hello..

hello guys..

Friday, March 12, 2010

bigo

Huli na naman sa klase si Jane. Unang araw pa naman ng regular na klase sa unibersidad na kanyang kinabibilangan. Noong isang linggo kasi ay hindi na siya nag-abala pang pumasok dahil sa alam na niya ang kalakaran sa kanilang paaralan. Ang unang linggo ay para sa paghahanap ng mga room at mga unang paalala ng mga guro, in short, wala pang klase. Nagtatakbo siya pagkatapos bumaba sa jeep. Agad niyang itinext ang kanyang matalik n kaibigang si Marie,” sng rum kau?”. Tutut, tutut! Ang tunog ng kanyang cellphone, “rm. 103, dali k. d2 n c sir..kpogi!”.

Sarado ang pinto, kumatok siya sabay bukas nito.”Goodmorning Sir, sorry I am late.”, aniya. Tiningnan lamang siya nito at tila naiinis. Nang makaupo na siya ay dumiretso na ulit ito sa pagtuturo. Tama si Marie, guwapo nga itong si sir, walang itulak kabigin, napakasarap titigan, masarap makinig sa klase. “’Pag ba ganito lagi ang teacher ko, talagang sisipagin ako pumasok”, bulong niya.

Mula noon ay lagi na siyang maaga pumasok. Para bang ang gurong ito ang kanyang pampagana sa pag- aaral. Talagang sinipag siya, ayaw niyang mapapahiya sa klase kaya talagang tutok siya sa mga lessons nila lalo na sa Calculus, ito kasi ang guro niya. Ganunpaman ay hindi siya ngpaparticipate masyado sa klase. Nahihiya kasi siya sa kanyang guro. Iniimpress niya ito sa pamamagitan ng kanyang nakukuhang score sa mga exams nila. Samakatuwid, siya nga naman ang laging nangunguna sa klase pagdating sa mga exams. Sa mga boardwork na hindi na masagot ng kanyang mga kaklase ay siya ang tatawagin upang sumagot ditto at hindi naman nabibigo ang kanyang guro dahil nasasagot niya ito.


Isang araw, si Jane ang napatoka sa pagbili ng dvd para sa kanilang movie review. Kinabukasan ay agad siyang gumayak para pumunta sa mall. Sa bus siya sumakay at agad umupo sa bakanteng pandalawahang upuan. Ilang saglit lamang ang nakalipas ay may nakatabi na siya rito. Naiinis siya sa tumabi sa kanya dahil sa alam niyang marami pa ang bakante ay tumabi pa ito sa kanya.”Infairness ha, mabango ang isang ito, ayos na din”. Hanggang sa mapalingon ito sa kanyang katabi. Laking gulat niya ng makilala ang kanyang ito. Si Sir Sid! “Sir! Kayo pala iyan, ‘kala ko ay kung sinong pakabango-bango, kasabay ng bahagyang tawa. Napangiti ito.”’Yan sir, mas pogi kayo pag ngumingiti.””Kaya nga lagi akong nakangiti”,tugon ni Mr. Sid.

“Lagi daw nakangiti eh sa klase nga para kayong mangangain lagi, hindi nga kami makaingay eh, kakatakot ba naman kayo.”

“Hindi naman sa ganon. Syempre minsan kasi kayong mga estudyante pag napakitaan ng mabuti, inaabuso. Naku, danas na danas ko na iyan.”

“Sir, di naman po lahat. Pero kung sabagay, ganoon nga”sabay ng tawa.

Hindi na natapos ang kaniulang tawanan noon. Tila hindi sila nauubusan ng pag- uusapan. Close na sila ni Mr. Sid.

“Pasaan ka ba?”, tanong sa kanya ni Sir Sid.
“Sa mall po, may bibilhin lang po para sa movie review namin.
“Tamang-tama pala, dun din ako papunta, may bibilhin din lang ako. Kung ok lang sa’yo, magsama na tayo sa pagbili.”

Namula siya, ramdam niya.”Sige sir, basta ba sagot ninyo ang lunch natin.”, biro niya ditto.

“Oo ba.”, sagot ni Mr. Sid.

Kahit na nagbibiro lamang siya ay hindi na siya kumontra. Gusto naman talaga niyang kasama si mr. Sid. Aba! Pagkakataon na ito. Hindi naman siguro masama. Wala lang naman ito.

Habang naglalakad sila sa mall ay feel na feel niya na kasama niya si Mr. Sid. Parang panaginip lamang ang lahat. Parang sila ni Mr. Sid. Sa isiping iyon ay tila naalimpungatan siya. Hindi! Hindi pwede ito. Ano bang mga pinag-iiisip mo. Napailing na lamang siya.

“Sir, sige po. Punta na po ako sa studio. Bibili pom kasi akong dvd para sa movie review naming.”

“O sige, tara na!”, sasamahan siya nito.

“Sir, hindi po. Seryoso po ba kayo? Sasamahan nyo talaga ako.? Ok lang po ako. Nagloloko lang po ako.”

“Ano ka ba? Diba magkasama tayo. Tara na! sabay pa nga tayo maglulunch diba? Tara na!”

Wala na siyang nagawa. Gusto din naman talaga niya.

Tinulungan siya nito sa pagpili ng dvd. Nakakatuwang kasama si Sir. Madaling pakisamahan. “Sir, ok na po. Tara na po!”

“Wala naman tayo sa university, Tom nalang”.

“Ah, ok, Tom”
Napangiti ito.

“Hay naku sir, wag kayo masyado magngingiti sa akin at kinikilig ako.”Nabigla siya sa sinabi. Sa sarili niya lamang dapat iyon. Talagang pulang- pula siya. Ang init ng mukha niya.

Napangiti na naman ito. “Ikaw talaga, hindi kita masisisi, cute talaga ako.”sabay tawa.”Sa appliance store tayo.”

Natigilan siya. Hindi siya makamove-on sa nangyari.

Nagulat na lamang siya ng hawakan nito ang kamay niya upang makapaglakad na sila.

“Kain muna tayo.”

“Sige po sir.”

“Tom.” diin ni Mr. Sid.

“Tom.” ulit niya.

Habang kumakain ay nakabalik na siya sa katinuan. Nagkakatawanan na ulit sila. Parang walang nangyari. Madali talagang pakisamahan si Sir. Tuluy- tuloy lamang ang mga pangyayari. Ikakasal pala ang bestfriend nito at bibili siya ng regalo.

Nagkuhanan sila ng number. Close na sila at alam niya na ito ay may malalim na ibig sabihin. Bagamat may bumubulong sa kanyang isipan na may mali, hindi niya ito pinansin. Basta masaya siya, yun ang nanaig.

Mula noon ay hindi sila nawawalan ng komunikasyon. Lagi silang nagkakatext at pag gabi ay nagtatawagan. Dahil ditto ay madali pa silang mas nagkakilala. Talagang nagkapalagayan sila ng loob.

Kung sa ganda rin lamang ay hindi ito napagiiwanan. Tama lamang ang tangkad, morena at simple. Isang araw sa kanilang paglalakad habang nagkakayakagan na magvideoke sa labas ng unibersidad ay nagbibiruan sila at malakas na nagtatawanan.

“Si Sir Sid!, Jane si Sir Sid!, sigaw ni Amy. “ Talaga? San?”. sa paghahanap ng kanyang mga mata ay nakita nila si Sir Sid nglalakad at masasalubong nila. Talagang nagagalak ang kanyang puso. Malayo pa lamang ay nkangiti na si Jane at naghahanda nang bumati rito. “Ayan na, malapit na!”, bulong ni Shiela na may sabay pang pag hagikhik. Kumakabog na ng malakas ang kanyang dibdib.”Hi sir!”, hindi niya npigilan ang kanyang kamay na mapakaway. Ngunit inis lamang ang kanilang napala dahil pra itong walang nakita at dirediretso lamang sa paglakad. Ni hindi tumingin sa kanya. Sa lahat, siya ang may pinakamasama ang loob sa nangyari. Parang nadurog ang kanyang puso.

Hindi na siya sumama sa lakad ng kanilang barkada bagkus ay umuwi na lamang ng bahay. Sumapit na ang gabi at naghihintay siya ng text o tawag nito. Alas- diyes na ng gabi ay hindi pamito nagpaparamdam. Hindi na niya napigilan ang sarili. Nagsend siya ng blank message dito. Naghintay ng sampung minuto pero walang tugon mula rito. Idinayal niya ang numero nito, nagring pero walang sumagot.

“May problema kb? D2 lng aq ha kung klangn mo ng mk2usp. Gudnyt!”iyon ang huling text niya rito.

Noong gabing iyon ay tila kulang ang kanyang araw. Hindi siya makatulog. Parang kailan lamang ay napakasaya niya. Nakatulugan na niya ang pag- iisip.

Dumaan ang weekend ng hindi sila nagkakausap at talagang nalulungkot siya.

Ng sumunod na linggo ay doon siya umupo sa pinakadulong likuran ng klase. Nagtataka ang kanyang mga kaibigan sa kanyang ginawa. Tinanong siya ng mga ito pero hindi siya nagbigay ng malinaw na sagot. Sabi lamang niya ay trip lang niya na umupo doon.

“ Ano ba? Ok lang ako, wag ninyo ako intindihin. Wala lang yon.”, dagdag pa niya.

Nagsunud- sunod din ang late niya sa klase ni Mr. Sid. Hindi na siya nagpaparticipate sa klase kahit tawagin pa siya nito. Sasabihin niya ay hindi niya rin alam ang sagot. Sinubsob niya ang kanyang sarili sa paggawa ng mga research paper niya. Lagi siyang ginagabi pauwi.

Isang gabi, sa kanyang paglalakad ay may bumusina sa kanya. Sa kanyang paglingon ay kotse pala ito ni Mr. Sid. Nagdirediretso lamang siya sa paglakad. Ang ginawa naman ni Mr. Sid ay bumaba ng kotse at hinila siya papasok sa kotse. Nang makapasok nrin ito sa kotse ay magtatangka sana siyang lumabas at sinabi niya:

“ Sir, ok lang po ako. Lagi naman po akong naglalakad ditto.”

“Sumabay ka na at ihahatid na kita sa inyo.”, ang sagot ni Mr. Sid.

Hindi na siya umangal. Pagod na pagod na rin naman talaga siya noon. Katahimikan ang namayani sa biyahe. Sa kanyang pagod ay hindi na niya napigilang mapapikit hanggang sa tuluyan na siyang makatulog.
Nasa tapat na pala sila ng kanilang bahay ng magising siya.

“Andito nap ala tayo, sana ginising mo ako. Pasensya na nakatulog ako. Salamat sa paghatid.”

Hinihintay niyang magsalita ito pero hindi ito umiimik at nakatingin lamang sa labas. Ano pa nga ba, nagpasya na siyang bumaba ng kotse. Nang akmang palabas na siya ay hinawakan siya nito dahilan para mawalan siya ng balance at mapaupo ulit. Nagulat siya sa sunod na nangyari. Niyakap siya nito. Hindi niya alam ang gagawin.

“ Sorry.”, ani Mr. Sid na hindi pa rin inaalis ang pagkayakap sa kanya. Nanginit ang kanyang mukha at hindi na niya napigilan ang mapaiyak. Niyakap na rin niya ito ng mahigpit. Matagal na yakap. Doon ay pumunta sila sa park. Doon ay sinabi ni Tom ang mga nangyari.

May malaki kasing pagkakautang ang kaniyang mga magulang sa pamilya ng babae. Siya lamang ang lalaki sa kanilang pamilya ay napagkasunduang ito ang maging bayad- utang. Umayaw man siya ay ang buong pamilya nila ang pahihirapan ng maimpluwensyang pamilya ng babae. Pinag- isipan niya iyon ng matagal at masakit man sa kanyang kalooban ay nakapagpasya na siya. Magpapakasal na siya sa babaeng iyon.

“ Pero Jane, ito ang tandaan mo. Ikaw, Jane ang una at huling babaeng mamahalin ko. Mahal na mahal kita.”, sabi ni Tom.

Masakit man para sa kanya ay kailangan niyang magpaubaya. Iyon lamang at hinatid na siyang muli ni Tom sa kanilang bahay.

Ito nga ang first heartbreak ni Jane.


Marjorie F. Marasigan
2 BSEcon- irreg

1 comment:

  1. sya ay tlagang bigo kwawa naman si jane sa mga nangyari. prang nadurog ang kanyang puso sa mga hiya ng kanyang inabot.

    pro siguro un tlga ang kanyang kaplaran..

    sad naman T_T ..

    -patrick De Guzman-

    ReplyDelete