Isang umaga, maagang nagising si Unique para pumasok sa eskwelahan. Siya ay labing anim na taong gulang pa lamang at nasa ika-apat na antas sa mataas na paaralan. Dali-dali siyang bumangon para maligo at makapaghanda na ng sarili para sa pagpasok ng umagang iyon. Matapos maihanda ang gamit sa eskwela, dali-dali na niyang tinawag si Mang Ambo, ang kanilang drayber na matagal ng pinagkakatiwalaan ng kanilang pamilya. Bata pa lamang siya ay si Mang Ambo na ang nakagisnang tagapagmaneho ng kanilang pamilya kahit saan sila pumunta.
Si Unique ay anak ng isang abugado na si Atty. Rodriguez, angkan ng mga Rodriguez sa kanilang bayan. Maraming nakakakilala dahil sa angking galling at talino. Maraming kaso ang naipanalo kaya pati ang kanyang anak na si Unique ay kilala sa kanilang bayan. Malaki ang utang na loob ni Mang Ambo kay Atty. Rodriguez, kaya para na rin niyang anak si Unique kung ituring niya ito. Para kahit papaano ay masuklian niya ang lahat ng kabutihang ibinibigay sa kanya ng pamilya nito.
“Unique” tawag ni Mang Ambo sa dalaga.
“Aalis na po ba tayo, Mang Ambo” tugon niya.
“Oo, halika na baka mahuli ka pa” sabi nito.
“Nandiyan pa ba ang Papa mo? Tawagin mo na para maka-alis na tayo”
“Sasabay ba siya?” tanong ko.
“Oo gusto kang ihatid at ng maaga rin daw makapasok sa opisina”
Laking tuwa niya sa sinabi ni Mang Ambo. Lagi kasing wala ang kanyang ama dahil sa dami nitong inaasikaso sa opisina. Magkaganunman wala siyang pagtatampo sa kanyang ama dahil alam niyang ginagawa iyon para sa kanya at sa kanyang kinabukasan. Maaga siyang naulila sa ina dahil sa isang malubhang sakit, hindi naman nagkulang ang kayang ama at napalaki siya ng maayos at mabuting bata.
Dali-dali siyang nagtungo sa kwarto ng kanyang ama at agad na kinatok ang pinto.
“Papa” tawag niya.
Agad namang lumabas ang kanyang ama at handa na rin lumabas para ihatid siya at sumabay sa kanila.
“Unique, anak! Halika na at baka malate ka pa sa klase mo” sabi ng ama.
“Opo” sagot niya.
“Papa, salamat ha” dagdag niya.
“Para saan anak”
“Sa pag-aalaga nyo sa akin, kahit maagang nawala si Mama, Hindi nyo ako pinabayaan.”
Maluha-luhang niyakap ng ama ang kanyang anak.
“Ano bang drama iyan Unique, halika na”
“Opo Papa.”
Sumakay na sila ng sasakyan at agad naman itong pinatakbo ni Mang Ambo. Maya-maya lamang ay nasa eskwelahan na sila. Nagpaalam na siya sa ama at sa drayber.
Agad namang niyang nakita si Dustin, ang kanyang bestfriend mula pa ng mga bata sila.
“Dustin!” tawag niya, pero parang hindi siya narinig ng binata.
“Dustin! Dustin! ” tawag ulit niya.
Nilingon siya ng binata at agad namang tumakbo para lumapit sa kanya.
“O, bakit ngayon ka lang? kanina pa kita inaantay” tanong nito.
“Pasensya na” sagot nito at napangiti dahil sa tanong ng binata.
“Bakit tumatawa ka?” tanong na may pagdududa.
“Wala, masyado mo naman akong na-miss bestfriend” sagot ulit niya at lalong napatawa.
Nagkatawanan na silang dalawa, kahit sa simpleng bagay na napag-uusapan. Bata palang siya ay malapit na sila sa isa’isa. Pareho silang may pagtingin sa isa’t isa pero dahil sa napakabata pa nila kaya hanggang sa magkaibigan muna ang mararating ng pagkakaibigan nila.
Ayaw ng binata na masira siya sa ama ng dalaga dahil bata palang sila ay malapit na rin ito kay Atty. Rodriguez kaya naman ganoon na lamang ang pag-aalaga at pag-aalala niya kay Unique.
“Tara na, may klase pa tayo” sabi ng binata.
“Okey boss, baka mapagalitan pa tayo ng paborito mong teacher.”
“Ikaw talaga, baka hindi na tayo maging honor niyan” sabi nito sabay tawa.
“Ako pa, smart girl yata ako” dagdag pa nito.
“Oo na, pasok na tayo” mabilis namang sumunod si Unique.
Natapos ang maghapon at maganda ang naging pagtuturo ng kanilang guro. Sabay silang lumabas ng kanilang silid aralan para pumunta sa canteen para kumain. Pagkatapos ay nagpaalam na sila sa isa’ isat para umuwi na.
Makalipas ang ilang buwan at nalalapit na ang kanilang pagtatapos.
May lungkot dahil sa magkakahiwalay na sila ng kanyang bestfriend pero lubos ang saya dahil makaka-graduate na sila. Hindi nila inaasahan, isang umaga, bigla nalang nanlambot at nawalan ng malay si Unique. Agad namang binuhat ni Dustin at dinala ito sa isang malapit na clinic malapit sa school nila.
Hindi nila alam kung bakit bigla na lang itong nangyari.
Isang araw kasama ang kanyang ama at si Dustin, nagtungo sila sa Ospital para ipacheck-up sya.
Doon na lang ang gulat ng ama at ng kaibigan ng malamang may sakit sya. May cancer sya. Napahagulgol sya nang malaman ang kanyang kalagayan.
Hindi lang siya ang umiiyak kundi pati ang ama at kaibigan, dali-daling tumakbo ang binata palayo sa kanila.
“Dustin sandali lang” tawag niya.
Ngunit parang hindi siya narinig ng binata at mabilis na tumakbo palabas ng ospital.
Nang nasa labas na si Dustin, doon lang siya napatigil at napaupo habang umiiyak. Agad naman siyang nilapitan ni Unique at walang tigil ang pagluha.
“Unique bakit ikaw pa?” sabi ng binata
“Hindi ko alam, siguro dahil namana ko sa pamilya ko, nasa lahi na siguro talaga namin ang ganitong sakit!” Sabi niya na lalong umiyak.
“Gagaling ka pa! hindi malubha ang sakit mo”.
“Ewan ko! Ganito rin ang nangyari kay mama, hindi magtatagal lulubha rin ang sakit ko. Walang lunas ang sakit na ito.”
Mahigpit siyang niyakap ng binata habang walang tigil sa pag-iyak.
“Ayokong mawala ka! Ayokong iwan mo ako, ikaw ang bestfriend ko Unique. Mahal kita, hindi lang bilang isang kaibigan, higit pa doon ang nararamdaman ko para sayo”. Sabi nito sa patuloy na pagluha.
“Alam ko, mahal rin kita alam mo yan. Hindi ko alam kung bakit ako pa. Ayokong iwan ka, Nandito na ito, may sakit ako at kailangang tanggapin na lang natin”. Sagot niya.
“Aalagaan kita hanggat ‘di ka pa kinukuha sa amin ng papa mo”.
Nagyakap ulit sila at tumigil sa pagluha.
Sumakay na sila sa sasakyan para umuwi at magpahinga na.
Nang makauwi sa bahay, agad namang tumakbo si Unique patungo sa kanyang silid at agad-agad na humiga sa kanyang kama.
Hindi niya inaasahan ang biglang pagtulo ng luha at isiping bakit sa kanya pa nangyari ang ganitong pagsubok, pero wala na siyang magagawa kundi tanggapin ito.
Lumipas ang dalawang buwan at gagraduate na sila. Masaya pero may lungkot dahil alam niyang ‘di na siya tatagal pa. Maaaring taon o buwan na lang ang itatagal niya.
Natapos ang graduation ceremony at sabay sabay silang niyakap ng mga kaklase nila. Napaiyak na naman siya sa ginawa ng mga ito.
Pagkatapos, nakita niyang nakaupo sa isang tabi ang matalik na kaibigan. Agad naman itong nilapitan.
“Dustin hindi ka ba masaya na nakagraduate na tayo?” tanong niya
“Masaya”
“ O bakit ganyan ka?”
“Wala, halika na, kakain tayo sa labas kasama ang papa mo”. Sagot nito.
“E ang papa’t mama mo? Sasama ba?”
Oo, nauna na sila kasama ang papa mo.”
“O, tara na.”
Umalis na sila sa pinagdausan ng graduation ceremony nila para pumunta sa restaurant na ipinareserve ng pamilya ng binata
Naubutan nilang nandoon na ang kanilang pamilya kasama si Mang Ambo.
Agad naman silang kumain. Pagkatapos, nagpaalam si Dustin kay Atty. Rodriguez para isama si Unique sa labas at makapaglakad-lakad.
Nang malabas ng restaurant, doon na sila nag-usap habang naglalakad.
“Dustin” sabi ng dalaga
“bakit” tanong nito.
“sana kahit wala na ako, ako pa rin ang bestfriend mo.”
“Oo naman, wala nang iba. Hindi ko makakalimutan na ikaw ang bestfriend at minahal ko.”
Napaluha siya sa sinabi nito.
“salamat sa lahat ha” maluha-luhang sabi nito.
“Masaya ako na ikaw ang nagging bestfriend ko” dagdag pa nito.
Isang umaga, sinamahan ni Dustin si Unique at si Atty. Rodriguez para sa theraphy ng dalaga. Pagkatapos noon ay umuwi na sila sa bahay.
Tumuloy sila sa bahay ng ama ng dalaga. Sobra-sobra ang pag-aalaga nito kay Unique, kulang na lang ay doon na siya matulog.
Makalipas ang isang taon habang naglalakad ang dalawasa labas ng bahay,bigla na lang bumagsak at nawalan ng malay ang dalaga, dalidali naman itong isinugod sa ospital at doon na lang nila nalaman na malubha na ang sakit ng dalaga.
Habang umiiyak si Dustin at ama, biglang nagsalita si Unique.
“Papa, Dustin, wag na kayong umiyak” ayoko kayong iwan pero nandito na itong sakit na ito.
“Papa, salamat sa lahat, Masaya ako na kayo ang nagging ama ko” dagdag pa niya.
Lalong umiyak ang ama pero tanggap na nito ang sinapit ng anak.
“Dustin, salamat ulit ha, sa pag-aalaga mo kahit maysakit ako. Ikaw lang ang BESTFRIEND ko. Salamat sa lahat.” Pahabol pa nito.
Niyakap ito ni Dustin sabay bulong na “ikaw lang din ang BESTFRIEND ko” bulong nito sa dalaga sabay halik sa noo nito.
Habang yakap ang dalaga napansin niyang hindi na ito nagsalita at napansin niyang nakapikit na ito.
Doon na lang ulit tumulo ang luha niya ng mapagtantong wala pa si Unique ang bestfriend niya.
“Salamat sa lahat”
“Paalam BESTFRIEND”. Tanging nasabi niya.
END……………..
By: Jennelyn P. De Torres
BSIT 1-6
Saturday, March 13, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
maganda ung kwento, but bitin.. pero nalagyan nman ng maaus na ending .. nakakaawa naman c unique at dustine kz d cla nagkatuluyan.. aun..
ReplyDeleteMAGANDA .. HEHE..
yan, nacomment na aq..
-Agnes De Torres
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDelete