Fajutagana, Ruffa R.
BSIT 1-6
Inosenteng Makasalanan
Maikling Kwento
Ang makakapal na ulap na kumakain sa sinag ng araw ay nakikisabay rin sa pagtatangis ng isang dalagang puno ng kalumbayan ang kalooban. Ang mga luha ay sabay na dumadaloy sa bawat patak ng ulan na nasisiyaan sa paghaplos sa pino at manis niyang katawan. Hinda makapaniwala sa mga pangyayari at ang mga mata ay kaaaningan ng pagsisisi nang ang bala ng sang video recorder ay hindi natagpuan sa bag ng isang lalaking tunay na isinisigaw ng kanyang puso. Ang pagkatagpo sa tunay na damdaming ito ang nagpatigil ng masayang mundo ni Thea maging sa mga taong nakapaligid sa kanila ng isang duguang lalaking may sampung tama mng baril sa katawan na hindi nakapagtatakang kagagawan ng mga taong nakaasul na uniporme. Ang bawat tagpo ay naging makapigil hininga para sa kanya a mga sandaling ito. Ang kanyang damdamin ay tila isang mabangis na hayop na ikinulong at pilit nagpupumiglas upang makagawa ng iang bagay na hindi nya lubos akalain. Ang dating maamong mukha ngayon ay kaguguhitan ng malilisik na mga mata sa likod ng kanyang pagtangis. “Patawarin mo ako kung nahuli ako ng dating kung alam mo lang kung gaano ako nagsisisi ngayon. Hindi ko lubos akalain na kung sino pa ang taong pinagkakatiwalaan ko at inakalang mahal ay siya pa palang lalagay sa akin sa kahhiyang ito at kung sino pa ang taong tunay na may pagkalinga sa akin at tunay na hinihanap ng aking puso ay ako pa ang naging dahilan ng kanyang kasawian. Kung ito lamang nararamdaman ang lubos na kalumbayan ng aking puso sa mga oras na ito. Kaya ipinapangako ko sa’yong pagbabayarin ko siya dahil sa sinapit nating dalawa. Dapat pala talaga ay pinakinggan ko ang puso ko. Patawad kung nagbingibingihan man ako sa kabila ng lakas ng pagsigaw nito.”
Sa ilalim ng malaking puno ng mangga ay nakakumpol ang mga dalagang masayang nagkukuwentuhan nakapagtatakang mga dalaga at nakakariwasa sa buhay dahil sa lakas ng katawan subalit ang bawat isa ay tunay na hahangaan dahil sa angking kagandahan, kinis ng kutis at talas ng isipan. Ngunit dahil sa taglay na kaalwanan sa buhay, hindi nila kailanman kinaibigan ang mga dukha. Sa katunayan, puro pintas at pangungutya ang ibinabato ng grupong ito sa bawat naakasalubong na abang estudyante sa paaralan. Mababa ang tingin nila sa mga mahihirap na estudyante kahit pa anung talino ang ipinamamalas nito. Ito ang dahilan kung bakit kilalang kilala ang grupo ng apat na cheeszy girls ng Cavite State University Philippines. Kailanman ay hindi nila sinunod ang pagsuot ng tamang uniporme bagkus ay laging natatangi at naiiba ang kanilang mga kasuotan sapagkat ang kanilang pangkat ay kinabibilangan na apat na pinakamayayamang pamilya sa buong Campus at ang lahat ay natatakot na banggain sila dahil siguradong ang unibersidad mismo ang kanilang makakalaban.
“Thea, nakita mo nab a ang bagong estudyanteng nag-aassist sa canteen? Alam mo may itsura siya ha”, sabi ni Mhay nang may paghanga.
“May itsura ang dukha naman. Tingnan mo naman ang mga balat niya sa mukha, pwedeng i-transplant sa balat ng kalabaw.” Pamimintas ni Thea.
Si Thea ang pinakang pinuno ng apat. Siya ang reyna kumbaga at ang bawat salitang kanyang sabihin at ipag-utos ay kailangang sundin ng sinumang kanyang mapagkatuwaan.
“Guys, tara kain tayo sa canteen. Nakakapagod tumawa.”
Di mahulugang karayom ang dami ng estudyante sa School canteen. Nasa di kalayuan pa man ang apat, ang ingay sa loob ay nagpapahiwatig lamang na ang buonbg mesa ay tila okupado lahat.
“hmmm… Thea, mukhang puno ang canteen ah?”, wka ni Carmen.
“Ayos lang yan, marunong naman lumugar ang mga studyante ditto e.” sabat ni Irah na tila mayroomg malalim na ipinahiwatig.
Nang sapitin ang canteen, hindi nagkamali sa hinala ang apat. Wala ngang bakanteng mesa maliban sa mesang nasa unahan at pinakagtna. Taas noong tinungo ng apat ang mesang iyon at nang madulugan ito ay nagkatinginan muna sila.
“Sabi ko sa inyo marunong lumugar ang mga estudyante ditto e.”, pag-uulit ni Irah sa sinabi kanina.
Makikitang halos hanggang labas na ang pila ng mga estudyante sa counter subalit ang apat ay hindi nagabalang pumila pa. maya maya ay isang lalaki ang lumapit sa kanila. Masasabing guwapo ito kung hindi lamang dahil sa malaking balat sa mukha nito na nagpamukha ditto bilang isang taong nasa abang kalagayan.
“Ano po ang order order ninyo ma’am?” tanong ng bagong estudyanteng nagaassist sa canteen.
“ Akala ko naman kung sinong malakas ang dating yun pala ikaw ang bagong alila naming.” Sabay irap at ngumiting may pangiinsulto si Thea.
“Pineapple juice lang para sa aming apat.” Utos ni Thea.
“opo”, pagsang ayon naman ng binata pagkatapos ay tumalikod na para kunin ang kanilang order.
“Gwapo nga kaso napagtripan ng balat ang mukha.” Mapamintas na wika ni Thea sabay halakhakan ng apat. Walang pakiaalam sa mga taong naroroon.]
“guys CR lang ako ha. Save my seat”, sabay pakawala ng pilyang ngiti.
“Tingin no naman may magtatangkang maupo diyan? Takot lang nilang makickout!”, paniniguro ni Carmen.
Sa kanyang pagtayo, isang mainit na sabaw ang tumilapon sa kanyang dibdib. Naglakihan ang mga mata ng mga nakakita. Umigkas ang mga kamay ni Thea ng buong bwelo at lumapat sa mukha ng taong nakagawa noon.
“ Pasensya ka na, bigla kaseng…….” Hindi naituloy ng binata ang dapat sana’y pangangatwiran.
“a ganun? Ako pa ang may kasalanan ngayon?” hindi na kumibo ang lalaki at napatungo na lamang ito.
“Bwisit!!! Panu na ngayon yan? Kaya mo kayang bayran ang halaga ng damit kong ito? Hindi!!!” patuloy nna pagpapahiya ni Thea.
“Bakit magkano ba iyan?” Sabay hugot ng limang papel na tig-iisang libo sa wallet.
“Ito o limang libo, siguro naman tama na iyan? Alok nito sa dalaga subalit hindi niya ito inabot.
“At bakit ko naman tatanggapin yan? Baka peke pa iyn e.” dahil sa pagkainsultong ito, walang anu-ano’y tinalikuran nito ang dalaga. Tama naming pagdating ng kanilang order na juice. Kinuha niya ang sa kanya at ibinuhos sa likod ng binata.
“Bastos ka ah!” subalit hindi na siya ininda pa ng kaaway at tuloy-tuloy na lumakad.
“Guys, tayo na. Nasira na ang araw ko. Kailangan ko nang magbihis” maagap naming tumayo ang tatlo at sumunod kay Thea.
“Hayop siya! Akala niya kung sino siyang mayaman at makinis ang kutis!” sabay tapon sa mga flower vase sa sala. Tiim ang bagang at mahigpit ang pagtatakip sa mga kamao.
“Pare pagbigyan mo na, babae yon. Hindi dapat na patulan.” Pampalubag loob na sabi n Mark.
“Ano kamo? Pagbigyan? Matapos ang pagkapahiya ko kanina sa maraming tao? Hindi Mark! Humanda siya, magbabayad siya kahit isa pa siyang babae!”
Sa kabilang banda, nagtungo ang apat sa kanilang headquarter, at tulad ng inaasahan, ang nangyari sa kantina ang laman ng kanilang usapan.
“hahahahahahaha! Nakakatuwa ang kanyang itsura kanina.” Pagdiriwang ni Thea.
“ Thea, hindi ka ba nakonsensya sa ginawa mo kay Anthony? Masyado mong pinahiya yong tao ah?” wika ni Mhay.
“Gwapo e.” halos mawindang ang tatlo sa salitang ito na bintiwan ni Thea.
Ngayon lang nila natagpuan ang kaibigang humanga sa isang lalaki.
“Type mo pala e bakit mo naman ginanon sa harap ng maraming tao?” Pilyang ngiti lang ang tugon ni Thea sa tanong na ito ni Irah.
“oo nga baka maturn Off sa’yo yon?” dugtong ni Carmen.
Mabilis naming nagpaalam si Jhi sa mas nakakataas sa kanila sa canteen upang mag out sa pagduduty. Kasama si Cedie, ay nagtungo sila sa bleacher at doon nahuntahan.
“iyon pala ang kinababaliwan mong babae?” panunukso ni Cedie. Ngumiti na lamang ito at nagwika.
“Maganda ba?”
“Siningaling ako kung sabihin kong hindi. Subalit ewn ko lang kun g mahulog din ang loob nun sa’yo. Mayaman e. saka kung ganyang mukha ang ipapakilalamo sa kanya, ewan ko lang. Bakit baa yaw mong lumabas sa likod ng maskarang iyan? Pag ginawa mo yon, tiyak mabibighani sa’yo lahat ng mga kababaihan ditto sa school.”
“ pero alam mo,namang nag tunay kong itsura ang nagging daan upang masaktan ako sa unang pag-ibig hindi ba?”
Nagkibit balikat lang si Cedie.
Sa headquarterng apat sa ilalim ng malaking punong mangga, ang lasimplehan at katahimikan ng kugar aynhindi mo aakalaing nasa panlasa ng mga ito. Ditto sila nagpapalipas ng oras sa tuwing magkakaroon sila ng pagsusulit. Hanggang sa isang boses ang sumira sa katahimikan nila. Bawat isa ay napatingin sa pinaggalingan ng boses at nagulat sila nang ang nagmamay-ari noon ay ang lalaking ipinihiya ni Thea sa maraming tao.
“Anthony?” Bigkas ni Thea.
“kilala mo pala ako?” Ahmmm….Gusto ko sanang..” hindi naituloy ni Anthony ang
Sasabihin.
“Huwag kang humingi ng paumanhin. Aminado kasalanan ko ang nangyari.” Bawi ni Thea. Nagkatinginan ang tatlo sa naging tugong ito ng kaibigan kay Anthony.
“mukhang mahabahabang usapan yan ah. Thea, maiwan muna namin kayo saglit ha.”
Saka sbay na tumayo ang tatlo at niliisan ang lugar na kinaroroonan ng dalawa.
“Bakit ganoon si Thea kanina? Mukhang tinamaan siya kay Anthony ah.” Pagtataka ni Irah.
“Sinabi mo pa.” pagsang-ayon naman ni Carmen.
Sa mga sumunod na araw, lalo pang sineryoso ni Anthony ang pagpapalipad hangin sa dalaga at tulad ng kaniyang inaasahan ay kumagat din ito sa mga matatamis na salitang kanyang binitiwan.
Sa kanang bahagi ng University Gymnasium ay kakikitaan ng isang hardin na puno ng nagagandahan at makukulay na mga bulaklak. Ang sariwang mga talulot nito ay nagbigay ng magndang replika sa sikat ng araw. Nakakatuwang sundan ng tingin ang mga paru-parong isa- isang dumadapo sa humahalimuyak na mga bulaklak.
Sa gitna ng malaking harding ito ay nakatayo ang isang gusaling kilalang dormitoryo ng mga kababaihan dahil sa pink na kulay nito. Ang matingkad na sikat ng araw mula sa silangan ay tumama sa salaming bintana ng nasabing gusali at ito ang nagpagising sa kanya.
Masayang sinalubong ni Thea ang araw dahil ito ang pinakahihintay niya. Ang araw kung saan ay magiging lubusan ang kasiyahang madarama ni Anthony, ang masugid niyang manliligaw.
ula nang nagging malapit si Thea kay Anthony ay nahalata na ng tatlo ang malaki nitong pagbabago. Hindi na ito pumipili ng taong ngingitian at kung dati ang mga suot nila ang naiiba sa lahat, ngayon ay mapagkikilanlan na sila bilang mga tunay na estudyante. Ito ang nanguna sa grupo na magsuot ng unipormeng pampaaralan.
Simple lamang ang nagging gayak ni Thea sa araw na ito na lalong nagpamalas ng kanyang kagandahan. Matapos maghanda ay tinungo na niya ang silid aralan. Si Bb;. Rafael ang propesor na natunghayan niya sa kanyang pagdating. Nang tuluyang nang makaupo ang bagong dating ay sinimulan na ni Bb. Rafael ang kanyang klase.
Nakasanayan na ng gurong ito na sa pagsisimula ng talakyan ay magbigay ng isang salitang may malalim na kahulugan at tumatawag ng estudyante upang gamitin ang salitang ito sa pangungusap.
“Ok, ang bago nating bukabularyo ngayon ay ang salitang dungo na nangangahulugang torpe” tamang tama ang ibinigay na salitang ito ni Bb. Rafael sapagkat ang araw na ito ay espesyal para sa mga nagmamahal at minamahal.
Nagtaas ng kamay si Cedie para magbigay ng pangungusap at dahil tila siya lamang ang may balak sumagot sa klase ay siya namang tinawag ng propesor.
“Oras na para sa mga dungo na ipagtapat sa kanilang mga iniirog ang kanilang nararamdaman.” Ang pangungusap na binigkas ni Cedie sabay nguso sa katabi. Si Jhi kung saan ay may tinatagong pagtingin kay Thea.
‘”tumpak. Maganda ang iyong pangungusap Cedie subalit meron lamang isang nakapagtatakang bagay, ano kaya ang iyong pinapahiwatig at tila pinatatamaan mo si Jhi sa iyong pangungusap?” pagtataka ni Bb. Rafael sa kanyang sagot.Muling nagtanong ang propesor kung sino pa ang pwedeng gumawa ng pangungusap. nang walang magtaas ng kamay ay tinawag nito si Thea.
Sa lahat ng talakayan, ang mga ganitong tagpo ang ayaw ni Thea dahil para sa kanya ay mga elementaryang studyante lamang ang gumagawa nito.
“Ayoko sa mga lalaking dungo.” Simpleng pangungusap na ginawa niya at para sa kanya ay wala siyang nais na ipahiwatig sa bagay na ito. Dahil ditto ay may namuong kaisipan sa bawat isang naroroon. Ang pagnguso ni Cedie kay Jhi at ang nagging pangungusap ni Thea na nagging dahilan ng tilian sa kanilang klase. Maging ang tatlong kaibigan ni Thea ay pinikilan siya ng tukso.
Napangiti na lamang si Bb. Rafael sa mga pangyayari at ipinagpatuloy na lamang ang mga sumunod na talakayan. Nang matapos sa pagsasalita at pagkunway magpapaalam na sa kanyang klaseay agaw eksena naming nagtungo sa unahan si Jhi at nagwika,
“Nais ko lamang pong patunayan kay Cedie na hindi ako dungo? Sa katunayan ay mamimigay po ako ng bulaklak” sabay hakbang sa kinaroroonan ni Thea ay inlagay sa desk nito ang bulaklak na may kasamang valentine card. lumakas ang hiyaan sa loob ng silid sa tagpong ito. Hindi alam ni Thea ang dapat niyang ikilos. Tila nahihiya siya sa lahat. Hindi rin niya lubos akalain na may paghang din sa kanya ang taong lagi niyang pinipintasan dahil sa malaking balat nito sa mukha. Subalit hindi naman niya maipaliwanag nag nararamdaman kung bakit hindi niya magawang magalit sa kabila ng ginawa ni Jhi. Parang nasiyahan pa siya sa pagtatapat nito.
Lumabas na muna si Thea at nagtungo sa kanilang headquarter. Ditto ay nadatnan niyang naghihintay sa kanya si Anthony Dahil sa ayaw nitong magduda ang binat ay minabuti niyang itapon sa malapit na basurahan ang natanggap nitong bulaklak at card mula kay Jhi.
Tila naknsensya si Jhi sa babaeng hinahangaan kaya naman sinundan niya si Thea para humingi ng dispensa subalit nadismaya siya sa nakita. Magkayakap si Thea at si Anthony at bukod pa ditto, ay nakita niya ang bulaklak at card na binigay sa dalaga.
Grabeng sakit ang idinulot ng tagpong ito kay Jhi. Subalit wala siyang nagawa kundi tanggapin ang katotohanang may iba nang mahal ang dalaga. Ang hindi lamang niya maintindihan ay kung bakit sa kabila ng ginawa ni Thea kay Anthony ay nagawa pa rin ng lalaking ito na ligawan ang babaeng kanyang itinatangi.
Mayamaya ay nakita nitong nagpaalam si Anthony kay Thea. Matapos masigurong malayo na ang binata ay nilapitan niya si Thea.
“Kayo na ba?” Malungkot na tanong ni Jhi at tumango lang ang dalaga.
“Bakit si Anthony? Hindi ba pwedeng ako na lang?” Hindi napigil ni Anthony ang sarili at inilantad na niya ang tunay niyang anyo sa harap ni Thea. Hindi naman makapaniwala ang dalaga sa ginaa ng kaharap. Kung gaano kapangit ang mukha ni Jhi sa likod ng mascara, ay ganoon naman ito kagandang lalaki sa mtunay na anyo. Matangos ang ilong, manipis ang mga labi na may perpektong korte at lalaking lalaki ang dating. Hindi lang “Ui” kundi “Wow”. Titig na titig lang si Thea sa mukha ni Jhi na tila nastarstruck at hindi makapagsalita.
“ Sige, sana balang araw mapagbigyan mo din ako.” Sabay balik ng mascara sa mukha. Bago tuluyang umalis ay muli itong nagwika. “Mag-ingat ka sana sa kanya.”
Hind maintindihan ng dalaga ang pahiwatig na ito ni Jhi.
Pagkaalis ng kausap ay nagtungo na si Thea sa dormitoryo. Walang ibang laman ang kanyang isipan kudi si Jhi. Hindi siya makapaniwala sa nalaman tungkol sa tunay na anyo ng binata. Sa katunayan, ito ang nagpalito sa tunay na nilalaman ng kanyang puso.hindi bulag si Thea para hindi mahalata ang kalungkutang bumabalot sa mukha ni Jhi sa araw araw ng kanilang pagkkita. Hindi niya naman masisisi ang binata subalit bakit sa tuwing nakikita niya ang malungkot na mukha nito ay tila mas dobleng lungkot ang hatid nito sa kanya.
“Pare, bakit ba kase ayaw mong lumabas sa likod ng maskarang iyan. Alam mo, kung sa pagtatapat mo kay Thea ay isinabay mo ang paglantad ng tunay mong pagkatao e di sana ikaw ang sinagot niya hindi si Anthony. At saka hindi ko maintindihan, bakit kailingan mong magpanggap na mahirap ganoong ang totoo’y mayaman ka namang talaga? ” nagtatakang tanong ni cedie sa kaibigan.
“Simple lang, dahil ayaw kong mahalin ako dahil lamang sa mga bagay na iyon.” Maikling paliwanag ni Jhi sa kaibigan.
“saka pinagtapat ko na sa kanya kahapon pero huli na ako dahil bago pa man ay ay sinagot na niya si Anthony.”
“Talaga pare? Anong nagging reaksyon niya?”
“Ewan ko.” Sabay iwan kay Cedie.
Samantala hindi inaasahan ni Jhi na malilipat siya ng pagdudutihan. Mula sa canteen ay ginawa siyang tagapaglinis ng dormitoryo ng mga kababaihan.
Maging si Thea ay nagulat nang datnan nito ang lalaking naglalampaso sa kanyang daraanan. Minabuti ni yang tuluyan na lamang pumasok sa kanyang silid nang hindi man lamang binati si Jhi. Pasado ikasampu ng gabi nang tuluyan nang makatapos si jhi sa paglilinis ng buong gusali. Medyo nasa kalayuan na siya nang maalalang hindi niya pala napatay ang ilaw sa may balkonahe kaya minabuti niyang bumalik sa dormitoryo. Sa pagbukas niya ng pinto ay isang tao ang nakabangga sa kanya at nagulat siya nang mamukhaan ang lalaki.
“Si Anthony?” Pagtataka niyang tanong sa sarili. Sinubukan niya itong lingunin upang makasiguro subalit naglaho nasa dilim ang katawan ng lalaki.
Kinabukasan ay maagang naligo si Thea at sa kanyang pagharap sa salamin ay nakita niya ang isang bagay sa tabi nito. Kahapon pa niya ito unang nakita rito subalit ngayon lamang niya napagtuunan ng pansin. Laking guat niya dahi sa natuklasan. Isa itong video recorder! Subalit bakit nawawala na ang bala nito? Nagtatakang tanong niya sa sarili. Agad siyang nagbihis at tinawagan ang tatlong kaibigan. Maging ang mga ito ay nag-aalala sa maaaring mangyari kay Thea.
Sabay nilang tinungo ang silid aralan subalit sa may lobby ng kanilang gusali ay takang nilapitan nila ang nagtutumpukang mga estudyante. Sa gitna nito ay nakabukas ang isang laptop at gulantang ang mukha ng apat nang makitang ang video ay hindi pangkaraniwan pelikula kundi isang malaswang palabas ng isang babaeng naliligo nang walang saplotsa katawan at laking gulat nila nang ang babaeng bida sa palabas ay walang iba kundi ang kanilang kaibigan. Nagging kalunos-lunos ang mukha ng dalaga na nagging dahilan ng pagkawala ng malay nito. Dinala siya ng tatlo sa klinika. Nakarating Jhi ang buong balita dahil kay Cedie at ang bintang na siya ang pinaghihinalaan ng lahat dahil siya lamang ang tanging lalaking nakakapasok sa dormitoryo ng mga babae. Lumabas siya ditto para linisin ang sarili subalit isang batalyong pulis pala ang naghihintay sa kanya sa labas ng pinto. Nilapitan siya ng isang pulis subalit naunahan siya ng takot kahit alam niya sa sariling inosente siya sa mga pangyayari. Tumakbo siya papalayo sa mga ito at nang hindi na siya matantiya ng mga pulis ayn sampung putok ng baril ang pumailanlang sa ere na gumising sa walang malay na si Thea. Walang anu-ano’y pilit itong bumangon at tinungo ang pinanggalingan ng putok ng baril. Nakita niya ang duguang katawan ni Jhi sa lupa.
“Bakit ninyo siya binaril? Hindi siya!!!”
Lumingon si Thea sa paligid at nang makita ang mukha ng nobyo, maaliwalas ang mukhang nakatitig lamang sa kanya at nakangisi. Tila nasisiyahn pa ito sa mga pangyayari sa paligid. Mayamaya pa ay mayroong isang estudyante na mabilis na tumatakbo, nagmamadali at kakikitaan ng pangamba dahil sa nagkulay suka nitong mukha. Walang anu-anoy nabangga niya si Anthony na naglantad sa katotohanan. Tumilapon ang bag ng binata at mula roon ay hindi nakaligtas sa mga mata ni Thea ang isang kulay itim na bagay, may kaliitan subalit ito ang tunay na pakay sana ng mga pulis sa paghabol kay Jhi. Pero ang pagtakbo nito una pa lang ang tila hudyat sa mga ito na may kinalaman nga si Jhi sa mga pangyayari. Naguumapaw sa galit ang puso ni Thea. Dagli nitong hinugot ang baril sa katabing pulis at ipinitok it okay Anthony. Hindi na napigilan ng mga pulis si Thea dahil sa bilis ng mga pangyayari.
Unti-unting bumagsak ang katawan ni Anthony sa lupa.
Hawak ang baril na nilapitan ni Thea ang duguang katawan ni Jhi. Inalis niya ang mascara nito at buong pagmamahal na pinagmasdan ang mukha ng binata pagkatapos ay bumuhos ang isang napakalakas na ulan. Umupo ito sa tabi ng binata. Mayamaya pa’y sabay-sabay na sigaw ng tatlo ang sumira sa katahimikan ng lahat.
“Huwag!!!”
Pagkatapos ay isang putok na naman ng baril ang tila makapigil hiningang gumulantang sa bawat isang naroon. Bumaha ang lungkot at luha sa buong campus bago tuluyang hawiin ng araw ang makakapal at maitim na mga ulap sa kalangitan.
Ito ang bumuo sa pagkatao ng inosenteng si Thea. Bagaman sunod ang lahat ng gusto, nanatili ang pagpapahalaga niya sa dangal subalit tunay na makapangyarihan ang pag-ibig. Madali nitong nanakaw kay Thea ang pagiging inosente dahil sa pagpatay niya sa nobyo at maging sa sarili nito, tama man sa mata ng ibang tao, nanatiling makasalanan pa rin sa mata ng Diyos.
Sunday, March 7, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
This comment has been removed by a blog administrator.
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeletekung titingnan ang kwento, hindi maganda ang naging wakas kasi tragic. pero kung titingnan mo ang estilo ng pagsulat, mahusay..kasi gumamit siya ng flashback. :D
ReplyDelete♦Shula♦
para skin, d mganda ang nging ending kz tragic.. pe0h, aux man ang pagkkxuLat ng gnwa nia .. may future .. hahahah .... un Lng p0h .. :)
ReplyDelete