Ang Pinagmulan ng Lahi
By: Marlon Chritopher A. Custodio
Ayon sa matatanda, ang bathalang lumikha ng daigdig ay si Laor. Ayon sa paniwala ng marami ay matagal siyang namuhay na nag-iisa dito sa daigdig. Hindi nalaunan at siya ay nakaramdam ng pagkalungkot sa kanyang pag-iisa. Upang maiwasan ang ganitong pangyayari ay umisip siya ng isang magandang paraan.
Isang araw ay naisipan niyang kumimpal ng lupa upang gawing mga tao, sa gayon ay malulunasan ang kanyang mga kalungkutan. Iniluto niya sa hurno ang lupang kanyang ginawa. Sa hindi malamang sanhi ay nakalingatan niya ito, kaya't nang kanyang bukasan ay maitim at sunog. Ang lumabas na sunog ay naging nuno ng mga Ita.
Hindi nasiyahan ang Bathala sa una niyang pagsubok. Kumuha uli siya ng lupa at hinubog na anoyong tao at isinilid sa hurno. Sa takot niyang ito'y masunog tunlad ng una, hinango agad sa kalan. Ang lumabas mgayon ay hilaw at maputi. Ito naman ang mga ninuno ng mga puting lahing.
Muling humubog si Bathala ng lupa at iniluto sa hurno. Palibahasa'y ikatlo na niyang pagsubok ito, hindi napaaga ni napahuli ang pagkakahango niya sa pugon. Hustong-husto ang paglala;uto ngayon at katamtaman ang kulay. Ito ang pinagmulan ng lahing kayumanggi na kinabibilangang ng mga Pilipino.
Saturday, March 6, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Nice story bro,,,,
ReplyDeletegood job
ayos un storya,,,,
ReplyDeletenaiisip mo p pla un,,,
luput mo,,,
hahahahaha
hahah auz 2ng storia na ito ah kaka iba hehehe
ReplyDeletebut it's a good story ah hehehe".
un pla ang pnag mulan ng lhing plipino",
-patrick de guzman-