Sa isang malayong lupain, sa gitna ng dalawang mayamang ilog ng Hatoria, ay nakahimlay ang isang kaharian na pinamumunuan ng isang hari na nanggaling sa isang mabuting pamilya. Ang nasabing lupain ay tinamnan ng mga gulay at prutas, na doon lang namumunga, ng mga taong maasahan at may mabubuting puso. Dahil sa ito ang kanilang nanging pamumuhay, ditto lang umaasa ang buong kaharian. Kada isang beses sa isang taon, nag-aalay ang nga hinirang ng langit ang seremonyas para gawing maganda ang ani sa taong iyon.
Naging mabuti ang hari sa kanyang pamumuno. Maski ang mga katabing tribo ng kaharian ay ito ang binabanggit. Kanyang sinisistentohan ang mga pangangailangan ng kanyang nasasakupan. Sa panahon ng pakikidigma, kanyang sinasamahan ang kanyang mga kawal sa kanilang pag-kain at pagtulog. Lahat ay sinasabi na ang haring ito ay natatangi sa lahat ng mga namumuno sa kanilang panahon.
Siya ay may mabuting mga anak, sila ay nabibigay ng kasiyahan sa kanilng ama,ang bawat isa ay may mga natatanging mga kakayahan na talagang maipagmamalaki sa kanyang nasasakupan. Lagi niya itong kasama sa mga pagsakop ng mga banyagang lupain. Katuwang niya ito sa pag gawa ng istratehiyang magiging dahilan ng pagbagsak ng mga kanilang kalaban sa mga kanilang mga kamay. Magiliw din ang mga prinsipe sa mga pagsasalo sa palasyo.
Kasabay ng paglago ng kahariang Ganchi,may sumibol ding kaharian sa may malamig na bahagi ng peninsula. Ito ang mga barbarong mga tao. Sila ang mararahas na taong sinusumpa ng mga tao na nabuhay sa panahong iyon. Kilala sila bilang malu;upit at mararahas pagdaan sa digmaan.
Sa paglipas ng panahon, naging marangya ang buhay sa palasyo ng Ganchi. Makukulay ang kanilang kasuotan at lupa-lupain ang kanilang nasasakupan. Puro pulitika na ang mga kanilang inisip at nalunod na sila sa pansariling interes tungkol sa palasyo.
Hindi nila inaasahan ang isang pangyayari sa kanilang buhay.Sinugoad ang palasyong Ganchi at ang palasyo’y tuluyang bumagsak. Ang nasabing kaharian ay nahati at ang kanilng mga pinuno ay nawala ng tuluyan. Pinuno ng apoy ang palasyo at lahat ng kayamanan nito ay sinamsam at tuluyang nawala. Ang datingkaharian na puno ng kasiyahan at karangyaan ay nagbago at nagging pagit na lamat sa mukha ng mundo.
Ang mga mamayanan nito ay ginawang bihag at dinala sa mga alipin sa mga bayan ng sumakop. Pinapahirapan sila ng mga ito. Minsan ay pinapatrabaho nila ito ng sobra at pati ang mga matatanda ay nagdurusa sa kalupitan nito. Pag wala na itong halaga, kanilang itong pinapatay at hinuhulog ang bangkay sa isang matarik na bangin para kainin ng mga buwitre na kasuklam-suklam ang itsura. Minsan ay sinisibat nila ito hanggang sa mamatay at minsan ay sinusunog ng buhay sa harap ng mga mamamayan nito.
Naghari ang mga nasabing barbarong mga tao at natutunan na manirahan sa patag na lupain at nagtatag ng kabisera sa dating malawak na lupain ng dating matatag na bansa. Maging ang armas ng mga barbarong ito ay tumibay pa kaysa dati dahil sa impluwensya ng mga mayayamang kaharian na kanilang kapanalig. Nakagawa sila ng mga matitibay na baluti na tila nagbibigay sa kanila ng pangalawang buhay tuwing digmaan. Lubos na kinatatakutan ng mga tao ang hukbong kabayuhan nito. Kilala sila bilang pinaka malulupit sa mga hanay ng sundalo sa palasyo. Dala nila ang isang kabayong puno ng baluti na yari sa purong aserong bakal na ni palaso man ay hindi kayang patagusan sa tibay.
Sa pagbagsak ng dating matatag na kaharian ay umusbong ang mga maliliit na tribo at mga bayan. Ito ang mga mamayanan na nakatakas at gamit ang kanilang mga kayamanan ay nakabuo sila ng mga tribo na nangangalakal sa isat isa. Pinayagan ito ng mga mananakop dahil na rin sa pangako ng mga tribo na magbabayad sila ng buwis taon taon at kikilalanin nila amg mga dayuhan bilang pinuno ng mga lupain. Malaya silang nakapagkalakalan sa ibang tribo basta’t may pahintulot ng hari ng mga barbaro.
Isang prinsipe ng kaharian ng Ganchi ang nabuhay sa digmaan at ng tipon ng mga dating mga mamayanan ng bansa. Sinanay sila sa mga iba,t ibang mga estilo ng pakikipaglaban. Sinasaklolohan nila ang mga nahuling mga bihag ng digmaan at binibigyan nila itop ng pagkain at tahanan.
Nagpatawag ang hari ng barbaro ng isang paligtasan para sa pinakamagagaling sa pakikipaglaban. Dinaluhan ito ng mga pinuno ng mga tribo at mga mahuhusay na mandirigma. Dala ang kanilang mga sandata, buong tapang silang lumaban para sa premyo na maging isang tagabantay ng hari ng barbaro. Ang mapunta sa ganung mataas na posisyon ay isa nang pangarap na mahirap nang abutin. Gugugulin ng isang tagapaglingkod ang hindi bababa sa dalawangpung taon para sa pagsasanay. Ang ilang sumubok ditto ay nasawi sa hirap ng mga pagsasanay. Ang ilan ay nawawalan na ng pag asa at binabawian nila ang kanilang buhay. Sa ganung paraan maiibsan na ang kanilang paghihirap sa kanilang nasanin.
Nagsimula ang patimpalak sa ganap na tagtirik ng haring araw. Ito ay nagdala ng matinding tensyon sa mga manlalaro na kasali. Nang nag umpisa na ang mga laban, talagang binuhos na ng mga manlalaro ang kanilang lakas sa pakikipaglaban. Parang mga mababangis na leon at tigreng nagkakagatan sa loob ng parisukat na pook na paglalabanan.madami ang nagbuwis ng buhay sa patimpalak na ito. Buhay ng mga magigiting na mandirigma na handang mamatay dahil sa kapangyarihan at kayamanan. Sa dulo ng paligsahan, para sa huling pagtutuos ,isang di kilalang mandirigma ang humamon sa sanay manlalarong nakatapos ng laro. Pinigilan ito ng mga sundalo pero ito,y labag na sa patakaran ng palaro. May dineklara nang panalo at si Han yun. Ngunit sa paghabol ng hindi kilalang panauhin, naudlot ang pagtatalaga. Ngunit sinangayunan ni Han ang hamon ng mandirigma kaya pumayag siya.
Sa hudyat ng hari, magsisimula na ang laban. Gamit ni Han ang kanyang palaso at pana kasama ang kanyang maliit ngunit matalim na bayoneta. Ang sandata naman ng kanyang katunggali ay isang maahabsang espada, isang dadalawahing talim na espada. Sumigaw ang hari,at simula noon ay maliksing sumugod na ang bawat isa.magiting nilang iniwasiwas nag kanilang mga sandata na para bang parte ito ng kanilang katawan. Sanay na sanay sila sa kanilang gamit na sandata. Bilis agila ang dalawa na halos maduling na ang mga manonood sa mga upuan.mabilis ang mga pangyayari.pumana si Han ng maliksi ngunit nagtaka ang lahat dahil hindi ang kalaban ang insintado niya. Napatay niya ang gobernador ng mga barbaro. Isang lupon ng mga tulisan ang lumabas sa mga paligid. Pinalawaya nila ang mga bihag sa kulungan na naghihiyawan. Nagdiriwang sila dahil dumating na ang pangkat na magliligtas sa kanila. Ang isang lupon naman ay pumaligid sa dalawang manlalaro. Nagpaulan sila ng mga palaso sa hari ng barbaro na gwardiyado ng sundalo niya. Pagbukas ng tarangkahan, padsating na ang mga karagdagan na sundalo ng hari. Kaya ng mga tulisan ay umurong na at tuluang nawala.
Pagkatapos ng ingkwentro sa kabisera ng mga barbaro, nagplano na ang mga tulisan ng isang dwirektang pag aaklas laban sa mga barbaro,pinamumunuan sila ni Han na dating Tapat na sundalo ng namayapang hari, ang hari ng Ganchi. Ang kanilang grupo ay kilala sa pagiging mga asintadong mga mamamamana sa buong lupain. Mahusay din silang mangabayo. Sinasabing mas nauna silang nangabsayo bago sila nakalakad kaya talagang bihasa silang mangabayo. At ang isang pulutong naman ng tulisan ay pinamumunuan ng isang tao na pinaniniwalaang pinanganak sa ilalim ng isang ibong may tatlong paa. Ito ang makapangyarihang ibon ng Ganchi. Binyayaan siya ng pambihirang galling sa pagwhawak sa espada. Kilala ang lupon nila bilang mananambang ng panahong iyon. Mahusay sila sa mga istratehiya sa pakikidigma.
Tinipon nila ang kanilang mga kawal,at kanilang isinagawa ang mga pananambang gamit ang mgabomba na ginawa ng isa sa mga matapat na kawal niya. Ang layunin nila ay kumonte ang mga kalaban at pagkatapos nito ay direktang aatakehin ang kalaban sa kabisera nito. Maayos nilang naisagawa ang pananambang na kasingbilis ng kilat. Kahangahanga ang lakas ng hukbo meron sila.
Kasabay ng pagsugod nila ay alam din ng kalaban ang kanilang binabalak. Nagdaos ng pag aalay ang mga tulisan para sa ikakatagumpay ng kanilang balak. Tatlong araw ng ayuno si Han .Dahil sa hindi ito kumakain, nanghina siya at tuluyang nagkasakit. Nanghina ang moral ng kampo ng tulisan.
Nakarating ito sa kampo ng mga barbaro.lumakas ang kompyensa ng hukbong ito. Inasahan na nila na hihina ang mga tulisan at madali na itong masusugpo. Nag diwang sila noong araw na iyon. Naglasing sila buong mgadamag. Mahimbing ang kanilang pagkakatulog. Lingid sa kanilang kaalaman ay sinusunog na ng mga tulisan ang mga gusali nila sa kabisera ng bayan. Nilagyan pala ng lason ang mga alak na ginamit sa pagdiriwang. Ito ay isang lason mula sa isang dahon na kung tawagin ay samjogo na matatagpuan lang sa mga bulubundukin ng “pitong langit”. Sinamsam ang mga armas na hinanda sa unang hanay ng pulutong ng mga barbaro. Nalaman ito ng hari at pinatugis ang mga tiktik na pinadala ng mga tulisan.
At tuluyang nasakop nila ang kabisera ng lupain. Sinubukan ng hari ng barbaro na tumakas pero may nag aabang ang isang grupo na sadyasng hiniwalay sa lupong para magmanman ng mga tumatakas na opisyales. Naparusahan ang hari at ang kanyang angkan ng kamatayan. Lahat ng mga mamamayan ng mga barbaro ay ginawang alipin pero pinalaya din.
Nabawi ng mga tulisan ang karangalan ng kaharian ng Ganchi. Pinamunuan ng apo ni Han ang bagong kaharian. Naging maingat na sila sa mga gagawin nila. Sa taon ng pamumuno niya,nakatuklas ng bundok ng asin na naging pinagkukunang yaman nito.
Naging mabait siyang hari sa kanyang nasasakupan at ng hari sa ng masaya sa bong buhay niya. Salamat sa kanyang ninuno na nagpatibay sa kanyang kasalukuyang kaharian.
Sunday, March 7, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
mahilig sa mga digmaan at patayan ang gumawa nitong short story...^_^
ReplyDeleteang lalalim ng tagalog na ginamit ng author nitong story...magaling siguro sya sa FILIPINO subject???
ReplyDelete