hello..

hello guys..

Monday, March 22, 2010

'MAGKAIBIGAN"

“ Magkaibigang matalik sina Samantha “Sam”, Jacob, at Vega. Simula pa noong first year high school ay magkakaibigan na sila. Bukod tanging si Sam lang ang babae sa tatlo,pero hindi na iyon mahalaga. Ang mahalga ay nagkakasundo sila. Nang dumating na sila sa college level, umalis si Vega para mag-aral sa Manila, habang silang dalawa ni Jacob ay naiwan sa San Juan.
Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya pero nang malaman niyang aalis na si Vega ay nalungkot siya at parang pakiramdam niya ay di na niya ito makikita. Oo. Aaminin niya sa sarili niya na may pagtingin siya para dito. Pero di niya sinasabi dahil ayaw niyang masira ang pagkakibigan nila. Hindi naman niya alam na lihim na nagbubunyi ang kaibigan niyang si Jacob dahil sa oras na umalis na talga si Vega ay popormahan siya nito.
“Babalik ka ba?” tanong niya kay Vega na may kahalong lungkot at pag-aalala.
“Oo naman. Kaya nga lang baka matagalan. Alam mo namng pagdodoktor ang kukunin ko.”.. sagot nito na parang napakalungkot,pero pinipilit na maging masaya.
“Basta lagi mo akong tatawagan o kaya iteteks ha.”., sabi niya na may halong paghikbi.
“Oo naman, ikaw pa.!” sagot nito na may halong pagtawa. “Teka,nasan nga pala si Jacob?”
“Ewan ko dun, nakakainis nga eh, di ko makita.” sagot niya habang palinga-linga sa paligid.
“Paano yon aalis na ko?.., basta sabihin mo sa kanya umalis na ko,hindi ko na siya mahihintay eh.” sabi nito na may pagtataka.
“Sige sasabihin ko.” sagot niya na may luha sa mga mata.
“Ba-bye..”sabay yakap sa kanya.
“Ba-bye.” Inihatid nalang niya ito ng tingin hanggang sa makalayo ito.
Nung unang mga buwan nakakatanggap lagi si Sam ng tawag ni Vega at mga teks pero nitong mga nakaraaaaa, din a niya ito makontak. Nanligaw sa kanya si Jacob, pero hindi niya ito pinapansin dahil wala siyang gusto dito,pero makulit ito at pinagsisiksikan ang sarili sa kanya. Hindi na rin siya naghintay ng tawag o teks ni Vega dahil talagang din a ito nagparamdam.
Labindalawang taon na ang nakakalipas, wala na rin siyang pangarap na uuwi pa si Vega sa lugar nila, dahil talagang nakalimot na ito. Nakatapos siya sa kurso niyang Culinary Arts. Meron na siyang sarili niyang Bake Shop at may naipundar na rin siyang sarili niyang sasakyan, habang ang kanyang mga magulang ay humiwalay na sa kanya ng tinutuluyan. Habang si Jacob naman ay lagi paring nangungulit sa kanya. Nakatapos ito ng Criminology, at masasabi naring magaling na pulis.,Pero wala talaga ditto ang atensyon niya.

“Sam, Bkit nakatunganga ka nanamn diyan?”..sabi ng kanyang kaibigang si Era.
“Wla, may iniisip lang ako.”.. sagot niya na parang inaantok.
“May chika nga pala ako sayo.” Sabi nito na halatang chismosa.
“Ano naman yun?”.. tanong niya na parang walang pakialam.
“Alam mo bang may itinatayong ospital dyan sa bayan?” sabi nito na tuwang tuwa.
“Oh bakit naman? Saka anog paki ko eh wala naman akong sakit?”.
“Kasi balita ko bata pa daw ang nagpapatayo nun!. Gwapo pa daw acheng!”. Sabi nito na kinikilig pa. Hindi na sumagot si Sam at hindi na lamang pinansin si Era.
“Haaayy…kahit kalian ka talaga! Hindi kaba naaawa sa sarili mo neng tumatanda kana at hanggang ngayon,NBSB ka parin!”. Sabi ni Era na may halong pan-iintriga.
“Huwag mo na nga akong pakialaman.” Sagot niya na parang irritable na sa prisensya ni Era.
“Nakuu bahla ka nga alis na ko.!” sabi nito sabay alis. Tiningnan niya lang ito.
Gabi na ng nakauwi si Sam sa tinutuluyan niyang bahay, nadatnan niya dun si Jacob na naghihintay.
“Bakit ka nandito?”., pagtatanong niya na walang makikitang emosyon.
“Nabalitaan mo na ba?”. Tanong nito na parang naiinis.
“Ang alin? Yun bang tungkol sa bagong itinatayong bagong ospital sa bayan?”.sagot niya na halatang walang gana. Binuksan niya ang pinto ng bahay at pumasok kasunod si Jacob.
“Isa yan sa mga pinunta ko dito,pero hindi lang iyon.”sagot nito na nakatitig sa kanya.
“Eh ano?” tanong niya na halatang naiilang sa pagtitig ni Jacob sa kanya.
“Si Vega umuwi na andito na siya.”sabi nito na may kahalong inis.
“Ha?talga?totoo ba yang sinasabi mo?”sagot niya na tuwang tuwa.
“Sabi ko na nga ba’t matutuwa ka!” sabi nito na halatng galit.
“Jacob,paano mo nalaman na umuwi na siya?” pagtatanong niya.
“Pinuntahan niya ko.”sagot nito na may kasamang inis.
“Talaga? Bakit ako hinde?”sabi niya na may halong lungkot.
“Aalis na ko.Sinabi ko lang sayo.”sabi nito saby alis at dabog ng pinto.
Hindi niya inintindi it at wala na syang pakialam dito basta ang nasa isip nya ay umuwi na daw si Vega. Kaya kahit anong oras ay pwede silang magkita.
Maagang pumasok si Sam sa bakery niya dahil linggo,alam nyang maraming kostumer..
“Mam,ay naghahanap po pala sa inyo”..sabi ng kanyang isang waiter..
“Ahh..talaga sino naman?..tanong nyang may pagtataka ..
“Ako”..sagot ng pamlyar na boses mula sa kanyang likuran..
Hindi agad siya humarap para makita ang kanyang nasa likuran, nag crossfinger muna siya at kinurot din nya ang kanyang pisngi.
“Hindi ka nanaginip”..sabi ng pamilyar na boses sa kanyang likuran..!”Humarap ka para makita mo ko..”
Humarap nga siya at talagang di sya nananaginip.,wala syang masabi dahil nalunok ata nya ang kanyang dila.
“Tititigan mo nalang ba ako?..” sabi nito na may halong pagngisi..
“Ahh,eh..Ano kasi nagulat ako sayo”..sabi nyang nag kanda utal-utal..
“Ha.?utal kaba..?tanong nito na may halong pagtawa”..”Naku,Samantha Garcia ang laki na ng pinagbago mo..”sabi nito na tiningnan sya mulu ulo hanggang paa.
Nahiya naman sya at namula ang kanyang mukha.
“Labas tayo”..yakag nito sabay hila sa braso nya kaya napasunod sya dito.
Dinala sya nito sa isang park pero hindi sila bumaba ng kotse.
“Kamusta kana?..”panimula nito
“Okay naman..”sagot nya na hindi na utal
“Balita ko wala kapang nagiging boyfriend hanggang ngayon ah,!bakit wala bang magtangka..?”sabi nito na may halong pag-ngisi.
“Ha..?panu mo nalaman?”tanong nya na napahiya
“Nag punta ako sa inyo kagabi,nakipag kwentuhan ako kila nanay at tatay!..
“Ah..bakit ka nga pala bumalik?..”sumulyap sya sa labas
Tumawa ito ng mahina..”Maybabalikan ako at may pinapatayo akng Ospital dito”..
“Ah..iyo pala yoh?ano naman ang babalikan mo?.”
“IKAW”..sagot nitong nakatitig sa kanya..
Natameme sya at halatang hindi makapaniwala..
“May babalikan pa naman ako diba?..”tanong nito ng hindi sya magsalita.
“Ah..ano kasi”..wala syang masabi..
“Ano?alam ko naming mahal mo ako eh..”sagot nitong tuwang-tuwa..
“Ang kapal naman ng mukha mo”..sagot nya na hindi alam kung maiinis o matutuwa..
Tumawa ito ng tumawa ay nagulat nalang sya ng yapusin sya nito.
“Uwi na tayo..”yakag nya dito..Agad naming pinaandar nito ang kotse at ihahatid nga sya.
Maagang pumasok si Sam sa Bakery dahil masayang-masaya sya sa mga nangyayari nitong mga nagdaang araw.Laging may surprise si Vega sa kanya na di nya inaasahang gagawin nito.
Pagpasok palang ni Sam ay iba na ang nararamdaman nya,wala ang kanyang mga empleyado,nagtataka sya kasi hindi naman ganon.Isa pa alas 7:00 na dapat bukas na dapat ang Bakery.Nagulat sya ng biglang lumabas si Vega doon at may dalang bouquet of flowers at may lamesang nakaayos duon with candle light pa..
“Anong ginagawa mo dito?..”tanong nyang may pagtataka..
“Syempre magpo-propose”..sagot nitong walang kahirap-hirap
“Ano?..”gulat na gulat
“Oo,total naman nandito na,bat patatagalin pa..”sagfot nitong seryoso.”Ano?WILL YOU MARRY ME?”tanong nitong lumuhod pa.
Nagulat sya ng biglang magsigawang “sige sagutin muna”kaya wala syang nagawa kundi sumagot ng…”YES,I WILL MARRY YOU..!”

1 comment: