Ang Lihim ni Donya Joselinda
Marie joy M. Roderos
“Inday Tsimay! Inday Tsimay” sigaw ng kalaro ni Inday. Nginitian lamang ni Inday ang mga ito at nagpatuloy na siya sa pagwawalis ng kanilang bakuran. Sabado kasi ang araw ng pagtulong ni Inday sa mga gawaing-bahay. Mula Lunes hanggang Biyernes, pumapasok siya sa paaralan sa umaga. Sa hapon naman ay tumutuloy na siya sa palengke upang tumulong sa pagtitinda ng tela, mga sinulid at mga butones sa tindahan ng kanyang Lola. Ulilang libos na si Inday at tanging sila na lamang ng Lola Tinay niya ang magkasama. Masipag ang kanyang Lola Tinay nguni’t alam ni Inday na kailangan rin nito ng pahinga. Kaya siya na ang naglilinis ng kanilang bahay kapag Sabado.
“Tara Inday, mamaya mo na iyan tapusin. Puro ka na lang gawa, ang sarap –sarap maglaroeh!” kantiyaw ng mga kaibigan nito. Kahit na ibig na ibig ni Inday na sumali sa paglalaro ng patintero, kailangan niyang tapusin ang sinimulan niyang pagwawalis. Dati kasi, iniiwan niyang saglit ang mga naipong kalat sa kanilang bakuran upang maglaro. Nang bumalik siya upang ipagpatuloy ito, nakita na lamang niyang nilipad nap ala at pinadpad ang kanilang mga kalat sa bakuran ng kanilang kapit-bahay. Kinagalitan si Inday ng lola niya. Upang hind imaging kahiya-hiya, winalisan na rin ni Inday pati ang bakuran ng kanilang kapit-bahay.
“Sige na, pass muna ako! Marami pa akong dapat gawin sa loob, eh!” masayang sagot ni Inday. Nag patuloy ito sa ginagawa na paawit-awit pa. Sa loob-loob ng Lola Tinay niya, “Napakasigasig ni Inday. Kahit na hindi ko siya utusan sa mga gawain, siya ay nagkukusa upang makatulong. Kahit na hindi na siya binibiro ng kanyang mga kalaro, hindi pa rin nawawala ang galak niya sa paggawa. Panginoon, alam kong paglaki ni Inday,siya ay lubos na makikinabang sa kanyang saloobin sa paggawa.”
Minsan , nakita ni Inday ang nga retaso mula sa kanilang panahian. “Lola,ano pong gagawin ninyo sa mga ito?” tanong ni Inday. “Ang iba ay ginagawa kong punda, ang iba ay panali sa buhok. Bakit?” balik tanong ni Lola Tinay. “Kasi po, nais kong gumawa ng mga bag na maaaring gamitin nang baligtaran. Nguni’t hindi naman po ako marunong gumamit nang makina at lalong hindi ako marunong manahi sa kamay.” Sagot nito. “Malaki ka na at pihado kong abot mo na ang pedal ng makina, bukas tuturuan kitang manahi,” pangako ng matanda.
Makalipas ng isang Linggo, “Aba, magaling ka nang gumamit ng makina ah!. Mayroon ka na bang natapos na bag na iyong iniimbeto?” usisa ni Lola Tinay. Medyo nahihiyang sumagot si Inday, “Eh, Lola magaling na nga po akong magmakina, pero hindi pa rin malinis ang aking tahi.”
May mga gabing nagigising si Lola Tinay at nakikitang patuloy si Inday sa pananahi. Inuulit niya ang kanyang mga nagawa kapag nakikita niyang hindi ito maayos. At kahit ito ay puyat, masaya pa rin niyang ginagawa ang kanyang mga aralin at trabaho sa bahay kinabukasan. “Lola tapos ko na po ang aking bag. Sapagkat kayo ang nagturo sa akin ng lahat ng aking nalalaman, nais ko pong ibigay sa inyo,”sorpresa ni Inday. At nakita ni Lola Tina yang isang napakaganda at malaking bag na baligtaran. “Kay ganda! Kay husay ng iyong pagkatahi. Hindi na kita binantayan, ngunit na kagawa ka nang maayos! Akin na nga ba ito?” naiiyak na tanong ng Lola. “Opo! Iyan po ang aking paborito. At alam ninyo, Lola ang natapos kong tatlong pirasong bag ay may nais nang bumili. At sinasabi niyang ang mga susunod kong tatahiin ay kanyang ititinda sa kanilang tindahan,” pag mamalaki ni Inday.
Naging sikat na mananahi ng bag si Inday. At nang siya ay tumanda at mag ka edad, ang dating Inday ay nagging si Donya Joselinda. Ang kanyang negosyong bag ay nagging tanyag hindi lamang sa bansa kundi sa ibat-ibang part eng mundo. Tama si Lola Tinay sa kanyang sinabi na magtatagumpay si Inday sa kanyang paglaki. Ito ay dahil sa kanyang interes na lagging may matutuhan, sipag na pagandahin ang kanyang gawain, at tiyagang tapusinang bawat gawaing kanyang sinimulan.
Sunday, March 7, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
gnda nmn ng story...d xa 2migil hanggang mging successful xa sa knyng life...inspirational toh 4me kc ngwo2rk aq eh slamat sa paggawa nito sna gawa kpa mdami...
ReplyDelete-francis03-
SO NICE STORY!
ReplyDeleteNA KAKA TOUCH NAMAN..
TOTOO YUNG KASABIHAN NA PAG MAY TIYAGA MAY NILAGA!.
WE NEED TO KNOW NA LAHAT NG GINAGAWA NTIN E MY MAGNDANG MANGYAYARI 4 OUR OWN SAKE... EITHER ITS GOOD OR BAD...
WE OFTEN tYMs DOnt sEE THE rEASOn WHY wE dONT aLWAys gET whAt wE wAnt, bUt in d eNd of iT aLL, wE rEAlyZd dAt wE wANted wAsnT mEAnt fOR uS aFTer aLL AND EVEryThinG hApPEns FOR THE rEASOn...