hello..

hello guys..

Thursday, March 11, 2010

ang pagkakaibigan (iisa ang Minahal)

Title : Ang Pagkakaibigan (Iisa ang Minahal)

Name : Recelyn A. Encarnacion

Yr. & Sec : BSDM 2-1

Sa isang lugar sa eskwelahan sa San Martin na kung saan magkasamang nag-aaral ang magkaibigang Francine, Lindsay at Kyle. Elemantarya palang sina Francine at Lindsay ay matalik na magkaibigan sila, halos kilala na nila ang isa’t-isa. Si Francine na isang maganda at simple at may magandang katayuan sa buhay. Si Lindsay naman na isang spoiled brat na anak ang isang negosyante. Dahil sa matagal na pinagsamahan ng dalawa maging sa kolehiyo ay napagpasyahan na parehong skul at kurso ang kukunin.

Makalipas ang ilang buwan ang nagsimula na ang pasukan at sa unang araw nila ay marami na agad silang nakilala at nakikipagkilala dahil narin sa taglay ng kagandahan ng dalawa. Hanggang sa makilala nila si Kyle na isang gwapo, mabait at nasa mayamang pamilya. Dahil sa taglay nitong kagwapuhan at tinitilihan sa eskwelahan agad napukaw ditto ang pansin ng dalawa. Si Lindsay ay agad na nagustuhan sa lalaking iyon ngunit agad sinabi nito sa kaibigan at maging pala si Francine ay ganon ang nararamdaman ngunit hindi nalang sinabi kay Lindsay. Hindi nagtagal ay nakakabonding na nila ito at unti-unting ring nakilala.

Makalipas ang ilang araw muling nagkasama sina Francine, Lindsay at Kyle at maging iba nilang kaibigan. Masay silang magkakasama at nagkukulitan sa harapan ng kanilang room habang nakaupo sa hagdanan. Hindi alintana ng mga ito na may exam sila, dahil sa patuloy ang bonding nila. Hoo!!! Sigaw ni Francine kasabay nito ay hinagis ang binabasang libro dahil sa kanina pa ito abala sa pagrereview habang nakikikulit din. Ngayon ay parang ayaw pumasok ang impormasyon sa kanilang isip. Dahil sa makulit ang kasama nagawa pa siyang lokohin, wika ni Lindsay at Kyle “Francine laki ng problema mo!!.” Sabay tawanan. Bangit ni Francine, Tse!!! Tantanan ninyo nga ako, kung hidi ako nagkakamali nagpangap lang kayo na nagrereview pero sa totoo lang puro party ang nasa isip nyo ha. Sus! Baka ikaw pabalik tanong ni Kyle sa kanya. Uy!! Siguro na hindi Karin makatulog dahil naiimagine mo na kasayaw mo si Philip.

Philip?!! Hmp..,, luko na!! crush mo yun diba? Sabat ni Lindsay. Ah ganon, hindi ah!! Anu kaya linsay kung sabihin ko kung sino crush mo ha, wika ni Francine sa kanyang kaibigan. Hmp!! Anu kaba wag na nakakahiya. Narinig ito ni Kyle at sabi “ang daya! May secret kayo, share nyo naman, parang na hindi kaibigan ha. Anu ka hilo! For girls only lang sabay tawa bg dalawa. Patanong naman ni Francine kay Kyle bakit nga pala mas gusto mo kaming kasama kaysa sa mga tropa mo?. Sambat ni Linsay, Oo nga naman bakit ba!? Sabay ngiti, sagot ni Kyle wala lang masama ba may halong biro, wika nito mas nakakapagconcentrate ako sa pagrereview kapag kasama ko kayo kaysa kay Jason at Willy.

Ganon!! Panakip butas lang kami, sabi ni Francine na nakapamay –awang pa, sabay halakhak ni Linsay.”parang na hindi kana nasanay kay Francine, sabay kamoy ng ulo si Kyle. Dahil narin sa matiyaga nag-aaral ang mga ito madalas kasama ni Kyle ang dalaw dahil sa ibang kaibiga n nila ay puro gimikan lang ang alam.

Sa pagdaan ng araw lalong napapalapit ng husto ang loob ni Lindsay kay Kyle at ganon din si Francine na patuloy na naglilihim sa kanya. Dahil sa ayaw niyang masira ang pagkakaibigan at pinagsamahan, mabuti nalang sa ilihim niya ito, tutol nauna naming nagugustuhan ni Lindsay si Kyle. Ganito samahan nila walang asahan. At napaisip ito na mas bagay si Kyle at Linsay parehong businessman ang magulang. Kaya naisip niya na bakit pa niya isisingit ang sarili niya kung ganoong masaya na sila at maayos ang samahan kaya mas pinili niyang itago nalng ito, dahil sa ayaw ding masaktan ang kaibigan.

Muling nanumbalik ang pagkukulitan. Madalas amgkakulitan ay si Francine at Kyle, as in asaran, hampasan at kung anu pa. Hangang sa sabi ni Linsay na Hoy!! Tama nay an, ano ba? Baka magkasakitan kayo, tama na yan, ok! Parang nakararamdam ng pagseselos. Sabay napatingin ang dalawa. Ang kukulit nyo. Ha hae!! Tara aral na tayo baka bumagsak pa tayo sa exam, wika ni Kyle. At dumating na ang araw ng exam at nagging maganda naman ang resulta nito. At pagkatapos ng paghahanda nila ng exam ay paghahanda naman sa nalalapit ng party. At dumating an ang araw na hinihintay nila ang party. At ang bawat isa sa kanila ang may partner. Si Francine ay kay Philip at si Lindsay naman ay kay Kyle. Si Philip ay kaibigan ni Kyle na lihim ding pagtingin kay Francine na hindi niya binibigyang pansin. Mga maggagbi na patuloy pa din ang kasiyahan at sayawan. Sa paglalim ng gabi napansin nito na nakatayo nalng si Francine sa gilid ng lamesa. Ito ay dahilan sa nakita niya si Lindsay at Kyle na sweet na sweet sa isa’t-isa habang sumasayaw. Para kasing nakaramdam ito ng pagkaselos , at napaisip kung bakit si Kyle lang ang hindi nagsasayaw sa kanya halos lahat ng boy ay nakipagsayaw sa kanya. Dahil sa nangyaring iyon minabuti niya na umiwas nalng kaysa lalong masasaktan ang sarili niya. At kinabukasan ay masayang nagkwentuhan sila about sa party at Masaya nagbahagi ang bawat isa. Ahm! Sabat ni Kyle na bakit aga ni Francine umuwi at sumang-ayon ang ibang kaibigan , “bakit nga ba!!? Sagot niya, ahm masyado na kasi akong napagod, pabirong sabi nito pano lahat ang lalaki don ay isinayaw siya.

Muling balik seryoso na sila sa pag-aaral. At ang lahat ay masisipag sa pag-aaral upang matupad nila ang pangarap nila.

Makalipas ang mahabang mahabang panahon after na makagraduate sila sa kursong kinuha nila. Ang bawat isa sa kanila ay maging busy nawalan ng komuhikasyon. At ang iba ay may sari sarili ng buhay at pamilya. Ngunit ang tatlo sina Francine, Kyle at Lindsay ay busy na sa kanilang gingawa si Francine na nagmigrate patungong Amerika at maging ang dalawa ay ganon din pareho nagtratrabaho sa kanikanilang kumpnya.

Makalipas ulit ang ilang taon ay wala paring komunikasyon ang matalik na magkaibigan kahit ganon na hindi nila nakakalimutan ang isa’t-isa. Ngunit si Kyle at Lindsay ay ilang buwan ng nagkakamustahan at minsan naring nagkita dahil din sa mga kumpnya pinagtratrabahuhan nila. Hindi nagtagal nagkapalagyan na ng loob ang dalawa na hindi alam ni Francine. Sa paglipas ng mahaba pang panahon may hindi alam si Francine kay Linsay at gano din ito.

Sa tagal na pagtira ni Francine sa Amerika ay may masamang nangyari sa mga magulang nito yun ay dumating siya sa apartment nila don na walang buhay at sunog na katawan ng magulang dahil sa nadamay sila sa katabing nasunog na apartment. Wala itong nagawa kundi umiyak. Pagkatapos ng tragedy ito nagpasya umuwi nalang ito sa Pilipinas upang makalimutan ang masamang nangyari. Pagbalik niya ng Pilipinas hindi pa ito sanay sa klima ang Pinas.

Ilang lingo p-alng ay may tumawag sa kanya na isang kaibigan nong kolehiyo, nagkagustuhan ang mga ito, hanggang sa nauwi sila sa usapan kay Lindsay.

“Kamusta nga pala si Lindsay? Wika ni Francine.

“Wala kabang nabalitaan sa kanya? Malungkot na wika ng kaibigang kausap sa telepono.

“Ang alin? Pag-ulat na tanong.

“May sakit si Linsay!

“Ha? Ano at bakit? Tanong ni Francine.

Meron siyang kanser ngunit puso niya ang tinamaan. Laki gulat ni Francine ang nalamn ang kalagayan ng kaibigan. Agad nitong inalam kung saan nakitira. Pagkalipas ng isang araw ay pinuntahan nito ang kaibigan. Nang dumating na ito sa bahay ni hindi nya magawang buksan ang gate dahil mas gusto niya na si Lindsay ang magbukas dahil nong kabataan ganito ang ginagawa naisip na ngumiti na nanginginig ang luha. Naisip niya na hindi nna ito magagawa. Biglang lumabas ang katulong ni hindi tinawagan ang bestfriend para nga sorpresahin.

Pinasok ito ng katulong at sandaling naghintay, ilang minute palang ay lumabas si Tita Lita ang mommy ni Lindsay. Ng Makita niya ito ay ngiting. Sabay nito Francine ikaw nab a yan? Yes tita!!! It’s me!!! He he he…

Kamusta po kayo? Wika ni Francine.

Sagot nitong pabiro eto dami wrinkles at putting buhok, sabay nagtawanan ito. Kaw, ang ganda ganda mo parin. Si tita majowk he he he.!!. nagkwentuhan sila mommy Lita at Francine akala ko nasa states ka ahm, kakauwi ko lang poi sang lingo na nakalipas. Umuwi ako dahil sa nangyari don sa mommy at daddy ko, namatay sila sa sunog sa apartment na tinitirhan namin.

Oh?!! May condolences Francine. Tita matanong ko lang kamusta po si Lindsay, ahm.,, au slang siya stable patuloy ang medication niya sa kanyang doctor. Maya maya ay lumabas na ng kwarto si Lindsay sakay ng wheelchair, muling magkita ang magkaibigan halos walang paglagyan ang kaligayahan ng mga ito ng sila’y magkita. Kwentuhan ng kung anu-ano, halakhakan at parang walang sakit si Linsay ng araw ding iyon. Hanggang sa nauwi ito sa usapang puso. Oh! Kaw Francine may bf na? tanong ni Lindsay. Wala pa hanggang ngayom. At bakit? Sa ganda mong yan bulag ba ang mga lalaki sa states, wika ni Lindsay dahil busy ako sa work non kaya wala akong time. Tsaka inaasahan ko ung lalaking gusto ko na magkita ulit kami. Wow!! Sino yun?!! Ahm wala wag nalang. Oh kaw ba!!! Aun happy naman kami, oh talaga at sino naming maswerteng lalaki na yon ha?!! Ay naku! Na hindi mo baa lam si Kyle, laking gulat ni Francine, si Kyle, oh talaga malungkot na sagot niya. Dahil hanggang ngayon ay lihim na minamahal pa niya si kyle. Matagal na kayo?!! Ahm, oo naman, magtwo 2 years na kami. Sabat ni Francine, ahm, ganon ang tagal na nga pala nating hindi nagkamustahan. Bakas ang kalungkutan ni Francine sa mukha. Hanggang sa nagpaalam na ito.

Tita uuwi nap o ako! Masyado ng malalim ang gabi at mukhang kailangan ng magpahinga ni Lindsay. Bago ito umalis inihatid niya sa kwarto si Lindsay. Sige! Gudnyt friend!.

Msayang umalis si Francine dahil sa pagkikita nila ni Lindsay. Ngunit ma halong selos ito at lungkot. Dahil hindi niya akalain na yung lalaking gusto at matagal na niyang mahal ay nasa matalik niyang kaibigan na, wala siyang nagawa para sabihin ito dahil sa karamdaman ng kaibigan. Minabuti nalang na itago dahil alam niyang mas makakabuti ito. Mas nagawa niyang isakripisyo ang kaligayahan kaysa sa pagkakaibigan.

Mula noon nagparaya siya sa kaibigan kahit na ito’y labis na nasasaktan at kahit kailan nalaman ni Lindsay ang nararamdaman ni Francine sa kanyang kasintahan.

--- THE END ---

No comments:

Post a Comment