hello..

hello guys..

Sunday, March 28, 2010

Greetings

My dear students, I am very happy to see your works in Literature posted in here.
To those who were not able to post their outputs, you already know the consequences of such action...
To those who posted their pieces, congratulations..Your project had been recorded and seen by the visitors.
You can get your grade already. Just see me at the Faculty Room of the Department of Social Sciences and Humanities

Thanks...

Special Thanks to Ms. Sonto who created this Blog. God Bless

Monday, March 22, 2010

'MAGKAIBIGAN"

“ Magkaibigang matalik sina Samantha “Sam”, Jacob, at Vega. Simula pa noong first year high school ay magkakaibigan na sila. Bukod tanging si Sam lang ang babae sa tatlo,pero hindi na iyon mahalaga. Ang mahalga ay nagkakasundo sila. Nang dumating na sila sa college level, umalis si Vega para mag-aral sa Manila, habang silang dalawa ni Jacob ay naiwan sa San Juan.
Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya pero nang malaman niyang aalis na si Vega ay nalungkot siya at parang pakiramdam niya ay di na niya ito makikita. Oo. Aaminin niya sa sarili niya na may pagtingin siya para dito. Pero di niya sinasabi dahil ayaw niyang masira ang pagkakibigan nila. Hindi naman niya alam na lihim na nagbubunyi ang kaibigan niyang si Jacob dahil sa oras na umalis na talga si Vega ay popormahan siya nito.
“Babalik ka ba?” tanong niya kay Vega na may kahalong lungkot at pag-aalala.
“Oo naman. Kaya nga lang baka matagalan. Alam mo namng pagdodoktor ang kukunin ko.”.. sagot nito na parang napakalungkot,pero pinipilit na maging masaya.
“Basta lagi mo akong tatawagan o kaya iteteks ha.”., sabi niya na may halong paghikbi.
“Oo naman, ikaw pa.!” sagot nito na may halong pagtawa. “Teka,nasan nga pala si Jacob?”
“Ewan ko dun, nakakainis nga eh, di ko makita.” sagot niya habang palinga-linga sa paligid.
“Paano yon aalis na ko?.., basta sabihin mo sa kanya umalis na ko,hindi ko na siya mahihintay eh.” sabi nito na may pagtataka.
“Sige sasabihin ko.” sagot niya na may luha sa mga mata.
“Ba-bye..”sabay yakap sa kanya.
“Ba-bye.” Inihatid nalang niya ito ng tingin hanggang sa makalayo ito.
Nung unang mga buwan nakakatanggap lagi si Sam ng tawag ni Vega at mga teks pero nitong mga nakaraaaaa, din a niya ito makontak. Nanligaw sa kanya si Jacob, pero hindi niya ito pinapansin dahil wala siyang gusto dito,pero makulit ito at pinagsisiksikan ang sarili sa kanya. Hindi na rin siya naghintay ng tawag o teks ni Vega dahil talagang din a ito nagparamdam.
Labindalawang taon na ang nakakalipas, wala na rin siyang pangarap na uuwi pa si Vega sa lugar nila, dahil talagang nakalimot na ito. Nakatapos siya sa kurso niyang Culinary Arts. Meron na siyang sarili niyang Bake Shop at may naipundar na rin siyang sarili niyang sasakyan, habang ang kanyang mga magulang ay humiwalay na sa kanya ng tinutuluyan. Habang si Jacob naman ay lagi paring nangungulit sa kanya. Nakatapos ito ng Criminology, at masasabi naring magaling na pulis.,Pero wala talaga ditto ang atensyon niya.

“Sam, Bkit nakatunganga ka nanamn diyan?”..sabi ng kanyang kaibigang si Era.
“Wla, may iniisip lang ako.”.. sagot niya na parang inaantok.
“May chika nga pala ako sayo.” Sabi nito na halatang chismosa.
“Ano naman yun?”.. tanong niya na parang walang pakialam.
“Alam mo bang may itinatayong ospital dyan sa bayan?” sabi nito na tuwang tuwa.
“Oh bakit naman? Saka anog paki ko eh wala naman akong sakit?”.
“Kasi balita ko bata pa daw ang nagpapatayo nun!. Gwapo pa daw acheng!”. Sabi nito na kinikilig pa. Hindi na sumagot si Sam at hindi na lamang pinansin si Era.
“Haaayy…kahit kalian ka talaga! Hindi kaba naaawa sa sarili mo neng tumatanda kana at hanggang ngayon,NBSB ka parin!”. Sabi ni Era na may halong pan-iintriga.
“Huwag mo na nga akong pakialaman.” Sagot niya na parang irritable na sa prisensya ni Era.
“Nakuu bahla ka nga alis na ko.!” sabi nito sabay alis. Tiningnan niya lang ito.
Gabi na ng nakauwi si Sam sa tinutuluyan niyang bahay, nadatnan niya dun si Jacob na naghihintay.
“Bakit ka nandito?”., pagtatanong niya na walang makikitang emosyon.
“Nabalitaan mo na ba?”. Tanong nito na parang naiinis.
“Ang alin? Yun bang tungkol sa bagong itinatayong bagong ospital sa bayan?”.sagot niya na halatang walang gana. Binuksan niya ang pinto ng bahay at pumasok kasunod si Jacob.
“Isa yan sa mga pinunta ko dito,pero hindi lang iyon.”sagot nito na nakatitig sa kanya.
“Eh ano?” tanong niya na halatang naiilang sa pagtitig ni Jacob sa kanya.
“Si Vega umuwi na andito na siya.”sabi nito na may kahalong inis.
“Ha?talga?totoo ba yang sinasabi mo?”sagot niya na tuwang tuwa.
“Sabi ko na nga ba’t matutuwa ka!” sabi nito na halatng galit.
“Jacob,paano mo nalaman na umuwi na siya?” pagtatanong niya.
“Pinuntahan niya ko.”sagot nito na may kasamang inis.
“Talaga? Bakit ako hinde?”sabi niya na may halong lungkot.
“Aalis na ko.Sinabi ko lang sayo.”sabi nito saby alis at dabog ng pinto.
Hindi niya inintindi it at wala na syang pakialam dito basta ang nasa isip nya ay umuwi na daw si Vega. Kaya kahit anong oras ay pwede silang magkita.
Maagang pumasok si Sam sa bakery niya dahil linggo,alam nyang maraming kostumer..
“Mam,ay naghahanap po pala sa inyo”..sabi ng kanyang isang waiter..
“Ahh..talaga sino naman?..tanong nyang may pagtataka ..
“Ako”..sagot ng pamlyar na boses mula sa kanyang likuran..
Hindi agad siya humarap para makita ang kanyang nasa likuran, nag crossfinger muna siya at kinurot din nya ang kanyang pisngi.
“Hindi ka nanaginip”..sabi ng pamilyar na boses sa kanyang likuran..!”Humarap ka para makita mo ko..”
Humarap nga siya at talagang di sya nananaginip.,wala syang masabi dahil nalunok ata nya ang kanyang dila.
“Tititigan mo nalang ba ako?..” sabi nito na may halong pagngisi..
“Ahh,eh..Ano kasi nagulat ako sayo”..sabi nyang nag kanda utal-utal..
“Ha.?utal kaba..?tanong nito na may halong pagtawa”..”Naku,Samantha Garcia ang laki na ng pinagbago mo..”sabi nito na tiningnan sya mulu ulo hanggang paa.
Nahiya naman sya at namula ang kanyang mukha.
“Labas tayo”..yakag nito sabay hila sa braso nya kaya napasunod sya dito.
Dinala sya nito sa isang park pero hindi sila bumaba ng kotse.
“Kamusta kana?..”panimula nito
“Okay naman..”sagot nya na hindi na utal
“Balita ko wala kapang nagiging boyfriend hanggang ngayon ah,!bakit wala bang magtangka..?”sabi nito na may halong pag-ngisi.
“Ha..?panu mo nalaman?”tanong nya na napahiya
“Nag punta ako sa inyo kagabi,nakipag kwentuhan ako kila nanay at tatay!..
“Ah..bakit ka nga pala bumalik?..”sumulyap sya sa labas
Tumawa ito ng mahina..”Maybabalikan ako at may pinapatayo akng Ospital dito”..
“Ah..iyo pala yoh?ano naman ang babalikan mo?.”
“IKAW”..sagot nitong nakatitig sa kanya..
Natameme sya at halatang hindi makapaniwala..
“May babalikan pa naman ako diba?..”tanong nito ng hindi sya magsalita.
“Ah..ano kasi”..wala syang masabi..
“Ano?alam ko naming mahal mo ako eh..”sagot nitong tuwang-tuwa..
“Ang kapal naman ng mukha mo”..sagot nya na hindi alam kung maiinis o matutuwa..
Tumawa ito ng tumawa ay nagulat nalang sya ng yapusin sya nito.
“Uwi na tayo..”yakag nya dito..Agad naming pinaandar nito ang kotse at ihahatid nga sya.
Maagang pumasok si Sam sa Bakery dahil masayang-masaya sya sa mga nangyayari nitong mga nagdaang araw.Laging may surprise si Vega sa kanya na di nya inaasahang gagawin nito.
Pagpasok palang ni Sam ay iba na ang nararamdaman nya,wala ang kanyang mga empleyado,nagtataka sya kasi hindi naman ganon.Isa pa alas 7:00 na dapat bukas na dapat ang Bakery.Nagulat sya ng biglang lumabas si Vega doon at may dalang bouquet of flowers at may lamesang nakaayos duon with candle light pa..
“Anong ginagawa mo dito?..”tanong nyang may pagtataka..
“Syempre magpo-propose”..sagot nitong walang kahirap-hirap
“Ano?..”gulat na gulat
“Oo,total naman nandito na,bat patatagalin pa..”sagfot nitong seryoso.”Ano?WILL YOU MARRY ME?”tanong nitong lumuhod pa.
Nagulat sya ng biglang magsigawang “sige sagutin muna”kaya wala syang nagawa kundi sumagot ng…”YES,I WILL MARRY YOU..!”

"MAGKAIBIGAN"

“ Magkaibigang matalik sina Samantha “Sam”, Jacob, at Vega. Simula pa noong first year high school ay magkakaibigan na sila. Bukod tanging si Sam lang ang babae sa tatlo,pero hindi na iyon mahalaga. Ang mahalga ay nagkakasundo sila. Nang dumating na sila sa college level, umalis si Vega para mag-aral sa Manila, habang silang dalawa ni Jacob ay naiwan sa San Juan.
Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya pero nang malaman niyang aalis na si Vega ay nalungkot siya at parang pakiramdam niya ay di na niya ito makikita. Oo. Aaminin niya sa sarili niya na may pagtingin siya para dito. Pero di niya sinasabi dahil ayaw niyang masira ang pagkakibigan nila. Hindi naman niya alam na lihim na nagbubunyi ang kaibigan niyang si Jacob dahil sa oras na umalis na talga si Vega ay popormahan siya nito.
“Babalik ka ba?” tanong niya kay Vega na may kahalong lungkot at pag-aalala.
“Oo naman. Kaya nga lang baka matagalan. Alam mo namng pagdodoktor ang kukunin ko.”.. sagot nito na parang napakalungkot,pero pinipilit na maging masaya.
“Basta lagi mo akong tatawagan o kaya iteteks ha.”., sabi niya na may halong paghikbi.
“Oo naman, ikaw pa.!” sagot nito na may halong pagtawa. “Teka,nasan nga pala si Jacob?”
“Ewan ko dun, nakakainis nga eh, di ko makita.” sagot niya habang palinga-linga sa paligid.
“Paano yon aalis na ko?.., basta sabihin mo sa kanya umalis na ko,hindi ko na siya mahihintay eh.” sabi nito na may pagtataka.
“Sige sasabihin ko.” sagot niya na may luha sa mga mata.
“Ba-bye..”sabay yakap sa kanya.
“Ba-bye.” Inihatid nalang niya ito ng tingin hanggang sa makalayo ito.
Nung unang mga buwan nakakatanggap lagi si Sam ng tawag ni Vega at mga teks pero nitong mga nakaraaaaa, din a niya ito makontak. Nanligaw sa kanya si Jacob, pero hindi niya ito pinapansin dahil wala siyang gusto dito,pero makulit ito at pinagsisiksikan ang sarili sa kanya. Hindi na rin siya naghintay ng tawag o teks ni Vega dahil talagang din a ito nagparamdam.
Labindalawang taon na ang nakakalipas, wala na rin siyang pangarap na uuwi pa si Vega sa lugar nila, dahil talagang nakalimot na ito. Nakatapos siya sa kurso niyang Culinary Arts. Meron na siyang sarili niyang Bake Shop at may naipundar na rin siyang sarili niyang sasakyan, habang ang kanyang mga magulang ay humiwalay na sa kanya ng tinutuluyan. Habang si Jacob naman ay lagi paring nangungulit sa kanya. Nakatapos ito ng Criminology, at masasabi naring magaling na pulis.,Pero wala talaga ditto ang atensyon niya.

“Sam, Bkit nakatunganga ka nanamn diyan?”..sabi ng kanyang kaibigang si Era.
“Wla, may iniisip lang ako.”.. sagot niya na parang inaantok.
“May chika nga pala ako sayo.” Sabi nito na halatang chismosa.
“Ano naman yun?”.. tanong niya na parang walang pakialam.
“Alam mo bang may itinatayong ospital dyan sa bayan?” sabi nito na tuwang tuwa.
“Oh bakit naman? Saka anog paki ko eh wala naman akong sakit?”.
“Kasi balita ko bata pa daw ang nagpapatayo nun!. Gwapo pa daw acheng!”. Sabi nito na kinikilig pa. Hindi na sumagot si Sam at hindi na lamang pinansin si Era.
“Haaayy…kahit kalian ka talaga! Hindi kaba naaawa sa sarili mo neng tumatanda kana at hanggang ngayon,NBSB ka parin!”. Sabi ni Era na may halong pan-iintriga.
“Huwag mo na nga akong pakialaman.” Sagot niya na parang irritable na sa prisensya ni Era.
“Nakuu bahla ka nga alis na ko.!” sabi nito sabay alis. Tiningnan niya lang ito.
Gabi na ng nakauwi si Sam sa tinutuluyan niyang bahay, nadatnan niya dun si Jacob na naghihintay.
“Bakit ka nandito?”., pagtatanong niya na walang makikitang emosyon.
“Nabalitaan mo na ba?”. Tanong nito na parang naiinis.
“Ang alin? Yun bang tungkol sa bagong itinatayong bagong ospital sa bayan?”.sagot niya na halatang walang gana. Binuksan niya ang pinto ng bahay at pumasok kasunod si Jacob.
“Isa yan sa mga pinunta ko dito,pero hindi lang iyon.”sagot nito na nakatitig sa kanya.
“Eh ano?” tanong niya na halatang naiilang sa pagtitig ni Jacob sa kanya.
“Si Vega umuwi na andito na siya.”sabi nito na may kahalong inis.
“Ha?talga?totoo ba yang sinasabi mo?”sagot niya na tuwang tuwa.
“Sabi ko na nga ba’t matutuwa ka!” sabi nito na halatng galit.
“Jacob,paano mo nalaman na umuwi na siya?” pagtatanong niya.
“Pinuntahan niya ko.”sagot nito na may kasamang inis.
“Talaga? Bakit ako hinde?”sabi niya na may halong lungkot.
“Aalis na ko.Sinabi ko lang sayo.”sabi nito saby alis at dabog ng pinto.
Hindi niya inintindi it at wala na syang pakialam dito basta ang nasa isip nya ay umuwi na daw si Vega. Kaya kahit anong oras ay pwede silang magkita.
Maagang pumasok si Sam sa bakery niya dahil linggo,alam nyang maraming kostumer..
“Mam,ay naghahanap po pala sa inyo”..sabi ng kanyang isang waiter..
“Ahh..talaga sino naman?..tanong nyang may pagtataka ..
“Ako”..sagot ng pamlyar na boses mula sa kanyang likuran..
Hindi agad siya humarap para makita ang kanyang nasa likuran, nag crossfinger muna siya at kinurot din nya ang kanyang pisngi.
“Hindi ka nanaginip”..sabi ng pamilyar na boses sa kanyang likuran..!”Humarap ka para makita mo ko..”
Humarap nga siya at talagang di sya nananaginip.,wala syang masabi dahil nalunok ata nya ang kanyang dila.
“Tititigan mo nalang ba ako?..” sabi nito na may halong pagngisi..
“Ahh,eh..Ano kasi nagulat ako sayo”..sabi nyang nag kanda utal-utal..
“Ha.?utal kaba..?tanong nito na may halong pagtawa”..”Naku,Samantha Garcia ang laki na ng pinagbago mo..”sabi nito na tiningnan sya mulu ulo hanggang paa.
Nahiya naman sya at namula ang kanyang mukha.
“Labas tayo”..yakag nito sabay hila sa braso nya kaya napasunod sya dito.
Dinala sya nito sa isang park pero hindi sila bumaba ng kotse.
“Kamusta kana?..”panimula nito
“Okay naman..”sagot nya na hindi na utal
“Balita ko wala kapang nagiging boyfriend hanggang ngayon ah,!bakit wala bang magtangka..?”sabi nito na may halong pag-ngisi.
“Ha..?panu mo nalaman?”tanong nya na napahiya
“Nag punta ako sa inyo kagabi,nakipag kwentuhan ako kila nanay at tatay!..
“Ah..bakit ka nga pala bumalik?..”sumulyap sya sa labas
Tumawa ito ng mahina..”Maybabalikan ako at may pinapatayo akng Ospital dito”..
“Ah..iyo pala yoh?ano naman ang babalikan mo?.”
“IKAW”..sagot nitong nakatitig sa kanya..
Natameme sya at halatang hindi makapaniwala..
“May babalikan pa naman ako diba?..”tanong nito ng hindi sya magsalita.
“Ah..ano kasi”..wala syang masabi..
“Ano?alam ko naming mahal mo ako eh..”sagot nitong tuwang-tuwa..
“Ang kapal naman ng mukha mo”..sagot nya na hindi alam kung maiinis o matutuwa..
Tumawa ito ng tumawa ay nagulat nalang sya ng yapusin sya nito.
“Uwi na tayo..”yakag nya dito..Agad naming pinaandar nito ang kotse at ihahatid nga sya.
Maagang pumasok si Sam sa Bakery dahil masayang-masaya sya sa mga nangyayari nitong mga nagdaang araw.Laging may surprise si Vega sa kanya na di nya inaasahang gagawin nito.
Pagpasok palang ni Sam ay iba na ang nararamdaman nya,wala ang kanyang mga empleyado,nagtataka sya kasi hindi naman ganon.Isa pa alas 7:00 na dapat bukas na dapat ang Bakery.Nagulat sya ng biglang lumabas si Vega doon at may dalang bouquet of flowers at may lamesang nakaayos duon with candle light pa..
“Anong ginagawa mo dito?..”tanong nyang may pagtataka..
“Syempre magpo-propose”..sagot nitong walang kahirap-hirap
“Ano?..”gulat na gulat
“Oo,total naman nandito na,bat patatagalin pa..”sagfot nitong seryoso.”Ano?WILL YOU MARRY ME?”tanong nitong lumuhod pa.
Nagulat sya ng biglang magsigawang “sige sagutin muna”kaya wala syang nagawa kundi sumagot ng…”YES,I WILL MARRY YOU..!”

literature

o[iat[iwht[pejtdrjklhfOIEYRHW4RIHJWE

Saturday, March 20, 2010

inosenteng makasalanan

Sa Susunod by mich pantajo

Hinding-hindi makakalimutan ni Ciara ang pangyayari na nagbigay kasiyahan sa kanyang buhay. Intrams nang araw na iyon sa mataas na paaralang pinapasukan niya. Nasa ikatlong taon na siya noon ng kanyang pag-aaral.

Noon niya nakilala si Mark. Si Mark ay isang serbis drayber at medyo may katandaan na rin. Apatnapung taong gulsng na ito habang si Ciara ay labing apat na taong gulang pa lamang noon. Sa edad nila ay para na silang mag-ama.

Sa may karindeya malapit sa paaralang pinapasukan niya unang nakita si Mark. Nag-iisa lamang ito noon at tila naiinip sa pagdating ng mga gurong pinagseserbisan niya.

Magiliw na bata si Ciara. Isa sa mga ugaling nagustuhan ko sa kanya at isa rin sa pinakaayaw ko sapagkat iyon ang nagiging dahilan ng pagkapahamak niya kung minsan.

Nilapitan niya si Mark.Siya ay nakipagkilala at nakipagkuwentuhan dito. Sa pag-uusap nila ay nalamanniya na iisa lang sila ng lugar na inuuwian. Inalok siya ni Mark na sumabay na sa kanya sa pag-uwi. Dahil muka namang mabait ito ay tinanggap niya ang alok nito.

Nang dumating na ang oras ay naglabasan na ang mga estudyantemula sa paaralan upang magsiuwi na. Gayundin ang mga guro. Nang makalabas na ang mga guro ay agad na lumapit sa kanila ang ilan sa mga iyonupang tawagin na si Mark. Isa sa mga guro ang nagtanong kay Mark kung sino siya. "Anak ko siya", narinig ni Ciara na tugon nito sa nagtanong. Iba ang kasiyahang naging hatid sa kanya ng mga sinabing iyon ni Mark.

Ulilana si Ciara sa ama bago pa lamang siya ipanganak. Ganunpaman ay marami pa rin siyang nakagisnang ama dahil na rin sa pagpapalit palit ng kanyang ina ng nobyo. Maging ang ibang lalaki sa kanilang lugar ay tinurin din niyang ama-amahan. Sa bawat lalaking makilala niya ay tila hinahanap niya roon ang katauhan ng kanyang ama na siya namang ikinagagalit ng kanyang ina sa kanya.

Sa dami ng naging ama-amahan niya ay ni minsan ay hindi niya pa naranasang ipakilala ng mga ito sa ibang tao bilang anak kaya ganoon na lamang ang kagalakang nadama niya sa kanyang puso.

Mula ng araw na iyon ay ginusto na niyang mapalapit kay Mark. Gusto niyang maranasan ang maging anak nito. Hindi naman siya nabigong mapalapit dito. Naging mabait si Mark at maalalahanin sa kanya. Isang mabait na ama nga ang naging imahe nito sa kanya.

"Anak, bukas na bukas din ay lilipat na tayo ng matitirahan. Doon na muna tayo titira sa lola mo sa Montalban. Pauupahan na lang muna natin itong bahay pansamantala para magkapera.Babalik din tayo rito kapag nakatapos ka na sa iyong pag-aaral." Tinig iyon ng kanyang ina na siyang gumulantang sa kanya. Nalungkot siya. Naisip niya ang mga kaibigang maiiwan niya. Maging si Mark ay naisip niya. Naging malapit na siya rito.

Nang araw din na iyon ay nagpaalam siya kay Mark. Naiyak siya sa pagpapaalaman nilang iyon. Mamimis niya ito ng husto. Ayaw man niyang lisanin ang lugar na kinalakihan niya dahil sa mga taong naging malapit na sa kanyang puso ay wala siyang nagawa. Bata pa siya kaya wala pa siyang boses sa anumang desisyon ng pamilya.

Walang araw na hindi niya naaalala si Mark. Madalas ay nangangarap siya na tapos na siyang mag-aral at kasama na niya ulit ito. Naisip niya na balang araw ay tutulungan niya ito kapag siya ay nagkatrabaho na. Naisip niya na may katandaan na rin ito sa muli nilang pagkikita at ayaw na niyang mahirapan ito sa pagtatrabaho.

Mabilis na dumaan ang mga araw. Ang mga araw ay naging mga linggo. Ang linngo ay naging mga buwan at ang mga buwan ay naging mga taon. Lumipas ang limang taon at natapos din siya sa kanyang pag--aaral sa kursong edukasyon.

Pinili niyang bumalik sa Pampanga kung saan siya noon ay nakatira. Agad niyang hinanap si Mark upang tuparin ang pangako niya sa kanyang sarili na kapag nakatapos na siya ng kanyang pag-aaral ay kanya itong hahanapin at tutulungan.

Hindi naman siya nabigong hanapin ito. Sa pagkakataong iyon ay naging mas malapit pa sila sa isa't-isa. Hanggang ang pagkakalapit nilang iyon ay humantong sa tagpong hindi inaasahan.Sa tuwi- tuwina ay hinahanap ng kanyang paningin ito. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay gusto niya itong makita sa hindi niya maintindihang dahilan. Sa pakiramdam niya ay kulang ang mga araw niya kung hini ito makakasama, makikita o kahit matanaw man lamng.

Hanggang isang araw, "Ciara! Baka iba na 'yan, ha? Baka may gusto ka na dun sa tao. Kadiri ka. Ang tanda-tanda na non," sabi sa kanya ng isang kaibigan nang sinabi niya rito ang nararamdaman.

Agad niyang itinanggiang hinala ng kaibigan. "Imposible!", sigaw niya sa kanyang isip. Pilit niyang tinataboy sa kanyang isip na may gusto siya rito ngunit parang nananadya at pilit pa ring nagsusumiksik ang ieyang iyon sa kanyang isip. Inisip niyang lumayo kay Mark upang mapigilan ang nararamdaman niya. Kung totoo nga na mayroon siyang pagtingin dito ay ayaw na niyang palalimin pa iyon. Gusto niyang pigilin ang kahibangang iyon habang maaga pa. Ngunit isipin pa lamang niya na kailangan niyang layuan ito ay nalulungkot na ang kanyang puso. Hindi niya maintindihan ang sarili. Nasasaktan siya sa isiping kailangan niyang layuan ito. Hindi niya kaya.

Pinili niyang pakinggan ang kanyang puso. Nagpalukob siya sa nararamdaman niya. Hindi siya lumayo kay Mark.

Sumapit ang kaarawan niya. Ipinagdiwang niya iyon kasama si Mark. Paakatapos ng maliit na selebrasyon kasama nito ay inihatid na siya nito sa kanila. Pababa na siya ng sasakyan nang hilahin siya nito pabalik ng sasakyan at di inaasahang siilin siya nito ng halik ang kanyang inosenteng mga labi. Nagulat siya sa ginawa nito at natulala. Nang makabalik siya sa kanyang ulirat ay agad na siyang bumaba ng sasakyan at patakbong pumasok sa kanilang bahay. Nalito siya s mga nangyari. Hinintay niyang tawagan siya nito upang humingi ng dispensa sa nangyari ngunit hini nito ginawa.

Sinubukan niyang kapain sa kanyang puso kungmay galit ba siyang naramdaman ngunit wala. Sa ginawa ay natuklasan niya na tila nagustuhan pa niya ang nangyari.

Nag-isip-isip siya. Sa pag-iisip niya ay antagpuan niya ang sarili na minamahal ang taong hindi niya apatmahalin sa ganoong paraan. Hindi na pala pagmamahal para sa ama ang nadarama niya rito kundi iba na. Nahulog na pala ang loob niya rito.

Nang sila ay muling magkita ay mas nagkaroon ng kalinawan ang nararamdaman niya para rito. Nakumpirma niya na mahal niya talaga ito. Hindi lang iyon, nalaman niyang may pagtingin din ito sa kanya.

Alam nilang mali ang mahalin ang isa't-isa. Pamilyadong tao si Mark. Isa pa ay makakasira sa reputasyon niya bilang isang guro ang pakikipagrelasyon dito. Mali man ay nagawa pa rin nilang kunsintihin ang kanilang nararamdaman.Napagdesisyunan nilang ilihim ang bagay na ito sa lahat para sa ikabubuti ng isa't-isa. Tinago ito ni Ciara maging sa pamilya niya dahil alam niyang hindi matatanggap ng mga ito ang ginawa niyang pakikipagrelasyon kay Mark. Ayaw niyang magalit ang mga ito sa kanya. Mahalaga ang mga ito sa kanya. Mahal na mahal niya ang mga magulang at ganoon din si Mark para sa kanya.

Wala silang sinumang pinagsabihan tungkol sa bagay na ito. Ngunit isang araw ay hindi sinsadyang natuklasan ko ang sikreto nila. Pinsan ako ni Mark. Nalaman ko ang sikreto nila isang araw nang sundan ko si Mark para ibigay ang nakalimutan niyang bagay nang pumunta siya sa bahay namin nang araw ding iyon. Nakita ko siyang kayakap ang isang babaeng noon ko lamang nakita. Maganda ang babaeng iyon-morena, may kahabaan ang tuwid niyang buhok, may mapupungay na mga mataat katamtaman ang tangos ng ilong. Halatang bata pa ito. Inaamin ko na nang makita ko siya ay nagkaroon ako ng paghanga sa kanya. Sa ginawa nila ay hindi na nila maipagkakaila sa akin ang kanilang relasyon. Ipinakilala siya sa akin ng aking pinsan. Nalaman kong Ciara ang kanyang pangalan. Ako lang ang tanging nakaalam ng kanilang sikreto. Dahil doon ay ang naging takbuhan ni Ciar sa tuwing magkakaroon sila ng tampuhan at di pagkakaunawaan ng aking pinsan.

noong una ay parang gusto kong husgahan ang relasyon nila dahil na rin sa laki ng agwat ng kanilang mga edad. Dahil na rin sa pagiging saksi ko sa kanilang relasyon ay natutunan ko na mahal nila ang isa't-isa. Kahit na nagkaroon na ako ng pagtingin kay Ciara ay hindi ako gumawa ng paraan para magkasira sila bagkus ay sinuportahan ko pa sila.

Isang araw ay lumapit sa akin si Ciara. Basang-basa ng luha ang kanyang mga mata. Nalungkot ako sa nakita ko. Mahal ko na siya kaya nasasaktan ako kapag nakikita ko siya sa ganoong kalagayan.

Inalam ko ang dahilan sa likod ng kanyang mga luha. Nalaman ko na may iba pa palng babae ang pinsan kong si Mark. Kaye ang pangalan niyon at ayon daw kay Mark ay mas mahal nito ang babaeng iyon kase kanya lalo pa at iyon ang nauna sa kanya. Ganunpaman ay mahal din siya ni Mark.

Alam kong masakit iyon para kay Ciara. Gusto kong magalit sa pinsan ko dahil s ginawa niyang pananakit sa amamin ni Ciara ngunit hindi ko ginawa. Pinsan ko pa rin si Mark at hindi ko dapat panghimasukan ang mga bagay na wala na akong kinalaman.

Kahit batid na ni Ciara ang tungkol kay Kaye ay hindi pa rin niya hiniwalayan ang aking pinsan. Gusto ko siyang pangaralan. Gusto kong sabihin na huwag na siyang magpakatanga at maging martir ngunit hindi ko ginawa dahil alam kong hindi rin siya makikinig sa akin. Isa pa, alam kong nagawa niya lamang iyon dahil sa labis na pagmamahal sa aking pinsan.

Nagpatuloy ang kanilang relasyon sa kabila ng mga rebelasyon. Mahirap man para kay Ciara nginit pinilit niyang maging matatag at tanngapin ang katotohanan. Hindi niya kayang mawala sa buhay niya si Mark.

Hindi pa man siya nakakabawi sa sakit ay nakadagdag sa sakit na nararamdaman niya ang bagong kaalaman na nangibang bansa si Kaye at balak nitong kunin si Mark pagkalipas ng limang taon.

Upang konsolahin ang sarili ay inisip ni Ciara na matagal pa ang limang taon. May pagkakataon pa siyang mahigitan ang ang naging pagsasama ni Kaye at ni Mark.

Muli silang naging masaya ngunit hindi maitatago sa akin ni Ciara ang kanyang tunay na nararamdaman. Ang pangamba niya sa malaking posibilidad na mawal sa kanya ang kanyang pinakamamahal.

Sa hindi inaasahan ay naging mabilis ang pagproseso sa pagpetisyon kay Mark. Naging lubos ang pagkalungkot ni Ciara. Walang gabi na hindi siya umiiyak sa isipin na sasama sa ibang babae si Mark.Awang-awa ako sa kanya. Sinubukan niyang pigilan si Mark ngunit, "Pangarap ko ito. Mahal kita pero sana maintindihan mo na mas mahal ko siya. Siya ang nagpasaya sa buhay ko sa loob ng maraming taon. Isa pa, nandoon ang asenso. Doon ko mabibigyan ng magandang bukas ang mga anak ko. Kukunin kita pagkalipas ng tatlong taon kapag nakaipon na ako." ang sabi lang nito.

Nagbitaw man ng pangako si Mark sa kanya ay nandun pa rin ang duda kung babalik pa ito sa kanya. Mahal na mahal ni Mark si Kaye kaya naman maliit ang posibilida na kunin pa siya nito.

Naghintay si Ciara. Naghintay siya sa kabila ng walang katiyakang pagbabalik nito sa kanya.

Habang naghihintay siya ay naghihintay din ako sa kanya. Umaasa rin ako na mamahalin niya ako balang araw.

Umalis si Mark at hindi na muling nagparamdam pa kay Ciara. Lumipas ang tatlong taon at higit pa ngunit hindi na ito bumalik pa.

Awang-awa ako kay Ciara. Patuloy pa rin siyang naghintay. Hanggang sa..."Ciara, palayain mo na ang sarili mo. Nasasaktan ako kapag nakikita kang ganyan," hini ko napigilang sabi sa kanya.

"Mahal ko siya, Jim. Maghihintay ako sa kanya. Kahit gaano pa katagal ay maghihintay pa rin ako sa pagbabalik niya. Kung sakaling sa pagbabalik niya ay hindi niya pa rin ako mahal, patuloy pa rin akong maghihintay hanggang sa mahalin niya ako. Kung kulang pa ang buhay ko sa paghihintay, hihilingin ko sa Diyos na sa susunod kong buhay sana ay ako naman ang mahalin niya," sigaw niya sa akin habang umiiyak. Tinangka ko siyang yakapin ngunit tumakbo siya. Tumakbo siya ng tumakbo. Tumakbbo siya ng tumakbo hanggang sa..."Ahhhhhhhh!!!".

Tulala ako sa mga nangyari habang ang mga tao ay abala sa pagdalo sa kanya. Nasaksihan ko kung paano siyang nangisay. Alam ko na ang ibig sabihin non. Wala na siya. Iniwan na niya ako. Wala na ang babaeng minahal ko at alam kong mamahalin pa hanggang sa mga susunod ko pang buhay.

Madalas ay sinisisi ko ang aking sarili sa pagkawala niya ngunit nagawa ko lang naman iyon dahil sa pagmamahal ko sa kanya. Gusto ko siyang magising sa katotohanan. Kung sana ay hindi siya tumakbo...hindi sana siya...hindi sana siya...hindi sana siya nawala sa akin.

Kung ipapanganak akong muli, hihilingin ko sa Diyos na ako sana piliin niyang mahalin at pangakong hindi ko siya sasaktan. Hindi ko siya hahayaang malungkot.

Friday, March 19, 2010

pag-ibig

una ko siyang nakita noong enrolment. di naman siya kagandahan sa ka tunayan, average din ang height, mediyo lang maputi nang hindi naman mestisahin. pero makit ang kutis niya at mahaba ang ang buhok, na siya ang unang tumawag ng pansin ko . partial kasi ako sa babaeng mahaba ang buhok na para sa akin ay simbolo ng isang babae na masinop at matiyaga. kaya lagi akong nakatingin sa kanya habang nakapila kami. kaya buti nalng naka talikod siya. pero sigura nag iinit na ang batok niya sa kakatingin ko sa kanya. paminsan minsan ay lumilingon din siya pero dahil lahat ng nakasunod sa kanya ay naka tingin din pag lumilingon siya sino ang laging naka tingin sa kanya O maaari din naman ay lahat kami ay nagagandahan sa kanya kaya lahat kami ay naka tingin sa kanya.

Kaya ang tuwa ko nung malamang kaklase ko pla siya sa ilang subjects. at sa isa ay katabi ko pa ng upuan. Nang medyo magkapalagayan na kami nalaman kong mag kalapit bayan lang pala kami at alam ko ang lugar nila. Di kalayuan iyon sa amin mga sampung kilometro lang konti pa ang nakatira dihil medyo liblib pero me kalsada na papunta doon.

samakatuwid ay maari siyang puntahan kun kinakailangan. at hindi basta crush o anuman ang mga iyon, kundi iyong pag ibig na sinasabi ng mga makata iyong masidhi,maruddob na makakagawa ng tula kahit di ka makata dahil ang tingin mo sa lahat ng bagay ay kaaya-aya pag nandiyan siya.

At kung wala naman ay para kang namatayan ng kaibigan, kababata,kalaro-laro mo na mula pa noong hindi pa kayo nag papantalon. hindi ka kumpleto hindi buo ang mundo mo. kulang sa elemento bsta ganun mahirap ipaliwanag. Sabi nga dinaranas lang daw ang pag ibig hindi ipinapaliwanag dahil hindi kaya. Experienced,sabi daw.

Bakit nga ba ganon ano?, Kung ang pagibig ay nasa puso bakit ang ulo ang nasisira? Dahil para akong sira ulo talaga pag wala siya, lalo sa wekend o holiday na walang pasok sabik na sabik ankong makita siya halimbawa sa class room tapos di siya darating. Sa weekend naman o holiday na alm kong walang pasok at di ko siya makikita kung pede lang ay hilahin ko ang mga oras para bumilis ang pag daan ng araw. gusto ko lagi lang bukas na para makita ko na siya. Minsan naman ay idinadaan ko nalng sa panonood ng sine para malibang. pero di ko naman maintindihan ang istoria ng pinapaood ko. siya lagi ang nasa isip ko minsan nga ay ini imagine ko nalng siya na kausap ko siya. wala din ako sa realidad pag a wala siya. Ganon ako ka bu-ang sa kanya, O kaya idinadaan ko sa tulog ang maghapon.

kaya lng pag napa idlip ako sa umaga kaya lng may insomia ako sa gabi. Pabiling sa higaaan di makapikit,

Natuto nadin akong manigarilyo dahil doon. kaya siguro pati lamok sa amin nagka-kanser dahil sa sigarilyo ko. nangunti eh pero hindi iyong ang problema. Actually ang pinaka problema ko ay pano ko sasabihin sa kanya na mahal ko siya.na gusto ko siyang maging girlfriend, nang hindi niya iiiping sinamantala ko ang paiging magkaibigan namin. Iyong maniwala siya na talagang mahal ko siya at hindi biro-biro ang inilalahad kong pag-ibig.

Ganoon pala iyon, pag talagang pagmamahal ang nararamdaman mo alalang-alala ka na baka mamis-interpret ang damdamin mo. Takot kang mawala o masaya ang pag ibig mo pag higanti, kaya ingat ka sa bawat hakbangin. Para mas gusto mu pang mabuhay sa pansamantalang mundo ng imahinasyon ng inyong pagmamahalan, kesa realidad ng kasalukuyan sa katotohanang wala la pang ginagawa para sa sinabi mong pag ibig.

matagal ako sa ganoong lagay Hangang finally nasabi ko rin ang dapat sabihin. Kasi patapos na ang semester, bakasyunan na ilang araw na lang, kaya kung di ko sasabihin, kalbaryo sa akin ang mga susunod na panahon. So gumawa ako ng maikling sulat at dahan dahang isiningit ito sa libro niya minsang mag katabi kami ng upuan. andap ang kalooban ko kinabukasan, pero ni hindi siya tumingin sa akin. patay sabi nagalit yata sa kapangahasan ko. eh takot naman akong lapitan siya at baka singhalin ako mag muka akong bsang sisiw. Maawa ako sa sarili ko o magagalit sa kanya. ayaw ko alinman doon. kaya sa loob ng isang linngong naiiwan bago bakasyon para kaming hindi mag kakilala hindi siya tumitingin sa akin hindi ko rin siya kinakausap.

ang hirap pala ng ganoon para akong may patong na pamantok sa kalabaw. Ang bigat ng damdamin ko na hindi konaman mailabas. hidi ko alam kung paano ako nakaraos sa araw araw noon. Ang alam ko lang wala akong maalala sa mga professors namin bago kami mag hiwa-hiwalay. Nang huling araw na ng iskwela desperado na ako kung anu man ang kausapin ko kung anu man ang mangyari, hihingi ako ng patawad, pasensya at parusa kung kailangan mag bati lang ulit kami. maging mag kaibigan kami hanggang doon lang. okay na sa akin. saka na iyang pag ibig ibig na iyang lintik. tiisin ko nalg susupilin ko ang nararamdaman ko, mag kukunwari ko habangpanahon mabalik lang sa dati ang samahan namin. Di bale nag masira ang ul ko sa ganoon kasi pag hindi lang mabilis masisira ang tuktok ko.

Kaya lang bago ako nakakilos para lumapit sa kanya, nasa harap ko na siya, At bago ako nakahuma, iniabot niya ang isang nakatiklop na papel sa akin sabay sinabing" mamaya mo na ito basahin pag nakaalis na ako, "Tinaggap ko ang papel at pag angat ng uloko nakatalikod na siya, ni ya ha wo Wala akong masabi Iyong mga salitang pi nag aralan ko para sakanya nawala lahat ang pagluhong ko ng patawad ang mga apakisap na pinag-isipan kong mabuti kung pano sabihin, di ko na naalala. Ang aking iip noon ay katuwaan, dahil kinausap niya ako! Hindi siya totoong galit! Buhay na ulit ako! masaya na ulit ang mundo ko! parang gusto kong mag lulundag sa tuwa noon at hindi nag datingan ang mga estudyante sa susunod na period nag lulundag talaga ako sa tuwa dahil hindi na galit si sikret gali sakin.

Binuklat ko ang papel. Sulat mag kita daw kami malapit sa bahay nila. Alas shete ng gabi 17 april. Merong may birthday sa kanilaat bisita niya ako, iyon lamang ang panahong hindi ko ininda ang pag usad ng mga araw.

sa madalit sabi ay dumating ako sa tipunan sa eksaktong oraw. Di ko pa nai-istand ang motor na hiniram ko ay dumating na si sikret sakay ng tila timburin, hila ang isang abuhing kabayo pagtapat sakin sinabi niya, "Sakay na"Pag upo au pinitik niya ang renda at umarya na kami. At kami ay naging masaya sa lahat ng oras


Submitted by: Patrick De Guzman

Submitted to: ms, Masana

"MAY TRUE LOVE BA SA TEKZ?"

Jane Alfaro 200912387
Ms. Louziela mansana

MAY TRUE LOVE BA SA TEXT?
(A short story)
Nag iisang anak na babae lamang si Jhanel nina Jaime at Belen kung kaya’t mahal na mahal nila ito bawat kilos nito ay talaga naman bantay na bantay ngunit sadya talaga atang mapaglaro ang tadhana si Jhanel ay isang kolehiyala at talaga naman kaaya aya itong tignan kung siya’y manamit ay parang isang dalaga na dalaga at di maitatanggi na sya ay may angkin kagandahan kaya naman marami ang nag kakagusto sa kanya sa university na kanyang pinapasukan ngunit di nya iyon pinapansin dahil para sa kanya itong mga humahanga sa kanya ay sadyang wala syang interes kaya naman mas gusto nitong mag focus sa kanyang pag aaral kahit naman sya ay nag susunog ng kilay sa pag aaral ay kahit papaano ay may oras parin syang makapagsaya si Jhanel ay mahilig mag text kagaya ng ibang pang kabataan ngunit alam naman nito ang kanyang limitasyon pag dating sa text……..
Isang umaga habang sya ay tumutulong sa kanyang ina sa pag lilinis ng bahay ay lagi syang patigil tigil sa kanyang pinag kakaabalahan sya ang walang hinto sa pag tetext sa kanyang cellphone kaya naman din a napigilan ng ina nito na mag tanong sa kanya “aba!!! Jhanel sino ba iyang ka text mo at wari ika’y tuwang tuwa dyan” nakangiting sabi ng ina ni jhanel “wala poh ina isang kaibigan lamang po na nangungulit sakin” mabilis na tugon naman nito sa ina muling sumagot si aling belen na animo’y natatawa sa kanyang anak na todo tangge pa pero nakangiti naman “huh!!! Kaibigan nga lang ba talaga ohh boyfriend mo” muling napatawa si jhanel ng malakas “ang ina’y naman kaibigan koh lang ho ito kahit itanong nyu pa po sa kanya” muling tugon ni jhanel na tatawa tawa sa kanyang ina na wari’y tinutukso sya sa kanyang ka text biglang nag siryoso ang kanyang ina sa muling tugon nito “ayos lang mag boyfriend anak kaya lang kung maaari ay hanggang sa boyfriend na lang muna mas mahalaga pa rin ang may pinagaralan nag sisikap kami para sa iyo kaya sana ay huwag kaming mabigo sa iyo” niyakap ni jhanel ang kanyang ina at sinabi “wag poh kayong mag alala ina’y batid ko po ang iyong hirap upang ako ay mapag tapos nyu sa aking kurso at makakaasa po kayo na hindi ko kayo bibiguin at lubos akong nag papasalamat sa iyong pagsisikap kayo ho ang aking inspirasyon sa buhay para rin ho ito dahil gusto ko na maipagmalaki nyo ko!!!” nangiyak ngiyak na sambit ni jhanel sa kanyang ina na animoy masaya sa sinabi ng kanyang anak habang sila ay nasa ganun diskurso biglang dumating ang kanyang ama na kagagaling lang sa kanyang kumpare..”ohh anung drama yan hahaha” sabi ng kanyang ama na natutuwa sa kanila…
Dumating ang tanghali sabay sabay sila nag tanghalian ng may sigla ngunit si jhanel ay di pa rin mapigilan ang pagiisip ngunit di nya ito pinapahalata ng dalaga sa kanyang mga magulang hanggang sa hapunan ay sabay sabay parin sila pag kakain ng hapunan ay nag tungo na si jhanel sa kanyang silid at doon sya nag isip habang katext pa rin nya ang kanyang kaibigan batid ni jhanel na sya ay may nararamdamang kakaiba sa kanyang kaibigang si Justine na kanyang katext at alam nya din ay ganoon din ang nararamdaman para sa kanya ni Justine ang taong nag papasaya sa kanya ngunit nag iisip sya sa sinabi sa kanya ng kanyang ina ayaw nya itong biguin kaya naman sya ay napapaisip sa kung anung dapat nya na gawin sa kanyang nararamdaman dahil alam naman nya na hindi ito magiging sagabal sa pag aaral nya sahalip ay nag bibigay pa ito ng inspirasyon upang mapagbuti pa ang kanyang pagaaral ngunit natatakot sya na baka hindi ito maintindihan ng kanyang mga magulang sa kanyang pag iisip ay hindi na nya namalayan ang oras pasado alas dose na pala ng madaling araw nag pasya na sya na matulog at ipagdasal na lang ang bigat ng kanyang dinadala sa dibdib na katotohanan na hindi nya maaring ibigin ang kanyang minamahal sapagkat ayaw nya mag iba ang tingin sa kanya ng kanyang mga magulang dahil nga sa kanyang hindi hustong pag katulog ay tinaghali sya ng gising naalipungatan sya sa sa matinding sikat ng araw na tumatama sa kanyang mukha umaga na pala nag madali syang bumangon at naligo sapagkat sya ay mahuhuli na sa kanyang klase pag labas nya ng silid ay nakabihis na sya at nakahanda na paalis ngunit nandodoon sa salas ang mag asawang belen at Jaime sabi ni aling belen sa kanyang anak “jhanel may pasok ka pala akala ko ay wala dahil tanghali na ay hindi ka pa lumalabas ng iyon silid kumain ka muna bago ka umalis” wika ng ina nya agad tumugon si jhanel “medyo napuyat poh kasi ko kagabe hindi nap o ko kakain sa skul na lang po ina’y tanghali na po kase e” sumagot ang ama nya “kumain ka doon hah baka sumakit na naman ang tyan mo” tumango lang si jhanel at tuluyan ng nilisan ang kanilang bahay sa kanyang pag lalakbay sa biyahe ay naisip nya si Justine sa kung anung dapat nyan gawin naisip nya na iiwasan nya na lang si Justine hanggang maari animo’y wala sa sarili si jhanel sa sasakyang kanyang sinasakyan pag dating nya sa skwelahan ay agad syang nag tungo sa classroom nya ngunit laking gulat nya ng wala syang Makita na kamag aral nya kahit isa nag pasya syang mag tungo sa madalas puntahan ng kanyang mga kamag aral at doon nya nakita ang mga ito na maka upo at nag uusap usap doon nya nalaman na wala pala silang professor sa kanilang subject nakahinga ng maluwag si jhanel dahil ang professor pa naman na iyo ay ubod ng sunget sa mga late palibhasa ay matandang dalaga ito wika nga ng iba ito daw ay “naiwan sa biyahe” kaya naman ito ay tumanda ng wala kahit anung karanasan sa pakikipag relasyon habang sila ay nag kakasayahan muli naman syang nakaramdam ng di mapaliwanag na parang gusto nyang mag tago sa kanyang kinauupuan kaya naman pala nikita nya si Justine na papasok sa loob ng kanilang kantina na tinitigilan si Justine ay kilala sa kanilang skwelahan at nakilala ni jhanel at sila ay naging mag kaibigan na nag kakilala si jhanel at Justine sa kanilang skwelahan sa sobrang pag mamadali ni Justine di sinasadya na nabangga nya si jhanel at dahil don nahulog lahat ng gamit ni jhanel kaya naman ito ay galit na galit kay Justine ngunit sa halip na sorry ang unag bigkasin ni Justine kay jhanel ay isang nakakainsultong ngiti sabay sabing “anu ba paharang harang ka kase sa daan” agad naman nakaramdam si jhanel ng galit sa kanyang kaanyuan sabay sambit “sorry hah hindi kase tumitingin sa daan ung walang modo na nasa harapan ko ngayon e” sabay ngiti na nakakainsultong tugon ni jhanel kay Justine umalis na si Justine ngunit ng makalalayo ito ay sumigaw si Justine ng malakas “sorry ms sunget di ko sinasadya” sabay takbo papalayo si Justine kay jhanel walang reaksyon si jhanel sa sinabi ni Justine basta para sa kanya kinasusuklaman nya si Justine dahil sa pag papahiyang ginawa nito sa kanya na sa halip na sya ang magalit ay ito pa ang magalit talaga naman suklam na suklam si jhanel kay Justine ng mga panahon na iyon kaya naman nakiisip si jhanel ng isang plano para makaganti kay Justine kahit papano si jhanel ay isang officer sa isang organization sa buong Universidad ginamit ni jhanel ang kanyang katungkulan nag karoon ng isang patimpalak ang kanilang university kurso by kurso ang labanan at kasabay nito din ay paghahalan ng mga officer sa susunod na taon sapagkat maalis na ang ibang ka officer nya dahil sa nalalapit na pagtatapos ng mga ito habang nag dedebate ang bawat kurso ay halatang halata na kinokontra ni jhanel ang bawat sinasabi ni Justine hindi sila kasali sa patimpalak dahil sila ay judges lang lsi Justine ay isa sa mga matatalino sa kanilang room hinahayaan lang ni Justine si jhanel dahil wala rin naman itong magawa napapakamot ulo na lang si Justine sa sitwasyon dumating ang halalan at pareho sila ni Justine ang pinag pipilian bilang maging president nginitian ni Justine si jhanel bilang bate ngunit tinaasan lang ni jhanel si Justine ng kilay damang dama ang tension sa loob ng avr dahil sa mga sigawan ng mga tao kalimitan bumoto kay jhanel ay halos lalake dahil na rin siguro sa pag hanga ng mga ito samantala kay Justine ay puro babae at mga bakla sa makatuwid itinanghal si Justine bilang bagong pangulo ng university organization at si jhanel ay vice president naman sahalip na icongratz si Justine ay minaliit pa nya si Justine “goodluck mr. no manner dahil papahirapan kita” ngumiti lang si Justine sa sinabi ni jhanel simula noon lagi na silang nag kakasama sa kahit anu mang okasyon o lagi silang nag meeting kaya naman di maiitangi ang posibelidad na mag kabati sila kinailangan kunin ni Justine ang cellphone number ni jhanel upang di sila mag kasalisi sa lahat ng pupuntahan nila at syempre kailangan naman talaga nila iyon sa kanilang tungkulin matapos iyon nauna ng mag text si Justine kay jhanel naisip siguro nito na hindi sila pedeng ganoon habang sila ay may kaugnayan pa o tungkulin na kailangan nila pag samahan humigi ng sorry si Justine ngunit katulad ng inaasahan nag matigas pa rin si jhanel ginawa ni Justine ang lahat para mag kaayus sila at di sya nabigo di tinantanan ni Justine si jhanel sa pangungulet nito ngunit sa di inaasahan pag kakataon ay nararamdaman ni jhanel na nahuhulog na sya kay justine dahil lagi silang mag kasama at super protective nito sa kanya nakaramdam ang dalaga ng di nya mapaliwanag na nararamdaman kapag ito ay nakikita at nakakausap nya at kung minsan ay pag nakikita nya si Justine na may ibang kausap na babae parang gusto nyang magwala at magalit kay Justine ngunit alam nya na wala syang karapatan na tanungin si Justine kung bakit kailangan nya makipag usap sa kung kanikaninong babae..
Nag papalapit na si Justine ay naisip nya ang sinabi ng kanyang ina hindi naalis ni jhanel na mag panic dahil alam nya na sya ang pakay ni Justine nang makarating si Justine sa pwesto nila jhanel ay agad itong tumayo at nag paalam sa kanyang kamag aral na may pupuntahan sya nagulat si Justine sa ginawa ni jhanel ramdam nito ang pag iwas ni jhanel sa kanya kaya naman hinabol sya ni Justine at doon ay tinanong nya “may problema ba tayo o may nagawa ba ko na kinagagalit mo” wika ni Justine kay jhanel huminto lang si jhanel sa sinabi ni Justine at tumugon “wala” at nagpatuloy na sya sa pag lalakad natapos ang araw na iyon ng hindi man lang nag pakita si jhanel sa office nila at si Justine ay halata naman na hinihintay si jhanel na magpunta nakauwi na si jhanel mga bandang hapon halata ditto ang pag kalungkot dahil nga siguro sa pag iwas nito kay Justine pasok nya ng kanilang bahay ay bumungad sa kanila ang kanyang ina na nag papahinga sa upuan “ang aga mo ata anak” sabi ng ina nito nag lakad patungong silid si jhanel habang nag sasalita “ maaga lang po kami natapos sa aralin” sabi ni jhanel nahalata ni aling belen si jhanel na parang wala ito sa mood panget ang araw nito dahil date date nag kukwento ito sa nangyari sa kanyan sa skul pati nga ung tungkol kay Justine ay alam nila na magkaibigan ang mga ito kilala ni aling belen si Justine ngunit sa pangalan lang dahil hindi nya pa ito nakikita ng harapan sumapit ang hapunan ay hindi pa rin lumalabas si jhanel sa kanyang silid batid nya na ang gusto ng kanyang mga magulang ay pag salusaluhan nila ang pagkain sa hapag kainan di talaga lumalabas si jhanel kaya naman nag pasya na ang nanay ni jhanel na puntahan na sya sa silid…
Tatlong malalakas na katok ang ginawa ng kanyang ina upang sya ay marinig nito agad na nag salita ang nanay nya “jhanel anak kakain na tayo lumabas ka na dyan” agad din naman tumugon ang nasa kabila “sige po nay mauna nap o kau mmaya na lang po ko busog p po ko” wika ni jhanel sa kabila hindi na kinulit pa ng nanay nya si jhanel dahil naiisip nito na baka pagod lang ito sa skwelahan agad na nag tungo ang kanyang ina sa hapag kainana kung nasaan ang kanyang ama na naghihitay nagulat ang ama ni jhanel na wala ang dapat sana ay tinawag ng kanyang asawa “asan si jhanel hindi ba iyong sasabay sa pag kain” sabi ng ama “naku hindi daw hayaan mu muna magpahinga pagod ata sa skul kanina pa iyong walang gana sa kanyang ginagawa” agad na kumain ang mag asawa at pinag saluhan nila ang nasa hapag kainan habang ay jhanel nasa kanyang silid at ng iisip habang nag tetext walang dudang si Justine ang katext nya dahil nag tataka ito sa ginagawang pag iwas sa kanyang ni jhanelwalang humpay sa kakatunog ang cellphone ni jhanel..
Nag text si justine “anu bang problema natin?” agad na mag reply si jhanel sa katext “ wala naguguluhan lang ako hayaan mu muna ko makapag isip!!!”di nag tagal nag text na ulit si Justine “baket sa anung dahilan!?” kinulit ni Justine si jhanel hanggang ito ay mapaamin sa nararamdaman parang nakahinga si jhanel ng maluwag dahil nasabi nya na kay Justine ang totoo kahit di sya sigurado sa nararamdaman ng kanyang pinagtapatan nya si Justine naman ay parang bulate dahil sa sinabing iyon ni jhanel ngunit sinabi rin nya ang sinabi sa kanya ng kanyang magulang sagot naman ni Justine “walang masama sa nararamdaman naten hindi kita sasaktan” wari’y gustong mag tatalon ni jhanel sa kanyang silid at sumigaw dahil sa sobrang kasayahan kanyang nararamdaman hini nag tagal ay nagging sila ni Justine hindi sila mapaghiwalay kahit sini lagi silang mag kasama dalawa ngunit sadya ata mapaglaro ang tadhana bumalik ang matagal ng bestfriend ni Justine na babae ito si sofia muling nag kita ang dalawa sa isang di sinasadyang pag kakataon habang nag lalakad si Justine pauwe sa kanila ay nasalubong nya si sofia niayaya sya ni sofia na lumabas minsan at hindi nya naman ito magawang tanggihan dahil nga di sila nag kita ng mahabang panahon Masaya si Justine dahil nakita nya na ulit si sofia na kay tagal nawala pero di mamatago ang mas magalak na anyo ni sofia ng muli silang magkita ng bestfriend si sofia ay magandang dalaga maraming nag kakagusto sa kanya ngunit ala syang pinapansin kahit na sini dahil isa lang ang lalaki na kanyang gusting maging kasintahan walang iba kung di si Justine ang kanyang bestfriend 5 years na silang mag kaibigan ngunit kahit minsan ay hindi nahulog ang loob ng binata sa dalaga dahil pra sa binata si sofia ay isang kapatid lamang ngunit batid ng binata ng mahal na mahal sya ng kanyang bestfriend ngunit ayaw nya itong patulang dahil nga siguro sa ayaw nya masira ang pagkakaibigan nila kinabukasan agad na nag text sa kanya si sofia niyayaya syang lumabas kasama ng dati nilang mga kaibigan di nya matanggihan si sofia dahil nga siguro sa tagal nila di nag kita alam ni Justine na hindi sya papayagan ni jhanel kapag nag paalam sya na lalabas dahil alam naman nito na mag kakaroon ng inuman ang mga ito kaya mag pasya na lang si Justine na mag dahilan kay jhanel “mahal koh din a kita mahihintay mamaya huh mag text kase si momie pinapauwe ako ng maaga” sabi ni Justine na animoy parang ayaw nyang iwan si jhanel paero sa loob nya ay sana makalusot sya agad na tumugon si jhanel “baket daw may problema ba daw sige mauna ka na umuwi baka importante un text mu na lang ako pag nakauwi ka na” nasilayan ni jhanel ang niting ngiti ni Justine “baket parang Masaya ka pa” agad sumagot si Justine “hinde ahh nag aalala nga ko e sayo ala ka kasing kasabay paguwe” “ayus lang un” sagot ni jhanel na naka ngiti hindi na pinag tagal pa ni Justine ang usapan agad na itong nag paalam umalis dahil kanina pa sya hinihintay ng mga kaibigan nya nagbihis lang si Justine at agad na umalis na din kagaya ng inaasahan kumpleto ang buong barkada nila at present si bestfriend nya at agad syang nialapitan at niyakap nag usap sila buong mag damage ngunit kahit isang beses ay hindi nya naalalang bangitin si jhanel na girlfriend nya si jhanel naman ay mag damage nag hintay ng text ng kasintahan madaling araw na ng makauwe si Justine lasing ito ng makauwe sa bahay ang mga ganitong pangyayari naulet pa ng isa pa at nasundan na ng nasundan dahil hindi nya magawang tanggihan ang barkada nya kung kayat si jhanel ang kanyang tinatanggihan napapasin ni jhanel na lag eng maaga nauwe ang kanyang kasintahan kaya naman din a mapigilan magi sip ni jhanel kung anung nagyayare ditto “mukahang napapadalas ang di nating paga sasabay amy problema ba tayo”sabi ni jhanel na nag dadamdam sa kasintahan hindi na mapigilan ni Justine ang kanyang sarili na sabihin na lang ang totoo sa kasintahan alam nito na magagalit ito ngunit alam din nito na dir in mag tatagal ang galit nito minabuti nya na sabihin na kay jhanel ang totoo ang tungkol sa bestfriend nya at sa mga pag gimik nito ng di sya kasama sumama ang loob ni jhanel sa kasintahan dahil ditto nawala ang tiwala ni jhanel sa kanya at nakipag break si jhanel kay Justine madaming nalaman si jhanel tungkol sa mag bestfriend alam nito na mahal na mahal ng babae si Justine lahat ng dapat nyang malaman ay kanyang nalaman kaya naman naisip nito na hindi muna balikan si Justine sinuyo suyo ni Justine si jhanel ngunit sadyang matigas ito kaya naman naiisip muna ni Justine na bigyan muna ng konteng panahon si jhanel bago nya ito babalikan nawalang sila ng komunikasyon nalulungkot si jhanel dahil mahal na mahal nya na ang kasintahan halos 3 buwan di nya nakikita si Justine dahil lumipat ito ng skul makaraan ang 3 buwan muling nag kita nag dalawa nakita ni Justine si jhanel na nag lalakad at nag hihintay ng sasakyan gabi na iyon sinundan ni Justine si jhanel at tumayo ito sa harap nya laking gulat ni jhanel ang nakita di sya makapaniwala sa nakikita nya nag usap sila at niyakap ni Justine si jhanel gusto rin sanag yakapin ni jhanel si Justine ngunit nahihiya sya at tulad date nag asaran sila ng parang walang nangyari kinuha ulit ni Justine ang cellphone number ni jhanel at muli sila ay nag ka text………..
Hindi pa rin nila alam kung sila nab a talaga ang dapat na mag ka tuluyan panu kung meron pa siyang makilala na iba

Friend or Foe

Mark Angelo N. Lamsen
BSIT


Isang ordinaryong araw para sa isang lalakeng nagngangalang Joseph. Simple lang ang kanyang buhay bilang isang college student. Isa syang Computer Science student at talagang nagpupursigi sa kanyang pag-aaral. Pero nung akala niyang ganun nalang ang kanyang buhay bilang isang tao… un ang hindi niya inaasahang mangyari sa kanya… isang extraordinaryong bagay ang dadating sa kanya.
Noong June 11 , 2012, 11:30 ng gabi, tulog na ang lahat ng tao sa bahay nina Joshua ng may tumamang umaapoy na bagay sa kanilang bakuran. Nagkataon naman na gising pa si Joshua . Lumapit siya sa bagay na tumama sa kanilang bakuran. Nagulat siya dahil may babaeng lumabas doon at bigla niayng nasabi na “ ano toh ? “ Nagpunas siya ng kanyang mata akala niya ay namamalikmata lamang siya. Lumiwanag bigla, nasilaw si Joseph at hindi niya alam kung ano oang nangyari nung nasilaw siya. Namalayan na lng nya ay nakatulog pala siya nung kinaumagahan.
“Anak umaga na gumising ka na dyan may pasok ka pa” sabi ng nanay ni Joseph.
“Ang sakit ng ulo ko ah! Tsk tsk tsk.. ano nga bang nangyari sakin kagabi?
“Hindi ko alam anak, hay bilisan mo na nga at malalate ka na sa pagpasok.”
“Opo nay.” At pumasok na siya.
Tuwang-tuwa si sya kasi naman gagraduate na rin siya sa wakas. Maya maya lamang ay bigla siyang nahilo nung naglalakad sya papuntang paaralan.

“uh !ano to? Bigla akong nahilo.”

Bigla na lang siyang nahimatay dahil doon. Pagkagising niya bigla niyang namalayan na ….. “ teka bakit ganito ang paligid?” tumigil ang lahat, napaupo siya sa isang tabi. Napaisip siya bakit ganito ang nangyayari at kung paano ito maibabalik sa dati nitong kaanyuan. Biglang may ngpakitang isang misteryosong babae. Nagtaka si Joseph kung bakit nakakagalaw silang dalawa sa lugar na iyon habang ang lahat ay tumigil na lamang.
Sabi ng babae sa kanya..
“ Wag kang magulat ,sa mga nangyayari sa atin ngayon “
“ teka bakit nga ba ganito ang lahat sa ating paligid?” sabi ni Joseph
“ ipapaliwanag ko sayo ang lahat para maliwanagan ka sa mga nangyayri”
“ Makinig ka, una sa lahat magpapakilala muna ako. Lucy nga pala ang pangalan ko. Pinadala ako ditto sa inyong daigdig para sa isang mahalagang misyon. Yun ay ang maibigay ang isang kapangyarihan na namana ko pa sa aking mga ninuno.
“Hah?” sabi ni Joseph. “ Hindi kita maintindihan.”
“Makinig ka muna kasi. Hindi basta ung nakita mo kagabi. Isang space ship yung nakita mo kagabi. Galing pa ako sa labas ng Milky Way at ditto na nga ang aking destinasyon. Ikaw nga ang napili para magamit iyang kapangyarihan na iyan. Hindi yan ordinary kasi meron kang kapangyarihan na patigilin ang oras at ang lahat ng bagay kung iisipin mo lang mabuti na kaya mo itong gawin.
“ Eh paano kung ayoko nga na gamitin tong kapangyarihan na ito?”
“Walang mawawala kung hindi mo ito gagamitin pero tandaan mo na sayo nakasasalalay ang pagkontrol sa panahon at oras. Meron ka pa nga palang isang mahalagang kapangyarihan. UN ay ang malaman mo agad ang hinaharap. Dapat mong ialagay sa isip mo na hindi na ordinary ang buahy mo bilang isang tao dito sa mundong iyong ginagalawan. Maaaring maraming panganib na dumating sa iyo pero kailangan mo itong lampas an sa pamamagitan ng iyong kakayahan.
Dapat mong ilagay din sa isip mo na wala kang maisip na kasamaan, o galit sa puso mo dahil hindo mo talaga itong magagamit ng ayos. Bagkus maari ka pang mapahamak. Pero un lang ang tandaan mo. Kalinisan lamang sa puso ang kailangan mo.
Sige aalis na ako ditto sa mundo mo. Kailangan ko nang umalis. Babalik na ako sa aking planeta. Hanggang sa muli. Paalam na muna sa ngayon.” Bigalang nawala si Lucy. Bumalik na din sa normal ang lahat ng bagay. Gumagalaw na ang lahat. Habang sila lang dalawa ni Lucy ang nakakaalam sa mga nangyari sa kanila. Umuwi na siya pagkatapos nang nangyari. Sa paguwi niya, nalaman niya kung ano ang nakalagahan ng kaniyang kakayahan na ibinigay sa kaniya. Habang nung kinagabihan, nakatulala si Joseph sa kalangitan nung gabi habang ngmumuni-muni siya sa mga nangyari. Hindi niya talaga akalain na magiging ganun na ang kanyang buhay simula ngayon.
Normal naman ang mga pangyayari nitong mga nakaraang araw. Nakita ni Joseph ang kayang girlfriend na si Zarah. Miss na miss nila ang isa’t isa. Matagal din kasi silang hindi nagkikita at nagkakausap. Sinabi ni Joseph na meron siayng kakaibang abilidad na wala sa ibang tao.
“Zarah, may sasabihin ako sa iyo, importante ito kailangan mong malaman”, sabi ni Joseph
“ Oh anu un Jeff?”
“meron kasi akong kakaibang abilidad.”
Pinakita ni Joseph ang pagtigil ng mga bagay sa paligid niya pero hindi nito naapektuhan si Zarah. Kinabukasan, may lakad silang dalawa ni Zarah. Gumala sila sa mall, kumain sa restaurant at tumambay sa park. Nakahiga silang dalawa sa damuhan , nakatulog si Zarah sa pagod nilang dalawa. Sinubukan ulit ni Joseph na paganahin ang kakayahan niyang makita ang hinaharap. Dalawang oras matapos ang pagpapahinga nila sa parke ay nakatulog si Joseph. Hindi niya namalayang nawawala na si Zarah. Nang pumunta siya sa kaibigan niya, nalaman ni Joseph na hinostage nga si Zarah ng kahina-hinalang mga lalake. Sobrang nag-aalala na siya. Dahil dito ginamit niya ulit ang pag-alam sa hinaharap. Nakagapos si Zarah sa wheelchair na may nakakabit na timed bomb. Makaraan ang ilang saglit ay sumabog ang bomba at napasigaw na lamang ng malakas si Joseph sa nakita niya.
Matapos niyang malaman ang mga nangyari, kumilos agad siya para matukalasan kung saan itinatago si Zarah. Nagpatulong siya sa mga kaibigan nita, pero hindi niya makita kung nasaan ang kabigan niyang si Kenny( ang kababata ni Joseph at Zarah ). Wala ito kung kelan kailangan niya ang tulong upang mahanap si Zarah. Karaan ang isa’t kalahating oras ay natagpuan na nila kung nasaan itinatago si Zarah. Nasa loob siya ng isang factory. Totoo ang mga nakita niya sa kaniyang prediction. May sumulpot na tao mula sa likod ni Zarah. Laking gulat ni Joseph na ang lalakeng iyon ay si Kenny ang kanyang kababata at matalik na kaibigan.
“ ano to Kenny? Ikaw nga ba ang may kagagawan ng lahat ng ito?”
“ Oo Joseph, ako nga”
“ nakapakasama mo Kenny, akala ko magkaibigan tayong dalawa?!”
“ nagawa ko ito dahil ingaw mo sakin si Zarah!! Noon pa may siya na ang minamahal ko pero anong ginawa mo? Inagaw mo din siya sa akin”
Nagawa ito ni Kenny dahil noong bata pa sila nina Zarah at Joseph ay talagang iniibig na ni Kenny si Zarah. Dumating ang panahon na kailangang tumungo ng pamilya ni Kenny sa Amerika upang doon muna manirahan at magaral. Ngunit pagdating niya ay sila na palang dalawa ni Joseph at Zarah.
Sa hindi inaasahan pagkakataon, bago pa sila mgkita ni Joseph, nagkita nap ala sila Lucy at Kenny at binigyan din siya ng kakaibang abilidiad. Hindi alam ni Joseph na isa rin si Kenny sa mga napili upang humawak ng kapangyarihan. Ang kapangyarihan na iyon ay ang basahin ang isipan na iba.
Ginamit na muli ni Joseph ang kaniyang kapangyarihan na na magpatigil ng oras. Nanatiling huminto ito, samantalang bigla siyang nagulat. Dahi may nagsalita sa kaniyang isipan. Pamilyar ang boses na iyon. Nalaman ni Joseph na si Kenny ang ngsasalitang iyon. Nakipaglaban si Kenny kay Josep subalit hindi pa niya gamay ang kaniyang kapangyarihan na iyon. Madaming natamong pasa at sugat silang dalawa pero nanalo pa rin si Joseph. Nailigtas niya si Zarah sa mga bombang nakagapos sa kaniya.
Napagod bigla si Joseph sa pagkontrol ng oras. Nakaalis silang dalawa nang ligtas mula sa pagkakahotage ni Zarah kay Kenny. Nakatayo si Kenny sa pagkakatumba at hinabol sina Joseph. Napaghinuha niya na ang kasakiman niya ay sobra at bakit na humantong pa sa ganito.
Sabi ni Kenny “ alam kong ginwa ko ang hindi dapat upang makuha ko lang si Zarah sayo. Joseph patawarin mo sana ako sa ginawa ko. Mahal ko kasi si Zarah at nabigla lang ako sa aking nagawa, sana ay magkaibigan pa rin tayo sa lahat nang nagyari at mga nagawa ko. Saka napagtanto ko na ikaw na talga ang pinili ni Zarah upang mahalin. Sana ay maging Masaya kayo . hindi na ako magiging hadlang sa iyong pagiibigan.”
Napatawad ni Joseph si Kenny kahit ganun na lang ang kaniyang ginawa. Matalik pa rin silang mgkaibigan. Makaraan ang ilang taon ay bumalik su Lucy sa daigdig. Kinausap niyang muli ang dalawa. Sa malaman ninyong dalawa kung anong kahalagahan ng kapangyarihan na naibigay ko sa inyo. Tapang , lakas ng loob ang naipakita nyo sa akin. At ito pa ang pinakamahalaga sa lahat, ang pagpapatawad. Sinubok kayo ng kapangyarihang naibigay ko sa inyo. Dapat ninyo itong pahalagahan at ingatan. Gamitin nyo ito sa wastong paraan. Hangad ko ang kapayapaan nyo dito sa mundo.”
Umalis na si Lucy. Nagging mapayapa na ang lahat pati na rin ang buhay nilang tatlo sa mundo. Napatunayan nila na ang pagtitiwala sa isa’t isa ay mahalaga. Isa itong napakahalagang aral para sa kanila. Paghingi sa isang tao ng tawad sa iyonh kasalanan ay ang isa sa pinakamahalagang parte para maibalik niya sa iyo ang kaniyang tiwala.

My Destiny

My Destiny
By:Jenine S. Navarro

Si Dina ay isang Domestic Helper sa Hong Kong. Nang siya’y magbalik sa Pilipinas kanyang natuklasan na ang kanyang asawa ay may kapiling ng iba. Doon nagsimula magbago ang kanyang kapalaran. Sa patuloy na paglimot sa kanyang asawang si Anton kanyang naman nakilala si Gaston ang business tycoon at sinasabing ang ang lalaking bumihag sa puso ng napakaraming kababaihan.
Sa pagbalik ni Dina sa Pinas galing sa labis na hirap na dinaranas sa pagtratrabaho sa Hong Kong kanyang nalaman na ang asawang si Dino ay may kinakasamang ibang babae. “ Oh what a mess you’ve done Dino”. Ang laki ng paghihirap na dinanas ko tapos ganito pa ang dadatnan ko? What a hell ?
Labis niyang ikinalungkot ang nangyari, di niya maiwasang lumuha pag tuwing naalala ang mga bagay na sumira sa kanyang pagtitiwala. Gustuhin man niyang magmove on ngunit hirap na hirap siyang gawin ang bagay na ito dahil sa labis na sakit na kanyang dinanas. Wala siyang ibang ginawa kundi ang lumuha at lumuha. Labis na namaga ang kanyang mga mata sa pag iyak. Halos gumuho ang kanyang mundo sa tuwing naalala niya ang nangyari, tanggap niyang wala na ang kanyang asawa at di’ niya na muling makakapiling ito.
Isang umaga sa kanyang pag gising ay nakita niya ang sarili na labis na nangunlila sa asawa, bagamat hirap siyang ayusin ang kanyang buhay pero heto siya’t pilit na nililimot ang bangungot na sinapit sa pagkawala ng kanyang asawa. Si Bing ang kanyang bestfren ay patuloy sa pagsuporta sa kanyang kaibigan, di siya nawalan ng kadamay sa anumang problemang kanyang kinakaharap.
Kahapunan, tuluyang na ngang nagising ang diwa ni Dina na marapat niya nga talagang kalimutan na ang salawahang asawa at aliwin na lang ang sarili. Agad silang nagpunta ni Bing sa isang bar upang kahit papano naman ay mapawi ang kalungkutang kanyang nadarama. Sa di inaasahang pagkakataon muling nagkrus ang landas nina Dina at Dino, di maiwasang magkailangan ng dalawa sa tuwing tatama ang kanilang mga paningin. Pinipilit niyang maging matatag sa kanyang mga nakita ngunit di niya na kayang pigilin ang silakbo ng damdamin na nais kumawala sa kaniyang puso. Sa labis na poot ay di niya namalayang patuloy sa pagbagsak ang kanyang mga luha sa kanyang nanginginig na mga mata. Di niya mapigilan ang mapaluha. At ngayong patuloy niyang ninanamnam ang mga sandaling nagpawasak sa kanyang mundo. Pilit man niyang labanan ang sakit na nararamdaman ngunit di niya magagawa dahill alam niyang lolokohin lang niya ang sarili kapag pinilit niyangt gawin ang bagay na alam niyang di niya kaya.
Sa pagdaan ng mga araw, linggo at buwan at patuloy na nga niyang naitapon ang masamang kahapon dinulot ng paghihiwalayan nila ng kanyang asawa. Ngayon ay abala na siyang nagtatrabaho sa isang kompanyang pinatatakbo ng isang kilalang pamilya sa Maynila, at doon nga nagsimula ang pagbabago. Halos ubusin ni Dina ang kanyang oras sa pagtatrabaho, wala siyang pinalagpas na sandali upang ituon ang sarili sa mga bagay na alam niyang makakatulong sa paglimot.
Isang umaga, habang binabagtas niya ang kahabaan ng Baywalk kanyang nasilayan ang mala Adonis na kakisigan ni Gaston, agad nagkagusto rito, ang di niya alam ang lalaking iyon ay ang kanyang Boss. Sa loob ng opisina,”Ms. Reyes I need this report tomorrow” nagmula sa malamyos na tinig ni Gaston, laking gulat niya ng masilayan ang mukha ni Gaston, hindi siya magkamayaw kung ano ang sasabihin sa amo. “o-opo Boss”. Labis na namula ang mukha niya ng malamang ang lalaking kanyang pinapantasya ay kasama niya pala sa iisang opisina. Kaya simula noon ay nagkagana siyang gawin ang lahat ng bagay para lang di niya madisappoint ang kanyang amo.
Dumating sa puntong labis na niyang nararamdaman na unti-unti na siyang nahuhulog sa lalaki, gawin man niya ang lahat ngunit di niya maaaring piliting magustuhan siya ng lalaking kanyang sinisinta.
Isang selebrasyon ang idinaos sa Ming’s Enterprise, kaarawan pala ito ni Gaston. Abalang-abala ang lahat sa kung ano ang maari nilang gawin upang mapaligaya ang Boss nilangb si Gaston.
Kinagabihan, masayang-masaya ang lahat ng manggagawa ng sumapit na ang oras na kanilang pinakahihintay. Nagsimula nang dumating ang bisi8ta at naroon na rin ang may kaarawan ngunit si Dina ay wala pa. Nagsimula na ang programa, nagsimulang umihip ang napakalamig na hangin na dumadampi sa kanilang masimyong balat. Laking gulat ng lahat ng kanilang masilayan ang mala ibang kagandahan ni Dina na animo’y siya ang may kaarawan. Halos lumuwa ang mata ng mga kalalakihan ng kanilang masipat ang babaeng iniluwa ng pintuan. Halos mabingi ang lahat sa labis na katahimikan. Maging si Gaston di malaman ang kanyang gagawin nang makita ang karikitan ni Dina.
Gabi ng kasiyahan, ang gabi kung saan ang lahat ay nakatuon kaya Dina, ang gabi ring nagpabago sa ihip ng hangin na sa wakas ay napansin na siya ng kanyang prinsipe. Agad siayng nilapitan ni Gaston, nagsayaw sila na wari’y walang sinuman ang makapipigil sa kasiyahang dulot ng gabing iyon, tila isang panaginip na nabihay na lang bigla at bumago sa kanya.
Matapos gabing iyon, nagkagaanan na ng loob ang dalawa, hanggang sa kani-kanilang tahanan ay ibang-iba ang kanilang ligaya.
Pagkagising ay agad niyang tinignan ang orasang nakasabit sa dingding ng kaniyangt kwarto. Alas otso y-medya na, huli na siya, dali-dali siyang naligo at nagbihis. Paglabas ngt pinto ay bumungad sa kanya ang isang bokey ng pulang mga rosas, ng tinignan niya ang liham na naroon ay agad siyang pinamulanan ng mukha, galing ito kay Gaston, isang pasasalamat.
Pagdating sa opisina ay samu’t saring kantiyaw ang kanyang inabot mula sa kanyang mga ka-opisina. Nang siya’y maupo sa kanyang desk ay isa na namang kumpol ng rosas ang tumambads sa kaniya ngunit sa pagkakataong iyon aty may kasama na itong tsokolate. Di na natago ni Dina ang labis na saya, di na niya napansing nakatingin sa kanya ang lahat ng kanyang mga ka-opisina.
Agad siyang pinatawag ni Gaston upang may ipaggawa. Ilang siya dahil sa mga nangyayari. Nang nasa loob na siya ay nakita niya nagkakape si Gaston, ”Sir may ipapaggawa daw po kayo sa akin”? ika ni Dina, maupo ka Dina, hiya man siya ngunit di niya maaaring tanggihan ang lalaking nagpatibok muli sa kanyang puso.
“Maaari ba kitang imbitahang lumabas mamaya ayun ay kung ok lang sa’yo?” sabad ni Gaston, “ahhm, Sir kasi po marami pa akong tatapusing paperworks para sa kumpanya”, sabi naman ni Dina. “Ipagpaliban mo muna yan sige ako na ang bahala”, sabi naman ni Gaston. Napilitan man ngunit labis niya itong ikinatuwa.
Kinagabihan, sa isang class na Restaurant sila kumain, bagamat kinakabahan di naman niya maggawang tumakbo dahil nahihiya siya.
Sa kagitnaan ng kanilang date ay biglang natanong ni Gaston kung may nobyo na itong si Dina, agad siyang kinabahan sa mga itinatanong ni Gaston, agad naman niyang sinabi8 na wala siyang nobyo at ngayon ay patuloy siyang naghahanap ng taong magmamahal sa kanya.
Sa haba ng kanilang napag-usapan ay tunay ngang nagkagaanan na sila ng loob. Doon na sinamantala ni Gaston ang pagkakataon, agad niyang niligawan si Dina. Matapos ang gabing iyon, hi8ndi na naman nakatulog ng maayos si Dina sa labis na kagalakang kanyang naramdaman.
Kinaumagahan ay masayang-masayang gumising si Dina dahil tila nilulutang siya sa ulap ng maalala ang mga pangyayari kagabi. Pagkapasok ay agad siyang binate ni Gaston, “Magandang umaga Dina” usad ni gaston , “Magandang umaga din po Sir”. Pagdating niya sa kanyang upuan isang napakagandang kaha ang bumungad sa kanya, ng kanya itong buksan ay laking mangha niya ng masilayan ang napakagandang kwintas na pinuno ng mga mamahaling bato. Agad siyang pumunta sa opisina ni Gaston. “Sir ano ito?” “iyan”, “Para sa akin po?” gulat na gulat siya ng marinig ang salitang iyon. Agad naman siyang nagpasalamat sa kaniyang Boss.
Lumipas ang tatlong buwan at tuluyan na nga silang nagging magnobyo, bagamat may pagkakataong sila’y paghi8walayin, bagkus lalo pa nitong pinatibay ang kanilang samahan. Ngayon ay masaya nilang pinagsasaluhan ang tamis ng kanilang pagsinta. Napagpasiyahan nila na magkaroon ng kasiyahan sa isang bar doonj muling nagtagpo ang landas nila DSina at Dino ngunit sa pagkakataong ito ay taas noo nbiyang hinarap ang dating asawa, at nagawa pa nitong ipakilala si Gaston kay Dino. Inuman lasingan ang naganap ng gabing iyon. At ng gabi ring iyon ay naganap ang isang makasaysayang pangyayari sa buhay ni Dina, ngayo’y pinagsaluhan nila ang init ng kanilang mga halik at mula roon ay naggawa nga ni Gastong angkinin ang pagkatao ni Dina, bagamat lasing silang parehas ay di nawala ang ang pagkakakilanlan nilang dalawa. Kinaumagahan ay nagising silang dalawa na puno ng pagmamahalan. Mula sa araw na ring iyon ay di na muling nagkahiwalay ang dalawa. Agad na niyaya ni gaston ang dalaga na magpakasal sa lalong madaling panahon. Lumipas ang 1 buwan, sa may simbahan ng Loreto sa sampaloc ikinasal ang dalawa. At mula sa simbahan ay dumeretso sila sa kanilang honeymoon at mula doon ay napagisa na naman sila. Lumipas ang isang taon nagbunga ang pagmamahalan ni Gaston at Dina, samantalang si Dino ay patuloy ng kinarma sa kasamaang kanyang ginawa. At mula noon ay namuhay na sila ng matiwasay at puno ng pagmamahalan......

Thursday, March 18, 2010

Only Hope (by Eanna Jean Luna BSIT 1-6)


“Only Hope”
By Eanna Jean P. Luna


CHAPTER 1

Binuksan ni Selene ang bintana ng kotseng sinasakyan. Dumungaw siya at pinagmasdan ang mga sunflower na nakatingala sa araw. Animo’y ipinagmamalaki ng mga ito ang angking kagandahan. “Ang ganda..,” mahinang sambit niya. Mayamaya pa’y naramdaman na naman niya ang mainit na luhang dumaloy sa makinis niyang pisngi. Hay iiyak ka na naman ba? Hindi ka pa ba napapagod? sabi ng boses sa kanyang isipan. But she can’t help it. Iyon lang ang paraan para mabawasan ang sakit na iniinda niya. That was the only way to lighten her head and her heart from the truth. She has leukemia, a chronic one, kaya di pa ito gaanong malala. Still, she feels like a month near to death. Sino nga ba kasi ang mag-aakala na ang bubbly at careless na dating playgirl ay may nakamamatay na sakit? She could still recall every second of the moment when she found out that she’s ill........ Tumama sa pader ang vase na ibinato ni Selene. Pangalawa na iyon sa mga nabasag dahil sa pagwawala niya habang walang humpay sa pagiyak. “Selene tama na please!” sambit ng malambing niyang ina. “You don’t understand ma! I’m going to die. Alam nyo ba kung ano ang nararamdaman ko? puno ng hinanakit na sabi niya. “ I—I’m still young. Ang dami ko pang pangarap....,” pabagsak siyang umupo sa sahig, “gusto ko pang makatapos sa music school. Gusto ko pang tuparin ang pangarap ni ate Sandra. Paano na yung piano concert? Paano na ‘ko mama? Paano na ang pangako kay ate?” patuloy sa pa rin sa pag-iyak na wika niya. She looks like a child crying for a ruined porcelain doll. Lumapit ang Mama Stella niya upang kalmahin siya. “Sel pwede ka pa namang gumaling. We’ll engage with a therapy para mapigilan ang pagdami ng mga cancer cells mo o kaya ay bone marrow transplant,” wika ng mama niya habang pinapahid ang luha sa magkabila niyang pisngi. “Pero hindi naman sigurado na mabubuhay nga ako. Paano kung, kung--,” “Hija, huwag kang magsalita ng ganyan. Alam mo namang hindi ka naming pababayaan ng daddy mo. Wala na ang ate Sandra mo at hindi ako papayag na mawalan ulit ng isang anak,” patuloy ng kanyang mama. “Oh mom! I’m sorry but I really feel so confused. I don’t know what to do?” humuhulas na ang kanyang mga luha. “I can see it hija. Kaya nga kahit na gustong-gusto ka naming ipagamot ay nasa iyo pa rin ang desisyon Sel, but please be strong. You know that we love you the most,” mapayapang sabi ng kanyang mama. “I need more time,” tuluyan na siyang tumigil sa pagiyak. Her mother has the ability of calming people’s stormed hearts, lalo na ang sa kanya. “Iyon nga rin ang naisip ko. Would you like to take a vacation?” tanong nito. “Opo. Gusto ko po sanang bumalik sa lugar kung saan kami lumaki ni ate Sandra.” “Sige tatawagan ko na ang lola Mildred mo,” nakangiting wika ng kanyang ina. Ring....Ring.... Nagulat pa si Selene nang tumunog ang kanyang cellphone na nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. Isinara muna niya ang bintana ng sasakyan bago sagutin ang tumatawag. Her father’s name registered on the screen. “Hello dad? Napatawag ka?” tanong niya sa pinasayang tinig. “Gusto ko lang kamustahin ang baby ko,” paglalambing nito. Napangiti siya sa sinabi nito. “I’m fine dad. Malapit na kami sa hacienda. I’m sure lola will be thrilled to see me,” sambit niya. “Oo sigurado iyon hija. Matagal ka nang gustong makita ulit ni mama,” pag-sangayon ng kanyang Daddy Ben. “Mag-ingat ka dyan ha? Pag-isipan mo nang mabuti ang lahat,” tumikhim ito sandali. “And of course don’t forget to have a great time.” “Okay dad, don’t worry too much about me,” sagot niya. “I know, I know. Dalaga na talaga ang baby ko. Bye Selene, I love you!” “I love you too dad,” ibanaba na niya ang telepono.

CHAPTER 2

Bumukas ang malaking gate kasabay ng pagpasok ng kotse sa maluwang na bakuran ng Hacienda Milan. Matatayog ang puno ng Bunga de Jolo na nkahilera sa gilid ng driveway ng hacienda. Marami ring puno ng mangga at narra na lumililim sa maluwang na pag-aari ng kanyang lola na siyang nagbibigay ng napakapreskong hangin doon. Hindi siya makapaniwala na ngayon lamang niya naisip na bumalik sa paraisong iyon. “Miss Selene, maaari na po kayong bumaba,” wika ni Mang Cesar na siyang naghatid sa kanya roon. “Huh?” nagulat pang tanong niya, lumilipad na naman kasi ang kanyang isip. “Ah—salamat po mang cesar!” bumaba na siya ng sasakyan at naglakad patungo sa pinto ng mansiyon. Sumunod naman sa kanya si Mang Cesar bitbit and dalawang maleta ng gamit niya. Nakakailang hakbang pa lamang si Selene nang bumukas ang malaking pinto ng bahay. Lumabas mula roon ang isang matandang babae. Iyon ang kanyang lola, na kahit matanda na ay mababakas pa rin ang kagandahan na taglay noong kabataan nito. Her hair has shades of gray but is perfectly styled for people to think that she’s a real rich woman. Though for Selene, Donya Mildred the simplest woman that she’s ever met in her entire life. Naka-plain blue duster lang ito ngayon. Malapad ang ngiti na lumapit ito sa kanya at mahigpit na yumakap. Gumanti naman siya ng mas mahigpit pa. “Oh hija I’ve really missed you! Where have you been all these years?” exaggerated na tanong nito. “Na-miss ko din po kayo lola,” naluluha namang sambit niya. “Ang ganda ganda pa rin po dito at syempre kayo din po!” wika niya habang minamasdan ang muka ng kanyang lola. “Naku ikaw talagang bata ka!” sabay silang naglakad papasok ng bahay. “Lalo kang gumanda ngayon Sel, sigurado ay napakarami mong manliligaw?” kinurot pa siya nito sa gilid ng baywang. “Aray naman lola!” napapatawang sagot niya. Ang totoo ay marami talaga siyang manliligaw at marami sa mga iyon ang nasagot na niya kahit ‘di naman niya mahal ang mga ito. Samantalang ang mga ito naman ay labis-labis ang pagtingin sa kanya. Kaya nga nasasaktan talaga ang mga ito sa tuwing makikipaghiwalay siya nang walang sapat na dahilan. Para ito kay ate Sandra! Iyon ang madalas niyang sabihin sa sarili sa tuwing makokonsensya sa ginagawang pananakit sa damdamin ng karelasyon. Ngunit dahil nga mahal talaga siya ng mga ito ay hinahayaan na lamang siya sa anumang magustuhan niya. Paano nga ba siya humantong sa pagiging anghel na tila walang malasakit? Namatay kasi ang nakatatanda niyang kapatid nang dahil sa nobyo nitong si Raul. Winakasan nito ang sariling buhay nang masaksihan ang pagtataksil ng pinakamamahal. Marahil ay hindi nito kinaya ang sakit na naramdaman lalo pa’t nakatakda nang ikasal ang mga ito. Lumaki sila na malapit isa’t-isa kaya naman labis niyang dinamdam ang pagkamatay ng pinakamamahal at tinitingalang kapatid. Nasanay siya na kasama ito sa lahat ng pupuntahan at kaagapay sa lahat ng gagawin. Hindi siya nagdedesisyon noon nang hindi muna kinukunsulta ang kanyang ate Sandra. Losing her was the darkest moment of her teenage years at walang sinuman ang makapagpuno ng kakulangang iyon noon. Habang tumatagal ay lalo niyang nararamdaman ang pangungulila at ang sakit hanggang sa ito ay mauwi sa galit at pagkamuhi sa lalaking may kasalanan ng lahat. Tumanim sa isip niya ang pasakit na dinanas ng kapatid mula kay Raul. Hindi man lamang ito nagpakita sa burol ng kapatid niya. Sabagay ay mas mabuti na nga iyon dahil siguradong hindi niya ito palalabasin ng buhay. Dahil sa galit na naramdaman ay ipinangako niya sa puntod ni Sandra na hindi siya kailanman magtitiwala sa mga lalaki at maghihiganti siya sa pananakit ng mga ito. Ipagpapatuloy din niya ang pangarap nitong magkaroon ng sariling concert na siya rin namang pangarap niya mula noong mga bata pa sila. Hindi naman siya nahirapan sa planong paghihiganti dahil ang mga lalaki na mismo ang lumalapit sa kanya. Marami ang naaakit sa maalon at itiman niyang buhok na lumalampas lamang ng kaunti mula sa kanyang balikat. Her face is so angelic. Deep hazelnut brown eyes with thick lashes. Maganda ang kanyang ilong at perfect shape ang kanyang mga labi. In short she looks perfect, her body is perfect. She’s just too beautiful that every man found her irresistable. Nobody says ‘no’ to Selene Maniego…. alam iyon ng lahat. Her most perfect feature is her smile, so miraculous, charming and overwhelming. Nagliliwanag ang lahat sa oras na ngumiti siya. Siyempre hindi lang siya maganda kundi matalino rin. She’s so gay and friendly that almost everybody loves her, though of course some girls envy her perfection. Kaya naman hindi nga nakaligtas sa karisma niya ang mga naging nobyo. She used her sweet venom to tame and then break those men’s hearts. Pero noon iyon. Noong puno pa ng pait at paghihiganti ang kanyang puso. Narealize na niya ang mga pagkakamali niya. Hindi nga naman tama na siya ang humatol sa pagkakamali ng iba at hindi rin tamang idamay niya ang lahat sa pagkakamali ng iisa. Pinagsisisihan na niya ang mga ginawa lalo pa ngayong may malubha siyang karamdaman. I was being punished! madalas na bulong niya sa sarili nitong mga nakaraang araw. Kailan ko kaya siya makikitang muli? binabagabag na rin siya sa isiping mamatay siya ng hindi muling nakakasama ang lalaking pinaglaanan ng puso mula pa ng mga bata sila. Talaga bang nakalimutan mo na ako Raprap? “YOU’RE imposible mom!” sigaw ni Rafael sa kausap sa telepono. “Paano ako magbabakasyon kina Donya Mildred kung nandoon ang apo niya?” “Hijo calm down. May guest house naman sina ninang, doon ka na lang tumuloy. Nakakahiya naman kung muli nating tatanggihan si Donya Mildred. Alam mo namang hindi kami makakapunta ng Daddy mo kaya ikaw na sana ang umintindi,” tumigil ito sandali na tila nag-iisip pa ng sasabihin. ”Donya Mildred was the bestfriend of your grandmother at ayaw ng Daddy mo na mawala ang magandang ugnayan natin sa pamilya nila. They are one of the good persons on this planet,” patuloy na pagpapaliwanag ni Rodora Montiola sa anak. “Except that Selene!” he said mockingly. “Selene was your childhood friend. Ni hindi nga kayo mapaghiwalay noong araw,” may pagbibirong sabi ni Rodora. “That was long ago. Kilalang-kilala ang babaeng yon sa pagiging player. Some of her victims were my friends. She’s cruel and annoyingly self-contained. Her kind is far from ‘good persons on this planet’ description,” patuloy na panunuya nito. “She’s just a playful young heart. Alam mo namang namatay ang kapatid niya and she was badly wounded back then. Nagbago na siya hijo!,” pagtatanggol nito. “Allright I’ll go if you’ll stop defending her,” naiinis na sabi niya.

CHAPTER 3


Limang araw na si Selene sa lugar na iyon pero hindi pa rin siya nakakapagdesisyon. Madalas lang lang siyang nasa silid at nagko-compose ng piece na hindi rin naman niya natatapos, puro simula lang siya. Hindi pa rin niya maiwasan ang mapaiyak sa tuwing maaalala ang karamdaman. Hindi pa rin niya nasasabi sa kanyang Lola Mildred ang sitwasyon dahil nag-aalala siya sa magiging reaksyon nito. Isa pa, naging abala ang kanyang lola nitong nakaraang dalawang araw dahil may bisita raw na dumating at tumuloy sa guest house nila. Ilang metro rin ang layo noon mula sa mansyon. Maaari namang lakarin ngunit kadalasang sumasakay ng kabayo ang pumupunta roon.
Medyo naiinis siya dahil inilipat pala doon ang piano ng ate Sandra niya. Madalas daw kasing nalulungkot ang lola niya sa tuwing makikita ang intrumentong iyon na nagpapa-alala dito tungkol sa kanyang kapatid. Hindi man lang tuloy siya makatugtog. Teka, pwede naman siyang pumunta sa guest house kung gugustuhin niya hindi ba? “Allright! Pupunta ako don’ bukas ng umaga,” excited na bulong niya sa sarili. MAAGANG bumangon si Selene para maaga rin siyang makarating sa pupuntahan. Wala kasi siyang balak na sumakay ng kabayo papunta roon. Marunong naman siya ngunit pinili na lamang niyang maglakad para makapamasyal naman. Isa pa, napagdesisyunan niya na mula ngayon ay gagawin na niya ang mga simpleng bagay na ‘di niya madalas ginagawa noon, tulad nga ng paglalakad. Ipinangako rin niya na gagawin ang anumang gustuhin nang walang pagaalinlangan. Free like a bird. Bumaba na siya upang mag-almusal kasama ang kanyang lola. Nagulat pa ito nang makita ang ayos niya. Hindi ito sanay sa suot niya, madalas kasi siyang naka-jeans. Pero ngayon ay naka-black baloon skirt siya na lampas tuhod ang haba samantalang white long sleeve fitted blouse naman ang kanyang pang-itaas. Pinartneran niya ito ng flat sandals na itinatali sa paa para hindi siya mahirapan sa paglalakad. Magsusuot din siya ng wide-brimmed hat para hindi masyadong mainit kung abutan man siya ng mataas na araw. Simple na iyon para sa kanya but she still looks so beautiful. “Hija what are-- where--,” di malaman ng matanda kung ano ang unang itatanong. Napatawa ng mahina si Selene, “Lola pupunta po sana ako sa guest house ngayon. Namimiss ko na po kasi ang piano ni ate Sandra,” may ngiting wika niya. Sandaling natigilan ito pagkarinig sa pangalan ng kanyang ate. “Ngayon ba kamo? May bisita ako doon ngayon Selene,” agad din naman itong nakabawi. “Alam ko po, pero huwag kayong mag-alala tutugtog lang naman ako. Hindi naman po siguro siya maaabala ng sobra. Sandali lang po ako doon,” magalang na pakiusap niya. Saglit itong nag-isip. “O sige. Be nice to him ok? He’s a close family friend,” paalala ng matanda. Lalaki pala ang bisita ni lola, anang isip ni Selene. LUMAKAD na si Selene matapos kuamin. Nagpaalam din siyang maglalakad na lang papuntang guest house na tila ikinagulat na naman ng kanyang lola ngunit pumayag din sa huli. Nag-eenjoy siya sa kanyang paglalakad. Sariwa ang hangin at malilim ang daan. Para siyang bumalik sa pagkabata dahil padakadaka siyang tumatakbo na halatang sabik marating ang nais puntahan. Ngunit ilang sandali pa lang ang nakalilipas ay muli siyang nalungkot nang makaramdam ng pagod. Kinailangan pa niyang umupo sa malapad na batong nakita upang makabawi ng lakas. Hindi naman siya ganoon kahina dati kaya naisip kaagad niyang dahilan ang karamdaman sa kasalukuyang panghihina. Napansin na rin niya ang pamamayat ng sariling katawan. Ipinagpapasalamat niyang hindi pa iyon napapansin ng kanyang Lola Mildred dahil siguradong mag-aalala iyon ng lubos. Muli siyang napaluha. Paano ko ito sasabihin kay lola? Matapos ang mahigit kumulang trenta minutos na paglalakad ay narating na rin ni Selene ang guest house. It is a two-storey building that is built on expensive wood. Namangha siya sa mga magagandang bulaklak na nkatanim sa maluwag na bakuran. Her grandmother really loves flowers. Pinihit niya ang seradura ng pinto at nalamang hindi nakakandado iyon. Walang ingat ang bisita ni lola. Nagdala pa naman ako ng susi, anang isip ni Selene. Dumiretso na siya sa loob. Pati ang mag gamit ay yari din sa kahoy. The furnitures were a bit sparse but look elegant. Ayaw din kasi ng lola niya ang sobrang daming gamit. Very comfortable ang ambiance ng bahay kaya bagay talaga itong pagbaskayunan. Tulog pa ang bisita dahil ‘di pa niya ito nakikitang lumalabas. Minabuti niyang tuluyan nang pumasok sa loob at agad naman niyang nakita ang hinahanap. Tatakbo siyang lumapit sa grand piano at dinama ang makinis nitong lid. She removed her hat and sat on the wooden chair decorated with a colorful tapestry. To her excitement, she started to play a piece entitled ‘Waltz of Flowers’. It sounds so good and relaxing but she cannot deny the pain in every key stroke. Tumigil siya sa kalagitnaan ng piyesa, muling umagos ang masaganang luha mula sa kanyang mga mata.

CHAPTER 4

So peaceful but sad. Relaxing yet depressing. Where is that sound coming from? Wait it stopped. Naalimpungatan si Rafael sa mahimbing na pagkakatulog. It’s just a dream, bulong niya sa sarili. Tuluyan na siyang nagising at bumangon upang magsipilyo. May narinig siyang kakaiba pagkalabas ng banyo. He think he heard somebody weeping. A woman. He hurriedly wears his robe and stormed out of his room. Lalo pang lumakas ang kanina’y mahinang pag-iyak paglabas niya.
“WHO are you and what are you doing here?” Naalarma si Selene sa narinig na baritonong boses ng lalaking nagtatanong. Agad niyang pinahid ang mga luha at pinigil na ang sarili sa pagiyak. “Answer me! Who are you and what--” “I heard you the first time Mister,” putol ni Selene sa pag-uulit ng lalaki. Medyo nairita siya sa tono ng pananalita nito, agad siyang tumayo at humarap dito. “I’m Selene Maniego, pasensya na kung naabala ko ang pagtulog mo,” itinago niya ang bahagyang pagkagulat sa itsura nito. He was tall and dark with a rugged handsomeness. His grey eyes are narrowed and intent. Parang matutunaw siya sa intimidatinhg na titig nito. “Ah—well it’s nice to see you again Sel,” sagot ng lalaki. “Again?” nagtatakang tanong niya. “Ang dali mo talagang makalimot pagdating sa lalaki,” may panunuyang saad nito. “What are you--” saglit na natigilan sa Selene. Naaalala na niya kung sino ang kaharap. Paano niya nga ba makakalimutan ang pangalawa sa pinakaimportanteng lalaki sa buhay niya sunod sa kanyang ama? Ang pinakamatalik niyang kaibigan noong mga bata pa sila. Ang batang pinangarap niyang mapang-asawa pagdating ng araw. “Raprap ikaw ba yan? Ikaw nga!” mabilis siyang lumapit dito at yumakap. “Yes it’s me and please call me Rafael,” malamig ang tinig na saad nito. Tila nagulat sa ginawa niyang pagyakap dito. Hindi ito gumanti ng yakap sa kanya. “Yeah I’m sorry,” maging siya ay nabigla rin sa sariling kilos kaya mabilis ding bumitiw mula sa pagkakayakap sa binata. Hindi rin nakalampas sa kanya ang malamig na pakikitungo nito kaya lumayo siya ng ilang hakbang. “Ikaw ba yung tumutugtog kanina?” putol ng lalaki sa namuong katahimikan. “Oo ako nga. Pasensya na ulit sa istorbo. Inilipat kasi dito yung piano kaya kinailangan ko pang pumunta rito,” paliwanag niya. Bakit ba parang nanliit siya sa harap nito? “It’s ok. I have no right to get mad in the first place. Bahay ito ng lola mo,” pormal na sagot nito. “But you’re a guest so--” napigil niya ang nais sabihin nang makita ang reaksyon sa muka ng lalaki. Parang ayaw siyang makausap nito, “I have to go,” sabi na lang niya. She turned back to get her hat and prepared to leave. Tumigil siya sa harap nito upang pormal na magpaalam, “Bye Rafael!” may ngiting wika niya. Agad na tumulo ang luha niya paglabas ng pinto ng guesthouse. Nasaktan siya sa malamig na pakikitungo sa kanya ng kababata. Bakit siya ganon? Naguguluhang tanong niya sa sarili. Mabilis na niyang pinahid ang mga luha at nagpatuloy sa paglalakad. Stop crying Selene! Masyado na siyang nagiging sensitibo nitong mga nakaraang araw. Hay! Ikatlong beses na iyon ng pagbuntong hininga ni Rafael. Hindi niya inaasahang makikita pala niya ng babaeng ayaw niyang makita, pagkagising pa lang sa umaga. Ayaw mo nga ba? Sigaw ng isang parte ng kanyang isipan. Inaamin niyang kinabahan siya nang muling makita ang malaanghel na muka ng dalaga, lalo pa ng niyakap siya nito. Nagulat siya sa sariling reaksyon. Imposible naman na hanggang ngayon ay may pagtingan pa rin siya sa kababata. Magmula nang lumipad ang pamilya nila papuntang France noong fourth year high school siya ay nawalan na sila ng komunikasyon nito. Nalaman na lamang niyang namatay ang kapatid nitong si Sandra at labis siyang nalungkot para dito, wala siya doon upang madamayan ito. Pero hindi pala siya dapat malungkot dahil tila hindi naman ito gaanong naapektuhan ng pangyayaring iyon. Marami siyang nabalitaan tungkol dito na talaga namang nagpasama ng kanyang loob. Kaya pala wala itong panahong kamustahin siya sapagkat abala ito sa pagpapalit ng mga nobyo. Hindi niya matanggap na agad siyang nakalimutan nito matapos ang lahat ng pinagsamahan nila. Mula noon ay pinilit niyang kalimutan ang kaibigang lihim na minamahal. May isa pang bumabagabag sa kanyang isipan. Bakit kaya siya umiiyak? Tanong niya sa sarili. MABIGAT ang pakiramdam ni Selene nang makarating na sa mansiyon. Sumasakit ang kanyang ulo at nilalamig na rin ang kanyang katawan. Not another effect of this forsaken illness, angal ng isipan niya. Agad siyang umakyat ng kwarto upang magpahinga. Hindi na niya kayang kumain pa ng tanghalian. Matapos ang ilang sandali ay pinuntahan siya ng kanyang lola upang kamustahin ang kanyang kalagayan. Agad siyang niyakap nito pagkapasok pa lang ng silid, gumanti din naman siya ng yakap kahit bahagyang nagulat. “Oh hija! Bakit hindi mo kaagad sinabi sakin ang tungkol dito?” umiiyak na tanong nito. “Lola lagnat lang po ito. Kaunting pahinga lang ang kailangan kaya hindi ko na kayo pinag-alala,” sagot naman niya. “You silly! How could you hide something like this to me? I’m your grandmother for God’s sake!” pagpapatuloy ng kanyang lola. Kumalas na ito mula sa pagkakayakap sa kanya. “Lola naman para lagnat--” npatigil siya nang may mapagtanto. “Oh my gosh! You already..........you already know?” her face fell on her palms and tears started bursting from her eyes. ”I’m sorry! I’m so sorry I didn’t tell you. I just can’t,” she apologized between sobs. “Your mother told me. Nag-alala siya nang malamang nilalagnat ka. Stop crying, there’s no need to apologize,” iniangat nito ang muka niya at pinahid ang mga luha doon. “Gagaling ka, we’ll look for any possible way to treat you!” pagsisigurado nito. “But I’m so scared,” umiiyak pa ring sabi niya. “Don’t be. Kaya ka nga nandito para makapagdesisyon ‘di ba?” sabi nito. “We’ll get through this. Believe me.” “Sana nga lola, sana nga.”

CHAPTER 5

Mabuti na ang pakiramdam ni Selene pagdating ng umaga. Nabawasan ang dinadala niya dahil mula ngayon ay di na niya kailangang ispin kung papaano sasabihin sa minamahal na lola ang tungkol sa kanyang sakit. She saw love on her eyes. It somehow tightens the spirit of hope inside her. Bumaba na siya upangb sabayang mag-almusal ang kanyang lola gaya ng nakasanayan nitong mga nakaraang araw. Bumababa pa lang siya ng hagdan nang masilayan ang isa sa pinakamahalagang bagay sa buhay niya. On one corner of the house, under the portrait of her beloved sister lies the piano. Patakbo siyang pumunta ng dining room upang pasalamatan ang kanyang lola. “Lola bakit po nandito yung--”, naputol ang sasabihin niya nang makitang hindi nag-iisa ang lola sa mesa. May lalaking nakaupo patalikod mula sa kinaroroonan niya. “O hija gising ka na pala?” tumayo pa ito upang alalayan siya paupo sa silyang katapat ng bisita....si Rafael! “How do you feel?” pagpapatuloy ng matanda. Dinama pa nito ang noo niya. “Okay na po ako grandma. Effective ang yakap niyo,” may paglalambing na sabi niya. Ngumiti ito sa kanya. “Siya nga pala, nakita mo na ba iyong piano?” tanong ni Donya Mildred. “Opo,” nagliwanag ang muka niya. “Sino pong nagdala noon dito?” “Nagpatulong ako dito sa kababata mo,” ngumiti ito ng makahulugan. “Wala kasi si Mando at Cesar kaya walang magmaneho ng sasakyan,” paliwanag nito. “Siya nga pala, ditto na rin sa bahay titgil itong si Rafael. Nakakahiya kasi dahil, hindi ko na siya araw-araw na madadalaw doon sa guest house dahil gusto kong dito muna ko sa tabi mo. Baka mainip sa bakasyon niya dito,” pagpapatuloy nito. “Ganoon po ba? Ah, tinanong niyo naman po ba siya kung ano ang gusto niya? Baka po kasi mas gusto niya na mag-stay doon sa guest house,” malumananay na tanong niya. “I agreed with no hard feelings Selene. Hindi ko matatanggihan si Donya Mildred kahit kailan. Saka tama siya, nakakalungkot kapag wala akong kausap doon,” sabat ng baritonong tinig ni Rafael. Kaya pala parang ayaw mo akong makausap noong nandon ako, pilosopong sagot ng isip niya. Tumingin siya rito, “That’s good. Welcome Rafael,” ngumiti sya ng matamis dito. Sinuklian din naman siya ng ngiti ngunit agad ding nagbaba ng tingin ang binata na bahagya niyang ipinagtaka. “O siya kumain na tayo, and Rafael hijo please call me lola,” utos ng donya. NASA silid na niya si Rafael ngunit hindi pa rin natatanggal sa isipan niya ang ngiti ni Selene. She still has that perfect smile, aniya sa sarili. Nagbalik na naman sa isipan niya ang mga pinagsamahan nila ng dalaga noong mga bata pa sila. Masaya siya kapag kasama ito. They shared every little thing about each other. Ganoon sila k-close. She was the sweetest girl that he has ever met. Wala yata siyang kilala na kayang magalit dito ng lubos noong mga bata pa sila, lalong-lalo na siya. Kahit na anong gawin nitong kasalanan sa kanya noon ay napapawi lang sa pamamagitan ng isang ngiti. The purest smile of all. Kaya pa rin kayang alisin ng ngiting iyon ang lahat ng pagdududa at pag-aalinlagan niya ngayon tungkol rito? KINAGABIHAN ay may biglang pumasok sa isip ni Selene. Katatapos lang nilang maghapunan noon nang magsalita ang dalaga. “Lola buhay pa po ba yung falls dito?” curious na tanong niya. “Oo naman apo. Ang ganda pa rin nga doon, bakit mo nga pala naitanong?” tanong ng kanyang lola. Nakikinig lang sa usapan nila si Rafael. “Gusto ko po sanang makita iyon ulit, kung pwede,” nakangiting sagot niya “Naku hindi kita masasamahan paparoon kagaya ng dati. Medyo nananakit na naman kasi ang likod ko, lumalamig na kasi ang panahon. Wala pa rin naman si Manolo, hindi pa yata magaling ang asawa niya,” ang driver nila ang tinutukoy nito. “Ayos lang naman po sa akin ang pumunta doon nang mag-isa,. Saulo ko pa rin naman ang daan, mangangabayo po ako papunta roon,” pagpipilit niya. Nakita niyang nag-aalinlangan pa rin ang lola niya na payagan siyang pumunta roon nang mag-isa, “Lola please…. I need this!” Tila naman nakuha ni Donya Mildred ang nais niyang tumbukin. “Hay.... Ako pa ba naman ang makatanggi sa maganda kong apo? This is all for you!” yumakap pa ito sa kanya. “Sandali bakit kaya hindi mo isama si Rafael?” nanunukso ang titig na matanda. Kinabahan siya sa tinuran ng matanda. “Hijo, will you accompany my Selene tomorrow?” tanong nito sa binata. Deep inside Selene’s heart, she’s really hoping that Rafael would agree. Gusto niya itong makausap ng masinsinan. “I think I would have to pass Donya Mildred, I mean lola. May tatapusin po akong sketch bukas eh,” sagot ni Rafael. Nawala ang ningning sa mga mata ni Selene pagkarinig niyon, naalala niyang architech nga pala ito. “Oh,” nasambit na lamang ng donya. OUT of disappointment ay naisipan ni Selene na tumugtog ng isang piano piece. Dinamdam niya ang pagtangging iyon ni Rafael. Pwede naman niyang gawin iyon sa ibang araw ah? Tila ayaw lang talaga siya nitong makasama. “Do you always play piano pieces with sad content?” tanong ng beses mula sa kanyang likuran. Sa halip na sumagot ay itinigil ni Selene ang pagtugtog. Huminga siya ng malalim at saka muling tumugtog ng panibagong piyesa. This time she’s playing All is My Love. Naramdama niya ang paglapit ni Rafael at tumayo ito sa tabi ng piano. Sa pagkakataong iyon ay kita na niya ang gwapo nitong mukha. She could feel his intent gaze again. “You’ve really grown so playful Sel,” wika muli nito. Hindi niya malaman ang nasa likod ng lahat ng sinasabi ng binata. She’s always puzzled when it comes to this man, kahit noong mga bata pa sila. “Tell me Selene Maniego, masarap ba sa pakiramdam na napapasunod mo ang lahat ng tao sa paligid mo?” pagpapatuloy nito. Tuluyan nang itinigil ni Selene ang pagtugtog. Ramdam na ramdam niya ang panuya sa tinig ito. “What exactly do you mean by that?” tanong niya. “Masaya ka bang gamitin at pag laruan ang mga taong nagmamahal sa’yo?” puno ng pag-aakusa ang tinig ng binata. “Of all people, how could you judge me like that? You don’t know anything! Matagal kang nawala kaya wala kang karapatang pagsalitaan ako ng ganyan!” pagtatanggol niya sa sarili. “Siguro nga hindi ko alam ang lahat pero alam ko na marami ka ng nakarelasyon at marami sa mga iyon ang pinaglaruan mo lang. Alam kong wala kang pakialam sa nararamdaman ng iba as long as nakukuha mo ang lahat ng gusto mo. Alam kong-- ” “You abandoned me at the time I needed you most, that’s what you should know!” putol niya sa sinasabi ni Rafael. Mabilis siyang tumayo at patakbong umakyat sa kanyang silid. Doon niya inilabas ang mga luhang kanina pa niya pinipigil. Iyon pala ang dahilan ng pagbabago ng binata. Her heart is breaking. Lalo na ngayong nalaman niya na mula noon hanggang ngayon ay ito pa rin ang laman ng kanyang puso. Hindi na niya iyon maitatanggi sa sarili. Padapa siyang humiga sa kama hanggang sa tuluyan na siyang makatulog. PANAY ang pihit ni Rafael sa kama. Kanina pa siyang nakahiga ngunit hindi pa rin siya dinadalaw ng antok, nasa isip pa rin kasi niya ang mga sinabi ni Selene. And she looked so hurt while saying those words, aniya sa sarili. Gayunman, hindi pa rin nakalampas sa mapanuri niyang mata ang mga pasa sa braso ng dalaga. Noong isang araw pa ang mga pasang iyon kaya naman nakakapagtakang hindi pa rin magaling ang mga iyon. Hindi ka pa rin nagbabago Sel, careless ka pa rin. Dahil sa isiping iyon ay napagdesisyonan niyang samahan na ang dalaga sa pagpunta nito sa falls kinabukasan. I hope she could forgive a jerk like me, muli’y bulong niya.

CHAPTER 6


Muli ay maagang nagising si Selene nang araw na iyon. Nasanay na yata siya sa pagiging early riser. Kaagad siyang naligo at nag-ayos. She’s wearing a black dress na lampas nang kaunti sa tuhod ang haba na pinatungan ng white cardigan, medyo malamig kasi ng umagang iyon. Hinayaan lang niyang nakalugay ang maganda niyang buhok. Lumakad siya kaagad pagka-paalam kay Donya Mildred. Nangako naman siyang babalik kaagad. May nadaanan siyang mga pulang rosas, pumitas siya ng isa at saka nagpatuloy sa pangangabayo. Mabilis siyang nakarating sa falls at muli ay namangha sa kagandahan ng kalikasan. Isa iyon sa mga lugar na hindi niya makakalimutan habang buhay. She hurriedly removed her cardigan and felt the cold water. Hindi na siya nagdalawang-isip pa. She’s gonig to make the most out of this moment dahil baka hindi na maulit iyon. Hindi makita ni Rafael si Selene sa kahit saang sulok ng bahay. Ang makulit na iyon, pumunta talaga siyang mag-isa! Naisip niyang sundan na lang ang dalaga dahil nag-aalala din siya na mag-isa lang ito doon. Baka mapahamak pa ito. Pagdating niya na sa falls ay nakita kaagad niya si Selene. Her sight made him thanks God that he is alive to see this beauty. She was floating on the water with her hands slightly spreaded. Her black dress made her skin looked a little more soft and silky. Nakakalat din ang maganda nitong buhok sa paligid ng payapa at mala-anghel nitong muka. Napansin rin niya ang pulang rosas na hawak nito sa kanang kamay. A real heavenly sight. Payapang-payapa ang loob ni Selene habang nakalutang sa tubig. Ipinikit niya ang mga mata at ninamnam ang sandaling iyon. Sa kalagitnaan ng kanyang mapayapang pag-iisip ay muli niyang naalala ang tungkol sa karamdaman. Hindi niya malaman kung saan nanggaling ang mga pasa sa kanyang braso, katulad iyon ng mga pasa niya sa hita. Mabuti na lang at puro mahahaba ang isinusuot niya kaya naman walang nkakapansin ng mga pasang iyon. On that thought, she suddenly felt so heavy and tired. Nawala siya sa konsentrasyon at naramdaman niya ang unti-unting paglubog. Hindi niya malaman ang gagawin dahil tila ayaw gumana ng utak niya. Napapagod na ako, iyon lang rumehistro sa isipan niya. Malapit na siyang maubusan ng hininga pero ayaw pa ring gumalaw ng mga paa’t kamay niya. Help! saad ng utak niya. Nang biglang may humawak at humila sa mga kamay niya, dahan-dahan siyang dinadala nito sa ibabaw ng tubig. She smiled to herself....... its Rafael. “Haaaaa........,” malalim na pagbawi ng hinga ni Selene nang marating na ang ibabaw ng tubig. Inalalayan siya ni Rafael paahon mula sa tubig. “May balak ka bang magpakamatay?” galit na tanong nito. ”Marunong ka namang lumangoy ‘di ba? Paano kung hindi ako sumunod dito, ano nang mangyayari sa’yo?” sunod-sunod na tanong nito habang nakatayo sa tabi niya. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at tumingin dito ng diretso. “I’m sorry,” may kahinaan ang tinig na sagot niya. “I—I lost my grip, hindi ko sinasadya,” may tumulo na namang luha mula sa kanyang mga mata. Naisip niya na kung hindi nga dumating si Rafael ay siguradong mas napaaga ang kanyang pagkamatay. Napakahina talaga niya. Agad siyang nagbaba ng tingin at nagpahid ng luha. Tumalikod sa kanya si Rafael na tila nag-iisip ng sasabihin. “Halika na umuwi na tayo!” sa wakas ay nasabi nito. Humakbang na ito palayo at sa halip na sumunod ay niyakap niya ito mula sa likuran. Hindi na niya napigilan ang sarili. Naalala din niya ang “Free like a bird” concept niya. ”I miss you!” sambit niya habang nakayakap pa rin ditto “I miss you so much! What do I have to do to gain back your trust and our friendship? Tell me please! Ayoko nang pakiramdam na tinatrato mo ko na parang di tayo magkakilala”, puno ng pakiusap ang tinig niya, hindi pa rin bumibitiw sa pagkakayakap dito. Hinawakan ni Rafael ang kamay niyang nakayakap dito at kinalas iyon. Lumakad ito ng ilang hakbang papalayo sa kanya. Nanlumo siya. Pakiramdam niya ay wala na talaga itong pakialam sa kanya. Nakapamewang itong palakad-lakad sa harapan niya habang ginugulo ang sariling buhok. Ganoon ito kapag hindi alam ang sasabihin o kung papaano sasabihin iyon. Ayaw siguro siyang ipahiya nito. Muli na namang namumuo ang luha sa kanyang mga mata. Nagulat na lang siya nang bigla itong sumugod at niyakap siya nang ubod ng higpit. Halos ‘di na niya maiangat ang sariling mga kamay. “Nothing Selene! You don’t have to do anything,” saglit itong tumigil. “Ibibigay ko na sa’yo ng libre. Kawawa ka naman mukang wala kang kaibigan,” he chuckled. Sa wakas ay nasabi nito at nagawa pang magbiro. “Huh? Anong sabi mo?” mayamaya ay tanong nito. Kumalas na ito sa mahigpit na pagkakayakap at saka siya hinawakan sa balikat. Exaggerated naman siyang sumagap ng hangin. “I said I can’t breath. Ang higpit ah?” medyo may kayabangang sagot niya. “Mahigpit na ba iyon? Paano kasi ang payat-payat mo,” komportable na itong biruin siya. Nagbalik na si Raprap. Irap lang ang isinagot niya rito . “Halika na nga,” muli itong tumalikod at humakbang palayo. Susunod na sana siya nang may naramdamang tumutulo mula sa kanyang ilong. She’s nosebleeding! Pinilit niyang pahirin ngunit patuloy pa rin sa paglabas ang dugo. Lumingon ang binata nang maramdamang hindi siya kasunod nito. “Ang bagal-” “Rafael.......” takot na sambit niya. “Oh my God Selene!” Iyon ang huli niyang narinig bago siya nawalan ng malay.

CHAPTER 7

Nagmulat siya ng mata at agad na narinig ang ting na kanyang mama. “She’s awake! Ben gising na ang anak natin!” tawag nito sa kanyang papa habang hawak nang mahigpit ang kamay niya. “Sel, how do you feel baby?” tanong nito, lumapit na rin ang kanyang papa.
“Better. Mahaba yata ang naging tulog ko,” nakangiting sabi niya. “Bakit kayo nandito? ‘Di ba nasa Baguio dapat kayo?” “Tinawagan kami ng lola mo. We’re so worried about you hija. Mabuti na lang at nandoon si Rafael,” sagot nito. “You shouldn’t have come. Minsan na nga lang kayo magkaroon ng time togethere. Pero na-miss ko po kayo!” malambing na turan niya na sinamahan ng maganda niyang ngiti. “By the way, where’s Rafael?” “Umuwi na muna sa mansiyon. Siya na rin kasi ang nagbantay sa’yo rito kagabi dahil masakit daw ang likod ng lola mo,” sagot nito. “Ganoon po ba?” may bigla siyang naalala. “Mom, does he already know?” nag-aalalang tanong niya. “Hindi ko alam hija. Pero wala naman kaming nabanggit sa kanya kaya siguro’y hindi pa,” wika nito. “Mabuti naman po! Ayoko pa po kasing ipaalam sa kanya,” sandali siyang tumigil. “Kailan po ako makakauwi? Ayoko na rito.” tanong niya. “Sabi ng doktor maaari ka na daw umuwi kapag nagising ka na,” papa niya naman ang sumagot. “That’ comforting, siguradong nag-aalala na rin si lola,” nakangiting sabi niya. PAGDATING nila sa mansiyon ay nakahanda na ang hapunan. Kasama niyang bumalik ang mga magulang dahil labis talagang nag-alala ang mga ito sa kanya. “O ano payatot naniniwala ka na sakin na payat ka ngang talaga?” nang-aasar na tanong ni Rafael pagkapasok pa lang niya, ngunit halata namang natutuwa ito na nakalabas na siya ng ospital. Mukhang hindi pa alam nito ang totoo. Sa halip na sumagot ay niyakap niya ito, “Thank you for saving me Raprap...” tumigil siya sandali at tiningnan ito sa mukha“....for the second time around,” tuloy niya. “You’re always welcome Sel!” malambing nitong wika. “Halika kumain na tayo,” hinila na siya nito sa kamay. Matapos ang hapunan ay niyayang magkape ng kanyang lola sina Stella at Benjamin, halatang namiss nito ang kanyang mga magulang. Si Rafael naman ay kausap ang ina sa telepono, tila may seryosong pinag-uusapan ang mga ito. Minabuti na lang niyang pumunta sa kinaroroonan ng piano at tumugtog roon. She played the romantic piece, Lullaby. Lumapit sa kanya si Rafael makalipas ang ilang sandali. Umisod siya sa gilid ng upuan upang bigyan ito ng espasyo, at tumabi nga ito sa kanya. Nakikinig lang ito sa kanya. “I already know,” bulong nito makalipas ang ilang sandali. “Huh?” tanong niya. Hindi malinaw ang pagkakarinig sa sinabi nito. Hinawakan nito ang kamay niya upang mapigilan siya sa pagtugtog. “Alam ko na Selene,” tumigil ito sandali at tiningnan siya sa mga mata. “Narinig ko ang sinabi ng doktor sa mga magulang mo,” malungkot na saad nito. Hindi niya malaman ang sasabihin. “Chismoso ka talaga!” biro na lamang niya at nagbaba na ng tingin. Ayaw niyang umiyak sa harap nito. “This is a serious matter Sel. Hindi lang iyon ang narinig ko. You need to decide sooner, baka lalong--” “I know! Hindi mo na kailangang ipagdiinan,” putol niya rito. “Kaunting panahon na lang ang kailangan ko Rafael. Would you stay beside me until this is over?” “Ayoko. I don’t want to stay until all this is over...” tumigil ito saglit, “....I want to stay forever Sel. There’s no other place I’d rather be. I still love you Selene Maniego. Mula noon hanggang ngayon ikaw lang ang gusto kong makasama.” malayang pagtatapat nito. “Oh Rafael! You know I love you too, mula pa nang mga bata tayo. It took so long for us to have the courage to say these words,” sagot niya. Binuhat siya nito upang kalungin. Siya nama’y ipinulupot ang kamay sa leeg nito. Naglapat ang kanilang mga labi sa isang matamis na halik. It is a kiss full of emotion. Naroon ang mga taong ipinagkait nila sa isa’t-isa. Ang mga salitang hindi nasabi at ang pag-ibig na hindi naipadama..... sa loob ng mahabang panahon. That’s why when the kiss ended; they both know that they really love each other.......so much! “You gave me hope,” lumabi si Selene. “Hindi na pala ako pwedeng tumanggi sa operasyon o sa therapy dahil may nangakong sasamahan ako habang buhay, kawawa naman siya mukang walang ibang nagmamahal,” paggaya niya sa biro nito noon. “You mean magpapagamot ka na?” gulat na tanong nito. “You just made me the happiest man on this moment!” masayang wika nito. “I just realized na hindi ko ito gagawin para lang sa sarili ko. Si mama, papa at lola, hindi nila ako pinilit na gawin ang kahit ano. Mula noon hanggang sa huling sandali ay inisip pa rin nila kung anong magpapasaya sakin. Akala ko noong una na ako ang pinaka-nagdudusa, pero hindi. Everytime I see their eyes na nagbibigay ng pag-asa kahit nahihirapan silang intindihin ako, nalalaman ko na mas nasasaktan sila. I can’t be selfish any longer. I don’t want to live my life for myself or for ate Sandra anymore. I want to live it for my parents and for lola Mildred. I want to live it for you Rafael!” nakangiting bunyag niya. That smile made everything clear and perfect. “Thank you Selene!” nasabi na lang ni Rafael at muli ay naglapat ang kanilang mga labi. LABIS na ikinatuwa ng lahat ang naging desisyon ni Selene. Alam nilang iyon ang nararapat na gawin ng anghel ng kanilang buhay. Samantalang para kay Selene, ang pamilya at si Rafael ang totoong mga anghel. Tuluyan nang nawala ang lahat ng pangamba sa puso niya, as in everything! All there’s left are love and the promise of getting better, because thay gave her more than that. They gave her hope.........they gave her love!