Hinaharap!
Ruby Jane M. Caunar
Taong 2010, may isang lalaki na wala sa kaniyang tamang katinuan ang nakatira sa gubat ng California sa Estados Unidos, na nagsasabing magkakaroon ng delubyo sa mundo. Ang pangalan niya ay Dvid. Hindi siya ordinaryong tao. Lahat ng mga mountaineer na nakakakita sa kaniya sa gubat ay hindi pinapansin ang kanyang mga sinasabi. Iniisip ng mga tao na baliw siya at walang katotohanan ang mga salitang binibitawan niya. “Magsipagsisi na kayo sa inyong mga kasalanan! Humingi na kayo ng tawad sa ating Panginoon habang maaga pa! malapit na ang panahon ng paglilitis! Malapit na ang tamang oras! Hahahaha!”, yan ang mga linyang kaniyang lagging sinasabi.
Isang araw, may isang mountaineer na umakyat sa bundok para maghanap ng mga kakaibang hayop at doon ay nakita niya si David. Ang mountaineer na ito ay si Noah. Sa pagkakataong ito ay napansin niya ang mga sinasabi ni David. Natagpuan niya sa gubat si David na isinisigaw pa din ang mga linyang “Magsipagsisi na kayo sa inyong mga kasalanan! Humingi na kayo ng tawad sa ating Panginoon habang maaga pa! malapit na ang panahon ng paglilitis! Malapit na ang tamang oras! Hahahaha!”. Yan ang mga linyang kaniyang paulit-ulit na sinasabi. Bukod tanging si Noah lamang ang nagkainteres sa mga linyang binibitawan ni David. “Bakit mo sinasabi ang mga yan? Nakausap mo ba ang Diyos?” ang sabi ni Noah. “Gumawa ka ng isang malaking sasakyan na kayang magsakay ng maraming tao! Malapit na ang paglilitis! Tulungan mo akong ikalat ang balitang ito sa buong mundo! May darating na isang delubyo! Magaganap ito sa taong 2013! Nagsasabi ako ng totoo!”, ang sabi ni David kay Noah.
Inisip mabuti ni Noah ang mga sinabi ni David sa kaniya. Ayaw niya mang maniwala sa sinasabi nito ay inuudyukan pa rin siya ng kaniyang konsensya na gawin ito. Isang taong naglibot sa buong mundo si Noah para ikalat ang mga sinabi sa kaniya ni David. “May isang delubyong magaganap sa taong 2013! Magsipagsisi na kayo sa inyong kasalanan! Darating na ang araw ng paglilitis! Maniwala kayo sa akin mga kapatid! Hindi ako nahihibang! Nagsasabi ako ng totoo!”, yan ang mga linyang sinasabi ni Noah sa mga tao sa iba’t ibang mundo.
Taong 2011, sinimulan na ni Noah ang paggawa ng idang malaking sasakyan na kayang magsakay ng maraming tao kahit nag-aalinlangan pa rin siya sa sinabi sa kaniya ni David. Makalipas ang ilang buwan ay nagpunta sa bahay ni Noah si David para tumulong sa paggawa ng sasakyan. Sa paggagawa ng sasakyang ito ay nakilala nila sina Daniel at Joseph. Nakatulong nila ang mga ito sa paggagawa kahit hindi nila alam kung para saan ang ginagawa nila. Nang magtagal ay nalaman na rin nina Daniel at Joseph kung para saan ang sasakyan na ginawa nila. Nabigla man sila sa nalaman nila ay nagpatuloy pa rin sila sa paggawa. Maraming mga tao ang naghuhusga sa kanilang pagkatao pero patuloy pa rin sila sa paggawa.
Taong 2012, natapos na nila ang paggawa sa sasakyan. Marami ang humanga sa kanila pero hindi pa rin nila nakumbisi ang mga taong ito sa kanilang sinasabi. Pati sina Daniel at Joseph ay tumulong na rin sa pagkakalat ng balitang nanggaling kay David na magkakaroon ng Delubyo sa taong 2013. Gayon pa man ay hindi pa rin sila nawalan ng pag-asa na may mga taong maniniwala sa kanila. Naglakbay pa rin sila sa iba’t-ibang bansa para palalahanan ang mga tao. Di nagtagal ay marami na ring mga tao ang naniwala sa kanilang mga sinasabi.
Bago matapos ang taon ay marami na rin silang nahikayat at tumulong na rin sa kanila na magkalat ng balitang iyon. Ilang araw bago matapos ang taon ay dali-dali na ring pumunta sa Estados Unidos ang mga tao para makasakay sa malaking sasakyan na ito. Kasama ang kani-kanilang pamilya at ang iba pang mahahalagang gamit ay sumakay na ang marami sa sasakyan. Pero ang apat na sugo ay patuloy pari sa pagsasabi ng balitang ito. May ibang nakumbinsi dahil nakita nila na maraming tao na ang sumakay at madami pa rin ang di talaga nila napilit. Isang araw, bago matapos ang taon ay sumuko na rin ang apat na ito at sumakay na rin sa sasakyan kasama ang kani-kanilang pamilya. Sa mga huling oras ng taon ay nasa sasakyan na sila dahil hindi nila alam kung anung araw o buwan dadating ang delubyong ito.
Mga unang araw at lingo, taong 2013 ay patuloy sa pananalangin ang sakay ng saskyang iyon para sa kanilang kaligtasan, hanggang naramdaman nila ang isang malakas na lindol na sumindak sa kanilang lahat. Kasunod ng lindol na ito ay isang malakas na ulan na nagdala ng malaking baha. Maraming tao sa labas ng sasakyan ang nagsisigawan at pilit na binubuksan ang pinto ng sasakya pero wala na silang magagawa pa. Gusto man silang tulungan ng mga nasa sasakyang ito ay huli na ang lahat.
Labis-labis na kasiyahan ang naramdaman ng mga taong nasa loob ng malaking sasakyan. Nagpasalamat sila kay David dahil nakarating sa kanila ang balitang iyon. Ang isang akala nila ay baliw ay siya palang magliligtas sa kanila sa isang siguradong kapahamakan. Taon pa ang binilang bago humupa ang baha. At nang nakita na nila ang lupa ay dali-dali na rin silang bumaba at nagpasalamat sa Panginoon sa pangalawang buhay na ibinigay sa kanila. Nagsimula na silang muli sa kanilang panibagong buhay.
Sunday, March 7, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment