“Only Hope”
By Eanna Jean P. Luna
By Eanna Jean P. Luna
CHAPTER 1
Binuksan ni Selene ang bintana ng kotseng sinasakyan. Dumungaw siya at pinagmasdan ang mga sunflower na nakatingala sa araw. Animo’y ipinagmamalaki ng mga ito ang angking kagandahan. “Ang ganda..,” mahinang sambit niya. Mayamaya pa’y naramdaman na naman niya ang mainit na luhang dumaloy sa makinis niyang pisngi. Hay iiyak ka na naman ba? Hindi ka pa ba napapagod? sabi ng boses sa kanyang isipan. But she can’t help it. Iyon lang ang paraan para mabawasan ang sakit na iniinda niya. That was the only way to lighten her head and her heart from the truth. She has leukemia, a chronic one, kaya di pa ito gaanong malala. Still, she feels like a month near to death. Sino nga ba kasi ang mag-aakala na ang bubbly at careless na dating playgirl ay may nakamamatay na sakit? She could still recall every second of the moment when she found out that she’s ill........ Tumama sa pader ang vase na ibinato ni Selene. Pangalawa na iyon sa mga nabasag dahil sa pagwawala niya habang walang humpay sa pagiyak. “Selene tama na please!” sambit ng malambing niyang ina. “You don’t understand ma! I’m going to die. Alam nyo ba kung ano ang nararamdaman ko? puno ng hinanakit na sabi niya. “ I—I’m still young. Ang dami ko pang pangarap....,” pabagsak siyang umupo sa sahig, “gusto ko pang makatapos sa music school. Gusto ko pang tuparin ang pangarap ni ate Sandra. Paano na yung piano concert? Paano na ‘ko mama? Paano na ang pangako kay ate?” patuloy sa pa rin sa pag-iyak na wika niya. She looks like a child crying for a ruined porcelain doll. Lumapit ang Mama Stella niya upang kalmahin siya. “Sel pwede ka pa namang gumaling. We’ll engage with a therapy para mapigilan ang pagdami ng mga cancer cells mo o kaya ay bone marrow transplant,” wika ng mama niya habang pinapahid ang luha sa magkabila niyang pisngi. “Pero hindi naman sigurado na mabubuhay nga ako. Paano kung, kung--,” “Hija, huwag kang magsalita ng ganyan. Alam mo namang hindi ka naming pababayaan ng daddy mo. Wala na ang ate Sandra mo at hindi ako papayag na mawalan ulit ng isang anak,” patuloy ng kanyang mama. “Oh mom! I’m sorry but I really feel so confused. I don’t know what to do?” humuhulas na ang kanyang mga luha. “I can see it hija. Kaya nga kahit na gustong-gusto ka naming ipagamot ay nasa iyo pa rin ang desisyon Sel, but please be strong. You know that we love you the most,” mapayapang sabi ng kanyang mama. “I need more time,” tuluyan na siyang tumigil sa pagiyak. Her mother has the ability of calming people’s stormed hearts, lalo na ang sa kanya. “Iyon nga rin ang naisip ko. Would you like to take a vacation?” tanong nito. “Opo. Gusto ko po sanang bumalik sa lugar kung saan kami lumaki ni ate Sandra.” “Sige tatawagan ko na ang lola Mildred mo,” nakangiting wika ng kanyang ina. Ring....Ring.... Nagulat pa si Selene nang tumunog ang kanyang cellphone na nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. Isinara muna niya ang bintana ng sasakyan bago sagutin ang tumatawag. Her father’s name registered on the screen. “Hello dad? Napatawag ka?” tanong niya sa pinasayang tinig. “Gusto ko lang kamustahin ang baby ko,” paglalambing nito. Napangiti siya sa sinabi nito. “I’m fine dad. Malapit na kami sa hacienda. I’m sure lola will be thrilled to see me,” sambit niya. “Oo sigurado iyon hija. Matagal ka nang gustong makita ulit ni mama,” pag-sangayon ng kanyang Daddy Ben. “Mag-ingat ka dyan ha? Pag-isipan mo nang mabuti ang lahat,” tumikhim ito sandali. “And of course don’t forget to have a great time.” “Okay dad, don’t worry too much about me,” sagot niya. “I know, I know. Dalaga na talaga ang baby ko. Bye Selene, I love you!” “I love you too dad,” ibanaba na niya ang telepono.
CHAPTER 2
Bumukas ang malaking gate kasabay ng pagpasok ng kotse sa maluwang na bakuran ng Hacienda Milan. Matatayog ang puno ng Bunga de Jolo na nkahilera sa gilid ng driveway ng hacienda. Marami ring puno ng mangga at narra na lumililim sa maluwang na pag-aari ng kanyang lola na siyang nagbibigay ng napakapreskong hangin doon. Hindi siya makapaniwala na ngayon lamang niya naisip na bumalik sa paraisong iyon. “Miss Selene, maaari na po kayong bumaba,” wika ni Mang Cesar na siyang naghatid sa kanya roon. “Huh?” nagulat pang tanong niya, lumilipad na naman kasi ang kanyang isip. “Ah—salamat po mang cesar!” bumaba na siya ng sasakyan at naglakad patungo sa pinto ng mansiyon. Sumunod naman sa kanya si Mang Cesar bitbit and dalawang maleta ng gamit niya. Nakakailang hakbang pa lamang si Selene nang bumukas ang malaking pinto ng bahay. Lumabas mula roon ang isang matandang babae. Iyon ang kanyang lola, na kahit matanda na ay mababakas pa rin ang kagandahan na taglay noong kabataan nito. Her hair has shades of gray but is perfectly styled for people to think that she’s a real rich woman. Though for Selene, Donya Mildred the simplest woman that she’s ever met in her entire life. Naka-plain blue duster lang ito ngayon. Malapad ang ngiti na lumapit ito sa kanya at mahigpit na yumakap. Gumanti naman siya ng mas mahigpit pa. “Oh hija I’ve really missed you! Where have you been all these years?” exaggerated na tanong nito. “Na-miss ko din po kayo lola,” naluluha namang sambit niya. “Ang ganda ganda pa rin po dito at syempre kayo din po!” wika niya habang minamasdan ang muka ng kanyang lola. “Naku ikaw talagang bata ka!” sabay silang naglakad papasok ng bahay. “Lalo kang gumanda ngayon Sel, sigurado ay napakarami mong manliligaw?” kinurot pa siya nito sa gilid ng baywang. “Aray naman lola!” napapatawang sagot niya. Ang totoo ay marami talaga siyang manliligaw at marami sa mga iyon ang nasagot na niya kahit ‘di naman niya mahal ang mga ito. Samantalang ang mga ito naman ay labis-labis ang pagtingin sa kanya. Kaya nga nasasaktan talaga ang mga ito sa tuwing makikipaghiwalay siya nang walang sapat na dahilan. Para ito kay ate Sandra! Iyon ang madalas niyang sabihin sa sarili sa tuwing makokonsensya sa ginagawang pananakit sa damdamin ng karelasyon. Ngunit dahil nga mahal talaga siya ng mga ito ay hinahayaan na lamang siya sa anumang magustuhan niya. Paano nga ba siya humantong sa pagiging anghel na tila walang malasakit? Namatay kasi ang nakatatanda niyang kapatid nang dahil sa nobyo nitong si Raul. Winakasan nito ang sariling buhay nang masaksihan ang pagtataksil ng pinakamamahal. Marahil ay hindi nito kinaya ang sakit na naramdaman lalo pa’t nakatakda nang ikasal ang mga ito. Lumaki sila na malapit isa’t-isa kaya naman labis niyang dinamdam ang pagkamatay ng pinakamamahal at tinitingalang kapatid. Nasanay siya na kasama ito sa lahat ng pupuntahan at kaagapay sa lahat ng gagawin. Hindi siya nagdedesisyon noon nang hindi muna kinukunsulta ang kanyang ate Sandra. Losing her was the darkest moment of her teenage years at walang sinuman ang makapagpuno ng kakulangang iyon noon. Habang tumatagal ay lalo niyang nararamdaman ang pangungulila at ang sakit hanggang sa ito ay mauwi sa galit at pagkamuhi sa lalaking may kasalanan ng lahat. Tumanim sa isip niya ang pasakit na dinanas ng kapatid mula kay Raul. Hindi man lamang ito nagpakita sa burol ng kapatid niya. Sabagay ay mas mabuti na nga iyon dahil siguradong hindi niya ito palalabasin ng buhay. Dahil sa galit na naramdaman ay ipinangako niya sa puntod ni Sandra na hindi siya kailanman magtitiwala sa mga lalaki at maghihiganti siya sa pananakit ng mga ito. Ipagpapatuloy din niya ang pangarap nitong magkaroon ng sariling concert na siya rin namang pangarap niya mula noong mga bata pa sila. Hindi naman siya nahirapan sa planong paghihiganti dahil ang mga lalaki na mismo ang lumalapit sa kanya. Marami ang naaakit sa maalon at itiman niyang buhok na lumalampas lamang ng kaunti mula sa kanyang balikat. Her face is so angelic. Deep hazelnut brown eyes with thick lashes. Maganda ang kanyang ilong at perfect shape ang kanyang mga labi. In short she looks perfect, her body is perfect. She’s just too beautiful that every man found her irresistable. Nobody says ‘no’ to Selene Maniego…. alam iyon ng lahat. Her most perfect feature is her smile, so miraculous, charming and overwhelming. Nagliliwanag ang lahat sa oras na ngumiti siya. Siyempre hindi lang siya maganda kundi matalino rin. She’s so gay and friendly that almost everybody loves her, though of course some girls envy her perfection. Kaya naman hindi nga nakaligtas sa karisma niya ang mga naging nobyo. She used her sweet venom to tame and then break those men’s hearts. Pero noon iyon. Noong puno pa ng pait at paghihiganti ang kanyang puso. Narealize na niya ang mga pagkakamali niya. Hindi nga naman tama na siya ang humatol sa pagkakamali ng iba at hindi rin tamang idamay niya ang lahat sa pagkakamali ng iisa. Pinagsisisihan na niya ang mga ginawa lalo pa ngayong may malubha siyang karamdaman. I was being punished! madalas na bulong niya sa sarili nitong mga nakaraang araw. Kailan ko kaya siya makikitang muli? binabagabag na rin siya sa isiping mamatay siya ng hindi muling nakakasama ang lalaking pinaglaanan ng puso mula pa ng mga bata sila. Talaga bang nakalimutan mo na ako Raprap? “YOU’RE imposible mom!” sigaw ni Rafael sa kausap sa telepono. “Paano ako magbabakasyon kina Donya Mildred kung nandoon ang apo niya?” “Hijo calm down. May guest house naman sina ninang, doon ka na lang tumuloy. Nakakahiya naman kung muli nating tatanggihan si Donya Mildred. Alam mo namang hindi kami makakapunta ng Daddy mo kaya ikaw na sana ang umintindi,” tumigil ito sandali na tila nag-iisip pa ng sasabihin. ”Donya Mildred was the bestfriend of your grandmother at ayaw ng Daddy mo na mawala ang magandang ugnayan natin sa pamilya nila. They are one of the good persons on this planet,” patuloy na pagpapaliwanag ni Rodora Montiola sa anak. “Except that Selene!” he said mockingly. “Selene was your childhood friend. Ni hindi nga kayo mapaghiwalay noong araw,” may pagbibirong sabi ni Rodora. “That was long ago. Kilalang-kilala ang babaeng yon sa pagiging player. Some of her victims were my friends. She’s cruel and annoyingly self-contained. Her kind is far from ‘good persons on this planet’ description,” patuloy na panunuya nito. “She’s just a playful young heart. Alam mo namang namatay ang kapatid niya and she was badly wounded back then. Nagbago na siya hijo!,” pagtatanggol nito. “Allright I’ll go if you’ll stop defending her,” naiinis na sabi niya.
CHAPTER 3
Limang araw na si Selene sa lugar na iyon pero hindi pa rin siya nakakapagdesisyon. Madalas lang lang siyang nasa silid at nagko-compose ng piece na hindi rin naman niya natatapos, puro simula lang siya. Hindi pa rin niya maiwasan ang mapaiyak sa tuwing maaalala ang karamdaman. Hindi pa rin niya nasasabi sa kanyang Lola Mildred ang sitwasyon dahil nag-aalala siya sa magiging reaksyon nito. Isa pa, naging abala ang kanyang lola nitong nakaraang dalawang araw dahil may bisita raw na dumating at tumuloy sa guest house nila. Ilang metro rin ang layo noon mula sa mansyon. Maaari namang lakarin ngunit kadalasang sumasakay ng kabayo ang pumupunta roon. Medyo naiinis siya dahil inilipat pala doon ang piano ng ate Sandra niya. Madalas daw kasing nalulungkot ang lola niya sa tuwing makikita ang intrumentong iyon na nagpapa-alala dito tungkol sa kanyang kapatid. Hindi man lang tuloy siya makatugtog. Teka, pwede naman siyang pumunta sa guest house kung gugustuhin niya hindi ba? “Allright! Pupunta ako don’ bukas ng umaga,” excited na bulong niya sa sarili. MAAGANG bumangon si Selene para maaga rin siyang makarating sa pupuntahan. Wala kasi siyang balak na sumakay ng kabayo papunta roon. Marunong naman siya ngunit pinili na lamang niyang maglakad para makapamasyal naman. Isa pa, napagdesisyunan niya na mula ngayon ay gagawin na niya ang mga simpleng bagay na ‘di niya madalas ginagawa noon, tulad nga ng paglalakad. Ipinangako rin niya na gagawin ang anumang gustuhin nang walang pagaalinlangan. Free like a bird. Bumaba na siya upang mag-almusal kasama ang kanyang lola. Nagulat pa ito nang makita ang ayos niya. Hindi ito sanay sa suot niya, madalas kasi siyang naka-jeans. Pero ngayon ay naka-black baloon skirt siya na lampas tuhod ang haba samantalang white long sleeve fitted blouse naman ang kanyang pang-itaas. Pinartneran niya ito ng flat sandals na itinatali sa paa para hindi siya mahirapan sa paglalakad. Magsusuot din siya ng wide-brimmed hat para hindi masyadong mainit kung abutan man siya ng mataas na araw. Simple na iyon para sa kanya but she still looks so beautiful. “Hija what are-- where--,” di malaman ng matanda kung ano ang unang itatanong. Napatawa ng mahina si Selene, “Lola pupunta po sana ako sa guest house ngayon. Namimiss ko na po kasi ang piano ni ate Sandra,” may ngiting wika niya. Sandaling natigilan ito pagkarinig sa pangalan ng kanyang ate. “Ngayon ba kamo? May bisita ako doon ngayon Selene,” agad din naman itong nakabawi. “Alam ko po, pero huwag kayong mag-alala tutugtog lang naman ako. Hindi naman po siguro siya maaabala ng sobra. Sandali lang po ako doon,” magalang na pakiusap niya. Saglit itong nag-isip. “O sige. Be nice to him ok? He’s a close family friend,” paalala ng matanda. Lalaki pala ang bisita ni lola, anang isip ni Selene. LUMAKAD na si Selene matapos kuamin. Nagpaalam din siyang maglalakad na lang papuntang guest house na tila ikinagulat na naman ng kanyang lola ngunit pumayag din sa huli. Nag-eenjoy siya sa kanyang paglalakad. Sariwa ang hangin at malilim ang daan. Para siyang bumalik sa pagkabata dahil padakadaka siyang tumatakbo na halatang sabik marating ang nais puntahan. Ngunit ilang sandali pa lang ang nakalilipas ay muli siyang nalungkot nang makaramdam ng pagod. Kinailangan pa niyang umupo sa malapad na batong nakita upang makabawi ng lakas. Hindi naman siya ganoon kahina dati kaya naisip kaagad niyang dahilan ang karamdaman sa kasalukuyang panghihina. Napansin na rin niya ang pamamayat ng sariling katawan. Ipinagpapasalamat niyang hindi pa iyon napapansin ng kanyang Lola Mildred dahil siguradong mag-aalala iyon ng lubos. Muli siyang napaluha. Paano ko ito sasabihin kay lola? Matapos ang mahigit kumulang trenta minutos na paglalakad ay narating na rin ni Selene ang guest house. It is a two-storey building that is built on expensive wood. Namangha siya sa mga magagandang bulaklak na nkatanim sa maluwag na bakuran. Her grandmother really loves flowers. Pinihit niya ang seradura ng pinto at nalamang hindi nakakandado iyon. Walang ingat ang bisita ni lola. Nagdala pa naman ako ng susi, anang isip ni Selene. Dumiretso na siya sa loob. Pati ang mag gamit ay yari din sa kahoy. The furnitures were a bit sparse but look elegant. Ayaw din kasi ng lola niya ang sobrang daming gamit. Very comfortable ang ambiance ng bahay kaya bagay talaga itong pagbaskayunan. Tulog pa ang bisita dahil ‘di pa niya ito nakikitang lumalabas. Minabuti niyang tuluyan nang pumasok sa loob at agad naman niyang nakita ang hinahanap. Tatakbo siyang lumapit sa grand piano at dinama ang makinis nitong lid. She removed her hat and sat on the wooden chair decorated with a colorful tapestry. To her excitement, she started to play a piece entitled ‘Waltz of Flowers’. It sounds so good and relaxing but she cannot deny the pain in every key stroke. Tumigil siya sa kalagitnaan ng piyesa, muling umagos ang masaganang luha mula sa kanyang mga mata.
CHAPTER 4
So peaceful but sad. Relaxing yet depressing. Where is that sound coming from? Wait it stopped. Naalimpungatan si Rafael sa mahimbing na pagkakatulog. It’s just a dream, bulong niya sa sarili. Tuluyan na siyang nagising at bumangon upang magsipilyo. May narinig siyang kakaiba pagkalabas ng banyo. He think he heard somebody weeping. A woman. He hurriedly wears his robe and stormed out of his room. Lalo pang lumakas ang kanina’y mahinang pag-iyak paglabas niya. “WHO are you and what are you doing here?” Naalarma si Selene sa narinig na baritonong boses ng lalaking nagtatanong. Agad niyang pinahid ang mga luha at pinigil na ang sarili sa pagiyak. “Answer me! Who are you and what--” “I heard you the first time Mister,” putol ni Selene sa pag-uulit ng lalaki. Medyo nairita siya sa tono ng pananalita nito, agad siyang tumayo at humarap dito. “I’m Selene Maniego, pasensya na kung naabala ko ang pagtulog mo,” itinago niya ang bahagyang pagkagulat sa itsura nito. He was tall and dark with a rugged handsomeness. His grey eyes are narrowed and intent. Parang matutunaw siya sa intimidatinhg na titig nito. “Ah—well it’s nice to see you again Sel,” sagot ng lalaki. “Again?” nagtatakang tanong niya. “Ang dali mo talagang makalimot pagdating sa lalaki,” may panunuyang saad nito. “What are you--” saglit na natigilan sa Selene. Naaalala na niya kung sino ang kaharap. Paano niya nga ba makakalimutan ang pangalawa sa pinakaimportanteng lalaki sa buhay niya sunod sa kanyang ama? Ang pinakamatalik niyang kaibigan noong mga bata pa sila. Ang batang pinangarap niyang mapang-asawa pagdating ng araw. “Raprap ikaw ba yan? Ikaw nga!” mabilis siyang lumapit dito at yumakap. “Yes it’s me and please call me Rafael,” malamig ang tinig na saad nito. Tila nagulat sa ginawa niyang pagyakap dito. Hindi ito gumanti ng yakap sa kanya. “Yeah I’m sorry,” maging siya ay nabigla rin sa sariling kilos kaya mabilis ding bumitiw mula sa pagkakayakap sa binata. Hindi rin nakalampas sa kanya ang malamig na pakikitungo nito kaya lumayo siya ng ilang hakbang. “Ikaw ba yung tumutugtog kanina?” putol ng lalaki sa namuong katahimikan. “Oo ako nga. Pasensya na ulit sa istorbo. Inilipat kasi dito yung piano kaya kinailangan ko pang pumunta rito,” paliwanag niya. Bakit ba parang nanliit siya sa harap nito? “It’s ok. I have no right to get mad in the first place. Bahay ito ng lola mo,” pormal na sagot nito. “But you’re a guest so--” napigil niya ang nais sabihin nang makita ang reaksyon sa muka ng lalaki. Parang ayaw siyang makausap nito, “I have to go,” sabi na lang niya. She turned back to get her hat and prepared to leave. Tumigil siya sa harap nito upang pormal na magpaalam, “Bye Rafael!” may ngiting wika niya. Agad na tumulo ang luha niya paglabas ng pinto ng guesthouse. Nasaktan siya sa malamig na pakikitungo sa kanya ng kababata. Bakit siya ganon? Naguguluhang tanong niya sa sarili. Mabilis na niyang pinahid ang mga luha at nagpatuloy sa paglalakad. Stop crying Selene! Masyado na siyang nagiging sensitibo nitong mga nakaraang araw. Hay! Ikatlong beses na iyon ng pagbuntong hininga ni Rafael. Hindi niya inaasahang makikita pala niya ng babaeng ayaw niyang makita, pagkagising pa lang sa umaga. Ayaw mo nga ba? Sigaw ng isang parte ng kanyang isipan. Inaamin niyang kinabahan siya nang muling makita ang malaanghel na muka ng dalaga, lalo pa ng niyakap siya nito. Nagulat siya sa sariling reaksyon. Imposible naman na hanggang ngayon ay may pagtingan pa rin siya sa kababata. Magmula nang lumipad ang pamilya nila papuntang France noong fourth year high school siya ay nawalan na sila ng komunikasyon nito. Nalaman na lamang niyang namatay ang kapatid nitong si Sandra at labis siyang nalungkot para dito, wala siya doon upang madamayan ito. Pero hindi pala siya dapat malungkot dahil tila hindi naman ito gaanong naapektuhan ng pangyayaring iyon. Marami siyang nabalitaan tungkol dito na talaga namang nagpasama ng kanyang loob. Kaya pala wala itong panahong kamustahin siya sapagkat abala ito sa pagpapalit ng mga nobyo. Hindi niya matanggap na agad siyang nakalimutan nito matapos ang lahat ng pinagsamahan nila. Mula noon ay pinilit niyang kalimutan ang kaibigang lihim na minamahal. May isa pang bumabagabag sa kanyang isipan. Bakit kaya siya umiiyak? Tanong niya sa sarili. MABIGAT ang pakiramdam ni Selene nang makarating na sa mansiyon. Sumasakit ang kanyang ulo at nilalamig na rin ang kanyang katawan. Not another effect of this forsaken illness, angal ng isipan niya. Agad siyang umakyat ng kwarto upang magpahinga. Hindi na niya kayang kumain pa ng tanghalian. Matapos ang ilang sandali ay pinuntahan siya ng kanyang lola upang kamustahin ang kanyang kalagayan. Agad siyang niyakap nito pagkapasok pa lang ng silid, gumanti din naman siya ng yakap kahit bahagyang nagulat. “Oh hija! Bakit hindi mo kaagad sinabi sakin ang tungkol dito?” umiiyak na tanong nito. “Lola lagnat lang po ito. Kaunting pahinga lang ang kailangan kaya hindi ko na kayo pinag-alala,” sagot naman niya. “You silly! How could you hide something like this to me? I’m your grandmother for God’s sake!” pagpapatuloy ng kanyang lola. Kumalas na ito mula sa pagkakayakap sa kanya. “Lola naman para lagnat--” npatigil siya nang may mapagtanto. “Oh my gosh! You already..........you already know?” her face fell on her palms and tears started bursting from her eyes. ”I’m sorry! I’m so sorry I didn’t tell you. I just can’t,” she apologized between sobs. “Your mother told me. Nag-alala siya nang malamang nilalagnat ka. Stop crying, there’s no need to apologize,” iniangat nito ang muka niya at pinahid ang mga luha doon. “Gagaling ka, we’ll look for any possible way to treat you!” pagsisigurado nito. “But I’m so scared,” umiiyak pa ring sabi niya. “Don’t be. Kaya ka nga nandito para makapagdesisyon ‘di ba?” sabi nito. “We’ll get through this. Believe me.” “Sana nga lola, sana nga.”
CHAPTER 5
Mabuti na ang pakiramdam ni Selene pagdating ng umaga. Nabawasan ang dinadala niya dahil mula ngayon ay di na niya kailangang ispin kung papaano sasabihin sa minamahal na lola ang tungkol sa kanyang sakit. She saw love on her eyes. It somehow tightens the spirit of hope inside her. Bumaba na siya upangb sabayang mag-almusal ang kanyang lola gaya ng nakasanayan nitong mga nakaraang araw. Bumababa pa lang siya ng hagdan nang masilayan ang isa sa pinakamahalagang bagay sa buhay niya. On one corner of the house, under the portrait of her beloved sister lies the piano. Patakbo siyang pumunta ng dining room upang pasalamatan ang kanyang lola. “Lola bakit po nandito yung--”, naputol ang sasabihin niya nang makitang hindi nag-iisa ang lola sa mesa. May lalaking nakaupo patalikod mula sa kinaroroonan niya. “O hija gising ka na pala?” tumayo pa ito upang alalayan siya paupo sa silyang katapat ng bisita....si Rafael! “How do you feel?” pagpapatuloy ng matanda. Dinama pa nito ang noo niya. “Okay na po ako grandma. Effective ang yakap niyo,” may paglalambing na sabi niya. Ngumiti ito sa kanya. “Siya nga pala, nakita mo na ba iyong piano?” tanong ni Donya Mildred. “Opo,” nagliwanag ang muka niya. “Sino pong nagdala noon dito?” “Nagpatulong ako dito sa kababata mo,” ngumiti ito ng makahulugan. “Wala kasi si Mando at Cesar kaya walang magmaneho ng sasakyan,” paliwanag nito. “Siya nga pala, ditto na rin sa bahay titgil itong si Rafael. Nakakahiya kasi dahil, hindi ko na siya araw-araw na madadalaw doon sa guest house dahil gusto kong dito muna ko sa tabi mo. Baka mainip sa bakasyon niya dito,” pagpapatuloy nito. “Ganoon po ba? Ah, tinanong niyo naman po ba siya kung ano ang gusto niya? Baka po kasi mas gusto niya na mag-stay doon sa guest house,” malumananay na tanong niya. “I agreed with no hard feelings Selene. Hindi ko matatanggihan si Donya Mildred kahit kailan. Saka tama siya, nakakalungkot kapag wala akong kausap doon,” sabat ng baritonong tinig ni Rafael. Kaya pala parang ayaw mo akong makausap noong nandon ako, pilosopong sagot ng isip niya. Tumingin siya rito, “That’s good. Welcome Rafael,” ngumiti sya ng matamis dito. Sinuklian din naman siya ng ngiti ngunit agad ding nagbaba ng tingin ang binata na bahagya niyang ipinagtaka. “O siya kumain na tayo, and Rafael hijo please call me lola,” utos ng donya. NASA silid na niya si Rafael ngunit hindi pa rin natatanggal sa isipan niya ang ngiti ni Selene. She still has that perfect smile, aniya sa sarili. Nagbalik na naman sa isipan niya ang mga pinagsamahan nila ng dalaga noong mga bata pa sila. Masaya siya kapag kasama ito. They shared every little thing about each other. Ganoon sila k-close. She was the sweetest girl that he has ever met. Wala yata siyang kilala na kayang magalit dito ng lubos noong mga bata pa sila, lalong-lalo na siya. Kahit na anong gawin nitong kasalanan sa kanya noon ay napapawi lang sa pamamagitan ng isang ngiti. The purest smile of all. Kaya pa rin kayang alisin ng ngiting iyon ang lahat ng pagdududa at pag-aalinlagan niya ngayon tungkol rito? KINAGABIHAN ay may biglang pumasok sa isip ni Selene. Katatapos lang nilang maghapunan noon nang magsalita ang dalaga. “Lola buhay pa po ba yung falls dito?” curious na tanong niya. “Oo naman apo. Ang ganda pa rin nga doon, bakit mo nga pala naitanong?” tanong ng kanyang lola. Nakikinig lang sa usapan nila si Rafael. “Gusto ko po sanang makita iyon ulit, kung pwede,” nakangiting sagot niya “Naku hindi kita masasamahan paparoon kagaya ng dati. Medyo nananakit na naman kasi ang likod ko, lumalamig na kasi ang panahon. Wala pa rin naman si Manolo, hindi pa yata magaling ang asawa niya,” ang driver nila ang tinutukoy nito. “Ayos lang naman po sa akin ang pumunta doon nang mag-isa,. Saulo ko pa rin naman ang daan, mangangabayo po ako papunta roon,” pagpipilit niya. Nakita niyang nag-aalinlangan pa rin ang lola niya na payagan siyang pumunta roon nang mag-isa, “Lola please…. I need this!” Tila naman nakuha ni Donya Mildred ang nais niyang tumbukin. “Hay.... Ako pa ba naman ang makatanggi sa maganda kong apo? This is all for you!” yumakap pa ito sa kanya. “Sandali bakit kaya hindi mo isama si Rafael?” nanunukso ang titig na matanda. Kinabahan siya sa tinuran ng matanda. “Hijo, will you accompany my Selene tomorrow?” tanong nito sa binata. Deep inside Selene’s heart, she’s really hoping that Rafael would agree. Gusto niya itong makausap ng masinsinan. “I think I would have to pass Donya Mildred, I mean lola. May tatapusin po akong sketch bukas eh,” sagot ni Rafael. Nawala ang ningning sa mga mata ni Selene pagkarinig niyon, naalala niyang architech nga pala ito. “Oh,” nasambit na lamang ng donya. OUT of disappointment ay naisipan ni Selene na tumugtog ng isang piano piece. Dinamdam niya ang pagtangging iyon ni Rafael. Pwede naman niyang gawin iyon sa ibang araw ah? Tila ayaw lang talaga siya nitong makasama. “Do you always play piano pieces with sad content?” tanong ng beses mula sa kanyang likuran. Sa halip na sumagot ay itinigil ni Selene ang pagtugtog. Huminga siya ng malalim at saka muling tumugtog ng panibagong piyesa. This time she’s playing All is My Love. Naramdama niya ang paglapit ni Rafael at tumayo ito sa tabi ng piano. Sa pagkakataong iyon ay kita na niya ang gwapo nitong mukha. She could feel his intent gaze again. “You’ve really grown so playful Sel,” wika muli nito. Hindi niya malaman ang nasa likod ng lahat ng sinasabi ng binata. She’s always puzzled when it comes to this man, kahit noong mga bata pa sila. “Tell me Selene Maniego, masarap ba sa pakiramdam na napapasunod mo ang lahat ng tao sa paligid mo?” pagpapatuloy nito. Tuluyan nang itinigil ni Selene ang pagtugtog. Ramdam na ramdam niya ang panuya sa tinig ito. “What exactly do you mean by that?” tanong niya. “Masaya ka bang gamitin at pag laruan ang mga taong nagmamahal sa’yo?” puno ng pag-aakusa ang tinig ng binata. “Of all people, how could you judge me like that? You don’t know anything! Matagal kang nawala kaya wala kang karapatang pagsalitaan ako ng ganyan!” pagtatanggol niya sa sarili. “Siguro nga hindi ko alam ang lahat pero alam ko na marami ka ng nakarelasyon at marami sa mga iyon ang pinaglaruan mo lang. Alam kong wala kang pakialam sa nararamdaman ng iba as long as nakukuha mo ang lahat ng gusto mo. Alam kong-- ” “You abandoned me at the time I needed you most, that’s what you should know!” putol niya sa sinasabi ni Rafael. Mabilis siyang tumayo at patakbong umakyat sa kanyang silid. Doon niya inilabas ang mga luhang kanina pa niya pinipigil. Iyon pala ang dahilan ng pagbabago ng binata. Her heart is breaking. Lalo na ngayong nalaman niya na mula noon hanggang ngayon ay ito pa rin ang laman ng kanyang puso. Hindi na niya iyon maitatanggi sa sarili. Padapa siyang humiga sa kama hanggang sa tuluyan na siyang makatulog. PANAY ang pihit ni Rafael sa kama. Kanina pa siyang nakahiga ngunit hindi pa rin siya dinadalaw ng antok, nasa isip pa rin kasi niya ang mga sinabi ni Selene. And she looked so hurt while saying those words, aniya sa sarili. Gayunman, hindi pa rin nakalampas sa mapanuri niyang mata ang mga pasa sa braso ng dalaga. Noong isang araw pa ang mga pasang iyon kaya naman nakakapagtakang hindi pa rin magaling ang mga iyon. Hindi ka pa rin nagbabago Sel, careless ka pa rin. Dahil sa isiping iyon ay napagdesisyonan niyang samahan na ang dalaga sa pagpunta nito sa falls kinabukasan. I hope she could forgive a jerk like me, muli’y bulong niya.
CHAPTER 6
Muli ay maagang nagising si Selene nang araw na iyon. Nasanay na yata siya sa pagiging early riser. Kaagad siyang naligo at nag-ayos. She’s wearing a black dress na lampas nang kaunti sa tuhod ang haba na pinatungan ng white cardigan, medyo malamig kasi ng umagang iyon. Hinayaan lang niyang nakalugay ang maganda niyang buhok. Lumakad siya kaagad pagka-paalam kay Donya Mildred. Nangako naman siyang babalik kaagad. May nadaanan siyang mga pulang rosas, pumitas siya ng isa at saka nagpatuloy sa pangangabayo. Mabilis siyang nakarating sa falls at muli ay namangha sa kagandahan ng kalikasan. Isa iyon sa mga lugar na hindi niya makakalimutan habang buhay. She hurriedly removed her cardigan and felt the cold water. Hindi na siya nagdalawang-isip pa. She’s gonig to make the most out of this moment dahil baka hindi na maulit iyon. Hindi makita ni Rafael si Selene sa kahit saang sulok ng bahay. Ang makulit na iyon, pumunta talaga siyang mag-isa! Naisip niyang sundan na lang ang dalaga dahil nag-aalala din siya na mag-isa lang ito doon. Baka mapahamak pa ito. Pagdating niya na sa falls ay nakita kaagad niya si Selene. Her sight made him thanks God that he is alive to see this beauty. She was floating on the water with her hands slightly spreaded. Her black dress made her skin looked a little more soft and silky. Nakakalat din ang maganda nitong buhok sa paligid ng payapa at mala-anghel nitong muka. Napansin rin niya ang pulang rosas na hawak nito sa kanang kamay. A real heavenly sight. Payapang-payapa ang loob ni Selene habang nakalutang sa tubig. Ipinikit niya ang mga mata at ninamnam ang sandaling iyon. Sa kalagitnaan ng kanyang mapayapang pag-iisip ay muli niyang naalala ang tungkol sa karamdaman. Hindi niya malaman kung saan nanggaling ang mga pasa sa kanyang braso, katulad iyon ng mga pasa niya sa hita. Mabuti na lang at puro mahahaba ang isinusuot niya kaya naman walang nkakapansin ng mga pasang iyon. On that thought, she suddenly felt so heavy and tired. Nawala siya sa konsentrasyon at naramdaman niya ang unti-unting paglubog. Hindi niya malaman ang gagawin dahil tila ayaw gumana ng utak niya. Napapagod na ako, iyon lang rumehistro sa isipan niya. Malapit na siyang maubusan ng hininga pero ayaw pa ring gumalaw ng mga paa’t kamay niya. Help! saad ng utak niya. Nang biglang may humawak at humila sa mga kamay niya, dahan-dahan siyang dinadala nito sa ibabaw ng tubig. She smiled to herself....... its Rafael. “Haaaaa........,” malalim na pagbawi ng hinga ni Selene nang marating na ang ibabaw ng tubig. Inalalayan siya ni Rafael paahon mula sa tubig. “May balak ka bang magpakamatay?” galit na tanong nito. ”Marunong ka namang lumangoy ‘di ba? Paano kung hindi ako sumunod dito, ano nang mangyayari sa’yo?” sunod-sunod na tanong nito habang nakatayo sa tabi niya. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at tumingin dito ng diretso. “I’m sorry,” may kahinaan ang tinig na sagot niya. “I—I lost my grip, hindi ko sinasadya,” may tumulo na namang luha mula sa kanyang mga mata. Naisip niya na kung hindi nga dumating si Rafael ay siguradong mas napaaga ang kanyang pagkamatay. Napakahina talaga niya. Agad siyang nagbaba ng tingin at nagpahid ng luha. Tumalikod sa kanya si Rafael na tila nag-iisip ng sasabihin. “Halika na umuwi na tayo!” sa wakas ay nasabi nito. Humakbang na ito palayo at sa halip na sumunod ay niyakap niya ito mula sa likuran. Hindi na niya napigilan ang sarili. Naalala din niya ang “Free like a bird” concept niya. ”I miss you!” sambit niya habang nakayakap pa rin ditto “I miss you so much! What do I have to do to gain back your trust and our friendship? Tell me please! Ayoko nang pakiramdam na tinatrato mo ko na parang di tayo magkakilala”, puno ng pakiusap ang tinig niya, hindi pa rin bumibitiw sa pagkakayakap dito. Hinawakan ni Rafael ang kamay niyang nakayakap dito at kinalas iyon. Lumakad ito ng ilang hakbang papalayo sa kanya. Nanlumo siya. Pakiramdam niya ay wala na talaga itong pakialam sa kanya. Nakapamewang itong palakad-lakad sa harapan niya habang ginugulo ang sariling buhok. Ganoon ito kapag hindi alam ang sasabihin o kung papaano sasabihin iyon. Ayaw siguro siyang ipahiya nito. Muli na namang namumuo ang luha sa kanyang mga mata. Nagulat na lang siya nang bigla itong sumugod at niyakap siya nang ubod ng higpit. Halos ‘di na niya maiangat ang sariling mga kamay. “Nothing Selene! You don’t have to do anything,” saglit itong tumigil. “Ibibigay ko na sa’yo ng libre. Kawawa ka naman mukang wala kang kaibigan,” he chuckled. Sa wakas ay nasabi nito at nagawa pang magbiro. “Huh? Anong sabi mo?” mayamaya ay tanong nito. Kumalas na ito sa mahigpit na pagkakayakap at saka siya hinawakan sa balikat. Exaggerated naman siyang sumagap ng hangin. “I said I can’t breath. Ang higpit ah?” medyo may kayabangang sagot niya. “Mahigpit na ba iyon? Paano kasi ang payat-payat mo,” komportable na itong biruin siya. Nagbalik na si Raprap. Irap lang ang isinagot niya rito . “Halika na nga,” muli itong tumalikod at humakbang palayo. Susunod na sana siya nang may naramdamang tumutulo mula sa kanyang ilong. She’s nosebleeding! Pinilit niyang pahirin ngunit patuloy pa rin sa paglabas ang dugo. Lumingon ang binata nang maramdamang hindi siya kasunod nito. “Ang bagal-” “Rafael.......” takot na sambit niya. “Oh my God Selene!” Iyon ang huli niyang narinig bago siya nawalan ng malay.
CHAPTER 7
Nagmulat siya ng mata at agad na narinig ang ting na kanyang mama. “She’s awake! Ben gising na ang anak natin!” tawag nito sa kanyang papa habang hawak nang mahigpit ang kamay niya. “Sel, how do you feel baby?” tanong nito, lumapit na rin ang kanyang papa. “Better. Mahaba yata ang naging tulog ko,” nakangiting sabi niya. “Bakit kayo nandito? ‘Di ba nasa Baguio dapat kayo?” “Tinawagan kami ng lola mo. We’re so worried about you hija. Mabuti na lang at nandoon si Rafael,” sagot nito. “You shouldn’t have come. Minsan na nga lang kayo magkaroon ng time togethere. Pero na-miss ko po kayo!” malambing na turan niya na sinamahan ng maganda niyang ngiti. “By the way, where’s Rafael?” “Umuwi na muna sa mansiyon. Siya na rin kasi ang nagbantay sa’yo rito kagabi dahil masakit daw ang likod ng lola mo,” sagot nito. “Ganoon po ba?” may bigla siyang naalala. “Mom, does he already know?” nag-aalalang tanong niya. “Hindi ko alam hija. Pero wala naman kaming nabanggit sa kanya kaya siguro’y hindi pa,” wika nito. “Mabuti naman po! Ayoko pa po kasing ipaalam sa kanya,” sandali siyang tumigil. “Kailan po ako makakauwi? Ayoko na rito.” tanong niya. “Sabi ng doktor maaari ka na daw umuwi kapag nagising ka na,” papa niya naman ang sumagot. “That’ comforting, siguradong nag-aalala na rin si lola,” nakangiting sabi niya. PAGDATING nila sa mansiyon ay nakahanda na ang hapunan. Kasama niyang bumalik ang mga magulang dahil labis talagang nag-alala ang mga ito sa kanya. “O ano payatot naniniwala ka na sakin na payat ka ngang talaga?” nang-aasar na tanong ni Rafael pagkapasok pa lang niya, ngunit halata namang natutuwa ito na nakalabas na siya ng ospital. Mukhang hindi pa alam nito ang totoo. Sa halip na sumagot ay niyakap niya ito, “Thank you for saving me Raprap...” tumigil siya sandali at tiningnan ito sa mukha“....for the second time around,” tuloy niya. “You’re always welcome Sel!” malambing nitong wika. “Halika kumain na tayo,” hinila na siya nito sa kamay. Matapos ang hapunan ay niyayang magkape ng kanyang lola sina Stella at Benjamin, halatang namiss nito ang kanyang mga magulang. Si Rafael naman ay kausap ang ina sa telepono, tila may seryosong pinag-uusapan ang mga ito. Minabuti na lang niyang pumunta sa kinaroroonan ng piano at tumugtog roon. She played the romantic piece, Lullaby. Lumapit sa kanya si Rafael makalipas ang ilang sandali. Umisod siya sa gilid ng upuan upang bigyan ito ng espasyo, at tumabi nga ito sa kanya. Nakikinig lang ito sa kanya. “I already know,” bulong nito makalipas ang ilang sandali. “Huh?” tanong niya. Hindi malinaw ang pagkakarinig sa sinabi nito. Hinawakan nito ang kamay niya upang mapigilan siya sa pagtugtog. “Alam ko na Selene,” tumigil ito sandali at tiningnan siya sa mga mata. “Narinig ko ang sinabi ng doktor sa mga magulang mo,” malungkot na saad nito. Hindi niya malaman ang sasabihin. “Chismoso ka talaga!” biro na lamang niya at nagbaba na ng tingin. Ayaw niyang umiyak sa harap nito. “This is a serious matter Sel. Hindi lang iyon ang narinig ko. You need to decide sooner, baka lalong--” “I know! Hindi mo na kailangang ipagdiinan,” putol niya rito. “Kaunting panahon na lang ang kailangan ko Rafael. Would you stay beside me until this is over?” “Ayoko. I don’t want to stay until all this is over...” tumigil ito saglit, “....I want to stay forever Sel. There’s no other place I’d rather be. I still love you Selene Maniego. Mula noon hanggang ngayon ikaw lang ang gusto kong makasama.” malayang pagtatapat nito. “Oh Rafael! You know I love you too, mula pa nang mga bata tayo. It took so long for us to have the courage to say these words,” sagot niya. Binuhat siya nito upang kalungin. Siya nama’y ipinulupot ang kamay sa leeg nito. Naglapat ang kanilang mga labi sa isang matamis na halik. It is a kiss full of emotion. Naroon ang mga taong ipinagkait nila sa isa’t-isa. Ang mga salitang hindi nasabi at ang pag-ibig na hindi naipadama..... sa loob ng mahabang panahon. That’s why when the kiss ended; they both know that they really love each other.......so much! “You gave me hope,” lumabi si Selene. “Hindi na pala ako pwedeng tumanggi sa operasyon o sa therapy dahil may nangakong sasamahan ako habang buhay, kawawa naman siya mukang walang ibang nagmamahal,” paggaya niya sa biro nito noon. “You mean magpapagamot ka na?” gulat na tanong nito. “You just made me the happiest man on this moment!” masayang wika nito. “I just realized na hindi ko ito gagawin para lang sa sarili ko. Si mama, papa at lola, hindi nila ako pinilit na gawin ang kahit ano. Mula noon hanggang sa huling sandali ay inisip pa rin nila kung anong magpapasaya sakin. Akala ko noong una na ako ang pinaka-nagdudusa, pero hindi. Everytime I see their eyes na nagbibigay ng pag-asa kahit nahihirapan silang intindihin ako, nalalaman ko na mas nasasaktan sila. I can’t be selfish any longer. I don’t want to live my life for myself or for ate Sandra anymore. I want to live it for my parents and for lola Mildred. I want to live it for you Rafael!” nakangiting bunyag niya. That smile made everything clear and perfect. “Thank you Selene!” nasabi na lang ni Rafael at muli ay naglapat ang kanilang mga labi. LABIS na ikinatuwa ng lahat ang naging desisyon ni Selene. Alam nilang iyon ang nararapat na gawin ng anghel ng kanilang buhay. Samantalang para kay Selene, ang pamilya at si Rafael ang totoong mga anghel. Tuluyan nang nawala ang lahat ng pangamba sa puso niya, as in everything! All there’s left are love and the promise of getting better, because thay gave her more than that. They gave her hope.........they gave her love!
maganda ang kwento sapagkat maayos ang pagkasunod sunod ng pangyayari at takbo ng kwento ngunit nakakabitin dahil parang my kulang sa huling kabanata .
ReplyDeletejenine navarro
mganda ang story at mganda nag pagkakadescribe sa heroine..
ReplyDeletemejoh btin nga lang ng konti .
-enan-