hello..

hello guys..

Friday, March 19, 2010

Friend or Foe

Mark Angelo N. Lamsen
BSIT


Isang ordinaryong araw para sa isang lalakeng nagngangalang Joseph. Simple lang ang kanyang buhay bilang isang college student. Isa syang Computer Science student at talagang nagpupursigi sa kanyang pag-aaral. Pero nung akala niyang ganun nalang ang kanyang buhay bilang isang tao… un ang hindi niya inaasahang mangyari sa kanya… isang extraordinaryong bagay ang dadating sa kanya.
Noong June 11 , 2012, 11:30 ng gabi, tulog na ang lahat ng tao sa bahay nina Joshua ng may tumamang umaapoy na bagay sa kanilang bakuran. Nagkataon naman na gising pa si Joshua . Lumapit siya sa bagay na tumama sa kanilang bakuran. Nagulat siya dahil may babaeng lumabas doon at bigla niayng nasabi na “ ano toh ? “ Nagpunas siya ng kanyang mata akala niya ay namamalikmata lamang siya. Lumiwanag bigla, nasilaw si Joseph at hindi niya alam kung ano oang nangyari nung nasilaw siya. Namalayan na lng nya ay nakatulog pala siya nung kinaumagahan.
“Anak umaga na gumising ka na dyan may pasok ka pa” sabi ng nanay ni Joseph.
“Ang sakit ng ulo ko ah! Tsk tsk tsk.. ano nga bang nangyari sakin kagabi?
“Hindi ko alam anak, hay bilisan mo na nga at malalate ka na sa pagpasok.”
“Opo nay.” At pumasok na siya.
Tuwang-tuwa si sya kasi naman gagraduate na rin siya sa wakas. Maya maya lamang ay bigla siyang nahilo nung naglalakad sya papuntang paaralan.

“uh !ano to? Bigla akong nahilo.”

Bigla na lang siyang nahimatay dahil doon. Pagkagising niya bigla niyang namalayan na ….. “ teka bakit ganito ang paligid?” tumigil ang lahat, napaupo siya sa isang tabi. Napaisip siya bakit ganito ang nangyayari at kung paano ito maibabalik sa dati nitong kaanyuan. Biglang may ngpakitang isang misteryosong babae. Nagtaka si Joseph kung bakit nakakagalaw silang dalawa sa lugar na iyon habang ang lahat ay tumigil na lamang.
Sabi ng babae sa kanya..
“ Wag kang magulat ,sa mga nangyayari sa atin ngayon “
“ teka bakit nga ba ganito ang lahat sa ating paligid?” sabi ni Joseph
“ ipapaliwanag ko sayo ang lahat para maliwanagan ka sa mga nangyayri”
“ Makinig ka, una sa lahat magpapakilala muna ako. Lucy nga pala ang pangalan ko. Pinadala ako ditto sa inyong daigdig para sa isang mahalagang misyon. Yun ay ang maibigay ang isang kapangyarihan na namana ko pa sa aking mga ninuno.
“Hah?” sabi ni Joseph. “ Hindi kita maintindihan.”
“Makinig ka muna kasi. Hindi basta ung nakita mo kagabi. Isang space ship yung nakita mo kagabi. Galing pa ako sa labas ng Milky Way at ditto na nga ang aking destinasyon. Ikaw nga ang napili para magamit iyang kapangyarihan na iyan. Hindi yan ordinary kasi meron kang kapangyarihan na patigilin ang oras at ang lahat ng bagay kung iisipin mo lang mabuti na kaya mo itong gawin.
“ Eh paano kung ayoko nga na gamitin tong kapangyarihan na ito?”
“Walang mawawala kung hindi mo ito gagamitin pero tandaan mo na sayo nakasasalalay ang pagkontrol sa panahon at oras. Meron ka pa nga palang isang mahalagang kapangyarihan. UN ay ang malaman mo agad ang hinaharap. Dapat mong ialagay sa isip mo na hindi na ordinary ang buahy mo bilang isang tao dito sa mundong iyong ginagalawan. Maaaring maraming panganib na dumating sa iyo pero kailangan mo itong lampas an sa pamamagitan ng iyong kakayahan.
Dapat mong ilagay din sa isip mo na wala kang maisip na kasamaan, o galit sa puso mo dahil hindo mo talaga itong magagamit ng ayos. Bagkus maari ka pang mapahamak. Pero un lang ang tandaan mo. Kalinisan lamang sa puso ang kailangan mo.
Sige aalis na ako ditto sa mundo mo. Kailangan ko nang umalis. Babalik na ako sa aking planeta. Hanggang sa muli. Paalam na muna sa ngayon.” Bigalang nawala si Lucy. Bumalik na din sa normal ang lahat ng bagay. Gumagalaw na ang lahat. Habang sila lang dalawa ni Lucy ang nakakaalam sa mga nangyari sa kanila. Umuwi na siya pagkatapos nang nangyari. Sa paguwi niya, nalaman niya kung ano ang nakalagahan ng kaniyang kakayahan na ibinigay sa kaniya. Habang nung kinagabihan, nakatulala si Joseph sa kalangitan nung gabi habang ngmumuni-muni siya sa mga nangyari. Hindi niya talaga akalain na magiging ganun na ang kanyang buhay simula ngayon.
Normal naman ang mga pangyayari nitong mga nakaraang araw. Nakita ni Joseph ang kayang girlfriend na si Zarah. Miss na miss nila ang isa’t isa. Matagal din kasi silang hindi nagkikita at nagkakausap. Sinabi ni Joseph na meron siayng kakaibang abilidad na wala sa ibang tao.
“Zarah, may sasabihin ako sa iyo, importante ito kailangan mong malaman”, sabi ni Joseph
“ Oh anu un Jeff?”
“meron kasi akong kakaibang abilidad.”
Pinakita ni Joseph ang pagtigil ng mga bagay sa paligid niya pero hindi nito naapektuhan si Zarah. Kinabukasan, may lakad silang dalawa ni Zarah. Gumala sila sa mall, kumain sa restaurant at tumambay sa park. Nakahiga silang dalawa sa damuhan , nakatulog si Zarah sa pagod nilang dalawa. Sinubukan ulit ni Joseph na paganahin ang kakayahan niyang makita ang hinaharap. Dalawang oras matapos ang pagpapahinga nila sa parke ay nakatulog si Joseph. Hindi niya namalayang nawawala na si Zarah. Nang pumunta siya sa kaibigan niya, nalaman ni Joseph na hinostage nga si Zarah ng kahina-hinalang mga lalake. Sobrang nag-aalala na siya. Dahil dito ginamit niya ulit ang pag-alam sa hinaharap. Nakagapos si Zarah sa wheelchair na may nakakabit na timed bomb. Makaraan ang ilang saglit ay sumabog ang bomba at napasigaw na lamang ng malakas si Joseph sa nakita niya.
Matapos niyang malaman ang mga nangyari, kumilos agad siya para matukalasan kung saan itinatago si Zarah. Nagpatulong siya sa mga kaibigan nita, pero hindi niya makita kung nasaan ang kabigan niyang si Kenny( ang kababata ni Joseph at Zarah ). Wala ito kung kelan kailangan niya ang tulong upang mahanap si Zarah. Karaan ang isa’t kalahating oras ay natagpuan na nila kung nasaan itinatago si Zarah. Nasa loob siya ng isang factory. Totoo ang mga nakita niya sa kaniyang prediction. May sumulpot na tao mula sa likod ni Zarah. Laking gulat ni Joseph na ang lalakeng iyon ay si Kenny ang kanyang kababata at matalik na kaibigan.
“ ano to Kenny? Ikaw nga ba ang may kagagawan ng lahat ng ito?”
“ Oo Joseph, ako nga”
“ nakapakasama mo Kenny, akala ko magkaibigan tayong dalawa?!”
“ nagawa ko ito dahil ingaw mo sakin si Zarah!! Noon pa may siya na ang minamahal ko pero anong ginawa mo? Inagaw mo din siya sa akin”
Nagawa ito ni Kenny dahil noong bata pa sila nina Zarah at Joseph ay talagang iniibig na ni Kenny si Zarah. Dumating ang panahon na kailangang tumungo ng pamilya ni Kenny sa Amerika upang doon muna manirahan at magaral. Ngunit pagdating niya ay sila na palang dalawa ni Joseph at Zarah.
Sa hindi inaasahan pagkakataon, bago pa sila mgkita ni Joseph, nagkita nap ala sila Lucy at Kenny at binigyan din siya ng kakaibang abilidiad. Hindi alam ni Joseph na isa rin si Kenny sa mga napili upang humawak ng kapangyarihan. Ang kapangyarihan na iyon ay ang basahin ang isipan na iba.
Ginamit na muli ni Joseph ang kaniyang kapangyarihan na na magpatigil ng oras. Nanatiling huminto ito, samantalang bigla siyang nagulat. Dahi may nagsalita sa kaniyang isipan. Pamilyar ang boses na iyon. Nalaman ni Joseph na si Kenny ang ngsasalitang iyon. Nakipaglaban si Kenny kay Josep subalit hindi pa niya gamay ang kaniyang kapangyarihan na iyon. Madaming natamong pasa at sugat silang dalawa pero nanalo pa rin si Joseph. Nailigtas niya si Zarah sa mga bombang nakagapos sa kaniya.
Napagod bigla si Joseph sa pagkontrol ng oras. Nakaalis silang dalawa nang ligtas mula sa pagkakahotage ni Zarah kay Kenny. Nakatayo si Kenny sa pagkakatumba at hinabol sina Joseph. Napaghinuha niya na ang kasakiman niya ay sobra at bakit na humantong pa sa ganito.
Sabi ni Kenny “ alam kong ginwa ko ang hindi dapat upang makuha ko lang si Zarah sayo. Joseph patawarin mo sana ako sa ginawa ko. Mahal ko kasi si Zarah at nabigla lang ako sa aking nagawa, sana ay magkaibigan pa rin tayo sa lahat nang nagyari at mga nagawa ko. Saka napagtanto ko na ikaw na talga ang pinili ni Zarah upang mahalin. Sana ay maging Masaya kayo . hindi na ako magiging hadlang sa iyong pagiibigan.”
Napatawad ni Joseph si Kenny kahit ganun na lang ang kaniyang ginawa. Matalik pa rin silang mgkaibigan. Makaraan ang ilang taon ay bumalik su Lucy sa daigdig. Kinausap niyang muli ang dalawa. Sa malaman ninyong dalawa kung anong kahalagahan ng kapangyarihan na naibigay ko sa inyo. Tapang , lakas ng loob ang naipakita nyo sa akin. At ito pa ang pinakamahalaga sa lahat, ang pagpapatawad. Sinubok kayo ng kapangyarihang naibigay ko sa inyo. Dapat ninyo itong pahalagahan at ingatan. Gamitin nyo ito sa wastong paraan. Hangad ko ang kapayapaan nyo dito sa mundo.”
Umalis na si Lucy. Nagging mapayapa na ang lahat pati na rin ang buhay nilang tatlo sa mundo. Napatunayan nila na ang pagtitiwala sa isa’t isa ay mahalaga. Isa itong napakahalagang aral para sa kanila. Paghingi sa isang tao ng tawad sa iyonh kasalanan ay ang isa sa pinakamahalagang parte para maibalik niya sa iyo ang kaniyang tiwala.

No comments:

Post a Comment