“Pagiging Matatag Ang Kailangan”
By Caselyn G. Pangilinan
Si lisa ay may asawang nagtratrabaho sa ibang bansa. Kung gumasta
siya ay ganon ganon na lang. May apat na anak siya. May magandang bahay at
kasangkapan habang siya ay naglulustay ng pera. Ang asawa naman niya ay
nagtratrabaho sa Saudi, hindi niya alam na hirap na hirap ito bago Makita ang
mga perang pinapadala niya sa Pilipinas. Hindi na nakitang lumaki ni Andrew
ang kanyang apat na anak dahil sa doon na siya halos tumira sa kanyang
pinagtratrabahuhan. Dumating ang araw na nabigyan ng pagkakataon si Andrew
na magbakasyon ng mga ilang buwan. Dahil sa kasabikan ni Andrew sa kanyang
pag uwi sa Pilipinas, bumili ito ng mga pasalubong para sa kanyang anak at
asawa. Marami ang binili ni Andrew mga damit na pang bata; para sa Panganay
niyang lalake at sa pangalawa. Subalit hindi niya alam na mga binata na ang
mga ito, dahil sa tagal niyang hindi umuwi. Maraming chocolate na binili din niyapati mga delata. Alam naman natin na basta Pinoy gusting gusto ang mga uwi aychocolate. Gustong gusto na talaga ni Andrew makapiling ang kanyang Pamilya, hindi na ito makatulog at gusto na niyang dumating ang araw ng kanyang pag-uwi. Dumating na araw ng pag-uwi ni Andrew.Marami ang sumalubong sa kanya ng siya ay dumating sa Pilipinas. Ang kanyang asawa,ama,ina at ilang mga kapatid nito. Ngunit ang nais niyang Makita ay ang kanyang mga anak. Tinanong niya ito sa kanyang asawa ngunit ang tanging sagot ay nasa paaralan ang mga ito, kaya hindi sila makakarating doon na lang magkita sila sa bahay.Dumating na sila sa bahay nakita ni Andrew na maganda ang bahay nila. May magagandang kagamitan natuwa naman si Andew dahil nakikita niya na maganda ang pinuntahan ng kanyang pinaghirapan. Marami ang tao nooong araw na iyon kina Liza nandoon ang mga kamag-anak ni Andrew. Dumating na ang mga anak ni Andrew si Vince at nagsabi (anak ang laki mo na ah binatang binata na). Nagkamali si Andrew dahil ang niyakap niya ay anak ng kapatid niya. At sinabi ito ng kapatid niya. (Ay oo nga eto pala ang anak ko). Ibinigay ni Andrew ang jacket na inuwi niya, ngunit hindi ito kasya dahil masyadong maliit ito. Malaki na ang lahat ng anak ni Andrew maliban sa bunso nito. Ibinigay na lamang ni Andrew ang jacket sa anak ng kapatid niy. Hindi manlang niyakap ng anak si Andrew. Kung hindi pa ang mga ito uulukan ng ina. Sa kadahilanang hindi nga siya kilala ng kanyang mga anak. Inuunawa na lamang ni Andrew ang kanyang mga anak, dahil matagal din naman siyang nawala. Madaming hinanda para kay Andrew kaya kumain na ang mga ito, para makapagpahinga na din ito, dahil galing pa siya sa biyahe. Marami na ang nakaligtaan si Andrew kaya kinabukasan pumunta siya sa mga kaibigan nito. Halatang halata na galing sa ibang bansa si Andew sa kakapal ng alahas nitong sout, tulas ng mga kwintas, relo,singsing. Siya ang sumagot ng lahat ng inumin ng kanyang tropa. Dahil nga ang alam ng kaibigan ay mapera ito ay agad naming nadramahan siya ng mga ito. Katulad ng kumpare niya na nakapangutang agad sa kanya ng halagang limang libong piso. Nalaman naman ng asawa ni Liza ang ginawang pagpapahiram ni Andrew sa kanyang kumpare.Nagalit si Liza dahil sa malaki nang halaga ang limang libong piso. Ngunit walang magawa si Andrew dahil naawa ito sa kanyang kumpare. Dahil doon ay umalis na lamang si Andrew at nagpunta sa kanyang mga magulang. Ang mga magulang naman ni Andrew ay ganoon din, kahit may pamilya na si Andrew ay ipinapasan parin nito ang mga problema ng mga kapatid nito. Dahil sa mabait si Andrew ay okey lang ang lahat ng ginawa o hinihingi ng kanyang pamilya. Umuwi si Andrew sa kanyang bahay ay gabi na. Nakita niya ang anak niyang babae na pasado alas diyes na umuwe sa bahay nila. Kina-usap niya ang asawa niya lagi ba nauwi iyan ng gabi na? Gumawa daw ng project ang paliwanag sa kanya. Ayaw sanang magalit ni Andrew sa asawa ngunit mukang mali ang pamamalakad nito sa mga anak nila. Sa totoo lamang ayaw ng mga anak ni Andrew na nandoon sa kanilang bahay siya. Nais nga ng mga anak nito na umalis at bumalik na ito sa Saudi. Hindi lamang sinasabi ni Liza ito sa kanyang asawa. Dahil lagi niyang kinagagalitan ang mga anak nit, sa ugali na ipinapakita nila sa kaniyang ama. Hindi man lang maisip ng mga anak ni Andrew na kaya sila nakakapag-aral sa magandang iskuwelahan at nabibiliu ang lahat ng gusto nila, dahil sa kanyang ama na nagpapakahirap magtrabaho para sa kanila. Isang umaga nagising ng maaga si Andrew ipinagluto niya ng agahan ang janyang pamilya. Subalit ng bumbaba na ang anak nitong Panganay na lalake ay hindi kumain. Naisip na lamang ni Andrew na may kasintahan na ang anak niyang lalake kaya ito nagmamadali. Nais ni Andrew na maaga lahat uuwi ang kanyang anak. Kahit na nahihirapan ang mga anak nito sa mga gusto ni Andrew ay sinusunod naman siya ng mga ito. Nararamdaman ni Andrew na mukhang mailap o ayaw na kasama siya ng kanyang mga anak. Nakita ni Andrew na naglalaro ng bola ng mag-isa ang kanyang bunsong anak na lalake nilapitan niya ito at nakikipag-laro. Hindi agad lumapit ang bunsong anak nito. Dahil sa hindi siya komprotable maglaro na kasama ang kanyang ama. Ngunit dahil sa magaling maglaro ng bola si Andrew. Agad napalagay ang loob ng bunso kay Andrew. Masaya silang naglaro at tinuruan pa ni Andrew ng magagandang galaw sa paglalaro ang anak nito.Kinabukasan ay ninais ni Andrew na mamili at mamasyal sila ng kanyang buong pamilya. Ang lahat naman ay sumama ngunit naboboring ang anak nitong babae kaya siya ay nagpaalam na lalakad siya ng kaniya. Nagkita naman ang anak ni Andrew na babae at ang kasintahan nito. Sa mall noon. Nanais ni Andrew na kumain muna sila habang wala pa ang anak nitong babae.Nang matapos naming kumain ay wala parin ang anak nitong babae. Kaya pinasyahan nito na hanapin na ang anak sa mall. Sakto pagbaba nila sa elevator biglang nagkasalubong sila ng anak nito kasama ang isang lalake. Nakagalitan ni Andrew ang lalake dahil kung may gusto man daw ito sa kanyang anak ay sa bahay puntahan at hindi kung saan saan lamang. Nagtampo naman ang anak nito at sila ay umuwi sa kanilang bahay. Hindi naman kasi agad mababago ni Andrew ang lahat para sa kanilang anak dahil matagal siyang nawala, at ang mga nakagisnan na ng mga ito ay ganoon nalang. Nagalit si Liza sa anak dahil bakit kung umasta ito ay parang walang ama siya, na nag-aalala at nais na matuwid ang ugali niya. Sinasagot lang naman si Liza ng kanyang anak at ninais na umalis na ang kanyang ama sa bahay. Hindi na nais pa na magtagal ng anak ang kanyang ama na kapiling sila. Mahirap talaga ibigay ang mga oras nanawala para maging komprotable ang mga anak ni Andrew sa kanya. Ginagawa naman ni Andrew ang lahat para lamang maging komportable ang kaniyang anak sa kanya, ngunit parang wala siyang ginagawa ang pagbibigay ng lahat ng gusto nila at ang pagiging mabuting ama. Minsan tumatahimik na lamang si Andrew sa isang tabi at umiinom ng alak. Kahit na sa alak man lamang ay makalimutan niya ang kanyang problema. Ang pangatlong anak naman ni Andrew ang may dalang babae at ipinakilala sa kanilang mag-asawa. Natutuwa naman ng una si Andrew dahil binata na nga ang kanyang anak. Subalit ng malaman nito na buntis pala ang kasintahan ng anak niya parang gumuho ang lahat sa kanya. Magalit man si Andrew ay wala ng magagawa dahil nandoon na. Tinanggap na lamangni Andrew ang kanyang anak at kasintahan nito. Hindi akalain ni Andrew na siya ang dami palang nangyayari sa kanyang pamilya dahil siya ay wala, sinisi nito tuloy ang kanyang sarili sa lahat ng pagkukulang niya sa mga ito. Ninais ni Andrew na makabawi sa mga anak at asawa niya subalit hindi niya alam kung papaano. Lahat ng gingawa niya hindi pinapahalagahan ng mga ito. Parang mas nais na nga lang nito na bumalik sa Saudi. Dahil na hihirapan na rin ito ngunit hindi siya maaring sumuko dahil sa ang kanyang pamilya ang tangi niyang kailangan paglaanan nh oras at panahon. Pinaghahandaan ni Andrew ang kasal ng kanyang anak na nakabuntis. Dahil sa ginawang pagtanggap ni Andrew sa anak niya at kasintahan nito ay lumapit na ang loob ng pangatlong anak ni Andrew sa kanya. Kahit papaano ay natutuwa naman si Andrew dahil unti unti ay nakikilala siya ng kanyang mga anak bilang kanilang ama. Ang alam ni Andrew ay maraming naipon na pera si Liza kaya magandang at grande ang
paghahanda magaganap. Para sa kasal ng anak nila. Ngunit mas ninais ng anak ni Andrew na maging simple lamang ang magaganap na kasal. Sa kahilingan ng anak ay ganoon nga ang mangyari. Masaya naman ang naganap na kasal. Dumating na ang pasukan muli sa paaralan kailangan namang mag-martikula ang mga bata na anak ni Andrew. Ngunit mukhang hindi na makakapasok ang mga anak ni Andrew dahil wala na palang pera na natitira sa naipon ng kanyang asawa. Tinanong ni Andrew kung saan napupunta ang pera napinaghirapan niya ng matagal sa pag Sasaudi. Ang lahat pala ay napunta lamang sa bahay at may mga gamit nila. Hindi lubos ispin ni Andrew na wala na silang pera mahirap pala na manatili lamang siya sa bahay at walang trabaho. Ang pamimigay niya ng pera sa kanyang mga kamag-anak at kapatid ay hindi dapat niya ginawa. Ang hirap na kanyang ginugol ay ipinamimigay niya, kaya pala sa tuwing magbibigay siya ng pera sa mga kaibigan niya ay nagagalit ang kanyang asawa. Hindi lamang pala ang anak niya ang problema niya, madami pang dapat bigyan ng pansin. Ngayon sa mga kaibigan niya siya lumapit at humihingi ng tulong upang makapasok ang mga anak niya. Ngunit hindi siya nakahiram sa mga kaibigan at kamag-anak niya dahil sa noong kunting problema at kailangan siya agad siyang tumutulong. Ngunit ng siya na ang nangangailangan ng tulong ay wala ng gustong makasama siya. Noon lamang nalaman ng mga anak ni Andrew na mahalaga ang kanilang ama siya ang makatulong upang gumanda ang buhay nila pagdating ng araw na magkapamilya na sila. Kahit na mahirap ay gumawa si Andrew ng paraan upang makapasok ang tatlong anak niya sa koleheyo. Atinilapit na lamang niya sa public ang bunso, at sa murang paaralan ang tatlongpa nitong anak. Malaki ang nabago sa buhay ng pamilya ni Andrew parang biglang bumaksak ang buhay niya matapos ng isang iglap. Ngunit hindi siya nawawalan ng pag-asa dahil malapit na rin naman siyang bumalik sa Saudi
upang maghanap-buhay. Sa pagkakataon na siya ay bumalik ang gagawin niya ay mag-iipon ng husto. Sinisi din ni Liza si Andrew dahil ang mga kapatid nito ay umaasa parin sa kanila kahit na may mga pamilya na ito. Ang lalaki ng katawan ngunit hindi man lang nila magawa na maghanap ng trabaho inaasa lahat kay Andrew, pati ang pagpapagawa ng mga sira ng kanilang bahay. Ang mgamagulang ni Andrew ay ganoon din alam ni Liza na dapat na bigyan nila ng pera o sustento ang mga magulang nito, pero dapat ay hindi naman sila umaabuso masyado. Kahit na nasasaktan si Andrew sa nais mangyari ni Liza ay napagtanto naman nito na tama rin ang sinasabi ng asawa niyang si Liza. Isang gabi habang tulog na ang lahat ay biglang may pumasok sa bahay nila Andrew hindi nila namamalayan na may masamang loob na palang nakapasok sa bahay nila. Nang magising silang lahat noong umaga eh! Wala ng laman ang bahay nila nalimas ang lahat ng hindi nila namamalayan. Parang puro kamalasan ang nangyari sa buhay ni Andrew. Hindi niya malaman kung ano ang gagawin niya puro kamalasan ang lahat na dumadating sa buhay nilang mag-anak. Wala na nga silang pera ay nanakawan pa sila. Hindi na nila malaman ang dapat gawin. Nag punta ang mag-anak sa pulis para doon sila magreklamo at maipahayag ang nangyaring nakawan, na muntik na ipahamak nilang buong pamilya. Kahit na nawala ang lahat kila Andrew ay masaya parin sila dahil kumpleto ankanilang pamilya at walang napahamak sa kanila. Ang sinabi nilang lahat na buong detalye sa mga pulis na kanilang pinuntahan. Napag-alaman ng mga ito na marami na nga mga ganitong nagaganap sa malapit nilang lugar. Ipinag-iingat na lamang sila upang hindi na maulet ang pangyayaring iyon. Simula noon ay ganoon na nga ginawa ng mag-anak, subalit sa pangyayaring iyon mas nagging malapit ang mag anak sa bawat isa at nauunawaan kung paano dapat pakisamahan ang lahat at magmahalan. Kahit n medjo mahirap ang mga nangyayari sa kanila ay na gagawang makaunawaan ang bawat isa. May mga natutunan silang lahat at lalong napapalapit ang mga anak ni Andrew sa kaniya. Na ang pagkukulang niya ay napupunan niya sa pagbibigay sa mga ito ng lakas ng loob at suporta. Anim na buwan din ang ilalagi ni Andrew dito sa Pilipinas kasama ang pamilya niya. Sana ay sapat na ang araw na iyon upang malaman nila na mahal na mahal niya ang bawat sandali na makapiling silang lahat ay napakahalaga para sa kanya. Hindi na talaga ata nawala sa isang pamilya ang magkaroon ng mga bagay tulad ng problema ngunit magagawan ito ng paraan kung kukuha ng lakas ng loob ang bawat isa at magtulungan. Dumating na ang araw na magtratrabaho na muli si Andrew sa Saudi, nalulungkot ito dahil aalis naman siya upang iwanan ang kanyang pamilya, upang makipagsapalaran sa malayong lugar. Nag-aayos na si Andrew ng kanyang mga gamit na dadalhin. Gabi bago umalis si Andrew ay sinamahan siya ng kanyang asawa at mga anak sa pagtulog, buong pamilya niya nasiyahan ito dahil bago siya umalis makakasama niya ang anak ay asawa matulog parang ayaw na niyang matapos ang gabing iyon. Kinabukasan inihatid na nina Liza ito sa AirPort pabaon ang masayang ngiti at mga bilin na mag-iingat ito habang nasa ibang lugar. Habang nakasakay si Andrew ay naiisip niya ang kanyang pamilya dahil sa hindi naman niya kasama ang kanyang pamilya. Ngunit kailangan niya isang tabi ang lungkot niya upang makaipon at hindi na bumalik muli sa Saudi at magkakasama sila. Nang dumating ito sa Saudi ay agad namang itong nagtrabaho ng puspusan. Maganda ang trabaho niya doon kaya maganda ang kita niya. At alam niya na madali siyang makakabangon sa buhay na gusto niya. Halos hindi na kumakain si Andrew at lahat ng Rakel na mapapasukan niya para maging madali ang pag-iipon niya. Ipinadadala niya ang pera sa asawa niya sa Pilipinas na hindi niya akalain na pirerendeho na pala siya habang dugo at pawis ang puhunan dago niya kaiyain ang lahat lahat ng pera na ipinapadadala niya sa kanyang pamilya tumagal ang mahabang panahahon halos sampung taon na bago muling nakakauwi si Andrew sa kanyang pamilya. Ang pamilya na kanyang hinuhugutan ng lakas ay hindi niya akalain lolokohin lamang siya. Ang pera na pinadadala niya ay napupunta lamang sa lalake ng asawa nito. Ngunit kahit alam ng mga anak nito ang ginagawa kanilang ina ay hindi nila ito sinasabi sa kanilang ama. Dahil ayaw nilang mag-alala at magalit ito at hindi na magpadala sa kanila. Kapag kasi tumatawag ito ay puro magagandang balita lamang ang ikinukuwento ng mga anak nito tulad ng pagkakaroon nila magandang marka sa pag-aaral nila at nagtutulungan sila sa araw araw na mga Gawain nila sa bahay. Naisip tuloy ni Andrew na masaya at maayos naman kanyang pamilya doon kahit malayo siya sa mga ito. Ngunit naisip ni Andrew na manatili na lang siya doon para rin naman kasi sa pamilya niya ang lahat ng kanyang pagtitiis.Isang araw tumawag si Andrew sa kanyang pamilya ang nakasagot ay ang bunsong anak nito. Nakapag kuwentuhan sila ng matagal namimis na ito ang mga paglalaro nila ng basket ball, ang bunsong anak nito ang siyang nagging mas malapit sa kanya dahil bata pa ito at matagal na hindi nakita ang ama. Ngunit agad itong napalapit. Ninais tuloy ng bata na kunin na lang siya ng kanyang ama at doon sila manirahan sa Saudi. Hindi alam ni Andrew ang matingding dahilan ng bata ang alam niya namimis lang siya ng anak niya.Napad-isipan tuloy ni Andrew na kailangan magkaroon ng green card para manatili na sila doon at makuha niya ang mga anak niya ng maging masaya at makasama na sila ng kanilang buong pamilya. Nag papadala na lang ito ng madaming laruan para sa anak nitong bunso. Si Liza habang wala ang asawa ay balik sa bisyo niya na bumili ng mga gusto niya ngunit kung noon ay palagi itong may kasamang lalake. Ang mga kapit bahay nito ay nagtataka dahil nagagawa nitong lokohin ang asawa niya ay hindi naman nagkukulang sa mga sustento na ipinapadadala sa kanila. Subalit malayo nga lamang sila. Ang mga anak nito ay napapabayaan halos hindi na ito tumitigil sa bahay nila para ipagluto o itanung man lang ang mga kailangan ng mga ito, o kaya kamustahin man lang sila sa araw-araw. Pati ang bunsong anak nito ay hindi man lang niya masundo at hated sa paaralannito. Ang damit ng mga anak niya ay hindi niya nilalabahan kaya kapag pumunta sa bahay nila ay puro kalat ang makikita doon, parang walang ina na namamalagi talaga doon. Walang paki alam si Liza sa mga nagdadaldal nitong kapit bahay dahil wala naman itong maitutulong sa kaniya. Subalit ang ganitong ina ba ay dapat tularan hindi man lamang siya magpapahalaga sa kanyang sarili at asawa na naghahanap buhay na nilulustay lamang niya sa walang mga kuwentang bagay. Katulad na lamang ng mga pangangailangan ng lalake nito mga damit, pagtustos sa bisyo nito ang casino,inom,at madami pang bagay. Kitang kita naman na bata at magandang lalake ang kasama palagi ni Liza kung kayat hindi maalis ditto na hindi gastusan
dahil baka iwan siya nito alam ni Liza na mali ang gingawa niya ngunit kailangan
din niya ng kalingang isang tao na dapat ibinibigay ng kanyang asawa. Subalit
hindi magtatagal ay malalaman din ng asawa ni Liza ang mga kalokohan niya
dahil walang lihim na hindi nabubunyag. Kahit malayo si Andrew ay may mga
Una sa lahat napakaganda ng kwento.Sa aking palagay...
ReplyDeleteSadyang sa buhay ng bawat tao ay may dumarating na mga suliranin ngunit dapat nating pakatandaan na sa bawat pagsubok na binibigay ng DYOS ay mayroong kaakibat na kasagutan.Kailangan nating harapin ng boung tapang at may panalig sa Dyos,sapagkat sa panahon ng kabiguan sya lamang ang ating masasandalan.Sa kasalukuyang panahon maraming ganitong pangyayari ang nagaganap,ngunit dapat nating pakatandaan,magbago man ang takbo ng buhay ng bawat tao,wag natin kalilimutang ang lahat ng bagay ay nagmula sa DYOS.
What a wonderful story!!!!!
ReplyDeleteNapakarealistic na kwento,sadyang sa ating kasalukuyang panahon maraming nangyayaring ganito.Dahil sa hirap ng buhay maraming magulang ang piniling malayo sa pamilya upang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang pamilya.Subalit hindi sapat ang pera upang matugunan ang lahat ng pangangailangan,lalo na sa aspeto ng pagmamahal at atensyon.
Gayunpaman,sa kabila ng mga pagsubok patuloy pa rin ang takbo ng buhay.Isipin na lang natin na habang may buhay may pag-asa.Keep on praying and Jesus never leave You!!!
By:gerome Fatalla
address:roxas,oriental mindoro
Email add:gerome_moi11@yahoo.com