Pagluha
Dinaliz S. Sonto
Humahangos at nagmamadali na umuwi ng kanilang bahay si Dindin. Nakatanggap siya ng isang tawag mula sa kanyang ina. Umiiyak si Mrs. Annie Madrigal, ina ni Dindin ng madatnan ng kanyang anak. Walang buhay ng niyang nakita ang kanyang ama, duguan, nakahandusay at may mga luha sa kanyang mga mata. Hindi mapigil ang pag-iyak ng munting dalaga ng mga Madrigal. Napakasakit ng pangyayaring ito para sa kanilang pamilya dahil wala naman silang alam na kaaway ng kanilang pamilya sa negosyo para gumawa ng ganoong krimen. Natigilan si Dindin upang mag-isip at pumasok sa kanyang isipan ang posibilidad na maaaring sa pulitika ang dahilan nang pagkamatay ng kanyang mabuti at mapagmahal na ama. Si Mr. Encarnacion, ama ni Marc ang tanging lalaking itinatanggi ng puso ni Dindin ang siyang utak sa nasabing krimen. Ayaw man isipin ng dalaga sang bagay na yaon ay hindi nya mapigilan ang sarili. Paano nya kaya matatamo ang hinihingi niyang hustisya para sa pagkamatay ng kanyang ama?
Napakagandang init ng araw ang gumising sa mala-anghel na mukha ni Dindin. Dagli syang napabalikwas sa pagkakahiga niya sa kanyang lambot na kama. Naalala niya na ngaung araw na ito ang umpisa ng kanilang klase sa pribado at kilalang paaralan ng Immaculate Concepcion kung saan alumni din ang kanyang mga magulang. Si Dian Kirsten “Dindin” Madrigal ay nagmula sa sa isa sa mga mayayaman at makapangyarihang pamilya sa kanilang lugar kaya hindi nakapagtatakang kilalang-kilala siya saan man sulok ng San Simon. Siya ay isang matalino, mabait at higit sa lahat ay napakaganda, mala-anghel ang kanyang mukha, hugis almond ang kanyang mga mata at maninipis ang kanyang mga mapupulang labi. Mga katangian ng isang dalaga na talagang hahangaan ng mga kalalakihan.
Bumaba na si Dindin mula sa kanyang silid upang makasalo sa isang almusal ang kanyang magulang. Maraming pagkain ang nakahanda sa kanilang hapag na animo’y may pistahang nagaganap ngunit para sa mga katulad nilang nakakaanggat sa buhay tipikal na lamang itong makikita. Iniintay na siya ng kanyang ama at ina para pagsaluhan ang isang espesyal na agahan.
“Good Morning may dearest daughter” masiglang bati ng kanyang ina na napakabata pa para sa kanyang tunay na edad.
“Good Morning too Mom and Dad” masayang ganti ng kanilang prinsesa.
“Tara na’t kumain at baka mahuli ka pa sa iyong klase” banggit ng kanyang ama.
Si Mr. Donato Madrigal ang presidente ng Madrigal Group of Companies.
Pinagsaluhan nila ang isang napakasayang agahan ng sila ay sama-sama at nagtatawanan. Larawan ng isang masaya at nagmamahalang pamilya.
Nag asikaso na ng kanyang mga gamit si Dindin para sa kanyang pagpasok.
“I’ll go ahead na po” paalam ng dalaga sa kanyang magulang.
“magpahatid ka na lang kay kuya Oscar mo” bilin pa ng kanyang ama.
Nang makarating sa gate ng kanilang paaralan , humahangos at nagmamadali ang dalaga.
“hay! Salamat at nakarating din” bulong ni Dindin sa kanyang sarili.
Marami ang napatingin sa humihinggal na si Ms. Madrigal dahil sa kanyang pagmamadali ay muntik na itong madulas. Subalit hindi iyon ang nakakuha ang maraming atensyon ng kanyang kamag aral kundi ang kanyang taglay na ganda at amo ng kanyang mukha. Hindi naman kasi maitatanggi na sadyang makalaglag panga ang kagandahan ng dalaga.
“Hi! Dindin Madrigal” bati ng isa sa kanyang mga kaklase.
Siya si Marc, Marcus “Marc” Encarnacion, isa sa mga kinaiinisan ng lubos ni Dindin simula noong siya ay nasa high school pa lamang. Siya ay tinaguriang “campus heartthrob”, myembro ng basketball team ng kanilang paaralan ngunit may taglay itong kayabangan, bagay ng ayaw ni Dindin sa isang lalaki.
Lumapit ito sa kanya at muli syang binate.
“Hi Dindin” ngumiti pa ito sa kanya.
Isang ngiti ngunit may halong pagkaasar ang iginanti ng nito sa kanya.
Nakaramdam ng pagkadismaya ang binata at agad itong tumalikod at bumalik sa kanyang pagkakaupo. Noong oras lamang na iyon nakaranas si Marc na mapahiya sa isang babae dahil sanay sya na hinahabol ng mga ito. Hindi maikubli sa mukha ng binata na talagang naasar sya sa nagging pakikitungo ni Dindin sa kanya. Agad na nabuo sa kanyang isipan na ito ang sunod na biktima ng kanyang mapang-akit na karisma.
Natapos ang araw na iyon na hindi naging komportable si Dindin at sinisisi nya si Marc.
Lumipas ang ilang araw ay hindi pa din nagkakausap ang magkaklaseng si Dindin at Marc. Sa tingin kase ni Dindin ay sadyang napakahambog ni Marc at hinding-hindi nya ito makakasundo. Sa hindi sinasadyang pagkakataon naging magkagrupo ang dalawa sa isang kumpetisyon sa buong paaralan nila. Si Marc ang naatasang maging lider ng grupo at katuwang niya si Dindin. Kahit labag sa kalooban ng dalaga ay wala syang nagawa dahil iyon ang napagkasunduan ng kanilang buong klase. Hindi lingid sa kaalaman ng dalaga na lahat ito ay plano ni Marc para mapalapit ito sa dalaga. Bawat araw ay pinag-uusapan nilang mabuti ang mga dapat gawin sa nasabing kumpetisyon. Nag-ensayo silang mabuti at pinaghandaan ang lahat ng katunggali nila. Sa maigsing panahon na magkasama sila naging palagay na ang loob nila sa isa’t-isa at hindi naglaon ay naging matalik silang magkaibigan.
Dumating ang araw na pinakahihintay ng lahat ang araw ng paligsahan sa pagsayaw.
Natapos na ang lahat ng mga kasali sa paligsahan at inaantay na lamang ang pagsasabi ng mga nanalo. Kinakabahan ang lahat, tahimik na nakikinig. Nasabi na ang nanalo sa ikatatlo at ikalawang pwesto. Lalong kinabahan ang bawat isa ang iba pa nga ay nagdarasal n asana sila ang parangalan bilang unang pwesto.
“at ang nagwagi bilang unang pwesto..walang iba kundi ang ELUZINIANZ CREW” masayang pahayag ng tagapagsalita sa nasabing paligsahan.
Ang eluzinianz crew ay ang grupo nila Marc, Dindin at piling kamag-aral nila. Labis na ikinatuwa ito ng kanilang klase. Lahat ng pagod nila ay napawi at napalitan ng kasiyahan.
pag uwi ni Dindin sa kanilang bahay agad siyang sinalubong ng isang balitang gumimbal sa kanyang buong pagkatao.
-- ano ang nanngyari sa kanyang ama?? sino ang gumawa nito sa kanya??
nasa sa inyo ang kapalaran ng buhay ni Dindin at ang hustisya nang pagkamatay ng kanyang ama..
Thursday, March 4, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
This comment has been removed by the author.
ReplyDelete..maganda sana ung kwento kaso nabitin ako..ayos na para sa bagong nagsusulat ng story..keep IT UP..
ReplyDelete* CHAris .. Ü
,, gurl eto na kument ko,,oki naman so far ung story.. dagdagan mo lang nag iba pang scene..
ReplyDelete* RUI