hello..

hello guys..

Wednesday, March 10, 2010

“SI KARYLLE AT ANG MGA SANTA CLAUS NG BUHAY NIYA”


Masusing sinipat ni Karylle ang mukha niya sa salamin. Ilang ulit niyang sinuklay ang buhok at inayos ang kanyang damit. Pagkatapos ay huminga siya ng malalim at lakas-loob na lumabas ng kotse niya. Nakasuot siya ng itim na ‘’backless dress’’ na hanggang tuhod lamang ang haba na tinernuhan nito ng itim rin na sandals na may apat na pulgadang taas.Isang espesyal na gabi para sa kannya ang gabing ito dahil tatanggap siya ngayon ng isang parangal bilang isa sa mga mahuhusay na negosyante ng taon. Nakalulungkot mang isipin na ni isa man sa kanyang mahal sa buhay ay walang makasasaksi ng kanyang tagumpay.
‘’Magandang gabi,Ms.Karylle’’ bati sa kanya ng isa sa mga nakatalagang guwardiya sa tanghalan. Tipid na ngiti ang isinukli niya dito at walang lingong tuloy- tuloy na pumasok sa loob upang tanggapin ang isa na naman sa kanyang tagumpay.
Pagod na inihiga ni Karylle ang pagal na katawan sa kanyang malambot na kama.Ito ang buhay niya pagsapit ng gabi sa kanyang tahanan. Nag-iisa na ang tanging kasama ay ang kanyang yaya Marta na nakatira sa likod ng kanilang tahanan.Nakatitig sa kawalan na animo’y may tinitingnan. Marahan siyang bumangon at inabot ang tropeyong tinanggap kaini-kanina lang.
‘’Kanino kita iaalay?’’ malungkot na kausap nito sa tropeyong hawak nito na akala mon anumang oras ay kaya siyang sagutin ng bagay na hawak- hawak niya.
“Bakit sa kabila ng lahat , yaman, rangya, luho at tagumpay ay hindi ko pa rin maramdaman ang ganap na kasayahang gusto ko?’’ patuloy nito. Natutulog siya sa gabi ng may lungkot ang mga mata.
“TOK, TOK, TOK……’’
Ginising ng mga katok na iyon ang diwa ni Karylle. Tumingin ito sa orasan at napabalikwas ito ng bangon ng makitang halos ganap ng alas diyes ng umaga.Hinagilap ang roba at nagmamadaling binuksan ang pinto.
“Yaya Marta,……..” Ito ang nabungaran niya sa labas ng kanyang kuwarto dala ang telepono.
“Naku Karylle,kanina pa tumatawag itong mama mo. Sagutin mo na at kanina pa galit iyan, pagkatapos mo niyan bumaba kana para kumain.” wika pa nito sa kanya bago tuluyang tumalikod.
“Mama……………….” panimula niya.
“Karylle, kanina pa ako tawag ng tawag sa opisina mo at ang sabi ng sekretarya mo wala ka pa.Anong oras na? Kahit kailan talaga wala kang disiplina sa sarili mo, hindi porke’t ikaw ang namamahala papasok ka lang kung kailan mo gusto……… puro ka gimmick,….” mahabang litanya nito sa anak. “Tandaan mo, asikasuhin mong trabaho mo hindi iyang kakalakwatsa mo.” dugtong pa nito.
“Mama………..” hindi na niya naituloy pa ang sasabihin sapagkat naputol na ang linya.Sa lakas ng buntong hininga niya hindi niya alam kung pati mga alikabok ay muntik ng magsiliparan. Walang imik na naibaba niya ang telepono at tsaka bumalik sa kanyang kuwarto.
Pagkatapos ng mahigit kalahating oras na pagbabad sa kanyang bathub, dumiretso na siya sa terasa matapos sabihin sa kanyang yaya na doon na lamang siya kakain.
Kahit mag-aalasdose na ng tanghaliay parang hapon na. Masiyadong makulimlim ang panahon. Tila nakikidalamhati yata ito sa nararamdaman niya sa loob- loob niya. Subalit sa kabila ng makulilim na panahon hindi niya pa ring maiwasang maamoy ang simoy ng kapaskuhan. Marami na namang pamilya ang masayang magsasalo-salo sa kanilang hapag-kainan sa gabi ng Noche Buena, pero para sa kanya isa na lamang iyong normal na araw at gabi sa piling ng kanyang kuwarto. Naiiling na napangiti siya para sa kanyang sarili.Para sa kanya hindi na ito dapat pang ipagdiwang simula ng manirahan sa ibang bansa ang kanyang mag magulang at dalawang kapatid at maiwan siya ditong nag-iisa. Natigil ang kanyang pagmumuni-muni ng may kung anong nalaglag na babasagin sa kanyang likuran. Nalingunan niya ang isa sa tatlong anak ng kanyang yaya. Kung hindi siya nagkakamali ang pangalan nito ay Junior. Takot na tumingin ito sa kanya at sa nagkalat na basag na vase sa sahig. Sa tagal na nang kanyang yaya sa kanila bihira siyang makipag-usap sa mga anak nito.
“Anong ginagawa mo dito?” walang emosyong tanong niya dito at saka tumingin sa nagkalat na basag sa sahig.
“Ah…..wa….wala po..po……” kandautal-utal pang sagot nito sa kanya. “Hi..hindi ko naman po sinasadya…” nakayuko pang wika nito sa kanya. May sasabihin pa sana siya nang dumating ang kanyang yaya Marta dala ang pananghalian niya.
“Anong nangyari ditto?” tanong nito na mapansin ang nagkalat na basag sa sahig at saka naghihinalang tumingin sa anak. “Jun-jun………………….” tawag nito sa palayaw ng bunso.
“Hindi ko po sinasadya, Inay” paliwanag nito sa ina. “Gusto ko lang naman pong makipagkaibigan sa kanya. Gusto ko lang naman pong sabihin sa kaniya iyong itinuro ni ate Jessica na jokes sa kanya, baka po kasi sa pamamagitan nun ay mapangiti ko po siya.Pasyensya na po……………..” mangiyak-ngiyak na wika nito na ikinatingin niya dito. Hindi niya akalaing iyon ang dahilan kung bakit ito naroroon.
“Karylle, pasyensya ka na sa kadaldalan niton anak ko,… wala kasi silang pasok ngayon kaya siya nandito.” hingi nito ng despensa at saka binalingan ang anak. “Sa susunod, mag-iingat ka…. hala, umuwi ka na at maligo” sumunod naman ito sa ina subalit bago tuluyang umalis ay lumapit pa nito sa kaniya.
“Ate Karylle, sory na po,…” wika nito. “Nakita ko po kasi kayong malungkot, kung kailangan niyo po ng kausap nasa ibaba lang po ako at tsaka puwede ko po ba kayong maging kaibigan” parang matandang wika nito sa kanya at ng walang makuhang tugon mula sa kanya ay malungkot na itong nagpaalam. Tatalikod na sana ito na tanungin niya ito “at bakit mo nasabing malungkot ako at kailangan ko ng kausap? Kapag nasagot mo iyong katanungan ko, sige…….. puwede mo na akong maging kaibigan.” hamon niya sa bata.
Nagulat man ang bata ay halatang kinabakasan ang mukha nito ng kasiyahan. “Sabi po kasi nang titser ko,nakikita ang kalungkutan ng isang tao sa pamamagitan ng mga mata nito at nakikita ko po iyon sa mga mata ninyo. Wala po akong nakikitang kaibigan ninyo, hindi rin po kayo ngumingiti o tumawa man lang. Hindi po normal yun” seryosong wika nito na pareho nilang ikinagulat ng kaniyang yaya Marta. Humihingi naman ng despensa ang mga mata nito. Matagal niyang tinitigan si Jun-jun. At ng wala pa ring makuhang tugon mula sa kaniya tuluyan na itong tumalikod.
“Pumunta ka dito bukas ng hapon, magkuwentuhan tayo” wika niya na ikinatigil nito at gulat ring napatingin sa kanya ang itinuturing niyang pangalawang ina. Nagulat siya ng walang babalang tumakbo ito pabalik sa kanya at niyakap siya. Kelan nga ba may huling yumakap sa kanya. Napangiti siya at ginantihan na rin ito ng yakap.Nakangiti pa itong nagpaalam sa kanila. Masaya rin siyang tiningnan ng kaniyang yaya.
“Sa kuwarto na lang po ako kakain, Yaya….” paalam niya dito.
“Hayaan mo namang maging masaya ka, nakakalimutan mo na yatang nandito pa kami bilang pamilya mo” pahabol pa nito sa kanya. Nilingon niya ito at nagpasalamat.

Matapos kumain ay pinasiya niyang mamasiyal at maglibot- libot at pansamantalang kalimutan ang mga suliraning kinakaharap niya ngayonlalo na sa kaniyang pamilya. Hindi man niya maamin subalit parang tama yata ang sinabi sa kaniya ni Jun-jun kanina.Nakalulungkot isipin na nakakalimutan na niya yatang tumawa at ngumiti sa mundo. Napasilip siya sa bintana ng makarinig siya ng matitinis na tawanan. Nakita niya si Jun-jun na masayang nakikipaghabulan at nakikipagharutan sa nakatatandang kapatid nito. Malunkot at malamlam ang mga matang pinagmasdan niya ang mga itong naglalaro sa kanilang bakuran na animo’y mga ibomg malaya at puno ng galak. Ni minsan man sa kaniyang buhay bata ay hindi niya naranasa ang maging bata. Dahil sa tuwing ninanais niyang makipaglaro sa kaniyang mga kaibigan ay laging andoon ang kaniyang ina at tuwina’y sinasabing “Pumasok ka ditto, puro ka laro… ang atupagin mo ay ang pag-aaral mo hindi iyang puro ka laro, laro, laro……..” naaalala niya pang laging sinasabi nito sa kaniya.
Lagi siyang nakakulong sa kanilang malaking bahay at ang kaniyang libro, papel at lapis ang lagi’y sa kanyang harapan. Kahit kailan ay hindi niya nagagawa ang lahat ng mga bagay na gusto niyang gawin. Hindi na niya namalayan ang pagpatak ng kaniyang mga luha,marahang pinunasan iyon nang makita niyang kumakaway sa kaniya ang dalawang bata. Nginitian niya ang mga ito at saka tumalikod bago pa tuluyang bumagsak ang mga nagbabadiyang luha sa kaniyang mga mata.
“Yaya Marta, aalis po muna ako. Kayo munang bahala dito sa bahay.” paalam niya sa kaniyang yaya bago tuluyang umalis.
Dinala siya ng kaniyang mga paa sa paborito niyang puntahan na beach. Doon lagi siyang nauupo sa isang bench kung saan malaya niyang mapapanuod ang paglubog ng araw. Ito ang pinakapaborito niyang tanawin dito at ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit binabalik-balikan niya ang lugar na ito. Sa pamamagitan kasi nito gumagaan ang pakiramdam niya. Pakiramdam niya kasabay ng paglubog ng araw ay kasama na ang kaniyang mga problema. Kung hindi pa unti-unting pumapatak ang ulan ay hindi niya pa maiisipang umuwi.
Nadatnan niya ang kaniyang Yaya Marta na naghahanda ng hapunan kasama ang dalawang anak nito. Hindi yata namalayan ang kaniyang pagdating kaya bahagya pa itong nagulat.
“Ay! anak na tipaklong…….. Karylle, nandito ka na pala.” wika nito. “Kumain ka na,,…. naihanda ko na itong hapunan mo. Kami’y uuwi na rin. Magpaalam na kayo sa ate ninyo.” baling nito sa mga anak.
Magalang ngang nagpaalam ang mga ito sa kaniya.
“Ata Karylle, gusto ko lang pong ibigay ito sa inyo” wika nito at saka niya napansin ang hawak-hawak nitong libro. “Sa inyo na lang po ito,para may mabasa po kayo bago kayo matulog.” wika pa nito bago tuluyang umalis.
“Sandali……….” habol pa niya dito pero hindi na yata siya narinig nito. Napatingin siya sa hawak-hawak na libro. “WISH KO KAY STA. CLAUS” basa niya sa pamagat nito at napapailing na ipinatong ito sa mesa at iniwan. “Aanhin ko naman ito……” iling-iling na wika niya sa sarili. Mahilig siya sa mga kuwentong pambata pero noon iyon. Hindi na yata nababagay sa kaniya ang mga ganoong kuwento.
Hindi na siya kumain at pinasiya niyang magpahinga na lamang subalit dumaan na ang mga oras ay hindi pa rin siya dalawin ng antok. Nasa kalagitnaan na ng gabi ng ipasiya niyang bumangon at kumuha ng gatas para sa sarili. Hinagilap ang roba at saka tinahak ang pababa ng kusina.
Dala-dala ang gatas pabalik ng kuwarto ng hindi sinasasadyang mahagilap ng kaniyang tingin ang librong ibinigay sa kaniya ni Jun jun. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit parang kusa iyong inabot ng kaniyang mga kamay. Dala ang gatas at ang libro ay muli siyang umakyat sa kaniyang kuwarto.
Nangangalahati na siya sa kaniyang gatas ng simulan niyang basahin ang libro. Hindi niya alam pero na-eenjoy niya ang nilalaman ng kuwento, pakiramdam niya muli siyang bumalik sa pagiging bata na humihiling kay Sta.Claus. Na nananabik na makita ang Sta.Claus ng buhay niya at tagapagbigay na saya. .Nang matapos basahin ang kuwento’y isa lamang ang nilalaman ng kaniyang isipan, walang iba kungdi ang batang si JUN JUN, tama…….ang batang iyon……………………………
Tunog ng kaniyang telepono ang gumising sa kaniya ng umagang iyon.Walang siglang inabot iyon at saka sinagot.
“Hello…………..” inaantok pang sagot niya para lang ikagulat niya ng magsalita ang nasa kabilang linya, ang kaniyang mama……………..
“Hanggang ngayon ba naman nandiyan ka pa rin sa bahay at natutulog? Napakairesponsable mo… iyan ba ang itinuro namin sa iyo. Sabihin mo lang sa amin kung hindi mo kaya para wala na kaming asahan mula sa iyo, at papaalala ko lang sa iyo, nagpapakahirap din kami dito ng papa mo para magpasarap ka lang ng buhay mo diyan.” bungad kaagad nito sa kaniya na talagang ikinapagting ng kaniyang dalawang taynga sapagkat buong panahon niya’y sa negosyo na yata ng pamilya umikot ang buhay niya para lang sabihin iyon sa kaniya ng ina. Pero nagpakahinahon pa rin siya, ina niya pa rin ang kausap baliktarin man ang mundo.
“Ma,.. wala na ba kayong ibang sasabihin dahilo kung wala na ho,eh inaantok pa ho kasi ako kaya kailangan ko na itong ibaba…… puwede ho ba?” sagot niya sa ina bago pa may masabing iba na nagkaroon naman ng ibang kahulugan ang kaniyang sinabi sa ina.
“Aba’t bastos ka na rin ngayon ha! Kinakausap pa kita kaya huwag na huwag mo akong babaan ng telepono.Iyan bang nakukuha mo sa kakalakwatsa mo, hindi kita pinalaki para lang bastusin ako .Anak lang kita………”galit na wika nito sa kaniya.
“Mama…. hindi ko naman po kayo binabastos” mahinahon subalit madiin niyang paliwanag sa ina.
“Mama naman,… kailan ba kayo tatawag na ako naman ang kukumustahin ninyo hindi ang negosyong pinapamahalaan ninyo sa akin, kailan ko maririnig mula sa inyo na nag-aaalala rin kayo para sa akin, lahat ng gusto ninyo sinunod kaya nga nga yata halos napabayaan ko ng sarili ko….” hindi na nakapagtimping wika na niya sa ina.
“Kailan ko maririnig na namimis niyo rin ako tulad na pangungulila ko sa inyo at kay papa, marinig ko pa kaya mula sa inyo ang salitang “anak” sa tuwing tatawagan niyo ako,at ang higit sa lahat ang maalala ako lalo na sa mga mahahalagang araw para sa akin. Namimis ko na po kayo,……….. hindi ko naman kayo binigo’hindi ba?”
“Ma,… sana sa pagtawag ninyong muli iyan ay kung tatawag pa nga kayo sa akin ay marinig kon na ang pinakamimithi kong mga salita mula sa inyo na nag-aaalala kayo para sa akin at ang sabihing nangungulila rin kayo tulad ng pagnanais kong makasama kayong muli…” luhaan ng wika niya at ng hindi kayanin tuluyan na niyang ibinaba ang telepono kahit pa maging bastos na siya sa paningin ng ina.
“Karylle,…………” tawag nito sa pangalan ng anak subalit naputol na ang linya. Anak ba niya ang nagsalita? Parang sariwa na muling bumalik sa isipan ang mga sinabi ng anak. Ganoon ba kalaki ang pagkukulang niy sa anak ganoong ang alam niya ay ibinigay naman niya ang lahat ng kailangan nito. Kaya………………………………….
Kahit mugto pa ang mga mata balik sa dating routine ng kaniyang buhay si Karylle. Maaga siyang pumasok ng araw na iyon at isinubsob ang sarili sa trabaho. Lahat ng puwede niyang gawin ay ginawa na niya huwag niya lamang maramdaman ang kahungkagan. Halos hindi na niya naramdaman ang gutom at pagod. Kung hindi pa siya nilapitan ng sekretarya’y hindi pa niya malalaman na gabi na pala. Pinauna na niya ang sekretarya at nagpaiwan sa opisina. Mas gugustuhin niya pang gawing abala ang sarili pra kahit papaano’y hindi niya maramdaman ang kung anong kulang sa kaniyang buhay.Maibigay kaya iyon sa kaniya ng sinasabing Sta. Claus ng batang si Jun-jun.? Pagod na nga siguro siya kaya kung anu-anung mga imposibleng bagay ang pumapasok sa kaniyang isipan. Bandang alas nuwebe na ng gabi ng ipasiya niyang umuwi.
Dire-diretso siya sa kaniyang kuwarto pagdating niya. Ni kumain ay hindi na niya yata naiisip.Wala lagi sa ayos ang kaniyang pagkain. Buti na lang andiyan lagi ang kaniyang Yaya Marta na laging sumusuporta at umaalalay sa kaniya. Kung wala ito marahil ay matagal na siyang bumigay. Nakalimutan na rin niya ang pangako kay Jun-jun.Sampung araw mula ngayon ay pasko na. Lalo siyang nalulungkot tuwing maiisip na nalalapit na ang araw ng kapaskuhan. Naalala niya ang libro posible kayang mayroon siyang Sta. Claus? Natawa siya sa sarili, nabubuang na yata siya.
“Makatulog na nga bago pa ako tuluyang mabaliw sa Sta. Claus na iyan” nailing na wika niya sa sarili.
Pinilit niyang pasiglahin at pasayahin ang sarili para na rin sa kaniya. Hindi na muling tumawag sa kaniya ang ina matapos ang huli nilang engkwentro. Tuluyan na talaga siyang kinalimutan ng mga magulang. Ganoon nga talaga siguro ang buhay. Kailangan lang niyang tanggapin ang kung ano ang nilaan para sa kaniya.
Papunta na siya sa kaniyang opisina na makasabay niya ito palabas ng bahay.
“Ate Karylle,papasok napo kayo?” tanong nito sa kaniya ng mapansin nito ang presensiya niya.
“Oo….papasok kana? Sumabay ka na sa akin, daraan lang din naman ako doon eh di sumabay kana sa akin ng mga kapatid mo” alok niya sa mga ito. Pumayag naman ang mga ito.
Nasa kalagitnaan sila ng biyahe ng magsalita si Jun jun. “Ate,kailan tayo maglalaro? Akala ko po ba payag na kayong maging kaibigan ako.” Inosente pang tanong nito sa kaniya. “Abala kasi ang ate ninyo sa trabaho eh...... kailangan iyon para maging proud mama tsaka papa ng ate ninyo, ganoon yun………” mahabang paliwanag niya sa mga ito. “Bawi na lang ako sa susunod” sabi niya sa mga ito kahit hindi siya sigurado kung kailan puwedeng mangyari yun. Hindi niya alam pero parang ayaw niyang mapalapit sa mga ito.
Ibinaba niya ang mga ito sa paaralan kung saan ito nag-aaral bago dumiretso sa opisinang pinapasukan. At doon ginugol ang buong maghapon.
“Magandang gabi ! Ate Karylle !!” nagulat pa siya ng may biglang nagsalita, nang mapagsino ay nakita niya si jun jun pala ito. Nangunot pa ang kanyang noo sapagkat hindi niya inaasahan na madaratnan niya ito sa kanyang sala. “Nag paalam po ako sa aking ina na dito muna po ako matutulog, puwede po ba?” tanong sa kanya ng bata. “Gusto ko po kasi kayong samahan para hindi na po kayo malungkot ” patuloy na wika nito sa kanya.
“Nasan ang nanay mo ” tanong niya dito imbes na sagutin ang tanong nito.
“Nasa bahay na po ”. sagot nito. “Ano naman ang gagawin mo dito, umuwi ka nalang!” taboy niya sa bata. “Hindi ko kailangan ng kasama kaya umuwi ka na sa inyo kaya ko ang sarili ko”. Pilit na pagtataboy niya rito, bagamat naaawa ay pinilit niyang mag matigas.
“Gusto ko lang naman po kayong samahan” pagsusumamo nito sa kanya.
Sa inis ay iniwan niya itong nag iisa sa kusina at saka nagtungo sa kanyang kwarto. Pinasiya niya lamang bumaba nang inaakalang wala na si jun jun sa iba-ba at para mapasigaw lang ng malakas ng bigla itong lumabas kung saan at magsalita………..
“Ate kakain na po ba tayo? Hinanda na po kasi ni inay yung pagkain niyo bago siya umuwi” tuloy tuloy na sabi nito.
“Ano ka ba!? Bakit ka ba naggugulat, hindi ba ang sabi ko sayo umuwi ka na sa inyo, bakit nandito ka pa? ”. singhal niya na ikinagulat nito.
Napayuko ito at bahagyang namula at saka nagsabing “sige po…..pasensya na po, sige uuwi nalang po ako ” malungkot at mahinahong wika nito…
Para naman siyang naawa at bahagyang hinawi ang sarili
Tumatanggi ang kanyang isipan subalit sa kaibuturan ng kanyang puso nais niya itong pagbigyan sa kanyang munting hiling. Sino ba naman siya para matanggihan ang isang munting anghel na wala namang ibang ninais kundi ang mapasaya at mapangiti ang isang tulad niya.
“Sabayan mo na akong kumain, bukas ka na umuwi, dito ka na mtulog….”
Sunod sunod na wika niya na biglang ikinalingon nito at nagtatanong na mga mata ang isinalubong nito sa kanya..
“Okay, sige pumapayag na ako basta ayoko ng malikot na katabi ha!” sa bandang huli ay ang pagpayag niya.
Nagkwentuhan sila habang inuubos ang iniinom nilang gatas sa sala na akala mo’y kaedad lang niya ang kasama. Ang dami nitong kuwento at mga biro sa kanya na talaga namang hindi niya mapigilan ang mapatawa at mapahalakhak.
Nasa gitna sila ng usapan ng bigla siya nitong titigan. Nagtatakang tinanong niya ito “Bakit..? May dumi ba sa aking mukha?”. ……
“Wala po, ngayon ko lang po kasi kayo nakitang tumawa ng malakas, dati po kasi ay lagi kayong nakasimangot na parang lagi niyong pasan ang mundo” simpleng sagot nito sa kaniya…..
Napangiti siya sa sagot nito. Marahil nga minsan nakakalimutan na niyang tumawa at ngumiti sa mundo. Pero ewan a niya muli siyang napapangiti at napapatawa kapag ang batang ito ang kasama niya.
“Halika na nga!,… matulog na nga tayo” yaya na niya dito.
Matagal ng tulog ang katabi niyang si jun jun ay hindi pa rin dalawin ng antok si Karylle . hindi siya makapaniwalang may katabi siya ngayon, isang batang pansamantalang umaaliw sa kanya. Naalala niya iyong librong ibinigay nito sa kanya “WISH KO KAY STA. CLAUS” ,kung saan kwento ng isang bata at ni santa claus. Bahagya pa siyang napangiti, ano nga ba ang hiling niya kay santa claus ngayong pasko? Naiiling na kausap ni karylle sa sarili. Naitanong rin sa kanya ni jun jun ang katanungang naitanong sa sarili. Siguro kung may santa claus man isa lang ang tanging hihilingin niya, yun ay ang makumpleto sila sa araw ng pasko na sama-samang pagsasaluhan ang kanilang noche Buena. Ang totoo naiinggit siya kay jun jun na bagamat salat sa rangya at yaman ay Masaya naman ang buhay nito sa piling ng pamilya at na eenjoy nito ang pagiging bata. Pero kahit humiling pa siya kahit kanino, kahit pa sa isang Santa Claus malabong mangyari ang kanyang hiling.
Bagamat naging abala sa trabaho, nagagawa na niya ngatong makihalubilo sa kaniyang mga kaibigan, lalo na sa pamilya ng kaniyang yaya na halos siyang pumupuno ng pagmamahal na dapat mga magulang niya ang nagbibigay at nagpaparamdam sa kaniya. Ito na lang marahil ang magiging handog niya sa sarili. Kung hindi iyon kayang ibigay sa kaniya ngayon ng mga magulang ay marahil may tamang panahong itinakda ang Maykapal para sa bagay na iyan. Alam niyang hindi hindi siya pababayaan Nito.Isa sa mga nagpapasaya sa kaniya ngayon ay ang batang si Jun jun. Pakiramdam niya nagkaroon siya ng bagong kapatid sa katauhan nito.
Nang minsang nagkukuwentuhan sila nito hindi niya malilimutan ang kasagutan nito ng minsang tinanung niya ito. Tinanong niya ito na kung sakali makaharap niya si Santa Claus at bigyan siya ng isang pakakataong humiling, ano ang nais niyang hilingin. Simple lang ang nagging sagot nito sa kaniya.
“Wala na po yata akong mahihiling kay Santa Claus” saad nito. “ Sapagkat kuntento na po ako sa kung anong mayroon ako, masaya at buo ang pamilya. Sa bagay lang pong iyon matagal ng naibigay iyong regalong para sa akin.”madamdaming wika nito.
“Ayaw mo ng mga bagong laruan at masasarap na pagkain para sa inyong noche Buena?” hinhdi makapaniwalang tanong niya dito.
“Siyempre po gusto, pero kung ano lang po iyong makayanan ng inay tsaka na aking itay eh dapat na naming pasalamatan ng marami at kung hihiling pa man po ako kay Santa Claus’ iyon po ay ang magandang kalusugan.” mahabang litaniya nito sa kaniya. Napabuntong hininga na lamang si Karylle. Buti pa ang batang ito, kuntento at masaya sa buhay. Hindi niya inaasahan ang sagot nito dahil halos lahat ng bata puro magagandang damit at laruan ang nais makamtan ngayong kapakuhan, siyempre pa masasarap na pagkain. Pero hindi ang batang ito…………
Nahihiya siya sa batang ito. Pasimpleng pinunas niya ang nagbabadiyang luha sa mga mata.
“Umiiyak po ba kayo?” puna nito sa kaniya. Napansin pala siya nito.
“Alam mo naiinggit ako sa iyo dahil nasa iyo ng lahat ng gusto mo. Masuwerte ka at nagkaroon ka ng masayang pamilya hindi tulad ko.” Sabi nit okay Jun jun.
“Huwag kayong mag alala, sigurado po ako magkakaroon po kayo ng masayang pasko at bagong taon. Huwag lang po kayong mawalan ng tiwala sa Kaniya. Darating at darating ang Sata Claus ng buhay ninyo.” Parang matandang wika nito sa kaniya.
Naisip- isip niya,buti pa ang batang ito ganoon mag- isip. Napakapositibo……………Samantalang silang matatanda na hindi pa makapag- isip ng tama. Totoong naantig siya sa mga sagot ni Jun jun sa mga tinanong niya. Minsan nabanggit pa nito sa kaniya “Sa pamamagitan po kasi noon mararamdaman mo ang totoong diwa ng Pasko.” Ngayon niya mas lalong naramdaman ang pangungulila sa pamilyang na nasa ibang bansa at walang balak umuwi. Dahil sa bagay na iyon may kung anong kumislap sa kaniyang isipan, bakit nga ba hindi………………. Kung wala silang oras para sa kaniya ang pamilya bakit nga ba hindi siya ang pumunta gayung kaya niya namang gawin iyon. Napangiti siya…………. tama…….! Luluwas siya ng bansa para ipagdiwang ang nalalapit na kapaskuhan sa piling ng mga mahal sa buhay.
“Yaya Marta,doon ko na lamang po siguro kina mama ipagdidiwang ang pasko. Luluwas ako ng bansa.”pagpapaalam niya sa yaya ng binabalak niya. Nalungkot man ito at hindi niya yata makakasama ang alaga sa araw ng pasko ay masaya na rin siya para dito dahil alam niya kung gaano ito nanabik na makapiling ang mga magulang at mga kapatid. Lalo na siguro ang aking anak na si Jun jun sa loob- loob ng matanda. Pero kung saan siya mas masaya siyempre lagi lang naman kaming nandito para kay Karylle na siya na ang nag alaga mula pagkabata nito. Laging walang panahon ang mga magulang nito sa kaniya kaya kahit pinupunan niya ng pagmamahal ang pananabik nito sa mga magulang ay hindi pa rin maiwasang makaramdam ito na kahungkagan. Minsan nga kahit sa mga anak niya ay bihira itong makihalubilo. Kailan nga ba ito nag uwi ng isang kaibigan,? Noong nakaraang taon o noong unang nakaraan pa? Naalala niya pa lagi itong nasa isang tabi at ayaw makihalubilo sa iba subalit ngayon isa na ito sa nga tinitingala ng karamihan. Sayang at hindi iyon nasaksihan ng mga magulang nito. “Hay…….” napabuntunghiningang saad niya.
“Yaya, parang hindi na ako babalik sa lalim ng buntong hininga niyo ah.” Puna niya dito.
Masiyado na yatang napahaba ang pag- iisip niya. Nagpaalam na siya sa kaniyang at saka pumasok ng opisina.
Mahaba ang araw na iyon para sa kaniya kaya nagpasya siyang umuwi ng maaga, natapos naman na niya ang lahat ng trabahong dapat gawin niya sa araw na iyon. Dumaan muna siya sa isang grocery store para bumili ng ilang personal na gamit. Nagmamaneho na siya pauwi ng mapansin ang isang batang naglalakad na pamilyar na pamilyar sa kaniya, si Jun jun. Hinintuan niya ito.
“Jun jun,……..” tawag niya sa pansin nito. “Hindi ba dapat kanina ka pa nakauwi? tanong niya pa dito.
“Eh,…” parang nagulat na wika nito sa kaniya.
“May pupuntahan ka pa ba? Dapat hindi ka naglalakad mag- isa.” Sabi niya ditto na noon ay nakababa na siya ng sasakyan at hinarap ito.
“Gusto ko po kasi sanang dumaan doon sa beach.” Saad nito sabay turo sa direksiyon patungong dagat kung saan siya madalas.
Napatingin siya sa itinurong direksiyon nito. Maganda nga pala ang panahon. Maganda nga ang sunset ngayon at saka nilbot ng mata ang kalangitan. “Alam ba ito ng inay mo? tanong niya dito.Iling lang ang nagging sagot nito sa kaniya.
“Tara,…..gusto mong makita paglubob ng araw, hindi ba?” tanong niya dito. “Halika na,sumakay ka na bago pa magbagi ang isip ko..bilis………….” sabi niya dito.
“Talaga po,…..yehey…………..” tuwang tuwang wika nito at saka sumunod sa kaniya.
Masaya silang naghabulan patungo sa isang upuan kung saan makikita nila ang kabuuan ng paglubog ng araw. Kahit kailan hindi siya nagsasawa sa tanawing ito.
“Kailan ka pa nahilig sa sunset ha, Jun jun? Hindi ko alam na mahilig ka rip ala sa ganito.” naitanong niya dito habang hinihintay nila ang sunset.
“Nagustuhan ko po yan nung bata pa ako, nung misang nag- picnic kami nila inay dito at masaksihan ko iyan, ang ganda po diba?” nakatinging sagot nito sa kaniya.
“Tama ka…………. Madalas ako dito baka hindi mo alam,…” nakangiting tugon niya dito habang nakatingin sa gitna ng karagatan.Matapos makita at matunghayan ang ganda ng kalikasan masaya at kuntento silang umuwi.
Nag- aaalalang mukha ng kaniyang Yaya Marta ang sumalubong sa kanila. Mabilis na lumapit ito sa kanila ng makita silang magkasama.
“Jun jun, kanina pa kita hinhintay……. San ka ba galing? Pinag- aalala mo kami lahat dito.” Sunod sunod na tanong niya dito.
“Ah,.Yaya Marta, magkasama po kami ni Jun jun. Galing po kami sa may baybayin. Napansin ko po kasi siyng naglalakad kanina eh ang sabi niya pupunta daw siya baybayin kaya sinamahan ko na po siya,..” siya na ang nagpaliwanag sa ina nito. “Magkasabay naming pinanood ang sunset, huwag na po kayong magalit,..” patuloy pa niya.
“Pasyensya na po inay kung hindi na po ako nakapagpaalam…” hingi rin ng despensa nito sa ina.
“Oh hala,..magsipasok na kayo. Ikaw, Jun jun umuwi ka na at magbihis” wika nito sa anak. “At ikaw, kumain ka na rin……… naihanda ko ng hapunan mo.” baling naman nito sa kaniya. Napapangiting sumunod siya dito.
Nagising siya ng umagang iyon na masamang masama ang pakiramdam. Ang init ng pakiramdam niya lalo na ang mga mata niya. Lalagnatin pa yata siya pero hindi maaari kaya pinilit niyang bumangon. Kahit masama ang pakiramdam ay pilit pa ring pumasok sa kaniyang opisina. Nasa kalagitnaan ng isang pagpupulong si Karylle ng tuluyang bumigay ang katawan nito. Bigla na lamang itong nawalan ng malay. Nagkagulo ang lahat. Bawat mukha ay kababakasan ng pag- aaalala.
Dahan dahang iminulat ni Karylle ang kaniyang mga mata. Hindi man pamilyar sa lugar kung saan siya naroroon ay pilit inaninag ang kapaligiran. Bawat sulok ng kuwarto’y nakikita niyang kulay puti. Nasaan siya……………………………. Isang tinig ng bata ang nagpabalik ng kaniyang alaala sa kung ano ang nangyari kani- kanina lang. Nakita niya si Jun jun palapit sa kaniya at sa likod nito ay ang kaniyang Yaya Marta. Mabilis siyang bumangon para lang mapahiga ulit. Mabilis na lumapit sa kaniya si Jun jun at ang ang kaniyang yaya. Mababakas ang pag- aalala sa mga mukha nito. Inalalayan siyang humiga ulit ng kaniyang yaya. “Ata Karylle, magpahinga ka na lang muna, huwag kang mag- alala hind ka naming iiwan ng inay. Di ba Inay?” tanong pa nito sa ina. Tumatangong sumang- ayon dito ang ina. Marahan niyang ipinikit ang kaniyang mga mata, dapat nga muna sigurong ipahinga niya ang katawan. Maya- maya lamang ay nakatulog na ito.
“Inay, huwag nating iwan si ate Karylle ah, baka hanapin niya ako pag- gising niya.” wika nito sa ina. “Wala siyang kasama……………” sabi pa nito.
Hindi nga iniwan ng bata si Karylle. Hinintay nito hanggang magising si Karylle. Nang araw ding iyon ay lumabas na ng ospital si Karylle subalit pinayuhan siya ng doktor na pansamantala munang magpahinga. At sa mga sandaling nanghihina siya at nalulungkot lagging andiyan ang pamilya ng kaniyang yaya. Napaiyak pa ng siya ng haranahin siya ni Jun jun at ng dalawa pang kapatid nito. Hindi siya pinabayaan ng mga ito kahit pa nga minsan ay hindi siya makausap ng matino.
Salamat at nagkaroon siya ng yaya na katulad ng yaya Marta niya. Kung wala sila malamang tuluyan niya ng napabayaan ang sarili. Sila ang Santa Claus ng buhay niya. Kailaman ay hindi nawala ang suporta sa kaniya ng kaniyang yaya at ang pamilya nito.
Isang umaga bago ang araw ng pasko ng nagising siya sa sobrang ingay na nanggagaling sa kanilang sala. Pupungas- pungas hinagilap ang roba at saka bumaba para silipin kung ano na ang nangyayari sa ibaba at napakaingay. Nasa dulo pa lang siya ay natatanaw na niya ang napakapamilyar na pigurang iyon kahit hindi niya iang mga ito nakakasama ng madalas.
“Mama,……Papa………..” hindi niya makapaniwalang tawag sa mga ito. Kinurot pa ang sarili para masiguradong hindi lang siya nanaginip at marahan pang pumikit. At ng parehong tanawin ang nasulyapan pag- mulat ng mata, dahan- dahan siya lumapit sa mga ito.
“Ate Karylle,..” patakbong lumapit sa kaniya si Jun jun na ikinalingon ng lahat sa kaniya. Dahan- dahan siyang lumapit lalo na sa mga magulang. Sinalubong siya ng magulang ng mahigpit na yakap at walang sawang pinaghahalikan sa pisngi. Hindi siya makagalaw at natatakot siyan gawin ito, baka kasi sa biglang paggalaw niya maglahong lahat ng nasa harapan niya. Mahirap tanggapin na panaginip lang ang lahat.
“Anak………” wika ng kaniyang ina habang yakap- yakap siya nito. “Mapatawad mo sana kami ng papa mo, sa sobra naming pagmamahal sa mga trabaho naming nakalimutan na yata naming may mga anak pa pala kaming dapat pagtuunan ng pansin. Ilang pasko at bagong taon nga ba ang panalampas namin bago pa kami matauhan. Patawarin mo kami anak…. Nang dahil sa iyo at ng batang iyan ay natauhan kami ng iyong ama,.” madadaming wika ng ina at saka tumingin kay Jun jun.
“At simula ngayon magkakasama- sama na tayong muli mamumuhay ng masaya at payapa kasama pa ng ibang mga kapatid mo. Marami kaming dapat punan na nagging pagkukulang naming sa inyong magkakapatid …..” sabi ng ama. Hindi na niya nalaman pa angmga sumunod na pangyayari basta ang alam niya isang maganda at buong pamilya ngayong pasko ang sa kaniya’y handog ng Poong Maylikha. Bonus pa ang pamilya ng kaniyang yaya Marta na walang sawang naging gabay niya noong mga panahong abala ang mga magulang sa iba. At kung ano man nagawa ng batang iyon para matauhan ang magulang ay isang napakalaking bagay sa kaniya at hindind hindi makakalimutan kailanman. At ang pinakaimportante sa kaniya ngayon ay ang kumpleto lahat ng itinuturing niyang Santa Claus ng buhay niya.


WAKAS! ! ! ! !

2 comments:

  1. kung sino pa talaga ung mga taong maraming tinatamasang tagumpay sa kanilang larangang napili kabaligtaran naman iyon sa kanilang personal na buhay at sa kanilang pamilya..
    Buti naman naisipang gawan ito ng istorya ng may-akda para na rin magising sa katotohanan ang mga magulang na kahit anong busy nila sa kanilang mga trabaho dapat nabibigyan din nila ng panahon ang kanilang nga anak,magabayan at masubaybayan sa kanilang paglaki.

    Nakakarelate kasi ako sa kuwentong ito,ang kaibahan nga lang ako nagrebelde samantalang si Karylle nagsumikap pa....

    ReplyDelete
  2. :-)nicE....
    iN fAirneSs ahH...!!!
    _althOugh halos madUling aqUh sa kabAbAsA binAsa qUh pAh riN..

    :its a niCe stOry nAmAn whEre wE cAn gEt a mOrAl leSsOns...._


    rheneskie-05@yahoo.com

    ReplyDelete