hello..

hello guys..

Friday, March 19, 2010

My Destiny

My Destiny
By:Jenine S. Navarro

Si Dina ay isang Domestic Helper sa Hong Kong. Nang siya’y magbalik sa Pilipinas kanyang natuklasan na ang kanyang asawa ay may kapiling ng iba. Doon nagsimula magbago ang kanyang kapalaran. Sa patuloy na paglimot sa kanyang asawang si Anton kanyang naman nakilala si Gaston ang business tycoon at sinasabing ang ang lalaking bumihag sa puso ng napakaraming kababaihan.
Sa pagbalik ni Dina sa Pinas galing sa labis na hirap na dinaranas sa pagtratrabaho sa Hong Kong kanyang nalaman na ang asawang si Dino ay may kinakasamang ibang babae. “ Oh what a mess you’ve done Dino”. Ang laki ng paghihirap na dinanas ko tapos ganito pa ang dadatnan ko? What a hell ?
Labis niyang ikinalungkot ang nangyari, di niya maiwasang lumuha pag tuwing naalala ang mga bagay na sumira sa kanyang pagtitiwala. Gustuhin man niyang magmove on ngunit hirap na hirap siyang gawin ang bagay na ito dahil sa labis na sakit na kanyang dinanas. Wala siyang ibang ginawa kundi ang lumuha at lumuha. Labis na namaga ang kanyang mga mata sa pag iyak. Halos gumuho ang kanyang mundo sa tuwing naalala niya ang nangyari, tanggap niyang wala na ang kanyang asawa at di’ niya na muling makakapiling ito.
Isang umaga sa kanyang pag gising ay nakita niya ang sarili na labis na nangunlila sa asawa, bagamat hirap siyang ayusin ang kanyang buhay pero heto siya’t pilit na nililimot ang bangungot na sinapit sa pagkawala ng kanyang asawa. Si Bing ang kanyang bestfren ay patuloy sa pagsuporta sa kanyang kaibigan, di siya nawalan ng kadamay sa anumang problemang kanyang kinakaharap.
Kahapunan, tuluyang na ngang nagising ang diwa ni Dina na marapat niya nga talagang kalimutan na ang salawahang asawa at aliwin na lang ang sarili. Agad silang nagpunta ni Bing sa isang bar upang kahit papano naman ay mapawi ang kalungkutang kanyang nadarama. Sa di inaasahang pagkakataon muling nagkrus ang landas nina Dina at Dino, di maiwasang magkailangan ng dalawa sa tuwing tatama ang kanilang mga paningin. Pinipilit niyang maging matatag sa kanyang mga nakita ngunit di niya na kayang pigilin ang silakbo ng damdamin na nais kumawala sa kaniyang puso. Sa labis na poot ay di niya namalayang patuloy sa pagbagsak ang kanyang mga luha sa kanyang nanginginig na mga mata. Di niya mapigilan ang mapaluha. At ngayong patuloy niyang ninanamnam ang mga sandaling nagpawasak sa kanyang mundo. Pilit man niyang labanan ang sakit na nararamdaman ngunit di niya magagawa dahill alam niyang lolokohin lang niya ang sarili kapag pinilit niyangt gawin ang bagay na alam niyang di niya kaya.
Sa pagdaan ng mga araw, linggo at buwan at patuloy na nga niyang naitapon ang masamang kahapon dinulot ng paghihiwalayan nila ng kanyang asawa. Ngayon ay abala na siyang nagtatrabaho sa isang kompanyang pinatatakbo ng isang kilalang pamilya sa Maynila, at doon nga nagsimula ang pagbabago. Halos ubusin ni Dina ang kanyang oras sa pagtatrabaho, wala siyang pinalagpas na sandali upang ituon ang sarili sa mga bagay na alam niyang makakatulong sa paglimot.
Isang umaga, habang binabagtas niya ang kahabaan ng Baywalk kanyang nasilayan ang mala Adonis na kakisigan ni Gaston, agad nagkagusto rito, ang di niya alam ang lalaking iyon ay ang kanyang Boss. Sa loob ng opisina,”Ms. Reyes I need this report tomorrow” nagmula sa malamyos na tinig ni Gaston, laking gulat niya ng masilayan ang mukha ni Gaston, hindi siya magkamayaw kung ano ang sasabihin sa amo. “o-opo Boss”. Labis na namula ang mukha niya ng malamang ang lalaking kanyang pinapantasya ay kasama niya pala sa iisang opisina. Kaya simula noon ay nagkagana siyang gawin ang lahat ng bagay para lang di niya madisappoint ang kanyang amo.
Dumating sa puntong labis na niyang nararamdaman na unti-unti na siyang nahuhulog sa lalaki, gawin man niya ang lahat ngunit di niya maaaring piliting magustuhan siya ng lalaking kanyang sinisinta.
Isang selebrasyon ang idinaos sa Ming’s Enterprise, kaarawan pala ito ni Gaston. Abalang-abala ang lahat sa kung ano ang maari nilang gawin upang mapaligaya ang Boss nilangb si Gaston.
Kinagabihan, masayang-masaya ang lahat ng manggagawa ng sumapit na ang oras na kanilang pinakahihintay. Nagsimula nang dumating ang bisi8ta at naroon na rin ang may kaarawan ngunit si Dina ay wala pa. Nagsimula na ang programa, nagsimulang umihip ang napakalamig na hangin na dumadampi sa kanilang masimyong balat. Laking gulat ng lahat ng kanilang masilayan ang mala ibang kagandahan ni Dina na animo’y siya ang may kaarawan. Halos lumuwa ang mata ng mga kalalakihan ng kanilang masipat ang babaeng iniluwa ng pintuan. Halos mabingi ang lahat sa labis na katahimikan. Maging si Gaston di malaman ang kanyang gagawin nang makita ang karikitan ni Dina.
Gabi ng kasiyahan, ang gabi kung saan ang lahat ay nakatuon kaya Dina, ang gabi ring nagpabago sa ihip ng hangin na sa wakas ay napansin na siya ng kanyang prinsipe. Agad siayng nilapitan ni Gaston, nagsayaw sila na wari’y walang sinuman ang makapipigil sa kasiyahang dulot ng gabing iyon, tila isang panaginip na nabihay na lang bigla at bumago sa kanya.
Matapos gabing iyon, nagkagaanan na ng loob ang dalawa, hanggang sa kani-kanilang tahanan ay ibang-iba ang kanilang ligaya.
Pagkagising ay agad niyang tinignan ang orasang nakasabit sa dingding ng kaniyangt kwarto. Alas otso y-medya na, huli na siya, dali-dali siyang naligo at nagbihis. Paglabas ngt pinto ay bumungad sa kanya ang isang bokey ng pulang mga rosas, ng tinignan niya ang liham na naroon ay agad siyang pinamulanan ng mukha, galing ito kay Gaston, isang pasasalamat.
Pagdating sa opisina ay samu’t saring kantiyaw ang kanyang inabot mula sa kanyang mga ka-opisina. Nang siya’y maupo sa kanyang desk ay isa na namang kumpol ng rosas ang tumambads sa kaniya ngunit sa pagkakataong iyon aty may kasama na itong tsokolate. Di na natago ni Dina ang labis na saya, di na niya napansing nakatingin sa kanya ang lahat ng kanyang mga ka-opisina.
Agad siyang pinatawag ni Gaston upang may ipaggawa. Ilang siya dahil sa mga nangyayari. Nang nasa loob na siya ay nakita niya nagkakape si Gaston, ”Sir may ipapaggawa daw po kayo sa akin”? ika ni Dina, maupo ka Dina, hiya man siya ngunit di niya maaaring tanggihan ang lalaking nagpatibok muli sa kanyang puso.
“Maaari ba kitang imbitahang lumabas mamaya ayun ay kung ok lang sa’yo?” sabad ni Gaston, “ahhm, Sir kasi po marami pa akong tatapusing paperworks para sa kumpanya”, sabi naman ni Dina. “Ipagpaliban mo muna yan sige ako na ang bahala”, sabi naman ni Gaston. Napilitan man ngunit labis niya itong ikinatuwa.
Kinagabihan, sa isang class na Restaurant sila kumain, bagamat kinakabahan di naman niya maggawang tumakbo dahil nahihiya siya.
Sa kagitnaan ng kanilang date ay biglang natanong ni Gaston kung may nobyo na itong si Dina, agad siyang kinabahan sa mga itinatanong ni Gaston, agad naman niyang sinabi8 na wala siyang nobyo at ngayon ay patuloy siyang naghahanap ng taong magmamahal sa kanya.
Sa haba ng kanilang napag-usapan ay tunay ngang nagkagaanan na sila ng loob. Doon na sinamantala ni Gaston ang pagkakataon, agad niyang niligawan si Dina. Matapos ang gabing iyon, hi8ndi na naman nakatulog ng maayos si Dina sa labis na kagalakang kanyang naramdaman.
Kinaumagahan ay masayang-masayang gumising si Dina dahil tila nilulutang siya sa ulap ng maalala ang mga pangyayari kagabi. Pagkapasok ay agad siyang binate ni Gaston, “Magandang umaga Dina” usad ni gaston , “Magandang umaga din po Sir”. Pagdating niya sa kanyang upuan isang napakagandang kaha ang bumungad sa kanya, ng kanya itong buksan ay laking mangha niya ng masilayan ang napakagandang kwintas na pinuno ng mga mamahaling bato. Agad siyang pumunta sa opisina ni Gaston. “Sir ano ito?” “iyan”, “Para sa akin po?” gulat na gulat siya ng marinig ang salitang iyon. Agad naman siyang nagpasalamat sa kaniyang Boss.
Lumipas ang tatlong buwan at tuluyan na nga silang nagging magnobyo, bagamat may pagkakataong sila’y paghi8walayin, bagkus lalo pa nitong pinatibay ang kanilang samahan. Ngayon ay masaya nilang pinagsasaluhan ang tamis ng kanilang pagsinta. Napagpasiyahan nila na magkaroon ng kasiyahan sa isang bar doonj muling nagtagpo ang landas nila DSina at Dino ngunit sa pagkakataong ito ay taas noo nbiyang hinarap ang dating asawa, at nagawa pa nitong ipakilala si Gaston kay Dino. Inuman lasingan ang naganap ng gabing iyon. At ng gabi ring iyon ay naganap ang isang makasaysayang pangyayari sa buhay ni Dina, ngayo’y pinagsaluhan nila ang init ng kanilang mga halik at mula roon ay naggawa nga ni Gastong angkinin ang pagkatao ni Dina, bagamat lasing silang parehas ay di nawala ang ang pagkakakilanlan nilang dalawa. Kinaumagahan ay nagising silang dalawa na puno ng pagmamahalan. Mula sa araw na ring iyon ay di na muling nagkahiwalay ang dalawa. Agad na niyaya ni gaston ang dalaga na magpakasal sa lalong madaling panahon. Lumipas ang 1 buwan, sa may simbahan ng Loreto sa sampaloc ikinasal ang dalawa. At mula sa simbahan ay dumeretso sila sa kanilang honeymoon at mula doon ay napagisa na naman sila. Lumipas ang isang taon nagbunga ang pagmamahalan ni Gaston at Dina, samantalang si Dino ay patuloy ng kinarma sa kasamaang kanyang ginawa. At mula noon ay namuhay na sila ng matiwasay at puno ng pagmamahalan......

1 comment:

  1. maganda ang istorya ng kwento mahahalimbawa mo ito SA totoong buhay ito at may kahulugan ang kwentong ito. sanay ipagpatuloy mo ang paggawa ng mga kwento na nakakapagbigay inspirasyon at kahulugan...

    mark philip tomas

    ReplyDelete