hello..

hello guys..

Sunday, March 7, 2010

BLACK ROSES

BLACK ROSES
by: Sherlyn Vidallon
BS ECONOMICS 2-1

Umiikot ang kwentong ito sa isang barkadahang babansagan nating Black Roses. Binubuo ito nina Arlene, Steve, Nicole, Jerome at Mark. Simula High School hanggang sa Kolehiyo ay naging magkakaibigan pa rin sila. Kahit na magkakaiba ang kanilang mga kinuhang kurso, ay sila-sila pa rin ang magkakasama. Hanggang sa magkaroon na sila ng kani-kanilang mga trabaho, ay di pa rin sila nawawalan ng oras para sa isa’t isa. At sa panahong ito nagkaroon ng tamang tiyempo si Mark na sabihin ang nararamdaman niyang pagmamahal kay Arlene. Naglakas loob siyang ligawan ito, ngunit nalumbay siya ng malaman niyang pagmamay-ari na pala ni Jerome ang puso nito. Ito ang naging unang kabiguan ni Mark sa pag-ibig. Labis siyang nasaktan ng malaman niya ng masamang balitang ito, sapagkat kaytagal niyang inilihim ang kanyang pagmamahal kay Arlene, sapagkat kung sasabihin niya kaagad ito, baka mabigla siya at lumayo na siyang magiging dahilan ng pagkalamat ng kanilang samahan.

Sa kabilang banda hindi niya magawang magtanim ng sama ng loob kina Arlene at Jerome sapagkat mas nanaig pa rin sa kanya ang kanilang pinagsamahan at itinuring na rin niyang forever bestfriend si Jerome, kaya masakit man tanggapin, naging masaya na lamang siya para sa kanyang dalawang kaibigan.

Sa mga panahong nalulungkot si Mark dala ng kanyang unang kabiguan sa pag-ibig, ay kasa kasama niya si Steve. Siya ang tumutulong dito na maging masaya upang tuluyang lumimot sa mapait na pinagdaanan nito. Madalas silang lumalabas at namamasyal upang maglibang. Nagkakasundo din sila sa mga bagay bagay. Habang tumatagal ay lalong silang napapalapit sa isa’t isa. Hanggang sa madiskubre ni Steve ang tungkol sa kanyang pagkatao. Pinagtapat niya ito kay Mark at wala siyang narinig na kahit anong masasakit na salita dito. Sa halip ay tinanggap pa niya ang pagkatao nito. At dahil dito, mas lalo pang tumibay ang kanilang samahan at humantong na sap unto na naging sila. Itinago nila ito sa kanilang mga kaibigan at naghihintay lamang sila ng tamang pagkakataon upang ipagtapat sa mga ito ang tunay nilang relasyon.

Sa kabilang dako, natuklasan ni Arlene ang lihim na pagtingin ni Nicole sa kanyang kasintahang si Jerome. Ngunit binalewala niya ito dahil kumpiyansa siya na hindi nito maagaw ang kanyang nobyo. Hanggang sa isang gabi, ng dumalo si Nicole sa pagdiriwang ng kaarawan ng kanyang pinsan ay di niya inaasahang makikita niya dito si Jerome. Nagkaroon siya ng pagkakataong kausapin ito at sabihin ang kanyang lihim na pagtingin ng sa ganoon ay din a niya iisipin na nagtataksil siya sa kanilang barkada. Hindi pa man siya nagsisimulang magsalita ay nakatulog na si Jerome sa kalasingan. Kaya napagpasyahan na lamang niyang iuwi ito sa kanyang bahay.

Kinaumagahan ng magising na ang dalawa, nagulat sila ng matanto nila na magkatabi pala silang natulog. Kaagad na bumaligwas si Jerome at tinanong kay Nicole kung anong nangyari, ngunit pareho silang walang matandaan. Kaya nagmadiling umalis si Jerome at sinabi na kalimutan na lamang nila ang nangyari.Makalipas ang isang buwan, nabalitaan na lamang ni Arlene, Mark, Steve at Jerome na pumunta na pala ng Canada si Nicole upang doon na manirahan kasama ang kanyang mga magulang.

Pagkaraan ng ilang linggo, nagulat na lamang sina Arlene at Jerome sa ibinalita nina Mark at Steve na magkalive-in na pala sila at ilang linggo na lamang ay ikakasal na ang dalawa, dahil ang dating Steve na nakilala nila ay Stella na ngayon. Nang malaman din ni Nicole ang nakakagulat na balitang ito, ay din a siya nag atubiling umuwi upang dumalo sa kasal ng dalawa niyang kaibigan.

At sa kanyang pag uwi, dala niya ang masamang balita na nagdadalang tao siya at si Jerome ang ama ng kanilang magiging anak. Alam niyang mahihirapang tanggapin ito nina Jerome at Arlene, ngunit kaylangan nilang malaman ito sa lalong medaling panahon, kaya napagpasyahan niyang kausapin si Jerome ng masinsinan. Nagkita sila sa isang Coffee Shop at sa di inaasahang pagkakataon ay nakita sila ni Arlene. Pawang seryoso sila kaya naisip niyang sorpresahin ang dalawa. Palihim siyang lumapit sa dalawa at sa kalagitnaan ng pag-uusap nina Jerome at Nicole, di sinasadyang narinig ni Arlene ang masamang balita. Labis siyang nasaktan. Lakas loob na umiiyak niyang tinanong ang dalawa hinggil sa kayang narinig. Nagulat at natakot sina Jerome at Nicole sa naging reaksyon ni Arlene kaya di na sila nakapagsalita. Sa pighating nadama ni Arlene dali-dali siyang lumabas ng Coffee Shop at pumunta sa Bar. Dito , tinawagan niya si Mark upang magkaroon siya ng kasamang uninom at makapaglabas na din siya ng sama ng loob dito. Makalipas ang ilang oras, nang yayayain na niyang umuwi, napansin niyang nakatulog na pala ito. Malalim na ang gabi, kung kaya’t naisip niyang iuwi na lamang ito sa bahay nila ni Stella. Nang mga panahong iyon ay kasalukuyang nasa Hongkong si Stella, sapagkat may miting ito sa kanyang mga investors at sa makalawa pa ang uwi nito.

Kinaumagahan, tuwang-tuwa umuwi si Stella sa kanilang bahay at dahan-dahang pumanhik ng kanilang kwarto upang sorpresahin si Mark. Ngunit siya pa ang nasorpresa ni Mark. Nagulat siya ng Makita niyang magkatabi sa kanilang higaan sin Mark at Arlene. Sa sobrang pagkabigla at pagkagalit, dala na rin ng pagkapagod sa biyahe ay umiiyak na nagpakamay si Stella. Hindi na niya nakayaan ang kanyang nakita. Makalipas ang ilang sandali,nang magising si Mark, nagulat siya ng nakita niyang katabi niya si Arlene. At ng bumaba ito, nikata niya ang wala ng buhay na katawan ni Stella. Napaiyak siya, at naisip niya na baka nakita nito na magkatabi sila ni Arlene sa higaan, kung kaya’t nagpakamatay ito. Paiyak na lamng niyang nasabi na, “ Patawad Stella!..Patawarin mo ako, Di ko sinasadyang saktan ka!… Patawad at salamat sa lahat lahat mahal ko…”

1 comment:

  1. nung una aus sila at msya pro nung huli prang ng kalabuan na sili sa isa't isa ..

    dhil sa pag ibig ng isat isa at ng kaka sira sira ang knlng barkada mrong nging msaya at my mga nalungkot din.

    ang nkakalungkot sa part na ito ay ung nag pakamatay si steve o stella dhil sa maling akala..

    -Patrick De Guzman-

    ReplyDelete