una ko siyang nakita noong enrolment. di naman siya kagandahan sa ka tunayan, average din ang height, mediyo lang maputi nang hindi naman mestisahin. pero makit ang kutis niya at mahaba ang ang buhok, na siya ang unang tumawag ng pansin ko . partial kasi ako sa babaeng mahaba ang buhok na para sa akin ay simbolo ng isang babae na masinop at matiyaga. kaya lagi akong nakatingin sa kanya habang nakapila kami. kaya buti nalng naka talikod siya. pero sigura nag iinit na ang batok niya sa kakatingin ko sa kanya. paminsan minsan ay lumilingon din siya pero dahil lahat ng nakasunod sa kanya ay naka tingin din pag lumilingon siya sino ang laging naka tingin sa kanya O maaari din naman ay lahat kami ay nagagandahan sa kanya kaya lahat kami ay naka tingin sa kanya.
Kaya ang tuwa ko nung malamang kaklase ko pla siya sa ilang subjects. at sa isa ay katabi ko pa ng upuan. Nang medyo magkapalagayan na kami nalaman kong mag kalapit bayan lang pala kami at alam ko ang lugar nila. Di kalayuan iyon sa amin mga sampung kilometro lang konti pa ang nakatira dihil medyo liblib pero me kalsada na papunta doon.
samakatuwid ay maari siyang puntahan kun kinakailangan. at hindi basta crush o anuman ang mga iyon, kundi iyong pag ibig na sinasabi ng mga makata iyong masidhi,maruddob na makakagawa ng tula kahit di ka makata dahil ang tingin mo sa lahat ng bagay ay kaaya-aya pag nandiyan siya.
At kung wala naman ay para kang namatayan ng kaibigan, kababata,kalaro-laro mo na mula pa noong hindi pa kayo nag papantalon. hindi ka kumpleto hindi buo ang mundo mo. kulang sa elemento bsta ganun mahirap ipaliwanag. Sabi nga dinaranas lang daw ang pag ibig hindi ipinapaliwanag dahil hindi kaya. Experienced,sabi daw.
Bakit nga ba ganon ano?, Kung ang pagibig ay nasa puso bakit ang ulo ang nasisira? Dahil para akong sira ulo talaga pag wala siya, lalo sa wekend o holiday na walang pasok sabik na sabik ankong makita siya halimbawa sa class room tapos di siya darating. Sa weekend naman o holiday na alm kong walang pasok at di ko siya makikita kung pede lang ay hilahin ko ang mga oras para bumilis ang pag daan ng araw. gusto ko lagi lang bukas na para makita ko na siya. Minsan naman ay idinadaan ko nalng sa panonood ng sine para malibang. pero di ko naman maintindihan ang istoria ng pinapaood ko. siya lagi ang nasa isip ko minsan nga ay ini imagine ko nalng siya na kausap ko siya. wala din ako sa realidad pag a wala siya. Ganon ako ka bu-ang sa kanya, O kaya idinadaan ko sa tulog ang maghapon.
kaya lng pag napa idlip ako sa umaga kaya lng may insomia ako sa gabi. Pabiling sa higaaan di makapikit,
Natuto nadin akong manigarilyo dahil doon. kaya siguro pati lamok sa amin nagka-kanser dahil sa sigarilyo ko. nangunti eh pero hindi iyong ang problema. Actually ang pinaka problema ko ay pano ko sasabihin sa kanya na mahal ko siya.na gusto ko siyang maging girlfriend, nang hindi niya iiiping sinamantala ko ang paiging magkaibigan namin. Iyong maniwala siya na talagang mahal ko siya at hindi biro-biro ang inilalahad kong pag-ibig.
Ganoon pala iyon, pag talagang pagmamahal ang nararamdaman mo alalang-alala ka na baka mamis-interpret ang damdamin mo. Takot kang mawala o masaya ang pag ibig mo pag higanti, kaya ingat ka sa bawat hakbangin. Para mas gusto mu pang mabuhay sa pansamantalang mundo ng imahinasyon ng inyong pagmamahalan, kesa realidad ng kasalukuyan sa katotohanang wala la pang ginagawa para sa sinabi mong pag ibig.
matagal ako sa ganoong lagay Hangang finally nasabi ko rin ang dapat sabihin. Kasi patapos na ang semester, bakasyunan na ilang araw na lang, kaya kung di ko sasabihin, kalbaryo sa akin ang mga susunod na panahon. So gumawa ako ng maikling sulat at dahan dahang isiningit ito sa libro niya minsang mag katabi kami ng upuan. andap ang kalooban ko kinabukasan, pero ni hindi siya tumingin sa akin. patay sabi nagalit yata sa kapangahasan ko. eh takot naman akong lapitan siya at baka singhalin ako mag muka akong bsang sisiw. Maawa ako sa sarili ko o magagalit sa kanya. ayaw ko alinman doon. kaya sa loob ng isang linngong naiiwan bago bakasyon para kaming hindi mag kakilala hindi siya tumitingin sa akin hindi ko rin siya kinakausap.
ang hirap pala ng ganoon para akong may patong na pamantok sa kalabaw. Ang bigat ng damdamin ko na hindi konaman mailabas. hidi ko alam kung paano ako nakaraos sa araw araw noon. Ang alam ko lang wala akong maalala sa mga professors namin bago kami mag hiwa-hiwalay. Nang huling araw na ng iskwela desperado na ako kung anu man ang kausapin ko kung anu man ang mangyari, hihingi ako ng patawad, pasensya at parusa kung kailangan mag bati lang ulit kami. maging mag kaibigan kami hanggang doon lang. okay na sa akin. saka na iyang pag ibig ibig na iyang lintik. tiisin ko nalg susupilin ko ang nararamdaman ko, mag kukunwari ko habangpanahon mabalik lang sa dati ang samahan namin. Di bale nag masira ang ul ko sa ganoon kasi pag hindi lang mabilis masisira ang tuktok ko.
Kaya lang bago ako nakakilos para lumapit sa kanya, nasa harap ko na siya, At bago ako nakahuma, iniabot niya ang isang nakatiklop na papel sa akin sabay sinabing" mamaya mo na ito basahin pag nakaalis na ako, "Tinaggap ko ang papel at pag angat ng uloko nakatalikod na siya, ni ya ha wo Wala akong masabi Iyong mga salitang pi nag aralan ko para sakanya nawala lahat ang pagluhong ko ng patawad ang mga apakisap na pinag-isipan kong mabuti kung pano sabihin, di ko na naalala. Ang aking iip noon ay katuwaan, dahil kinausap niya ako! Hindi siya totoong galit! Buhay na ulit ako! masaya na ulit ang mundo ko! parang gusto kong mag lulundag sa tuwa noon at hindi nag datingan ang mga estudyante sa susunod na period nag lulundag talaga ako sa tuwa dahil hindi na galit si sikret gali sakin.
Binuklat ko ang papel. Sulat mag kita daw kami malapit sa bahay nila. Alas shete ng gabi 17 april. Merong may birthday sa kanilaat bisita niya ako, iyon lamang ang panahong hindi ko ininda ang pag usad ng mga araw.
sa madalit sabi ay dumating ako sa tipunan sa eksaktong oraw. Di ko pa nai-istand ang motor na hiniram ko ay dumating na si sikret sakay ng tila timburin, hila ang isang abuhing kabayo pagtapat sakin sinabi niya, "Sakay na"Pag upo au pinitik niya ang renda at umarya na kami. At kami ay naging masaya sa lahat ng oras
Submitted by: Patrick De Guzman
Submitted to: ms, Masana
Friday, March 19, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
maganda,, hehe.. muntik nga kung maiyak ehh... hehe..
ReplyDeletetnx sa comment mo saken kso ndlete.. comment kna lng ulet f u want..
thank you!!...
-Jennelyn De torres