Dalawang magkatabing barangay, ang Awitan at Salvacion, ang may sharing activities. Nakasanayan na ito ng dalawang barangay na magkaroon ng social activities na pinangalanan ngang Barangayan mula pa noong mid-seventies. Ipinagpapatuloy ito hanggang ngayon dahil nakikita naman na masaya at may positibong resulta. Nawala kahit pansamantala lamang ang gap ng dalawang barangay. Dapat lang naman kastng magkaroon ng gap dahil magkaiba ng economic make-up ang dalawang barangay na ito. Sa Barangay Awitan, ang karamihang nakatira rito ay mahirap ang antas ng kabuhayan, ang tinatawag na masa. Ang Barangay Salvacion naman ay kabaligtaran. Ito ang barangay ng mayayaman, malalaki ang bahay, nasa bakuran ang mula dalawa hanggang apat na kotse, karamihan sa mga padre de familia ay malalaking negosyante at industrialist pa nga ang iba.
Ang Barangay Salvacion, sa pangungulo ng kanilang mga barangay elected officers, ay nag-extend ng kamay para makipag-ugnayan sa Barangay Awitan. Noon pa ngang mid-seventies.
Natural, kung sino ang mayaman, ito ang dapat lamang na maging humble enough na mag-abot ng friendly gesture sa kanyang counterpart na mahirap.
Nagustuhan naman ng mga taga-Awitan ang pakikipag-ugnayan sa kanila ng mga taga-Salvacion. Kaya naging tradisyon na taun-taon ang Barangayan na ito.
Sa panahon naman ng krisis, halimbawa’y kung binabaha ang mga taga-Awitan, ang unang-unang tumutulong sa kanila ay ang mga tao sa Barangay Salvacion.
Sa gabing ito ng Barangayan ay mahaba ang programa. May speech ang mga opisyal ng dalawang barangay. Kumbidado ang alkalde na si Mayor Eusebio at nag-speech din ito. May sense of humor ang alkalde at hindi ito nagsalita nang mahaba kaya umani ito ng masigabong palakpak mula sa mga tao. May song numbers. May comedy skits. May sayawan.
At dito sa sayawan nakasali ang dalawang bata, isang babae at isang lalaki.
Si Nevada ang babae, si Francis naman ang lalaki. Magkaedad sila. Maganda at lista si Nevada, guwapo at alisto naman si Francis. Silang dalawa ang magkapareha sa modern dance na ito. Sinadya na sa dance number na ito ay halo ang mga participants. Ang mga babae ay nagmula sa Barangay Awitan, ang mga lalaki naman ay nagmula sa Barangay Salvacion.KAUGALIAN na rin na sa alliance ng Awitan at Salvacion, ay mauunang mag-extend ng imbitasyon ang barangay officers ng Salvacion sa mga barangay officers naman ng Awitan.
Ang imbitasyon tungkol sa unang formal and social meeting ng dalawang set of officers ay naipadala na sa barangay hall ng Awitan.
At ito ay napasakamay ni Nevada isang Biyernes ng umaga.
Ang nakapirma sa imbitasyon, siyempre, ay si Francis Legaspi.
Nakataas ang isang kilay ni Nevada habang pinakatititigan ang pangalan ni Francis. Ang pirma ni Francis doon ay original. Ang maliit na detalye ay hindi pinalampas ni Nevada. Halatang ang texture ng pen na ipinampirma ay pino, na ang ibig sabihin ay mula sa pen na mamahalin.
Napaismid siya. Hindi niya maikaila na dahil kay Francis ay nabibigyan niya ng focus ang kaibahan ng set of officers sa Salvacion sa set of officers ng Awitan. Sa Salvacion, pipirma lamang sa imbitasyon ang barangay captain, maaamoy mo na ang pinanggalingan nitong yaman. Sa barangay hall naman ng Awitan, may ballpen din naman, pero kung minsan nga ay ayaw pang sumulat kahit bagong bili, dahil sa tabi-tabing tindahan lamang nanggaling.
Pero kinontrol niya ang sarili. Pinaalalahanan.
Nevada, ano ba ang sabi ng tatay mo? Huwag mong pairalin ang personal mong panghuhusga kay Francis Legaspi. Maging propesyonal ka sa iyong trabaho at tungkulin. Kalimutan mo muna na may kinikimkim kang galit.
Okey. Susundin ko ang tatay ko. Tama siya, e, sabi niya sa sarin.
Pero teka, iba naman ako kaysa tatay ko at sa mga sumunod pa niyang barangay captain.
Katulad na lamang ng imbitasyong ito. Bakit naman may petsa at oras kaagad kung kailan ang social and formal meeting ng dalawang set of officers?
Alam ko, ito ang nakagawian noon pa.NATULOY din naman ang social and formal meeting ng mga barangay officers ng Awitan at Salvacion. Ang nasunod sa petsa at oras ay sina Nevada. Pero hindi nabago ang venue, doon pa rin sa malaking conference room ng barangay hall ng Salvacion.
Ipinasundo sina Nevada ng van ng mga taga-Salvacion. Bagung-bago ang van at may driver pa. Ito ay parang naging tradisyon na rin na hindi na nabago at hindi rin naman pinagtangkaan ni Nevada na baguhin. Mula pa noon ay talagang sundo-hatid ng sasakyan ng mga taga-Salvacion ang mga taga-Awitan kapag nagkakaroon ng pagtitipon ang dalawang panig.
Kahit pa kung si Nevada sana ang masusunod ay hindi na sila dapat na pina-pamper nang ganito ng mga officers ng Barangay Salvacion.
Tutal ay kaya naman nilang umupa ng sasakyan. Mag-FX na lang sila o kahit mag-jeep.
Pero nasunod na siya na mabago ang oras at araw ng miting na iyon, tama na ito pansamantala. Kahit papaano, nasimulan niya ang mga kailangang pagbabago.
Unang pagkakataon na nakarating si Nevada sa pinakapusod ng komunidad ng mayayaman. Ang barangay hall ay nasa loob mismo ng village ng Forbes Place. Nakakalula ang mga mansiyon na nadadaanan ng kanilang sinasakyan.
Ang barangay hall ay malayung-malayo sa hitsura ng barangay hall nila sa Awitan. Solido ang two-storey building, yari pa sa bricks na pinturado ng pulang-pula. Napakalawak ng espasyo sa harapan, ang ganda ng mga tanim at manicured lawn. Ang laki rin ng parking lot. Maraming punungkahoy na higante sa laki. At nang pumasok sila sa loob ng building, parang nakakahiyang tapakan ang mamahaling marble floor. May carpet pa sa gitna, kulay pula, dito naglalakad ang sinumang papasok papunta sa conference room. Para bang itinuturing silang red-carpet visitors ng mga Salvacion barangay officers.
Ang iba sa kanila ay nakailang punta na rin sa barangay hall na ito. Dahil marami rin namang re-elected officers sa Awitan. Pero ang ilan ay hindi pa, first timer, katulad din ni Nevada.
Ang ibang first timer ay halos lumuwa ang mga mata, nakadama ng panliliit.
Pero si Nevada ay hindi naman nayanig. Oo nga at nakaka-impress naman talaga ang karangyaan ng barangay haling Salvacion, pero naikondisyon na niya ang sarili na huwag ma-intimidate. Kaya simple lang ang reaksiyon ni Nevada, normal lamang ang kilos niya. Dalang-dala niya nang maganda ang kanyang sarili.
Wednesday, March 10, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
ok na sana bitin lang! tapusin mo bago mo ipost
ReplyDeleteronel bitin....
ReplyDeletetapusin mo bago ako magcoment,,
maganda na sana!
mayor.. hehe