AKALA KO
HINDI MO PANSIN
By:
Sharmaine P. Galit
Unang tapak pa lang ng babae na si Jean sa buhangin ng Isla matuyuan, itinalaga niya ang sarili na manatili siya sa isang islang iyon, no matter what.
Isla Fuentebella is her ultimate dream to live in.
Sariwang hangin, magandang kapaligiran, at tahimik na buhay.
Pero ang hindi kasama sa kanyang pangarap ay ang manatiling tauhan ng resort. She wants something, iyon bang wala siyang gagawain paggising sa umaga kundi ang mamasyal sa tabing dagat pagkatapos ng isang masarap na agahan sa terasa ng kanyang magandang bahay. Pagkatapos ay walang pakialam sa mundong maglalangoy siya sa dagat ng paroo’t parito, hanggang sa siaya ay mapagod at magpapahinga na siya nang padapa sa dalampasigan habang magsa-sunbathing.
At siyempre pa, kasama sa pangarap niya na may mga palad na hahaplos sa kanyang likod habang nilalagyan siya ng lotion upang hindi masunog ang kanyang maganda at malasutlang balat.
At ang palad na iyon ay ang palad ng lalaking kanyang pakakasalan, ng lalaking mayaman na papakasalan sa kanya at magbibigay ng kaginhawaan sa buhay at karangyaan. Then, kapag nainip naman siya sa isla ay maglalambing siya rito at magyayayang magtu-tour around the world para siya malibang.
At siyempre pa, ang mga cute nilang anak ay may tig-iisang yaya kaya hindi niya poprolemahin ang mga ito kapag out off the country sila ng kanyang husband.
Anyway, ang lalaking iyon ay pwedeng pinoy, pero mas maganda kung forigner, para siguradong dollar ang hahawakan niyang pera.
Napahagikgik siya sa isiping iyon.
Hay, ang sarap siguro nang mayaman. Hindi ko kailangang magmadali sa paggising sa umaga, hindi ko kailangan-
“Jean!”
“H-ha?” Maang napalingon siya sa may ari ng tinig na tumawag sa kanya.
“O Yvonne, ikaw pala.” Napangiti siya nang malingunan ang dalagitang malapit sa kanila ni Amara.
“Ano pa, de nangangarap. Ikaw, ano na naman ang ginagawa mo rito? Hindi ba’t nagpunta sa kabayanan ang papang mo para magtanong kung magkano ang matrikula mo sa darating na pasuka?”
“Oo.” Malungkot na tumanaw sa malawak na karagatan si Yvonne.
“O, eh, bakit hindi ka sumama? Aba, ikaw ang mag-aaral, dapat ay alam mo ang course na kukunin mo.”
“para kasing hindi ako interesado umalis sa isla. Ayokong mag-dorm sa kabayanan kapag nag-aaral na ako.”
“ano? Aba, Yvonne, dapat ay-
“alam ko. Kaya lang, hindi na masarap mag-aral ngayong wala na si Daniel.”
“Susme! At iyon pala ang ipinagsisintir. Aba, Yvonne, kung nawala ang kababata mo rito sa isla, dapat ay kalimutan mo na siya. For sure, maraming makikilalang girls sa Manila ang isang iyon. Eh, ikaw, nabubulok ka lang dito sa isla.”
“Kasi, mahal ko siya.”
“Mahal? Anong mangyayari sa pagmamahal? Hindi ka niya mahal.”
“Mahal niya ako.”
“Bilang kaibigan?”
“Oo.”
“Kaya mag-aral ka at maghanap ng magmamahal sayo hindi bilang kaibigan lang ,kundi bilang ka-ibigan. At pwede ba, Ha? Yung mayaman para naman maka-ahon ka na sa kagagawa ng mga kwintas at bracelet na kabibe, Ok?”
“Ikaw talaga, pati ito ay napagdiskitahan mo.”
“Kasi naman, tuwing magkikita tayo, iyang basket mo na lalagyanan ng mga sigay at kabibe ang dala mo, Eh.”
“Dito kasi ako kumikita.”
“Sabagay,” O, ayun, may foreigner, alukin mo ng necklace.”
“Sige.” Nagmamadaling tumayo si Yvonne upang habulin ang mag-asawang foreigner na patungo sa dagat.
Naiiling na nahabol na lang ng tingin ni Jean ang dalagita.
Hay, buti pa siya ang simple lang ng pangarap ang makabenta ng kwintas at bracelet niya. Samantalang ako, magdadalawang taon na sa islang ito, and yet, di pa rin makakilala ng mayamang lalaki na papakasal sa akin. Kailan kaya siya darating?
Diretsong tumingin siya sa karagatan, tgus-tagusan ang tingin niya sa paparating n Bangka na walang katig at sagwan lang ang ginagamit ng lalaking nakasakay.
Siguro, dapat na talaga akong maging seryoso sa paghahanap ng lalaking iyon. Baka tumanda akong dalaga kapag hindi pa ako kumilos. Bahagya siyang napangiwi sa isiping iyon. Hindi yata niya pinangarap iyon.
Oo nga pala, may bagong dating na foreigner galling Germany, iyong nasa Cottage-B. bukod gwapo na at bata pa ay mukhang big time. Ano kaya kung magpapansin ako sa kanya? Wala sa loob na napangiti siya.
Ngiting na-capture ng lalaking nakasakay sa bangkang padaong sa dalampasigan.
Akala yata nito ay ito ang nginingitian ni Jean kaya ngumiti rin ito at bahagya pang pinalamlam ang mga mata.
Pero baka naman mapagkamalan niya akong pokpok. Napangiwi na naman siya sa naisip. Iyong isang foreigner na pinatsarmingan ko noon ay inalok ako ng fifty dollars para samahan siyang manood ng DVD na bold sa kanyang suite. Aba, sampalin ko nga! Lalong napasimangot si Jean sa naalalang mumunting pangyayari sa kanya sa islang iyon sa nakalipas na mahigit isang taon.
“Masyadong ka kasing atribida, napaka-flirt mo pa,” sisi ni Amara sa kanya noon nang malaman.
“Ah, Miss?”
“H-ha?” Napatingala siya sa matangkad na lalaking nakatayo na ngayon sa harapan niya habang nakatungkay sa kanya. “B-bakit?” Bahagya siyang nag-stammer.
Why, the man is real hank. Agad ang lapad ng dibdib nitong bakat sa sanding nangungutim na hakab sa katawan nito. Labas ang namumutok na mga masel nito sa braso. And he’s sexy sa sout na pantalong maong na nakatuping pataas hanggang sa tuhod. Nakatapak ito sa buhangin kaya ang mabalahibong binti ay kinakapitan ng mga pinong buhagin.
And goodness, he has that pearly white teeth kaya naman ang ganda ng ngiti nito.
“Galit?” Sabihan pa ay nagkabukol ang mga kilay niya nang makabawi na siya sa pagkabigla sa kaguwapuhan nitong taglay. “At bakit mo nasabing galit sa iyo?”napatayo siya mula sa pagkakasalampak sa buhangin at nakapamaywang ng hinarap ito.
And to her surprise, ang tangkad pala nito. Nagmukha siyang unano sa taas na 5’3 dahil ng=angangawit ang leeg niya sa pagkakatingala rito. Bakit ay nakatapak lang siya at hindi sout ang kanyang three inches high heel na tanging dahilan kung bakit nagmumukha siyang matangkad at sopistikada kapag naka-uniporme siya.
“Ah, kasi’y nakatitig ka na sa akin habang palapit ang Bangka ko sa dalampasigan, tapos ay ngitian mo ako, tapos ay walang lubay na sinimangutan,” nakangiti pa rin nitong wika na tila nakakatoko.
“Ha? Nakatitig ako sa iyo? At nginitian kita, tapos ay sinimangutan?” hindi yata niya matandaan na ginawa niya iyon.
“Oo. Kaya nga kita nilapitan, nagtataka kasi ako sa reaksiyon mo?”
“Ganun?” lalong nagkabuhol ang mga kilay mo?”
“Ganoon?” lalong nagkabuhol ang mga kilay niya. Oo nga ta gwapo ito sa tunay na kahulugan ng salitang iyon, pero hindi nangangahulugan na aarte siya nang ganoon sa harap nito.
At anong akala ng lalaking ito, komo guwapo ito ay ngingiti na siya para mapanisin nito!
Goodness!
Hindi yata niya pinangarap na mag-flirt sa isang… sa isang kagaya nito na…
Ayaw sana niyang matahin ang itsura nito dahil sa nangungutim na sando, lumang pantaloon, at bahagyang tan na balat, pero…
“Hoy Mama, bulok na ang style mo, ha? Kung type mo ako at gusting makilala, sorry,you’re not my type!”
“Type?” Sabihin pa ay napanganga ito. “Naku Miss, hindi”
“WOW! Prospect number one!” Napangiti si Jean nang makitang pababa na sa Cottage-B ang matangkad na lalaking kulay-mais ang buhok.
Sinundan niya nang tingin ang foreigner na gumawi sa dalampasigan. Isang may edad na lalaki ang nilapitan nito na sa ayos at anyo pa lang ay mahihinuhang Chinese.
Hmm, ano kaya ang business niya sa singkit na iyon? Anyway, wala akong pakialam. Ang importante, kailangang makakuha ako ng pagkakataon na makalapit sa kanya.
Saglit pang nagmasid si Jean. Hindi niya pansin ang init ng araw na tumatama sa kanyang balat dahil pataas na ang araw.
Mayamaya ay humiwalay na ang lalaki sa kausap na intsik.
At iyon ang pagkakataon hinihintay ni Jean. Nang humakbang ito patunong sa hotel ay humakbang din siya pasunod dito.
Kailangang maisakatuparan na niya ang Plan-A.
“AY!”
“Hey, wacth out, young lady!” maagap na nasalo ng kano si Jean na nadulas sa makintab na baldosa sa lobby ng hotel.
“Oh,” kunwari ay putlang-putla siya bahang inaayos ang sarili. “T-thank you. You’re my angel.” Saka isang matamis na ngiti sa mga labi niya ang sumungaw habang nakatingala sa mukha nito.
“Oh, you’re welcome. Next time, you must be extra careful, you know. You’re very beautiful, you might break that beautiful face of yours.”
“Oh, thank you!” kinikilig na wika niya. “Anyway, Im Jean Del Sol. And you are?”
Sabay lahad ng palad ditto.
Kinalimitan niyang Isa siyang dalagang pilipina.
“Oh, I’m Steven Edwards Szeneger, a german national. It’s my pleasure to meet you Jean. Can I invite you for a lunch?”
“Yes!”
“of course!” agad niyang sagot.
“Well, let’s go.” Inilahad nito ang palad.
“Sure?” at muli t tinggap niya iyon ng walang halong inhibisyon.
Sabay silang nag-lunch ni Steven sa restaurant ng hotel. Pagkakain ay nagyaya itong na mag-swimming sila.
Na agad din naman niyang pinagbigyan.
Guwapo naman si Steven, mabait pa at may pagka-gentleman, lalo tuloy narahuyo si Jean na makipaglapit ditto.
“ISA akong biyudo at may dalawang anak,” wika ni steven sa wikang slang na English na may accent ng german habang naka-upo sila sa buhanginan at nakatanaw sa palubog baa raw sa kanluran. “Pero sa kasaluyan ay naghahanap ako ng babaeng magiging ina ng mga anak koe, at siyempre pa ay asawa ko,”
“Talaga?” ngiting-ngiting si Jean habang kunwari ay engrossed na engrossed sa pakikinig dito.
“Oo. At sa tingin ko, natagpuan ko na siya ngayon.” Saka ito tumitig nang matiim sa kanya na waring may nais ipahiwatig.
“Talaga?” kahit naman paano ay nakadama siya ng pagkailang sa titig nito.
Nag-iwas siya ng tingin.
“at sana, sa mga darating na araw ay magawa kong maangkin ang pag-ibig niya.” Lalong naging matiim ang titig ni Steven sa kanya.
Lalo naming nailing si Jean, and at the same time ay kinilig.
“Yes!” ito na talaga ang katuparan ng mga pangarap ko! Sigaw ng kanyang utak.
“So, ikaw naman ang mag-kwento ng tungkol sa sarili mo,” biglang wika ni Steven.
“H-ha?”
“Gusto kitang makilalang mabuti.”
“Ah,” pero ano ba ang masasabi niya tungkol sa kanyang sarili?
Siya na isang anak ng labandera, nakpag-aral sa pamamagitan ng pagtitinda ng kamatis sa palengke, nagging scholar dahil likas na maralino kaya kahit paano ay nakapos ng kursong HRM.
“Ah, nag-iisa lang ako anak ng perents ko.” Pero totoo naman iyon, naisip niya
“Namatay agad ang tatay ko noong buntis pa lang ang mother ko kaya siya lang ang nag-iisang nag-aalaga sa akin.”
At marami pa siyang ikunuwento tungkol sa kanyang sarili na hindi nagbigay ditto ng ideyang mahirap lang siya.
Tuesday, March 16, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment