hello..

hello guys..

Saturday, March 6, 2010

"walang kapalit"

this is the first short story that i have written..id appreciate it a lot if ud leave a comment bout it..thanks a lot!!! - aimee fe c. buensalido

WALANG KAPALIT

maaga siyang gumising nang araw na iyon. kumain, naligo, nagbihis at dumiretso na sa eskwelahan. isang sakay ng jeep bago makarating sa bagong silang elementary school. mausok, traffic at maingay. ganito ang pangkaraniwang araw ni dexter. second year high school student na siya at nassanay na siya sa ganitong klase ng buhay.wala na siyang ibang inaasahang bagong mangyayari sa kanya. hindi sila gaanong mayaman pero nabibili naman nila ang lahat ng pangangailangan nila sa araw-araw. isang teacher ang nanay niya at construction worker naman ang tatay niya. panganay siya siya sa talong magkakapatid na pawang mga nasa elementarya pa.

wala siyang tuwang nararamdaman tuwing tutuntong siya sa eskwelahan nila. pakiramdam niya ay ang buhay niya ang pinaka-boring sa lahat. idagdag mo pa ang makulit niyang best frind na si knneth, ang kaklase niyang patay na patay sa kanya na si jenny at ang iba pa niyang magugulong kaklase. at higit sa lahat, si Ma'am castro, ang teacher niya sa biology na nagpapahirap sa buhay nilang lahat. lahat na yata ng studyante ng teacher na iyon ay pinagdarasal na magresign na siya upang mabawasan ang torture sa buhay nila. araw-araw na quizzes at napakaraming assignment ang ibinibigay sa kanila. kaya naman hindi niya magawang matuwa sa tuwing naiisip niya ang buhay niya sa eskwelahan.

pagkarating niya sa bahay nang araw na iyon ay nadatnan niyang nag-aaway ang mga magulang niya. natanggal kasi ang tatay niya sa trabaho matapos magkaroon ng away sa kapwa niya construction worker. kaya naman problema nila ngayon ang gastos dahil sa nangyaring ito. hindi na lang siya umimik. alam niyang mapagbubuntunan siya ng galit ng nanay niya nakisabat pa siya sa usapan nila. nagkulong na lamang siya sa kwarto niya. hindi na rin siya lumabas ng kuwarto niya kahit pa halos masira na ang pinot ng kwarto niya sa kakakatok ng nanay niya. hindi na rin niya namalayan na naglapat na pala ang mga mata niya at mahimbing na siyang natutulog.

tumingin siya sa orasan. 7:30 am. kinusot niya nag mga mata niya sa pag-asang nananaginip lamang siya o baka naman namamalik-mata lamang. pero hindi. late na siya para sa pagpasok. si ma'am castro pa naman ang una niyang teacher. napasarap yata ang tulog niya kagabi. kung kailan naman maaga siyang natulog saka siya tanghali na nagising. hindi na siya kumain at naligo. pinalitan na lamang niya ang damit nya at pdumiretso na sa pagapsok. pinagdarasal niyang absent si ma'am castro upang wag siyang masabon. gusto niyang paliparin ang sinsakyan niyang jeep upang makarating na agad sa eskwelahan nila. halos tumalon na ang puso niya sa lakas ng kabog ng dibdib niya. kahit naman galit siya sa teacher na iyon ay ayaw niyang nasisira ang pangalan n iya dahil kahit kailan ay hindi pa siya gumagawa ng gulo sa eskwelahan nila.

makalipas ang ilang minuto ay nakarating din siya sa eskwelahan. agad-agad siyang tumuloy sa silid nila. laking pagtataka iya na ang dating silid na nababalutan ng katahimikan sa mga oras na iyon ay nariringgan niya ng mga tawa at kantiyawan. laking gulat niya nanag ibang imahe ang nakita niyang nakatayo sa harap ng silid nila.

napuno ng liwanag ang buong silid. parang bumaba ang mga anghel at ulap galing sa langit nang makita niya ang babaeng ito. gusto niyang patigilin ang oras ng mga sandaling iyon. ang kanyang mga mata, ang mapupula niyang mga labi at ang makinis niyang kutis - walang kapintansang makikita sa kanya. perpekto ang lahat.

"excuse me. are you part of this class?"

ang tanong na bumasag sa kanyang nananaginip na diwa. kinakausap na pala siya ng mala-anghel na nilalang sa kanyang harapan.

"yes, i am."

yun na lamang ang naisagot niya at walang pagdadalawang-isip na pumasok at tumuloy na sa kanyang upuan. hindi niya talaga maialis ang tingin niya sa babaeng ito.

hanggang sa . . .

"ok class. that's all for today. i hope there will be no late tomorrow."
lahat ng tingin ay bumaling sa kanya.. at tuluyan nang lumabas ng silid ang babaeng ito.

agad niyang nilapitang ang best friend niayng si kenneth upang itanong kung sino at ano ba talaga ang nagyari. dito niya nalaman na nag-leave pala si ma'am castro at si ma'am alona ang pumalit sa kanya.

alona pala ang pangalan niya. bagay sa kanya.


halos walang ibang pinag-usapan noong araw na iyon kundi ang tungkol kay ma'am alona. lahat yata ng lalaki niyang kaklase ay nagkaroon ng paghanga sa knaya. sino ba naman ang hinsi hahanga sa ganda ni ma'am alona. nanghihinayang lamang siya at hindi niya gaanong napakinggan ang tinig niya dahil sa late na siyang pumasok at hindi niya gaanong napagtuunan ng pansin ang tinig nito dahil sa pagkamangha sa ganda niya.

papasok ako nang maaga bukas. hindi pwedeng ma-late ako.


napansin din ng mga kaibigan niya na may kakaibang ningning sa kanyang mga mata nang araw na iyon. nagngingit ngit ang loob ni jenny dail alam niyang may gusto na agad si dexter kay ma'am alona.

kinabukasan ay maaga ngang pumasok si dexter. siya ang kaunahang estudyante sa klase nila. laking uglat ng lahat ng mga kaklase niya rito. alam nilang agad na may espesyal na trato si dexter sa kanilang bagong guro. simula nang arae na dumating siya sa klase nila, lagi ng nagpapaiwan si dexter tuwing hapon upang tulungan siyang maglinis ng silid. si ma'am rin kasi ang naging class adviser bila. natuto na siyang magbura ng mg anakasulat sa blackboard, madwalis ng boung classroom at maglinis ng palikuran ng hindi naman niya dting ginagawa. lagi na rin siyang pumapasok nang maaga nang sa gaton ay siya na rina ng unang makit ni ma'am alona. antutuwa naman si ma'am alona sa espesyal na atensyong ipinapakita sa kanya ni dexter. tumaas na rin kasi ang halos lahat ng grado sa lahat ng subjects niya.

ang katahimikang bumabalot sa loob ng silid sa tuwing natitira silang dalawa ay sapat na upang maramdaman ni ma'am alona na may espesyal na pagtingi sa kanya si dexter.ang katahimikang ito ang nagsilbing lenggwahe ng bawat isa upang maipadama ang kanilang saloobin sa isa't isa. hindi na ila kailangan pang gumamit ng mga salita upang maipaabot ang mensahe nila sa isa't isa.

isang hapon, habang nagbubura ng mga nakasulat sa blackborad si dexter,

"naranasan mo na bang manghuli ng isda?", tanong ni ma'am alona sa knaya.
"po? ah opo. lahat po kami dito ay m arunong manghuli ng isda. may maliit po kasing ilog na malapit dito sa aitn.", gulat na sagot ni dexter.
"ako, hindi pa. ang panghuhuli ng isda ang huling gawaing ipinangako ng aking ama bago siya mamatay. pero dahil namatay na nga siya, hindi na ito natuloy pa. hindi ko na rin sinubukang mangisda pa.", paglalahad ni ma'am alona.

ano ito? bakit niya sinasabi sa akina ng lahat ng ito?


"pwede bang turuan mo akong manghuli ng isda? naisip ko lang na ito na ang tamang panahon para magmove0on.",patuloy ni ma'am alona.

hindi ko alam ang isasagot ko.

"ano dexter? tuturuan mo ba ako?",
"ha? oh sige po. sa biyernes po hihintayin ko kayo sa may sakayan sa may kanoto para makapunta tayo sa ilog.", sagot naman agad ni dexter na nalilito pa rin kung bakit nga ba nangyayari sa kanila ang mga ito.

dumating ang araw ng biyernes.nauna siyang dumating sa sakayan. may mga dala rin siyang gamit sa pamimingwit. nag-ayos siyang mabuti upang hindi naman siya mapahiya kay ma'am alona. at dumating na rin si ma'am alona. may mga dala naman siyang pagkain. agad silang sumakay sa isang tricycle. hindi nila alam na may mga mata palang nagmamatyag sa kanila mula sa malayo.

date na kayang maitutuirng ito?

nakarating agad sila sa ilog. at mukhang nakikibagay ang panahon dahil wlanag ibang tao doon hindi tulad noong mga nakakaraang linggo na halos puno ito kapag ganoon araw. agad niyang inihanda ang mga gaganitin sa panghuhuli ng isda. sa ma'am alona naman ay inilatag ang dala niyang tuwalya at doon inihanda ang mga dala niyang mga oagkain. maya-maya ay namalayan na lamang nila na nagkakatuwaan na sila habang nanghuhuli ng isda. walang pagsidlan ang nadarama nilang ligaya noon sandaling iyon. at nang mapagod ang isa't isa ay napagpasyahan na nilang maupo at pagsaluhan ang mga pagkain nakahanda.

"alam mo, ang mga pagkaing ito ang inihanda ng tatay bago siya mawala?"
"talaga?"
"oo. paborito niya ang barbeque at itnong cake na ito. bihira niya kaming ipaghanda nito noong mga panahong iyon dahil mahirap lamang kami. laking gulat nga naming nang isang araw ay bigla na lamang niya kaming ipinaghanda ng lahat ng ito. yun pala ay mawawala na siya."
"ipinaghanda niya kayo ng mga paborito niyang pagkain dahil mahal niya kayo. di ba?"
"oo nga.....at ito rin ang naisip kong dalhin ngayon."
.....
"bakit naman?"
"dexter, alam kong alam mo kung ano angnararamdaman ko para sa iyo. pero mali ito. bata ka pa at ako nama....14 years old ka pa lang ay 24 na ako. hindi ko dapat kinukunsinti ang mga bagay na alam kong mali. masasaktan lang tayo pareho..."
"pero ma'am, hindi naman po ako humihingi nakapalit. masaya na po ako kung ano mang meron tayo."
"pero alam kong darating ang araw na itatanong mo sa akin ang mga tanong na hindi ko alam kung no ang isasagot ko."
"ma'am..."
""at isa pa, malapit na akong mawala...umalis... babalik na si ma'am castro at babalik na ako sa dati kong pinagtuturuan. malay mo, sa mga darating na araw ay magkita tayong muli. sa araw na iyon, siguro ay handa na tayo... hindi ba?"
"dexter, espesyal ka sa akin. ngayon ko lang naramdaman ito. pero ayokong isugal ang kinabukasan mo.sana maintindihan mo ako."

muli na namang nabalot ng katahimikan ang paligid. ngunit ang katahimikang ito ay naiiba sa katahimikang nag-uugnay sa kanilang mga nararamdaman. ang katahimikang bumabalot sa paligid ay bunga ng pamamaalam sa isa't isa. pamamaalam na umaasang sa mga darating na taon, kahit ilang taon pa man ito, muling magkukrus ang kanilang mga landas upang ipagpatuloy ang kung anumang nasumulan nila ngayon.

lunes. maaga pa rin siyang pumasok tulad ng nakagawian. pero laking gulat niya nang si ma'am castro na ang bumungad sa kanya. doon niya napagtaton na ang pamamaalam na ginawa ng tatay ni ma'am alona sa kanila ay ang pamamaalam na ginawa ni ma'am alona sa kanya. wala siyang nagawa kundi ang malungkot. lihim siyang nagdurusa sa pangyayaring ito. hindi niya masabi ang kanyang saloobin sa kanyang best friend dahil alam niyang hindi siya maiintindihan nito. wala siyang mahingahan ng sama na loob sa bahay nila dahil alam niyang ang lahat ng tao rito ay problemado tin. natuto siyang naging matapang at harapin nang mag-isa ang mga rpoblema ng walang tulong mula sa iba. ang pamamaalam ni ma'am alon sa buhay niya ang nagsilbing bukas na pinto para kay dexter patungo sa bagong sarili niya. isang bagon sarili na inihahanda niya sa muli nilang pagkikita.

lumipas ang labinlimang taon. isa na siyang matagumpay na engineer. naiahon na niya ang pamilya niya sa kahirapan. kasalukuyan na silang naninirahan ngayon sa tagaytay...kasama ang pamilya niya. bumuo siya ng pamilya kasama si jenny, ang high school classmate niya. nagkapalagayan sila ng loob simula nang mawala sa buhay niya si ma'am alona. pero laking pagtataka niya sa sarili niya dahil may bahagi sa puso niya na hinahanap si ma'am alona. may puwang sa puso niya na nagsasabing huwag isuko ang pag-ibig nito para sa kanya. may dahilan pala ito.

napagpasiyahan niyang dalawin ang kaniyang eskwelahan dati, ang bagong silang high school. isang sikreto ang natuklansan niya sa pagbalik niya rito. laking ulat niya nang malaman na ang pagkawala ni ma'am alona ay dahil sa isang sumbong mula sa isang estudyant roon tungkol sa tunay na namamagitan sa kanilang dalawa. may nakapgbasi sa punongguro na lihim silang nagkikita at nagkakapalagayan ng loob. bagaman at totoo ito, nagalit pa rin siya sa taong ito dahil ang taong ito ang naging dahilan kung bakit nawala sa kanya ang taong tumay niyang minamahal. at lalo pang limaki ang galit niyang ito nang malaman kung sino ang taong nagsumbong nito - ang asawa niya ngayong si jenny.

agad siyang umuwi sa bahay nila upang komprontahin si jenny. magkahalong lungkot at galt ang mangingibabaw sa piso niya. hindi niya mapatawad si jenny na naging dahilan ng paghihiwalay nila. napilitan pang magsinungaling si ma'am alonasa kanya para lamang mapagtakpan siya.pinigilan na lamang niyang saktan ito alang-alang na rinsa dalawa nilang anak ay bilang paggalang na rin sa isang babae. agad na lamang siyang nag-impake at agad-agad na nagdesisynong makpiaghiwalay kay jenny.

tumuloy siya sa lugar na alam niyang tinitigi;an ni ma'am alona. wala siyang ibang hinangad kundi ang makasama siya, ang babaeng pinapangarap niya. sa ngayon ay handa na siyang ipaglaban ito dahil nasa tamang gulang na siya at maganda na ang estado ng buhay niya. ngunit ibang senaryo ang dumurog sa puso niya - bagay na dumurog sa puso niya.

napuno ng liwanag ang buong silid. parang bumaba ang mga anghel at ulap galing sa langit nang makita niya ang babaeng ito. gusto niyang patigilin ang oras ng mga sandaling iyon. ang kanyang mga mata, ang mapupula niyang mga labi at ang makinis niyang kutis - walang kapintansang makikita sa kanya. perpekto ang lahat.


naalala niya nang una niyang makita si ma'am alona. hindi niya akalain na iibig siya sa taong malaki ang agwat sa edad niya. hindi niya akalaing iibig siya ng totoo sa mura niyang gulang. umibig siya sa taong nagturo sa kanya na maging matatag, matapang at matiyaga. si ma'am alona ang tumulong sa kanya na marating kung ano man ang kinalalagyan niya ngayon. ang tanging babaeng inibig niya sa buong buhay niya ay narito nang muli sa harap niya - ngunit wala nang buhay. nadatnan niyang nakaburol ito. namatay siya dahil sa isang aksidente. hindi niya matanggap na ang tanging babaeng minahal niya ay sasapitin ang ganitong tadhana. namatay itong dalaga at waring hinihintay ang kanyang pagbabalik. alam niyang namatay itong baon ang lahat ng alaalang binuo nilang dalawa. alama niyang baon pa rin nito ang pag-asang sa kabilang buhay ay magkikita at magkakasama pa rin sila. ipinangako niya kay ma'am alona na siya at siya lamang ang tanging babaeng iiibigin niya habambuhay.

hintayin mo ako ma'am alona. sa kabilang buhay tayo magsasama. hindi ko man natupad ang pangako kong magsasama na atyo sa muli nating pakikita, ngayon ay tutuparin ko na ito. wla kang kapalit dito sa puso ko.. ikaw noon, ngayon ay kahit sa kabilang buhay. ikaw lamang. i love you. i hve and i will always will.

2 comments:

  1. oow.. i love it!!!
    how tragic pero grabe..so touching..

    ReplyDelete
  2. kakakilig..kung totoo man to, this is the most beautiful love story i have ever read!!!

    ReplyDelete