Isang madilim na gabi ng nagmamadaling pauwi si Nardo sa kanilang tahanan. Basang basa ang kanyang buong katawan habang tumatakbo sa isang eskinita sa kanilang barangay, tila bang parang may humahabol sa kanya sa bawat hakbang. “Nasan na ba ako?” sabi ni Nardo, para bang naliligaw na siya dahil sa di niya na makita ang daan dahil sa lakas ng ulan at dilim ng gabi. Sa kanyang pagtakbo nakita nya ang isang ale na may basket na hawak at nakasuot ng belong itim na nakatingin sa kanya. Dahan dahang lumapit sa kanya ito at sya ay napahinto sa kanyang paglalakad. Nanginig ang kanyang tuhod! Bgla syang napaupo at sumigaw. “ Wag po!” sigaw ni Nardo sa matanda. Takot na takot at di alam ang gagawin, pumikit si Nardo sa sobrang takot. Sabi ng matanda “ Anak bakit ka sumisigaw?” nag sasalita ng may nanginginig na boses. Nakatingin lang si Nardo sa matanda habang nanginginig sa sobrang takot. “ Ikaw ang pinili ng kalangitan Nardo!” sigaw ng matanda. Nagulat si Nardo at nagtanong “ anung kalangitan at bakit nyo alam ang pangalan ko?”. Binigyan sya ng matanda ng isang bato at dahang dahang naglaho ang imahe ng matanda sa kadiliman ng gabi. “ Ano ito?” sabi ni Nardo. “Bato? Baliw ata ung matandang un kainis tinakot pa ako!” galit na sinabi ni Nardo. Paglingon ni Nardo sa likod ay nasakanila na pala siya. Para bang may misteryo na nangyari nung gabing un ngunit di ito pinansin ng batang si Nardo. Kinabukasan, gumising ng maaga si Nardo upang tumulong sa kanyang ama sa pag aararo ng bukid. “ Nay alis na ako tutulungan ko na si Ama.” Wika ni Nardo. “Cge anak dalahin mo ang pagkain para kay Ama mo at bumalik ka dito mamyang hapon para mamalengke.” Bitbit ni Nardo ang pagkain at simula na siyang naglakad papunta sa bukid na pinagtratrabahuhan ng kanyang ama. Habang nag lalakad naalala nya ang nangyari kagabi. “ Hala! Ang bato!” gulat ni Nardo. Pagkapa nya sa kanyang bulsa ay wala siyang nakapa. Sa kaliwang bulsa ay wala din! “Waaaaaa! Nasan na ung bato?!” sabi ni Nardo. Nagulat siya nakakwintas ito sa kanyang leeg. “ Hala pano ito napunta sa leeg ko?” sabi ni Nardo. Habang naglalakad ay bglang syang tinawag ng kanyang ama. “Nardo! Anak! San ka pupunta?” wika ng kanyang ama. Pumunta na si Nardo sa bukid at tila ba parang wala ito sa sarili at taking taka sa nangyari. “Ama ikaw ba nagkwintas ng batong ito sa leeg ko? Tanong ni Nardo. “Ha? Anung bato?” nagtatakang sagot ng kanyang Ama. “Ay wala po Itay! Ung napanuod ko sa Tv ung bato Haha!” sabi ni Nardo. “ Sya nga pala Itay eto nap o ang pagkain na paborito nyo at tutulong nga po pala ako sa pag aararo sa inyo ngayon!” bigkas ni Nardo. “Anak wala na ang bukid na ito. Last day na naming dito pati silang pareng Nestor pinaalis na.” malungkot na sabi ng ama ni Nardo. “Ha? Pano na tayo nyan Itay?” tanong ni Nardo. Napailing ang ama at tumalikod kay Nardo. “Sya umuwi ka na Nardo sa bahay nalang tayo mag usap.” Sabi ng kanyang ama. Habang naglalakad si Nardo ay nakatingin siya sa Bato tila bang iniisip nya itong ibenta upang may maibigay na pera sa kanyang mga magulang dahil nawalan na nga ng pagtratrabahuhan ang kanyang ama. “ Anu kaya isangla ko itong bato, mukang mmahalin e!” sabi ni Nardo. Pagharap niya sa daanan ay nagulat siya nasa muka nya ang matandang nakasalubong nya. Nagulat si Nardo at napasigaw. “Waaaaa! Ikaw nnaman lola!”. “ Bakit mo isasangla ang Bato Nardo, di mo baa lam mahlaga yan?” sabi ng misteryosang matanda. “Ha?” nagtataka si Nardo sa sinabi ng matanda. “ Bakit mo isasangla ang batong bigay ko meron ka naman pera sa bulsa mo?” bigkas ng matanda. “Ano po? Wala ako pera lola mahirap lang po ako kaya nga po isasangla e.” sagot ni Nardo. Kinapa ni Nardo ang kanyang dalawang bulsa at ang kapal nito. Nagulat siya at merong laman ang kanyang bulsa. “Ano? Pano ito nangyari?” gulat na sinabi ni Nardo. Pagtingin niya sa kanyang harapan ay wala na ang matanda. “Lola? Nasan ka na?” sabi ni Nardo habang hinahanap ang matanda. Paguwi ni Nardo ay ibinigay nya ang pera sa kanyang Ina. “Nardo san mo nakuha ang ganitong kadaming pera?” tanong ng kanyang ina. “Nay may nagbigay pos a akin isang matanda” sagot ni Nardo. “Ha? Anak mahirap tayo pero di tayo mga magnanakaw tandaan mo yan!” nagalit ang Ina ni Nardo. “Pero Inay totoo ang sinasabi ko! Wala ng trabaho si Itay tatanggihan nyo pa po ba ang perang iyan!” pasigaw na nag paliwanag si Nardo. “Ano sabi mo Nardo? Wika ng kanyang Inay. “Nagpunta ako dun sa bukid at sabi ni Ama pinapalayas na daw sila ng may ari ng bukid.” Sabi ni Nardo. Umiyak ang kanyang ina at pumasok sa kwarto. Nainis si Nardo kaya lumabas sya ng bahay upang magpalamig. “Grabe naman!” sigaw ni Nardo. “ Anung grabe anak?” sabi ng misteryosang matanda. “Waaaaaaaa!” Lola ikaw nanaman! Bakit ba lagi ka nalang sumusulpot!” sigaw ni Nardo. “Anak ikaw ang napili ng kalangitan…” bulong ng matanda. “Ano po lola? Anung kalangitan nanaman?” pagtataka ni Nardo. Tumungo si Nardo at sinabi “ Hay, Lola san ba galing ung pera kanina ha?” pagtingin niya sa matanda ay nawala nanaman ito. “Sabi ko na e mawawala nnaman un.” Wika ni Nardo. Umuwi na si Nardo at naabutan niyang nag aaway ang kanyang mga magulang sa kwarto. Marahil ang dahilan ay ang pagkawala ng trabaho ng kanyang ama sa bukid na pinagtratrabahuhan nito. Dumeretso nalang si Nardo sa kanyang kwarto at hawak padin niya ang bato na nakakwintas sa kanyang leeg. “ Isangla ko kaya ito?” sabi sa kanyang sarili. Habang nag iisip ay nakatulugan na niya ang pagpapalano sa kanyang gagawin bukas. Dahan dahang pumikit ang kanyang mata habang hawak ang kanyang bato.
Kinabukasan, pagising ni Nardo narinig niya ang ingay sa sala na tila ba may nagaaway na mga tao. Pagbaba niya ay nagulat siya sa kanyang nakita. “Hoy Jose isa ka lamang magbubukid! Ikaw ang pinagbibintangan ng mga tao na kumuha ng halos isang daang kaban ng bigas kaya pinaalis kayo ni Don Cojaunco!” sigaw ng isang armadong lalaki na tila ba alagad ni Don Cojuanco. “Hindi po ako ang kumuha ng binibintang nyo!” matigas na idnidiin ni mang Jose ang kanyang sagot. “Aba! Sasagot pa!” sabay hinampas siya ng baril sa simura. “arrgghh!” ang sigaw ni mang Jose na nangagalaiti sa sakit. “Tigil!” sigaw ni Nardo habang bumababa sa hagdan. “Hindi si ama ang kumuha ng binibintang nyo nagkakamali kayo!” sabi ni Nardo. Hinablot siya ng kanyang ina at pinatahimik. Alam ng kanyang ina ang kalupitan ni Don Cojuanco, lahat ay ilag dito at siya ang tinuturing na diyos ng mga lupa sa kanilang barangay. “Anak huwag ka makielam…” pabulong na sabi ng kanyang ina. Inilabas ang kanyang ama ng mga armadong lalaki at sa labas ng bahay ay sumunod ang Ina ni Nardo dahil alam nito ang mangyayari sa ama. Si Nardo ay natulala sa loob ng bahay at habang nakaupo siya ay nanginginig sa takot. “ ano ang dapat kong gawin?” sabi ni Nardo. Bglang may bumulong sa taenga ni Nardo. “….Nardo-oooo ang Bh-aaa-thoo…” sabi ng bulong. “anung bato? Itong bato na ito malas ito! Bwset!” sigaw ni Nardo, sabay hagis ng bato sa sahig. Biglang umilaw ang bato at nagningning ito. Sa sobrang ningning ay di niya ito matignan. Lumitaw ang isang imahe ng matanda na maputi at sinabi “ Nar-dooo ikaw ang na-peeli ng kalangitan! Kainin mo ang Ba-tooh kung guu-stoo mo pa mabuhay ang iyooong ama!”.”Kainin?” tanong ni Nardo ng merong pagaalinlangan. “waaaa! Ama ililigtas kita!” sigaw ni Nardo habang nilulunon ang bato. Ngunit walang nangyari. “Ano to joke?” sabi ni Nardo. “Kulang!” sigaw ng matandang boses. “Ulianin na kasi ako nakalimutan ko na kailangan mo pang sabihin ang salitang DARNOOO!” bulong ng matanda. “DARNOOO!!!” sigaw ni Nardo… Bglang dumilim ang paligid. Sa gitna ng kadiliman ay nagliwanag. Ito ay isang napakaliwanag na sikat. Kulay pula at ginto ang naglalagablab na apoy! Lumilitaw ang kanyang kamay na mayroong panangalang sa kalaban at ang kanyang paa na mayroong baluti at sandalyas! At nakita nadin ang kanyang katawan na para bang mayroong kalasag ng liwanag at katotohanan at meron itong mga bituin na nagniningning! Sa kanyang ulo ay ang pakpak ng manok na nagsisilbilng gabay tungo sa katotohanan! Siya na nga! Hindi tayo maaring magkamali! Siya nga! Si DARNO! Tumayo siya ng mayroong kapangyarihan at habang umuusok ang kanyang kinatatayuan ay dahan dahan siyang naglakad patungo sa pinto. Kakaibang lakas ang nararamdaman ni Nardo dahil first time niya palang magtransform. Bubuksan sana ni Nardo ang kanilang pintuan ngunit tumilapon ito sa sobrang lakas niya. Nakita ito ng mga armadong lalaki at ng kanyang ama at ina. Nagulat sila! Ang lahat ay nagtaka satila bagong superhero nanaman. “ AKO SI DARNO! SUGO NG KALNGITAN!” sabi ng bida. “BITIWAN NYO ANG MATANDANG LALAKI AT BABAE NA IYAN!” sinambit niya ito na tila ba may apoy sa kanyang bibig. “LASER VISION!” sigaw ni Nardo at lahat ng tinignan niyang baril ay natunaw! “ ABA AYOS TOH AH HIGH TECH!” sigaw ni Nardo. “ANO KAYA ANG PAMPABILIS NG TAKBO?” tanung ni Nardo sa sarili. “ALAM KO NA! TAKBO NG KABAYO!” biglang bumils si Nardo at hinabol ang mga nagpiglasang mga armadong lalaki. Ang ama at ina ni Nardo ay nanunuod at tila ba hinahanap ang batang Nardo sa loob ng kanilang tahanan. “PLOK! PAK! WAPAK! Habang binabanantan ni Darno ang mga kaaway!” “ HUWAG NA KAYONG BABALIK DITO KUNDI MALILINTIKAN NA KAYO!” sigaw ni Darno sa mga nagtakbuhang mga lalaki. Binalikan ni Darno ang kanyang ama at ina na hindi alam na siya pala ang kanilang anak na si Nardo. “ AYOS LANG PO BA KAYO AMANG AT INANG?” tanong ni Darno sa matatanda. “ Salamat anak naway pagpalain ka ng Diyos sa iyong magandang gawa…” sagot ng ina ni Nardo. “CGE PO PAG BUMALIK ANG MGA YUN NANDITO LANG AKO HANDANG MAGTANGOL NG MGA NAAPI!” sigaw ni Nardo. “PAALAM! TAKBO NG KABAYO!” sambit ni Nardo sa katauhan ni Darno. Bigla siyang nawala sa sobrang bilis at din na siya nakita ng dalawang matanda. Pagdating ni Darno sa gubat ay nawala ang kapangyarihan nito. Tila bang napagod siya sa pagamit ng hidden power ng bato kaya kinain nito ang kanyang buong lakas. Iniluwa ito ni Nardo at automatic na nakwintas ulit ito sa kanyan leeg. “ Anaaa-ak! Auuus ba-ah? Ikaaa-aw na-a ngayooon ang bagoo-oong DARNO! Ikaw an-ng magliligtaa-as sa naapi!” sabi ng matandang lagi nalang lumilitaw sa kung saan saan. Di alam ng matanda ay nakaidlip nap ala ang batang si Nardo sa gubat at ginamit ng matanda ang kanyang super powers upang i-teleport si Nardo sa kanilang bahay. Natagpuan si Nardo sa kanilang harap bahay na tila ba pagod na pagod at walang malay ngunit tulog.
“Aba Jose ung anak mo nakatulog sa labas dinala ko na sa itaas…” wika ng ina ni Nardo. “Salamat ng marami sa Diyos at iniligtas niya tayo sa tiyak na kapahamakan kanina…” sagot ng ama ni Nardo na si mang Jose. “Buti nalang dumating ang wirdong lalaking may kapangyarihan Jose at aba nakakatuwa ito panuodin parang si Nardo lang habang naglalaro ng espada-espadahan!” masayang sinambit ng Ina ni Nardo. “ Oo nga loleng halinat matulog maaga pa tayo bukas at akoy maghahnap ng trabaho.” Sabi ng Ama ni Nardo. Mapayapang natulog ang kanilang sambahayan patuloy na nagpapasalamat sa bagong superhero na sugo ng kalangitan… Mula noong gabi nay un hindi nila makakalimutan ang pagliligtas sa kanila ng isang dakila at sugo na superhero na nagngangalang DARNO…
Sunday, March 14, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
napaka ganda ng storya kagilagilalas ang pagawa n2. kaso nakakabitin ang storya mo. LOL. yan maganda ang comment ko huh. >:-D
ReplyDelete