Karma ka ba ng buhay ko?
by:Maria Cristina I. Madrid
Sa isang lumang simbahan, kung saan ang buong paligid ay puno ng mga putting rosas at napakaliwanag ng buong kapaligiran na tila langit. Nasa harap siya ng altar kung saan mayroong hagdanan pababa at may isang lalaki na anino’y nag aabang sa kanya at naglalahad ng mga kamay na para ba’ng siya’ inaabot. Sa sobrang liwanag hindi niya maaninag ang mukha ng lalaki at pilit niya’ng inaaninag ang mukha nito ngunit sadya talagang hindi niya matanaw, nang…bigla nalang… “Carlene!! Gumising ka na!” sabi ng nanay ni Carlene. Nagising si Carlene at sumagot na, “Opo, ma.. wait lang po at pinapahinga ko pa mga mata ko.” Ngunit pimilit niya muling pumikit at balikan ang panaginip at nagbabakasakali na makabalik sa panaginip na sadyang kakaiba, subalit ito’y wala na. “Anong klaseng panaginip yoon? Medyo kakaiba at talagang weirdo..” Sabi ni Carlene sa sarili. Bumangon na siya at nag ayos ng sarili. “Carlene, ayaw na ang boyfriend mo sinusundo ka na kanina pa.” sabi ng mama ni Carlene. “Ma? Wag mo naman ipagkalakasan baka masyado ng maraming nakakarinig, nakakahiya lang lalo na sa mga kapitbahay nating mga tsismosang natutulog pa.” sagot ni Carlene. “Bakit? Boyfriend mo naman ang sumusundo sayo. Anong nakakahiya don? Oh, baka si Randy ang kinahihiya mo?” tanong ng mama ni Carlene. “Kasi po nakita ko naman na siya, wag niyo ng isigaw.” Sagot ni Carlene. At matapos ang pag uusap nilang mag ina ay lumabas na ito ng bahay at sumakay na sa sasakyan ni Randy. Habang nasa byahe.. “Love, mukhang tinanghali ka ata ng gising ngayon?” tanong ni Randy. Ngunit nagkunwaring tulog si Carlene na tila hindi narinig ang tanong ni Randy sa kanya. Si Randy ay galing sa may kayang pamilya na ngunit simpleng tao lamang, mabait, maunawain at sobrang nagmamahal kay Carlene. Si Carlene naman ay galling sa simpleng pamilya, mabait, masipag, maunawain, at maawain, kaya kahithindi niya pa mahal si Randy ay sinagot niya na ito para na rin kalimutan ang sakit na naramdaman sa dating nakarelasyon. Pinipilit niyang mahalin si Randy, hindi naman mahirap mahalin si Randy pero sadya talagang hindi niya malaman kung bakit hindi niya magawa. Nang dumating na sila sa school… “Love, ditto na ko,late na ko sa klase ko. Ingat ka hah.” Sabi ni Carlene “Sabay nalang tayo maglunch.” Sabi ni Randy. “Nagtext kasi yung friend ko nung high school na magkikitakita kami this lunch time malapit kasi yung place na pagkikitaan ditto sa school at di muna ko papasok ng klase ko this noon. Minsan lang kasi.” Sagot ni Carlene. “Ah, ok. Ingat ka din.” Sagot ni Randy AT umalis na si Randy para pumasok na sa school niya. Magkaiba nang pinapasukang school si Randy at Carlene. Naging magkakilala sila through textmate at yoon na rin ang naging way nang pagkikita nila hanggang maging sila. Dalawang taon na ang relasyon nila at sobrang faithful si Randy kay Carlene, si Carlene naman pinipilit niyang maging loyal. Marami siyang ka-text, mga barkada ng ng bf niya at mga ibang classmate niya at iba pang old friends to be known. Nang dumating na ang oras na makikipagkita na siya sa mga dati niyang kaibigan. May natanaw siya na tila ba pamilyar ang mukha ngunit hindi niya maalala kung sino yon. “Carlene! Ang ganda mo!” sabi ni Erika. “Uy! Best, ganda mo din ahh..” sagot ni Carlene. “So? Tara na sa bahay at baka maubusan tayo ng hand.” Sabi ni Allan. Mga classmate ni Carlene nung high school pa siya. “Sino yon?” bulong ni Carlene kay Erika. “Anu k b! Si kuya Jerson yan. Hindi mo ba namumukhaan?” tanong ni Erika. “Ahh.. siya pala! Namumukhaan ko na. Actually ka-text ko lang siya this last few days.” Sagot ni Carlene. At nagpunta na sila sa bahay nila Allan. Habang nasa bahay nila Allan bukod tanging hindi nagkikibuan sila Jerson at Carlene. Hindi rin sila nagkaroon ng pagkakataon na magkatabi para makapag usap. Nang sumapit na ang gabi. “Sige, salamat Allan. Uwi na ko.” Sabi ni Carlene. “Sabay na tayo.” Sabi ni Jerson. Nagulat si Carlene sa sinabi ng lalaki. At habang naglalakad papuntang sakayan. “Pwede ba kitang yayain na magsimba next week? Tanong ni Jerson. ‘”HUH? Bakit?” gulat na tanong ni Carlene. “Masama ba’ng yayain kita” tanong muli ni Jerson. “Wala akong sinabi. Hindi kasi ako pwede next week may pupuntahan ako.” Sagot ni Carlene. “How about the other week?” tanong muli ni Jerson. “I’ll text you if pwede. Salamat sa pagsabay.Sakay na ako.Ingat.” sabi ni Carlene. Nang pauwi na sila magkatext sila ni Jerson mga love quotes at heto naman si Carlene sa kapilyahan ay sinasagot din ng love quotes na parang natutuwa siya sa mga ginagawa niya na tila ba siya’y kinikilig. Lumipas ang ilang araw at lingo na magkatext sila at naeenjoy nila ang usapan ng isa’t isa. Minsan magkasama na silang nagsisimba at minsan sinusundo na ni Jerson si Carlene. Si Jerson ay simpleng tao lang mula sa simpleng pamilya. At kahit ganon lang ang katayuan ni Jerson sa buhay ay masaya si Carlene na kasama si Jerson kumpara kay Randy. Madalas na lagi silang magkatext na di nalalaman ni Randy. Nararamdaman na ni Randy na tila ba may kakaiba kay Carlene. Hindi na ito nagpapasundo, hindi na rin sumasabay ng lunch at madalang na ito mag text kahit loadan niya pa ito. Isang araw magkasama sila Randy at Carlene.. “Love, marami ba’ng gumugulo sa isip mo?” tanong ni Randy. “Bakit mo naman naitanong yan?” tanong ni Carlene. “Kakaiba ka kasi, madalang kang magtext hanggang sa mag expired nalang yung load mo hindi mo man lang ako maalalang kamustahi.” Sabi ni Randy. “So? sinusumbat mo? Wala naman akong sinabi na loadan mo ko. Ikaw lang to’ng paload ng paload sakin.” Sagot ni Carlene. “Wag mainit ang ulo mo, hindi ko naman sinusumbat sayo. Sinasabi ko lang po.” Sabi ni Randy. “Ewan ko sayo, ganon din naman ang punto mo!” sagot ni Carlene. “Magpalamig ka muna ng ulo mo.” sabi ni Randy. “Mabuti pa nga! Mag Kool off muna tayo!” sabi ni Varlene sabay tayo mula sa kinuupuan at umalis. “Wait! Carlene! Wag ka naman ganyan!” habol ni Randy. Ngunit hindi lang siya pinansin ni Carlene at tuluyang iniwan si Randy sa kinatatayuan. Kinabukasan parang walang nagbago kay Carlene bagkus mas masaya siya at pakiramdam na mas Malaya. Naisip niya na hindi na siya maguguilty kung sakaling magkatext sila ni Jerson o kung magkita man sila. Lumipas ang buong araw na maayos para sa kanya at magaan lalo na ssa tuwing magkatext sila ni Jerson at nang sunduin siya nito. “Kamusta ka na?” tanong ni Jerson. “Much greater than before.” Sagot ni Carlene. At nang maihatid na ni Jerson si Carlene, “Carlene! Sino siya?” tanong ni Randy. Nagulat siya sa narinig at nakita. Hindi niya inaasahan na nakatambay si Randy malapit sa lugar nila para lang Makita at kausapin siya. “Anong ginagawa mo ditto?” tanong ni Carlene. “Siya ba ang dahilan ng lahat?” tanong ni Randy. Ngunit hindi nakakibo si Carlene at tinalikuran nalang bigla si Randy at tuluyan ng pumasok ng bahay. Kinatok ni Randy ang bahay at naglabas ng sama ng loob. “Carlene, bakit mo ko ginaganto? Wag mo ko’ng saktan ng ganito hindi ko kaya na mawala ka sa buhay ko, wag mo’ng gawin to. Carlene, lumabas ka kausapin mo ko.” Sabi ni Randy. “Umalis ka na Randy, kahit anong gawin ko hindi ko kayang mahalin ka.” Sagot nalang ni Carlene. Napaiyak nalang ng husto si Randy. At si Carlene ay tuluyan ng iniwan ang pinto at pumunta na sa kanyang kwarto. Sa awa ng Mama ni Carlene ay nilabas niya si Randy, “Tita? Pasensya nap o kayo at nagising ko p po kayo.” Sabi ni Randy. “At mukhang pati mga kapitbahay nagising din. Randy, wag mo munang pilitin si Carlene ngayon baka naguguluhan siya at nakakahiya sa mga kapitbahay nag iiskandalo ka na at iisipin pa ng mga tsismosa dyan na dahil lang kay Carlene nagkakaganyan ka at baka isipin pa na baka kung anong klaseng babae ang anak ko. Umuwi ka muna at magpahinga.” Sabi ng mama ni Carlene. Narinig ni Carlene ang lahat at bigla itong lumabas.. “Randy,Pumasok ka muna.” Sabi ni Carlene. Pumasok si Randy at umasa na ok na si Carlene at naawa sa kanya, umasa din siya na magkakaayos na sila ngunit..
“Randy,kahit anong pilit ko na turuan ang puso ko na mahalin ka, hindi ko magawa.” Sabi ni Carlene. “Handa pa ko’ng maghintay…” sagot ni Randy pero bago pa matapos ang sasabihi niya.. “Martir ka ba? Tanga? Ano ka ba? Manhid ka ba? Mas lalo mo lang pinahihirapan ang sarili mo, mas lalo mo’ng ginagawang kaawaawa ang sarili mo,magpapakababa ka lang nagng dahil sakin, na hindi ka naman kayang mahalin? Look Randy!! Mas naaawa ako sayo kung itutuloy pa natin ang relasyon na to na ikaw lang ang nagmamahal sati’ng dalawa. I’m sorry.. pero mas maganda sigurong mag hiwalay na tayo.” Sabi ni Carlene. “Dahil ba talaga sa awa o dahil sa lalaki na yon?” tanong ni Randy. “I’m sorry. Kahit ako naguguluhan.Umuwi ka na at magpahinga. Tapos na to’ng usapan na to. Wala ka ng maaasahan sakin na kahit ano pa mang sagot.” Sabi ni Carlene. At umalis na si Randy ng may hinanakit at sama ng loob at may tanong na kung sino ba ang lalaki na yon?. Habang si Carlene sa kwarto niya ay nag iisp. Si Jerson nga ba ang dahilan kung bakit nagkakaganon siya, ano ba si Jerson sa kanya at ano nga ba siya kay Jerson at may biglang tanong sa isip niya.. “Umiibig nanaman ba ulit ako?? Paanong nangyari ang ganto? Bakit hindi pa kay Randy tumibok ang puso ko? Bakit kay Jerson? Anong meron si Jerson na wala si Randy?” tanong ni Carlene sa sarili. Kinabukasan nagulat si Carlene sa nakita.. “Good morning miss! Ipinagluto kita ng breakfast with you favorite meals. I cooked you tapsilog! And… I buy your most favorite dish.. Kare-kare!” sabi ni Jerson. Naguluhan si Carlene anong ginagawa ni Jerson dito? At bakit niya ginagawa to?.. mga tanong ni Carlene sa sarili at tinanong niya rin kay Jerson. Sinagot siya nito nang buong katotohanan na siya’y nanliligaw dito at minahal niya ito sa di malamang dahilan. Natuwa si Carlene dahil pareho sila ng nararamdaman. Lumipas ang buong araw na maganda para sa kanya at maaliwalas. Nang umuwi na si Jerson.. “Ano naman ang lagay ko sayo?” tanong ni Jerson. “Pag iisipan ko..”pilyang sagot ni Carlene. “May pag asa ba ko?” uling tanong ni Jerson. “Ahmmm… Meron..” sagot ni Carlene. “pahihirapan mo pa ba ko? Kaya mo ba’ng matiis na mahirapan ako? “ tanong ni Jerson. “Ahmm.. ige na nga!” sabi ni Carlene. “YES!” sabi ni Jerson at nagnakaw pa ito ng halik sa labi mula kay Carlene at nagtatakbo pauwi na kala mo bata at kitang kita ang tuwa. Habang si Carlene ay parang kinikilig din, at pakiramdam na nabunutan siya ng tinik at tamang tama ang sitwasyon ng lahat. Lumipas ang araw, buwan na sila’y ok, masaya at nagkakaintindihan. Hanggang dumating ang araw na madlang na silang magkita, magkausap at magkatext. Si Carlene ay nag aaral ng mabuti dahil graduating na ito at si Jerson naman ay nagtatrabahao at nagtatampo kay Carlene sa kulang na atensyong ibinibigay nito. Sa unang pagkakataon pumunta si Carlene sa bahy nila Jerson upaang alisin ang tampo nito at sorpresahin si Jerson. Naging ayon ang lahat sa kanya na makabawi kay Jerson ngunit dahil sa sila lamang nag nassa bahay, isang pangyayari ang hindi niya inaasahan.. Naging mainit ang paligid maging ang kanilang mga katawan, nagdikit ang kanilang ga labi at buong init nila itong dinama at buong pagmamahal na nag isa. Matapos ang pangyayari na yon naramdaman ni Carlene na tila ang sakit ng buong katawan niya ngunit kailngan niya ng umuwi sapagkat mag gagabi na. Humiram ng single na motor si Jerson at hinatid siya. Nang makarating na siya sa bahay diretso na siya sa kwarto at pakiramdam na tila ba pagod na pagod siya at lambot na lambot. Dumaan ang ilang araw ngunit ganon pa rin ang sitwasyon nila, madalang magkita, magkausap at magkatext. Sa muling pagpunta niya kina Jerson nagulat siaya sa nakita niya, kumakabog ang dibdib niya na tila hindi siya makahinga. Nakita niyang may kasama si Jerson na babae. Nakita siya ni Jerson at hinabol si Carlene.. “Ipapaliwanag ko ang lahat.” Sabi ni Jerson. “Wag Jerson, masasaktan lang ako sa sasabihin mo. Isang tanong at isang sagot lang ang gusto ko. Mahal mo ba siya?” tanong ni Carlene. “Yung mga oras na wala ka, nalilibang akong kasama siya..” di pa natatpos si Jerson. “Isang tanong isang sagot lang ang gusto ko! Mahal mo ba siya?” muling tanong ni Carlene. “Hindi ko alam, pero nahuhulog ata ang loob ko sa kanya.” Sagot ni Jerson. Tumakbo si Carlene papalayo ngunit hinabol muli siya ni Jerson at sinabi.. “Sorry kung nasaktan kita, bigyan mo ko ng oras, mahal kita kahit kasama ko siya naiisip kita, pero masaya din akong kasama siya para bang may pinunan siya sa pagkukulang mo.” sabi ni Jerson. “Kung talagang naiisip mo ko hindi mo ko sasakltan ng ganito, kung may pagkukulang man ako akala ko nauunawaan mo.” sagot ni Carlene. “Bigyan mo ko ng oras.” Sabi ni Jerson. Umalis nalamang si Carlene. Nasaktan muli siya sa pakakataon na ito hindi niya malaman kung anong gagawin san pupunta at bigla naalala niya si Randy na nasaktan niya ito at nararamdaman niya kung anong dinilot niya kay Randy. Sa di inaasahang pagkakataon nakita siya ni Randy.. “Carlene? Is that you?” tanong ni Randy. Nagulat siya at napaisip ano ba’ng klaseng pagkakataon to, ang sinaktan niyang tao ang dadamay pa sa nararamdaman niyang sakit na katulad na ibinigay niya ditto. Nagkwentuhan sila at isinalaysay ang lahat kay Randy. At umiyak ng umiyak si Carlene. ‘Sayang Carlene, bakit ba kasi hindi pa ako ang tinibok ng puso mo?” sabi ni Randy. “Kung pwede lang turuan ang puso, ginawa ko na.” sagot ni Carlene. “Ipaglaban mo siya. Kung talagang mahal mo siya ipaglalaban mo siya sa kahit kanino at ipaglaban mo ang karapatan mo bilang gf niya. Ipakita mo kung gaano mo siya kamahal.” Sabi ni Randy. “Hindi ko inaasahang ikaw pa magsasabi sakin nyan, akala ko magtatake advantage ka sa pagkakataon na to.” Sabi ni Carlene. “Mahal kita Carlene! Pero tama ka kahit anong gawin ko kung hindi mo ko mahal, hindi tayo magiging masaya. Kung talagang mahal ka niya at mahal mo siya, paglabanan niya ang tukso at ikaw ipaglaban mo din siya sa babae na yon.” Sabi ni Jerson. Napaisip si Carlene at iniwan nalang bigla si Randy. Nagpunta muli si Carlene kina Jerson ngunit yung babae ang natagpuan niya at nilapitan siya. “So? Ikaw pala ang gf niya?” tanong ng babae. Hindi kumikibo si Carlene at palingalinga hinahanap si Jerson. “Tignan mo ko!” sabi muli ng babae. “Sino ka ba?” Pagtatanong ni Carlene. “Ako lang naman ang babaeng kapalit mo! kaya wag mo na kaming guluhin pa!” sabi ng babae. “Ako? Nanggugulo? Baka ikaw! Kundi ka dumating sa buhay namin maayos ang pagsasama naming.” Sagot ni Carlene. “Oo nga siguro kung hindi ako dumating hindi ko magugulo kayong dalawa pero parepareho na tayong naguguluhan, hindi lang ikaw, hindi lang ako maging siya! Kung talagang mahal mo siya palalayain mo siya at pababayaan mo siyang pumili at kung talagang ikaw ang piliin niya hindi na ako manggugulo pa!” sabi ng babae. Napaisip muli si Carlene na tama yung babae. Umalis nalang si Carlene at nakita niyang inaantay siya ni Randy. “Hatid na kita?” tanong ni Randy. “No, Thank you. I want to be alone.” Sabi ni Carlene. At umuwi na si Carlene at si Randy sa kanikanilang bahay. Kinabukasan paggising niya naisip niya na iwanan na lamang ang cellphone sapagkat wala naman makakaalala at istorbo lang at pumasok na sya. Buong araw niyang binuhos ang atensyon sa pag aaral at pag dating sa bahay.. “Inagt ka lagi, lalo na hindi tayo magkasama. Tandaan mo mahal na mahal kita.” Text ni Jerson. Napaiyak si Carlene at sinabi sa sarili.. “Bakit mo ko sinasaktan ng ganito?” Lumipas ang isang buwan.. Nagugulat si Carlene na parang may kakaiba sa kanya, tinatamad bumangon sa umaga, biglang nasusuka kapag may naaamoy na hindi niya gusto.at naghinala na siya na siya’y… buntis. Nagpatingin siya na walang sinuman ang nakakaalam ang tama ang hinala niya. Pumunta siya sa simbahan na madalas nilang puntahan ni Jerson. At doon ay umiyak ng umiyak at nagtanong ng nagtanong sa Diyos kung anong nangyayari, bakit nangyayari sa kanya ang lahat ng to, at ano ang gagawin niya, paano ang mga pangarap niya, paano sila mabubuhay ng magiging anak niya, anong ibibigay niyang buhay sa anak niya, sino ang ipapakilalang ama. At matapos magmukmok sa simbahan ay umuwi na. Pagdating sa bahay nadatnan niyang nandoon si Randy at ang Mama niya sa likod bahay nila at nag uusap. “Uhmm..Ako nanaman ang pnag uusapan niyo?” pagkukunwaring ok si Carlene. “Oh, maiwan ko muna kayo. Nak, kung may problema ka nanay mo ko nararamdaman ko ang lahat kahit hindi mo sabihn at nasasaktan ako na itinatago mo ito sakin.” Sabi ng mama ni Carlene. Umalis na ang Mama ni Carlene at nag usap sila ni Randy. “Buntis ako!” bulong ni Carlene. Nagulat si Randy at hindi malaman kung anong isasagot kay Carlene. “Alam na ba nung lalaki?” tanong ni Randy. Umiling lamang si Carlene at ipinaliwanag ang pangyayari nung huli silang magkita. “Kung hindi niya alam, sino mananagot niyan? Dapat panagutan ka niya.” Sabi ni Randy. “Ayoko ng guluhin pa siya, sumuko na ko. Nakapag isip isip na ko at buo na ang desisiyon ko. Anuman ang mangyayari hindi ko ito ipapaalam sa kanya.” Sabi ni Carlene. “Handa akong panagutan ka at bigyan ng pangalan at pagmamahal ang anak mo.” alok ni Randy. “Salamat pero hindi mo ito responsibilidad, may hihingin lang sana akong pabor sayo.” Sabi ni Carlene. “Ano yon?” tanong ni Randy. “Maaari ba’ng tulungan mo ko makaahon sa lahat ng ito? Magkita tayo sa lumang simbahan sa susunod na lingo, ibibigay ko sayo ang sulat para kay Mama.” Sabi ni Carlene.
“Paano mo bubuhayin ang anak mo?” tanong ni Randy. “Hindi ko alam,gulong gulo ako sa ngayon. Kung pwede lang magpakamatay nalang ako ginawa ko na kaso may takot ako sa nasa Taas.” Sabi ni Carlene . “Wag Carlene, isipin mo may buhay na diyan sa sipupunan mo na may karapatan din mabuhay gaya ng ama niya na karapatan malaman ang lahat.” Sabi ni Randy. “Wag ka’ng magkamali na sabihin yon sa kanya mangako ka” Sabi ni Carlene. “Oo.” Sagot ni Randy. “Ayokong bumalik siya sakin dahil lang sa buntis ako,kundi dahil talagang mahal niya ako.” Sabi ni Carlene. “Sige na magpahinga ka na.” sabi ni Randy. Sa loob ng isang lingo nilubos ni Carlene ang pagsasama nilang mag ina,sapagkat sila lamang sa buhay,naisip niya na gagayahin niya ang kanyang ina na itaguyod ang anak na may buong karangalan at buong pagmamahal ngunit tulad din niyang lalaki ang anak ng walang kinikilalang ama. Dumating na rin ang inaantay niyang araw,umalis siya sa bahay na hindi namamalayan ng ina. Nagkita sila ni Randy sa loob ng simbahan. Nagtataka siya kung bakit ang dilim sa loob at ang tanging may liwanag lamang ay ang malapit sa altar, kaya duon siya tumayo at nag antay. Nakikita niya sa paligid niya na may tila bulaklak. At nang bumukas ang ilaw agad na nakita niya sa malayo si Randy. “Ano to?” tanong ni Carlene. “Tumingin ka’ng maigi sa kapaligiran mo.” sagot ni Randy. Nilibot niya ang buong mata niya at ang nakikita niya ay mga puting rosas na sobrang dami at pagkaganda ganda, at naaaninag niya na may lalaki pa sa harapan niya sa sobrang liwanag hindi niya ito matanaw, ngunit maya maya ay unti unti niya itong natatanaw.. “Eto yung panaginip ko, makikita ko na ang lalaki sa panaginip ko kaso totoo nab a tio o baka nananaginip lang ulit ako.” Sabi ni Carlene sa sarili. “Carlene, mahal na mahal kita. Alam ko na ang lahat,andito ko hindi dahil buntis ka kundi dahil mahal kita at naisip kong itama ang lahat” sabi ng lalaki. “Pamilyar ang boses mo, Jerson?” tanong ni Carlene. At nang maaninag na ni Carlene hindi siya nagkamai sa binanggit niyang pangalan. “Will you marry me?” tanong ni Jerson habang inaabot ang kamay niya… “Pero, paano mo nalaman?” tanong ni Carlene “Pumupunta siya sa inyo at nakita ko siya at nagkausap Kami, patawad Carlene pero hindi ako tumupad sa usapan natin, dahil nakumbinsi niya ako na talagang mahal ka niya at ito ideya niyang lahat ito. At aminin ko nayon alam ko na kung bakit mo siya minahal at kung anong meron siya na wala ako.”sabi ni Randy. “Harapin natin ang lahat ng problema ng magkasama, simula ngayon hindi na kita pababayaan pa.” sabi ni Jerson. At inakap ni Jerson si Carlene,napaiyak ng husto si Carlene sa sobrang ligaya na di niya mapahiwatig ang tanging nabanggit niya na lang.. “Salamat po Diyos ko.”
-----------Wakas-----------
Monday, March 15, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment