hello..

hello guys..

Monday, March 1, 2010

Sawi sa pag- ibig

Sawi sa Pag- ibig..

Sa isang lugar sa San Pablo meron isang babae na ang pangalan ay Maria. Isa syang masunuring anak at mapagmahal sa kanyang dalawang nakakabatang kapatid. Ang kanilang baryo ay bihirang daanan ng sasakyan. Mahilig siyang umupo sa tabing ilog na parang may iniisip. Isang araw may nakita siyang lumulutang na lalaki, dali dali niyang tinawag ang kanyang ama at humingi ng tulong. Naisip nila na ang lalaking iyon ay isang mangingisda na naaksidente sa pangingisda. Sinabi ng kanyang ama na hihintayin nalang nila na may maghanap sa lalaking iyon. Pagkagising ng lalaki wala itong matandaan ultimo pangalan nito at kung san siya nakatira. Pinangalanan nila itong Pablo. Isa itong lalaking matipuno ang pangangatawan at may makikinis na balat.

Dumaan ang ilang buwan ngunit wala pa din naghahanap sa lalaking iyon. Hanggang sa nahulog ang loob nilang dalawa. Nagmahalan sila at nagplanong magkapamilya. Mahal na mahal ni Maria si Pablo . si Pablo ang kauna unahang lalaki na minahal nia. Araw – araw na aalis si Pablo para magtraboho nag aalala sya nabaka may nangyari na sa kanyang minamahal. Halos lahat binigay ni Maria sa kanya. Mahal din aman sya ni Pablo pero parang may pag aalinlangan ito. Isang araw may nabalitaan si Maria na may ibang babae si Pablo sa bayan, agad agad siyang nagpunta sa bayan at hinarap ang babaeng iun. Kinausap nya at sinabing namumuhay sila ng payapa ngunit ginulo nito. Halos hindi alam ni Maria ang gagawin binigay nya lahat ngunit ganun nalang ang isusukli ng lalaking iniibig nya. Siguro nga tanga si Maria sa pagmamahal minsan na nga lang siya magmahal niloko pa siya. Kinausap nya ng masinsinan si Pablo tungkol sa nangyari ngunit wala itong sinabi kundi wala un at pede tumahimik ka sa kabubunganga mo at pagod ako. Tumahimik na lang si Maria sa isang sulok at umiyak. Para siyang pinag sakluban ng langit at lupa na parng gusto nyang sumigaw nag marinig ng buong tao na niloko sya ng taong tinanggap nila ng buo. Kinabukasan humungi ng tawad si Pablo kay Maria na wala naman daw un na di porket may kasama siyang babae e kasintahan na ito at dahil mahal na mahal ni Maria binalewala ang nangyari at pinalipas ito. Pinadama ni Pablo na mahal nia si Maria, ginawa nyang lahat para bumalik ang tiwalang nawala. Nginit hindi alam ni Maria na hindi pa din hinihiwalayan ni Pablo ang kanyang kabit. Tuwing aalis si Pablo na akala ni Maria ay pupunta ng trabaho dun siya pumupunta sa babae nya. Isang araw nakita ni Maria si Pablo na kasama ang babae nya. Dali dali syang nagtago at tiningnan ang ginagawa ng dalawa na halos parang wala ng bukas sa ginagawa. Pag uwi ni Pablo sa bahay ,humiga sya na parang walang nangyari na animoy pagod na pagod sa trabaho. Hindi pinapahalata ni Maria na alam nya ang relasyon ng dalawa. Tumagal ang relasyon ng dalawa pro si Maria pala ay may kinakasama ding iba dahil gusto nyang gumanti sa ginawa sa kanya ni Pablo. Dumating ang isang gabi na nahuli ni Pablo na may kasamang ibang lalaki ang kanyang asawa. Galit nag alit ito jay Maria at halos patayin na nya ito sa pambubogbog na ginawa ni Pablo. Sinabi ni Maria na hindi lang si Pablo ang pwedeng gumawa ng ganun. Pareho silang nagkamali nginit wala sa kanilang dalawa ang nagpakumbaba. Hanggang sa narealize ni Pablo na iwan ang kabit at mahalin nalang ng lubos si Maria, ngunit hindi naniniwala si Maria na nagbago na si Pablo.


By: Kristine Joy Cruzado..

1 comment:

  1. d2 mo mlalaman kung hangang san tlga mssukat ang pag titiwala mo sa isang taong minahal mo ng lubos.

    pro mnsan huli na ang lhat bago mu pa maibalik ang twala nng isang taong nag twala sayo.

    badtrip c pablo d2 hehehe

    nag laro lang pla hndi pa sa laruan.yan 2loy nkarma",

    -Patrick De Guzman-

    ReplyDelete