalaking sabi ni Jovy. Umimik si Lonnie na “sana galante din ang boyfriend ko sa text pag nagkita na kami” at nagulat ang mga kaibigan dahil sa nabanggit. Alam kasi nila na hindi nito hilig ang makipag-on sa text.
Ang sumunod na sabado ay laan na para kay Lonnie, biyernes ng hapon may nagtext kay Lonnie at ito ay si Andrew. Inaya na nito si Lonnie na makipagkita sa kanya. Hindi alam ni Lonnie ang isasagot niya pero sa isip niya ay gusto niyang makipagkita, kaya tingala sa langit siyang sumagot kay Andrew na payag siya. At dumating na ang araw, mga tanghali ng sabado ay umalis si Lonnie at tumungo sa usapan nila ni Andrew. Sa pamamagitan ng cellphone ay nagkatagpo din sila. At sa una nilang pagkikita tulad ng kina Lyca, Rita at Jovy ay ipinasyal, pinakain at naglaro din sila sa laruan sa mall, ngunit ang iba naman sa kanila ay nanuod sila ng sine dahil sa gusto ni Mathew na maiba ang pakikipagkita niya kay Lonnie dahil sa nabighani siya dito. Ngunit si Lonnie ay iba sa tatlo niyang kaibigan kahit na sinagot niya si Andrew sa text gusto niya na mas makilala niya muna ito ng lubos kahit marami itong magagandang katangian sa unang tingin pa lamang. At gaya ng nakagawian ni Mathew ay may regalo din siya kay Lonnie, isang singsing ang ibinigay niya dito. Ngunit hindi naman ito tinanggap ni Lonnie dahil sa paniniwala niya na isang mahalagang simbolo ito para sa mga nag-iibigan at hindi dapat ibinibigay ng ganoon lang. nakaramdam ng pagkachallenge si Mathew kay Lonnie at nasabi niya sa sarili “kakaiba ‘tong babaeng ito, huwag sana ako tuluyang mahulog sa kanya. Muntik nang mabago ni Lonnie ang isip ni Mathew na ipagpatuloy pa ang balak niya ngunit sa tuwing maaalala niya ang nakaraan niya ay nagiging buo ulit ang loob niya at kinakalimutan niya ang paghanga niya kay Lonnie. Sa pag-uwi ni Lonnie tanging siya lamang ang umuwi na walang dalang regalo galing kay Mathew. Excited pa naman ang kanyang mga kaibigan na sumalubong sa kanila upang itanong kung ano ang nangyari sa pakikipagkita niya. Hindi naman malungkot si Lonnie dahil masaya din naman ang naging pagkikita nila ng textmate niya. Pagkatapos ng mga pangyayaring ito ay muling nanumbalik ang kwentuhan at kulitan ng apat at nawala din ang kanilang munting tampuhan. Naging bukas na muli sila na pag-usapan ang kanilang mga textmate at inamin nila na seryosohan na ang relasyon nila sa kani-kanilang textmate at malalim na ang kanilang pagtingin kung kaya hindi nila naisip na pagtripan ang kanilang texmate gaya ng dati nilang gawain.
Samantala, habang si Mathew ay nasa kanyang silid ay nag-iisip itong muli ng gagawin niyang paghihiganti sa apat dahil ang hindi alam nina Jovy, Lyca, Rita at Lonnie na sa minsang pagtitrip nila noon sa kanilang mga katextmate ay isa si Mathew sa kanilang nasaktan ang damdamin. At dahil kinilala niya ang mga dalaga hindi niya lubos maisip na kaya ng mga ito na manloko ng tao na taliwas naman sa mga ipinakita ng mga ito sa kanilang pagkikita.
Tuluy-tuloy pa rin ang komunikasyon ng bawat isa kay Mathew samantala, Isang araw may dumating na mensahe sa cellphone nina Jovy, Rita, Lyca at Lonnie, ang mensahe ay galing kay Mathew na kilala nga ni Jovy sa pangalang Nathaniel, Leonard kay Rita, Ivan naman kay Lyca at Andrew ang pagkakaalam ni Lonnie. Ang mensahe nila ay iisa at naglalayon ito na sila ay muli sanang makipagkita sa binata. Ang apat na magkakaibigan naman ay sumang-ayon sa nais ng binata at ginanap itong muli sa araw na sabado. Dahil sa madalas na ulit silang mag-usap ay nagkapalitan sila ng plano nila para sa araw ng sabado at napagkasunduan nila na magsabay-sabay na at magsama-sama na sa pakikipagkita sa boyfriend nila at upang maipakilala na rin nila ito sa isa’t isa. Naging masaya pa sila na inaasahan nila na magiging isang grupo sila ng mga lovers. Lingid sa kaalaman nila na hindi ito magiging mabuti para sa kanila. Dumating na nga ang araw na pinaghandaan ni Mathew, hindi niya inaasahan na magsasama-sama sa pagsipot ang magkakaibigan sapagkat magkakaiba ang oras na ibinigay niya. Kung kaya itinodo na niya ang plano niya, nilapitan niya ang apat na magkakaibigan ng sabay-sabay, habang papalapit naman siya ay pasimpleng nagbubulungan ang magkakaibigan at sinasabing papalapit na ang boylet nila ngunit hindi sila nagkakaintindihan sapagkat excited sila at hindi nila alam na isa lang pala ang lalaking tinitingnan nila. Nang makarating si Mathew sa harap nina Jovy, Rita, Lyca at Lonnie, nakipagkamay siya kaagad at nagpakilala sa tunay niyang pangalan, “hi I’m Mathew also known as Nathaniel, Leonard, Ivan and Andrew, how are you girls?” ang malakas ang appeal na wika ni Mathew. Nagulat at nagalit na napapaiyak ang apat sa kanilang narinig, hindi sila makapaniwala na isang tao lamang pala ang araw-araw nilang nakakatext at minsan nilang nakasama sa paggawa ng magandang alaala sa mall. Sina Rita, Jovy, Lyca at Lonnie ay sobrang nasaktan at nalungkot sa kanilang natuklsan dahil sa sobrang napamahal na si Mathew sa kanila na nakilala nila sa magkakaibang pangalan. Si Lonnie di man niya lubos naipinagkatiwala ang sarili kay Mathew o mas kilala niyang Andrew ay aminado siya na nagustuhan niya din ito at labis ang panghihinayang niya dahil marami pa naman itong magagandang katangian. Samantala, nag-alala naman si Lonnie sa kanyang mga kaibigan dahil alam niya na labis nang minahal ng tatlo si Mathew at sobrang nasasaktan ang tatlo, di man aminin ng mga ito ay bakas sa kanilang mga mukha ang nararamdaman. Si Rita ay nasampal si Mathew dahil sa naramdamang sobrang galit na hindi na nito napigil, puno sila ng pagtatanong kung bakit o kung meron bang kahit isang totoo sa mga ipinakita at sinabi ni Mathew sa kanila. Si Lonnie naman na may pinakamahinahong loob na ang naglakas loob na magtanong kay Mathew kung bakit niya nga kaya nagawa iyon sa kanila. Ang tugon naman ni Mathew ay “hindi ko sinasadya na gawin sa inyo iyon pero pinilit niyo ako na gawin ‘yon. Nagtaka sila sa sinabi ni Mathew, hindi nila maintindihan ang ibig nitong sabihin. Kaya hiniling nila na linawin ang gusto nitong sabihin, ipinaliwanag naman ni Mathew ang panig niya at maayos namang nakinig ang magkakaibigan. Natuklsan nila na dahil sa kanilang kapilyahan at kalokohan ay mayroon na pala silang mabuting tao na nasasaktan at sa hindi nila nalalaman ay may natutong maghiganti sa kanyang kapwa. Na ang dati pala nilang napagtripan na si Mathew ay minsang naging seryoso sa kanila na hindi nila alam ay pare-pareho nilang nasaktan. Ngayon, nagsisisi sila na kung hindi sana nila naging libangan ang manloko ng textmate eh di sana’y wala silang dapat na ipagkasisi at magaan sana ang loob nila.
Gayunpaman, masakit man ang naging wakas nila ay tinanggap na lamang nila ang katotohanan at humingi sila ng tawad para sa sakit na naidulot din nila kay Mathew, ngunit iba si Rita sa kanila dahil hindi niya ito natanggap. Pag-uwi nila sa boarding house ay tahimik silang lahat at si Rita ang unang nagsalita, paninisi niyang sabi “kayo kasi, bakit niyo ba ako sinama sa mga kalokohan niyo?” at sa sinabi niyang ito ay nagalit ang tatlo sa kanya dahil hindi naman sila nagpipilitan pagdating sa bagay na iyon dahil pampalipas oras lamang nila iyon at malay nila na mauuwi sila sa totohanan. Ngayon, hindi nila maibalik ang dati nilang samahan dahil sa nangyari sa kanila, ang boarding house na dati ay puno ng tawanan at kulitan ay mayroon na ngayong ilangan na sanhi ni Rita dahil ayaw pa rin niyang tanggapin na nakarma sila. Si Mathew naman nakapaghiganti man ay hindi pa rin siya labis na naging masaya dahil alam niya na nakasakit din siya ng kanyang kapwa at nanghinayang din siya para kay Lonnie dahil naging matigas man ang damdamin ay napukaw pa rin nito ang puso ni Mathew. Yun nga lamang ay naging huli na para sa kanila ang lahat. Dahil na rin siguro sa kadahilanang hindi sila para sa isa’t isa.
Isang gabi matapos ang mga pangyayari malalim ang iniisip ni Rita sa kanyang silid, habang siya ay nag-aaral bigla siyang nagbalik alaala. Pumasok sa isip niya lahat ng malungkot at masakit na pangyayari ngunit natabunan ito ng maisip niya din na mas marami silang masasayang araw ng kanyang mga kaibigan kaysa sa mga araw na nakikipagtext lamang siya kay Mathew. Napag-isip-isip niya na dapat na niyang tanggapin ang lahat at muli nang makipagbati sa kanyang mga kaibigan dahil sumang-ayon din naman talaga siya kalokohan ng mga kaibigan. Kinabukasan, nakipagbati na nga si Rita at tinggap naman ito ng kanyang mga kaibigan, muli ay ibinalik na nila ang dati nilang buhay at konsentrasyon sa pag-aaral at binawasan na rin ang kanilang pakikipagtext at iniwasan na ang mangtrip na tao.
At ganoon nga ang nangyari sa kwento, ang paggamit ng cellphone ay dapat na gamitin sa tamang paraan at naaayon sa totoong gamit nito. Ang pakikipagtextmate naman ay hindi dapat na ginagawa kung may masama kang intensyon o layunin sa isang tao. Upang maiwasan ang maaaring makasakit sa damdamin ng ibang tao.