hello..

hello guys..

Sunday, March 7, 2010

DOBLE KARA

mesh, tapusin mo na ang pag-iimpake mo dyan, maaga tayo bukas” bungad ng mama ko pagkabukas niya ng pintuan.

“Bakit naman kasi kailangan pa akong isama. Malaki na naman ako. Kaya ko na ang sarili ko. Tsaka hindi ako mag-eenjoy duon.” pagmamaktol ko.

“Sasama ka sa ayaw at sa gusto mo. Sinong magbabantay sa iyo dito. Ikaw lang ang maiiwan kung saka-sakali. Tapos ayaw mo nuon madami kang makikitang magandang tanawin at magiging bagong kaibigan.” Paliwanag ng mama ko.

“Oo na, oo na.” Pagtatapos ko sa usapan dahil alam ko hahaba na naman ito at mauuwi sa sermon. Na kesyo walang magbabantay sa akin at baka kung saan-saan ako magsuot walang sasaway.

“O sige, iset mo ang alarm clock ng 4am baka maiwan tayo ng barko. Mabuti nang maaga para kung may mga problema sa daan, hindi tayo kukulangin sa oras. Pagkatapos mo dyan matulog ka na rin.” Bilin ng mama ko bago siya lumabas ng kwarto.

Taun-taon kami nagbabakasyon sa Bohol . Duon kasi ang hometown ng papa ko. Maganda nga naman duon at sariwa ang hangin. Gustong-gsto ko tuwing ipapasyal ako ng lolo ko s daungan ng mga mangingisda, doon ay nagpapalitan sila ng kung anu-ano. Hindi masyadong ginagamit ang pera. Kung may pera mabuti at kung wala naman ay mainam na iyong mga pagkain tulad ng bigas, gulay at prutas.



Ang tingin ko ay kamag-anak ko lahat ng mga kapitbahay namin. Hindi ko nga alam kung sino ang hindi ko talaga totoong kamag-anak. Kaya madalas pinagsasabihan ako ng mama ko na mag-ingat sa pagnonobyo baka kasi pinsan ko lang ang maging nobyo ko



“Hoy, anong iniisip mo dyan?” Panggugulat na tanong sa akin ng nakababatang kapatid ko. Kasalukuyan kaming nasa barko at nakatingin ako sa dagat habang minumuni ko ang nakaraan.

“Wala. Tinitingnan ko lang ang mga dolphins. Ang ganda noh. Tingnan mo?” Turo ko na siya namang pagtalon ng dolphins.

“Sabi ni lola hindi daw pwede na ituro kasi lulubog ang barko.” Sabi ng kapatid ko.

“Naku naman to! Daig pa ang matanda kung maniwala sa mga sabi-sabi.” Natatawang sabi ko, sabay batok sa kapatid ko.



“Oo nga, pero gusto ko naman na maranasan magtrabaho. Malay mo makakadagdag iyon sa experience ko at pag nakatapos na ako ng college ay hindi na ako mahihirapang mag-adjust.”

“Wag kang excited. Halika n nga, punta tayo sa may restaurant sabi may banda daw na tutogtog.”

“Ok.” Sabay sunod na sa kapatid ko.



Umakyat na kami sa may second floor ng barko. May banda nga na tumutogtog at mga love songs ang kanilang kinakanta. Habang papasok ako ay isa sa paborito kong kanta ang tinutogtog nila. Nakikisabay na ako sa kanila habang paupo ako.(Suddenly by Freestyle)

Kahit hindi pa ako nagkakaboyfriend at hindi ko pa naranasan ang umibig ay damang-dama ko ang kanta. Kahit sino naman kapag narinig ang kantang iyon ay talagang mag-eemote ng bongga. Pagkatapos ng tatlo pang kanta ay nagyaya na ako na bumalik na sa aming cabin para makapagpahinga na.

Habang nakahiga ako, ay hindi naman ako makatulog. Isip kasi ako ng isip kung ano ang pwedeng mapaglibangan pagdating naming doon. Malamang puro kaboringan lang ang mapapala ko doon. Napabuntong ininga n lamang ako sa kakaisip.

Dumating kami sa bahay ng lolo at lola ko ng 2am. Kahit nakatulog ako ay inaantok pa rin ako.

Sinalubong kami ng lolo at lola ko. Kahit 2am pa lang ay nagkwentuhan na agad sila. Sinabi ko naman na matutulog muna ako dahil inaantok pa ako.

Kinaumagahan ay nakita kong nasa mesa na silang lahat. Sabi ng mama ko ay hindi na niya ako ginising kasi tulog na tulog ako. Uminom lang ako ng tsokolate at nagpaalam na. Maglilibot ako, baka sakaling may makilala ako at maging kaibigan na kasing edad ko.

Umupo ako sa may tapat ng simbahan. Kasalukuyan kung tinitingnan iyong mga bata na naglalaro ng habulan. Ang saya nilang pagmasdan. Nauuhaw ako kaya tumayo ako at bibili sana ng maiinom ng may bumangga sa akin.







“Oh my gosh!!” Tili ko.

“Sori ha. Hindi ko sinasadya.” Narinig kong sabi ng bumangga sa akin. “Tulungan na kita” Sabay bigay ng kamay niya para abutin ko.

“Salamat! Siyangapala ako si Micea. Mesh for short. Ikaw? Ano nga palang pangalan mo?” Pagpapasalamat at pagpapakilala ko.

“Ako nga pala si Vivian, pwd mo akong tawaging Bebs.” Sagot naman niya. “Nagbabakasyon ka lang ba dito? Ngayon lang kasi kita nakita eh.”

“Oo, taga Manila ako. Dyan lang iyong bahay ng lolo at lola ko.” Sabay turo ko sa bahay ng mga lolo ko. “Pwede ba kitang maging kaibigan? Wala pa kasi akong kakilala dito eh at tsaka gusto ko namang mag-enjoy habang nagbabakasyon kami.”

“Huwag kang mag-alala. Ililibot kita dito at ipapakilala kita sa ibang mga kaibigan ko. Kasing-edad lang din natin. Sigurado ako mag-eenjoy ka dito.”

“Salamat Bebs. Halika bili tayo ng maiinom, nauuhaw kasi ako” yaya ko sa bagong kaibigan ko.

“O cge. Libre mo ha?” Biro niya at sabay kaming natawa.



Pumunta na kami sa may tindahan at bumili kami ng softdrinks. Sobrang init hindi ata uso aircon. Habang umiinom kami ay nagsimula kaming magkwentuhan. Kahit bago pa lang kaming magkakilala ni Bebs ay gusto ko na siya. Mabait siya sa akin at tinotoo niya ang sabi niya na ililibot niya ako.



Hindi pala nag-aaral si Bebs, dala ng kakulangan ng pera. Parang bigla naman akong naawa sa kanya. Nangako ako sa kanya na tutulungan ko siya sa abot ng aking makakaya kapag nakatapos na ako.

Gumagabi na kaya umuwi na kami. Pagdating ko sa bahay naghahanda na sila para sa hapunan.

“Saan ka ba galing bata ka ha?” Salubong na tanong sa akin ng mama ko.

“Ay, dyan lang po sa tabi-tabi. Alam mo ma may nakilala ako. Bebs ang pangalan niya. Dyan lang siya nakatira sa may tapat ng stage.” Pasimulang kwento ko.

“Mabait ang batang iyan. Masipag at matulungin sa magulang.” Sabat ng lola ko.

“Oo nga po ma, ipinasyal niya ako sa may dagat at nagkwentuhan kami.”

“Saan ba dyan iyong batang iyon ma?” Tanong ng mama ko sa lola ko.

“Hindi ko alam kung napansin mo iyang batang iyan. Kasi hindi palalabas iyan eh.” Sagot ng lola ko. “Sya cge tawagin mo na sila at ng makakain na tayo.” Utos sa akin ng lola ko.

Nang matapos ang hapunan at pagliligpit ay pumasok na ako sa aking kwarto at nagpahinga na.

Kinabukasan ng tanghali ay pumunta ako sa bahay nina Bebs. Wala si Bebs kasi pumunta daw sa bayan para mamili ng mga gagamitin nila sa konting handaang gagawin nila sa piyesta. Sinabi ko na lang sa mama niya na pagbalik ni Bebs puntahan ako sa bahay namin. Nagpasalamat ako at umalis na.

Pumunta ako sa may tapat ng simbahan. May dalawang lalaking naglalaro sa may basketball court. Tumawid ako sa may gitna para pumunta sa may tindahan sa bandang kaliwa ng court. Dahil sa dalawang lalaki lang ang naglalaro, hindi ko inakalang iyong magkabilang bahagi ng court ay ginagamit nila kaya mahinhin akong naglakad.



“Hoy” Tinulak ba naman ako.

“ Aba ? Sino ka para itulak ako?” Galit akong humarap sa tumulak sa akin.

“Kasi po, basketball court ito. Naglalaro kami, kaya tumabi ka dyan.” Pang-aasar na sabi ng tumulak sa akin.

“Para naming napakaliit ko at hindi mo ako nkitang padaan. Cheeee akala mo nmn kung sinong magaling!.” Balik kong pang-aasar sa kanya pero ang lakas na ng kabog ng dibdib ko.

“Mahal na prinsesa pasensiya na po, ang tingin ko kasi dito ay basketball court hindi palasyo niyo kaya hindi po ninyo kami mapagsasabihan kung saan kami pwedeng maglaro.” Patuloy niyang pang-aasar sa akin at nag-aper pa sila nung kasama niya.



Isang malutong na sampal ang tumugon duon. Parang napahiya yata sa ginawa ko at bumaling sa akin na nanlilisik na ang kanyang mga tingin.

“Bakit mo ginawa iyon?” Galit na tanong niya.

“Ang bastos mo eh. Wala kang respeto sa mga babae.”

“Bakit dalaga ka na ba? Hindi ka pa yata marunong maligong mag-isa eh.” Ang lakas ng tawanan nila nung kasama niya.

Sinampal ko naman siya.

“Isa pa at hindi na kita palalampasin. Gusto mong makita kung ano ang bastos? Heto…” Hinawakan niya nang mahigpit ang mga balikat ko. Galit na galit ang mga mapupungay niyang mata at nakakatunaw ang mga titig niya. Ang lapit na talaga ng mukha niya sa mukha ko habang tumutulo ang pawis sa kanyang namumulang labi. Napapikit na lang ako.

Tumili ako at itinulak ko siya. Tumakbo akong pauwi ng bahay na hindi man lang lumilingon. Nahihiya ako, hindi ko alam kung paano pa ako lalabas ng bahay. Kinagabihan ay pumunta si Bebs sa bahay namin. Sa may labas sana kami ng bahay magkukwentuhan pero inaya ko na lang siya sa loob ng kwarto ko baka kasi makita ko iyong lalaking iyon. Nakakahiya. Parang hindi ko yata kayang makita siya ulit.



“Pumunta ka pala ng bayan kanina?” Pabungad na tanong ko kay Bebs.

“Oo, kasi maghahanda kami ng kahit konti man lang sa piyesta. Punta ka ha.” Sagot ni Bebs.

“Oo naman, siyempre. Punta ka din dito. Alam mo na taun-taon naghahanda sina lola para sa piyesta. Lahat ‘ata ng tao dito naghahanda eh. Hehe” Natawang pag-anyaya ko din sa kanya.

“Alam mo may nangyari kanina.” Simulang pagkukwento ko.

“May tumulak ba naman sa akin. Nakakainis talaga. Binastos ba naman ako at balak pang halikan ako. Swerte niya. Ang unang lalaking makakahalik sa akin ay ang una kong magiging boyfriend!. Hindi iyong lalaking din a nga kagwapuhan ay mayabang pa.”

“Bakit ka naman itinulak?”

“Akala ko kasi, iyong isang side lang ang ginagamit nila kaya hinay-hinay lang iyong lakad ko.”

“Sino ba iyong lalaking iyon?”

“Hindi ko alam eh, pero sana hindi na kami magkita. Nahihiya ako. Nasampal ko ng dalawang beses.”

Nagyaya si Bebs na lumabas kami dahil may palatuntunan daw sa may stage. Nagdalawang-isip pa nga ako baka makita ko iyong lalaking iyon duon. Kinakabahan akong umo-o kay Bebs.

Nakaupo kami sa may bakod ng simbahan. Kitang-kita at dinig na dinig naman ang palatuntunan kahit duon lang kami. Kasali pala ang pinsan ko at kinanta niya iyong Hindi Ako Isang Laruan kaya sumisigaw-sigaw kami at pumapalakpak. Ganda talaga ng boses ng pinsan ko, manang-mana sa akin. Naks! Ganda din ng kanta.



“Pare, nakita mo iyong dalawang babae nakaupo sa may bakod? Sa kaliwa natin.” Tanong nuong lalaking bumangga sa akin sa kasama niya. “Huwag niyong tingnan para di tayo mahalata na pinag-uusapan natin sila.” Kasi lumingon na lahat ng mga kasama niya sa amin.

“Ay, si Miss Taray pare.” Nag-aper na naman sila.

“Sinong Miss Taray?” Tanong nung isa niyang kasama na babae.

“Nakita mo iyong nakaviolet na mahaba ang buhok na kasama ni Bebs?” Kasalukuyan kasing nakapink ako, in fairness favorite color ko.

“Oo, nagbabakasyon lang iyan dito. Nakatira iyan kina Lola Natty. Apo niya iyan. Anak nung pangatlong anak niya na lalaki. Bakit, interesado ka ata?”

“Oy, hindi ah. Ang taray kasi. Parang kanya iyong basketball court. Kung makalakad parang nasa pageant. Hehe.” Natatawang sagot nung lalaking nakaaway ko.

“Pare, si Dots na ang susunod” Sabat nung isang kasama nila. Kasali pala ang tropa nila sa paligsahan kaya nanduon silang magbabarkada.



Nang matapos na ang palatuntunan ay umuwi na kami ni Bebs. Nag-usap kami na magkita sa tapat ng simbahan kinabukasan.

Lumipas ang ilang araw na patuloy kong nkikita ang lalaking hindi ko ba malaman kung kinaiinisan ko ba o nagugustuhan ko na. Napansin nga rin ni Bebs na madalas ko ng naikkwento ang lalaking iyon, patungkol sa kanyang ichura, paglalaro ng basketbol at iba pa. Naalala ko nga rin ang sabi ng nanay ko na magingat ako sa magiging nobyo ko at baka pinsan ko pala iyon.

Isang araw ay inutusan ako ng nanay ko na bumili sa palengke ng mga sahog sa iluluto ni lola. Ngunit ako'y animong nagdadalawang isip dahil nga baka makita ko yung lalaking kinaiinisan ko ba o nagugustuhan ko na.

"Bebs, may alam ka ba tungkol sa lalaking lagi kong knkwento sayo??"
"mmmm... Wala, ang alam ko lang ay nakatira yun malapit sa court, at nag-iisang anak lamang siya ni Aling Evita.." wika ni Bebs.
"May nababalitaan ka bang may kasintahan siya nagyon??"
"Wala eh, pero kung ako sayo ay huwag mo na siyang gustuhin dahil mukha siyang isip bata, at barkada lamang ang inaatupag."
"Hindi nmn siguro Bebs, mukha naman kasi siyang mabait." tugon ko sa parang negatibong reaksyon nya.
"Hmmp, ikaw ang bahala diyan."

Sa gitna ng aming paglalakad ay ngkabungguan kami ng lalaking aking kinaiinisan. Natuma ako at nahulog ang aking mga pinamili. Agad naman niya akong tinulungan, ngunit parang tumigil ang oras dahil ntulala kami sa isa't isa. Hindi kaya ang pagkikita naming muli ay senyales na kailangan na naming kilalanin ang isa't isa. Sa pagkakataong ito ang humingi na siya ng paumanhin saakin at inayos nya pa ang aking pinamili. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi maalis ang tingin ko sakanya. Inisip ko n lamang na sana ay alam ko ang pangalan niya. At ayun na nga,

"Paumanhin na ha, hindi kasi ako nakatingin sa dinadaanan ko, nabangga tuloy kita. Diba ikaw din ung babaeng mahinhin na naglalakd sa court at sinampal ako??"

"Oo, ako nga yon"

"Ako nga pala si Khevin." Hay naku parang tumalon ang puso ko nung nalaman ko ang pangalan niya.

"Ah..ako pla si Mesh! Nice meeting you.." ang sabi ko habang ang ngiti ko ay abot tenga. Ngunit napansin kong si Bebs ay ni wala man lang reakyon sa mukha, para pa ngang magkasalubong ang kilay sa yamot. Nagsimula ko ng maisip na baka may nakaraan sila ni Khevin. Hnd ngtapos ang paguusap namin ni Khevin ng hindi niya kinukuha ang cellphone number ko. Umuwi kmi ni Bebs na hindi man lang siya ngsasalita, at doon ay ngsimula na akong makahalata.

Lumipas ang araw na walang mintis kaming magkatext ni Khevin, ay unti-unti ko na rin siyang nagugustuhan dahil kahit inasart nya ko, ay talaga palang napakabait nya. Umamin na rin siya saakin na ngugustuhan nya na din ako. Sa mga oras na yun ay hindi talaga maipaliwanag ang nararamdaman ko, pag nagkataon ay siya ang magiging unang nobyo ko. Hindi ko maiwasang hindi ngumiti sa tuwing magkatext kami.

Isang araw naglalakad ako sa tabing dagat nakita ko si Khevin na may kausap na babae, at namukaan kong si Bebs yon. Agad akong nagtago sa bangka para hindi nila ako makita at marinig ko ang kanilang pinag-uusapan. Napakalinaw kong narinig na umamin si Bebs na gusto nya rin si Khevin, at sinabi niya pang umiwas si khen saakin dahil may nobyo na ako sa Maynila. Sumakatuwid, ako ay sinisiraan ng taong tinuring kong kaibigan upang makuha nya lamang ang gusto nya. Hindi ako makapaniwala. At si Khevin naman ay parang natutuwa at naniniwala din sa mga sinasabi ni Bebs. Nasaktan ako dahil kinabukasn ay nakita ko sila sa plaza na magkasama at magkahawak kamay pa. Mula noon ay hindi na ako kinausap ni Bebs. Pinagsisihan ko na pinagkatiwalaan ko siya. Akala ko ay totoo siya, isa pala siyang magandang halimbawa ng "DOBLE KARA". At para sa lalaking muntik ko na ibigin, ang masasabi ko'y mabuti na lang at hindi ko hinayaang mahulog ako sa bitag nya. Dahil alam nyo ba kung anu ang nabalitaan ako pagbalik ko sa Maynila?? Na si Khevin ay binuntis lamang si Bebs atsaka iniwan din. Ngayon ay sira na ang kinabukasan ni Bebs dahil masyado siyang naging mapusok. Pinagdadasal ko na lamang na malagpasan nya ang pagsubok na iyon. Hindi nalaman ng nanay ko na ang sana ang magiging nobya ni Khevin kung nagkataong hindi nakisawsaw si Bebs. Nagsilbi na lamang itong leksyon saakin na huwag agad agad magbibigay ng tiwala sa taong hindi mo pa naman masyadong kilala, hindi porke muka siyang mabait ay magiging kampante ka na. Naalala ko nga yung nabasa ko na "Trust no one, tell your secrets to nobody and no one will ever betray you."








Miriam Jayne P. Mayo
Bachelor of Science in International Studies

No comments:

Post a Comment