Bahay sa Puno
(Tree House)
Jeorgelyn C. Barcelon
Masayang naglalaro ang mga bata sa kanilang tambayan. Masasayang kwentuhan at tawanan ang maririnig, mga sigaw ng bata na galak na galak sa mga larong Gawain nila araw-araw. Hindi maalis sa mga mukha ang saya na kanilang nadarama habang nakikipaglaro sa kapwa nila kalaro. Sina Angela at Alfred ay kapwa magkalaro sa araw-araw. Lagi silang magkasamakaya bata palang ay tinitukso na silang magkasintahan dahil sa kanilang pagiging malapit sa isat-isa. Araw-araw naglalao at sabay din sila pumasok sa paaralan na kapwa magkapatid ang turingan. Sobrang malapit sila sa isat-isa dahil ang kanilang mga magulang na sina Lanie at Margie ay magkaibigan din simula pagkabata. Pangarap ng magkumare na sa tamang pnahom ang kanilang mga anak ang magkatuluyan sa kanilang pagtanda.
Isang araw si Angela ay pumasok na sa paaralan ngunit sa kanyang paglalakad sa daan ay hinarang siya ng mga siga sa kanilang paaralan. Ang mga estudyanteng namemwersang kumuha ng baon sa kapwa nila mag-aaral para ipambili lang ng kanilang bisyo. Bisyo ng mga estudyante sa paaralan ay ang paglalaro ng jolen dahil kapag marami kang jolen sa paaralan ay tila para kang artistang pagkakaguluhan ng iyong mga kapwa mag aaral. Umiyak ng umiyak si Angela dahil ang kanyang baon ay kinuha ng mga bata pero ito ay nabawi rin sa tulong ng kanyang kaibigan. Napadaan si Alfred dahil ay papasok na rin sa paaralan. Nakita niya si Angela na umiiyak at pilit na kinukuha ang kanyang baon. Sinabihan lang ni Alfred ang kapwa mag aaral na tigilan ang kanilang masamang ginagawa sa kapwa nila mag aaral. Umalis ang mga estudyante at tumakbo papasok na sa kanilang paaralan. Si Alfred ang laging nagtatanggol kay Angela pa may nang aaway dito, kaya mas lalo silang nagging malapit sa isa’t-isa. Si Alfred ay apo ng Prinsipal sa kanilang paaralan kaya ang mga estudyante ay kilala siya. Maganda ang pakikisama ni Alfred sa kapwa niya ag aaral kaya siya ay ginagalang at habang si Angela naman ay lagging inaaway dahil siya ay mabilog na bata.
Sa pagsasama nil;ang dalawa, gumawa sila ng bahay sa itaas ng puno para maging taguan nila pag sila ay maglalaro at isang ala ala narin ng kanilang pagkakaibigan. Inayos nila ang bahay, nilagyan ng mga dekorasyon at papag upang silay ay mahigaan kapag napagod sila sa pag lalaro. Pag may problema sila, pinag uusapan nila ito sa kanilang bahay bahayan at ito ay kanilang nakakalimutan pag sila ay naglalaro. Araw araw nilang pinupuntahan ang kanilang bahay bahayan upang linisin ang simulang ang isang masasayang laro. Habang sila ay nagsasaya sa paglalaro, ang kanilang mga magulang ay nag uusap tungkol sa ama ni Alfred na nasa ibang bansa. Si Alfred ay mag aaral at mag tatapus sa sa Amerika. Mahirap man sa lugar ng kanyang ina ay dapat siyang pumayag para narin sa kinabukasan ng kanyang anak. Matagal pinag isipan ni Lanie ang lahat sa pag sang ayon ng kanyang asawa.
Pag – uwi ni Alfred sa kanilang bahay ay sinalubong niya ang kanyang ina upang ibalita ang masayang nangyari sa kanya sa araw na iyon, kasama si Angela . sa kanilang tahanan ay laging Masaya walang malungkot at walang nag aaway, ngunit sa isang balita tumigil ang kanilang kasayaha. Sinabi ni Lanie kay Alfred ang balak nilang mag asawa sa kanilang anak. Nagtampo si Alfred sa kanyang ina ngunit sa huli ito rin ay naayos din dahil naisip niya na para sa kanya rin ang ginagawa ng kanyang mga magulang. Niyakap niya ang kanyang ina habang pumapatak ang luha sa kanyang mga mata na tila butil ng mais. Naawa si Lanie sa knayang anak dahil mapapahiwalay ito sa kanya. Hindi mawari ni Alfred kung paanu ito sasabihin sa kanyang matalik na kaibigan; si Angela.
Sumunod na araw, nagkita sila ni Angela sa kanilang tambayan sa puno, malapit sa tabing ilog. Nag usap silang dalawa, una ay Masaya sila ngunit nung banggitin na ni Alfred ang pag punta niya ng Amerika ay tila baga lungkot ang dumaloy sa kanialng dalawa. Matagal silang hindi magsasama at mag kikita dahil sa pag alis ni Alfred. Pinuno nila ang araw ng masasayang bahay upang kahit sa kanilang huling pagsasama ay maramdaman nila na sila pa rin ay magkaibigan hanggang pagtanda. Lahat ng laro ay kanilang ginawa, umaga hanggang gabi sila ay magkasama, sinusulit ang huling araw na sila ay magkasama, ngunit sa paghahatid ni Alfred kay Angela ay biglng napaluha si Angela, niyakap nito ng mahigpit si Alfred. Alam na ni aling Margie ang pag alis ni Alfred ngunit hindi niya ito sinabi kay Angela dahil ang gutso niya ay ang mga bata ang mag usap tungkol dun.
Sa araw ng pag alis ni Alfred patungong amerika sinundo siya ng kanyang ama sa kanilang tahanan. Sa huling pamamaalam, pumunta si Angela sa bahay nila Alfred upang magpaalam, kinuhanan niya ito ng litrato , gayon sa pag alis ni Alfred ay mayroon siyang alaala dito. Pagka alis ni Alfred ay lungkot at takot ang kanyang naramdaman. Dahil sa pagkahiwalay sa matalik na kaibigan.
Sa pag alis ni Alfred, nag aral si Angela ng hayskul at nakapagtapos. Kahit na natatakot sya dahil sa mga nang aaway sa kanya at wala na ang kanyang tagapagtanggol, nagging malakas ang kanyang loob, sa pagdadalaga ni Angela, nakita ang mga magagandang katangian nang isang dalaga sa kanya. Nag – aral siya ng kolehiyo at nagtapos sa kursong Hotel and Restaurant Management. Natulungan niya ang kanyang ina sa kanilang negosyo sa bayan. Napatakbo nila ito ng maayos. Kahit sa pagtanda nila ay hindi pa rin naalis ang mga alaala ng kanyang matalik na kaibigan, lagi niya ini isip kung nassa mabuti bang kalagayan si Alfred, at kung naiisip din siya nito gaya ng ginagawa niya.
Sa araw ng pagbabalik ni Alfred sa kanilang tahanan, sinundo siya ng kanyang ina sa Amerika upang makasigurado na sasama ang kanyang ‘big boy’ pag uwi sa Pilipinas. Habang sa bahay nila ay naghahanda ang mag ina ni Angela sa pag uwe ni Alfred. Inayos nila ang mga dekorasyonsa bahay at naghanfa ng masasarap na pagkain. Sa pagadating ng sasakyan nila Alfred ay pagka sabik ang naramdaman ni angela. Sinalubong ni Margie si Lanie ng masayang mukha, at hinanap agad ni Angela si Alfred. Si ya ay laki sa amerika kaya hindi na siya sanay sa klima dito sa Pilipinas. Hinintay ni Angela na lumabas si Alfred sa sasakyan pero hindi parin ito lumabas. Tinawag ni LAnie ang kanyang anak sa sasakyan, nagulat si Angela sa kanyang nakita, isang gwapo at nakisig na binata ang lumabas. Hindi akalain ni Angela na ang binatang iyon pala ay si Alfred. Lalong nahulog ang loob at pag kasabik na nararamdaman ni Angela kay Alfred. Ngunit paglapit ni Alfred , mga pang iinsulto ang sa pinas ang kanyang mga sinabi. Maarte na ang kanyang ugali sa mga bagay na nakapaligid sa kanya, kumain silang lahat ng sabay sabay, habang nagpapalitan ang magkumare ng masasayag kuwento. Si Alfred at Angela naman ay hindi mag kasundo. Inalok ng sago’t gulaman ni Angela si Alfred, ngunit may sinabi si Alfred na nakasakit sa dalaga, “madumi daw ang pinapainom na iyon sa kanya” wika ni Alfred. Sumama ang loob ni Angela sa puntong iyon, dahil sa kung anu – ano pa ang sinabi ni Alfred sa kanyang ginawa. Sa loob ni angela, hindi na niya matanggap na ang Alfred na kilala niya ay tila nagbago na. Nagsimula na ang araw ni Alfred maninrahan sa pinas. Nanibago siya sa kanyang paligid, pinagsabihan siya ng knyang ina na humingi ng tawad kay Angela fahil sa pang babastos na ginawa nito sa dalaga, nagulat si Angela sa pagpunta ni Alfred sa bahay nila. Humingi ito nga tawad sa ngunit ito ay napilitan lamang. Sumang – ayon naman ang dalaga kahit nasaktan ito sa mga sinabi ni Alfred. Kahit nakahingi na ng tawad si Alfred ay tampo parin ang nasa isip niya. Sila ay nag aasaran sa tuwing nagkikita at hindi matigil na bangayan araw – araw.
Nalaman ng manliligaw ni Angela ba umuwi na ang kanyang kababata. Joseph ang ngalan ng manliligaw ni Angela ngunit ayaw pa nito magkaron ng kasintahan. Hindi mapakali si Joseph, dahil ang pinakamamahal ni Angela ay nagbalik na. Mayaman ang pamilya ni Joseph, at nalaman nito na may alita si Angela at Alfred, ngunit nangagamba siya nab aka magkasundo ulit ang dalawa.
Sa samahan naman ng magkumareng si Margie at Lanie ay pinagdiwang ang pagkikita sa paglabas. Pumunta sila sa isang sayawan kung sa sila ay nagpaturo ng ballroom dancing. Masaya silang dalawa na tila dalagang nagpapansin sa lalaking nagtuturo sa kanila magsayaw.
Nagsimula na naman ang araw nilla Alfred at Angela na may alitan. Nahulog pa si Alfred sa silya, habang tawa ng tawa naman itong si Angela, naasar si Alfred sa ginawa ng dalaga. Pinagsabihan ni Alfred ang dalaga. Habang sila ay nagtatalo, pumasok sa bahay nila si alex para awatin si Alfred. Tinutukan niya ito ng patalim na ikina gulat ng dalawa. Natakot si Angela sa pwedeng gawin ni Alex kay Alfred kaya kinausap niya ito ng masinsinan, sinabi nito na naglalambingan lamang sila ni Alfred at tigilan na ang pagtutok nang patalim dito. Napakiusapan ni Angela si Alex at ito ay umalis na. umuwi narin si Alfred sa kanila na may takot na nararamdaman dahil sa pangyayari. Ngunit hindi parin natigil ang pagbabangayan ng dalawa hanggang sa isang araw nagbago ang tingin ni Alfred sa dalaga, nagging magaan ang loob niya dito, dahil narin nahulog siguro ang loob nito kay Angela. Nakikita niya si Angela sa bintana na nakapang dalaga ang suot kaya biglang nahulog ang loob nito sa dalaga.
Nalaman at naramdaman ni Angela na nagbago na ang kanyang matalik na kaibigan. Nag iba na ang ugali nito habang tumatagal, kaya simula non ay hindi narin siya nangasar at iniwasan niya nalang ito. Isang araw binigyan ng bulaklak ni Alfred si Angela sa karinderia bilang kapalit sa mga ginawa nito sa dalaga. Natawa naman si Angela sa binigay ni Alfred sa kanya. Nang Makita ni Joseph ang masayang mukha ni Angela ng tinanggap ang bulaklak na bingay ni Alfred ay pagkainis ang kanyang naramdaman.
Naging magkaibigan ulit ang dalawa. Bumalik ang datin nilang pagsasamahan na parang bata. Naging malapit ang loob nila sa isa’t – isa, masayang silang nagsama ulit, ngunit may hadlang sa kanilang pagsasama, si Joseph. Sinimulang ni Alfred ang panliligaw sa dalaga, simula ng nagkasundo sila, sumigla ang pagsasamahan nila . halos araw-araw silay magkasama at pinupuntahan ang dating tagpuan.
Nag sama ng masaya sina Alfred at Angela, ngunit ang kanilang mga magulang ay may kunting alitan. Nalaman ng kanilang magulang na may gusto ang isat – isa kay Alex, ang nagtuturo sa kanila ng sayaw. Nag iba ang pag sasamahan ng magkumare. Lihim silang dalawa nakikipagkita kay Alex at lumalabas. Nag iba ang turingan nilang dalawa dahil sa isang lalaki kaya pati kanilang mga anak ay ndadamay sa alitan nila.
Pinagsabihan nila Lanie at Margie ang kanilang mga anak na maghiwalay na dahil masama raw ang ugali ng isat – isa. Naguluhan bigla ang sina Angela at Alfred dahil pagkabata palang ay gusto na nang mga magulang nila na sila na an gang magsama at magkatuluyan pero ngayon ay pilit naman sila pinaghihiwalay. Kaya sila ay gumawa ng paraan para maayos ang kanilang mga magulang.
Pinagbawalan na si Angela makipagkita kay Alfred, hindi na siya pinalabas at ang kanilang mga magulang ay hindi na rin nag papansinan. Ngayon promblema naman ni Alfred at Angela ang kanilang mga magulang. Gumawa sila ng paraan upang magkita at makapag usap. Nagpunta sinan angela sa sayawan kung saan sumayaw ang kanilang mga magulang. Kinausap nila si ALex at pinagsabihan. Si Alex ay may asawa’t anak. Ngunit hindi niya ito sinasabi sa kanyang mga tinuturuan. Sinabihan nila ito na tigilan na ang kanilang mga magulang. Upang matigil na ang alitan nito.
Pag – uwi sa kanila, kasama nila Alfred at Angela si Alex para pag usapin ang kanilang mga magulang. Sinabi ni Alex ang tungkol sa kanya. Napatigil sina Lanie at Margie ng narinig ang sinabi ni Alex. Sinabi ni Alex na magbati na ang mag kumara fahil hinfi iyon magada, bukod pa ron ay higit na naapektuhan ang pag iinigan ng kanilang mga anak.
Kinaumagahan si Lanie ang unang pumunta sa bahay nila Margie at nakipag usap tungkol sa alitan nilang magkaibigan, nagpsasensyahan ang dalawa at isipin nalang nawalang nangyari at sunuportahan nalang ang pagmamahalan ng kanilang mga anak. Simula ng mag usap sila nga maayos. Naayos nila ang gusot sa kanilang mga pamilya.
Silang lahat ay naging masaya at nagsama ng puno ng pagmamahalan. Naging magkaibigan ulit ang kanilang mga magulang at nagsama ng punonh puno ng pagmamahalan sina Alfred at Angela.
No comments:
Post a Comment