hello..

hello guys..

Wednesday, March 3, 2010

Panga


Vonn Nikko V. Ebueza BSIT 1-6

PANGA

Panga!”, ito ang pinakamalimit na pambati sa akin ng aking mga kaibigan. Hindi naman dahil sa malaki ang panga ko, pero katuwaan lang naming magkakatropa na magtawagan sa ganitong paraan. Nakakamangha talagang isipin kung paano kami nagkasamasamang magkakaibigan, iba- iba ang kalalagayan namin sa buhay, iba-iba ang pinagmulan at iba- iba ang mga ugali. Kung baga sa pagkain kami ay isang halo-halo. Mayroong mga out-of-school, merong mga graduates na, merong di nakatuntong man lang ng elementary, tapos mayroon din mga businessmen, tapos may mga college students din katulad ko na isang IT student sa Cavite State University . Hehe, nakakatuwa talaga kasi kaming tropa lahat ng age at developmental stages ng tao meron, may youths at mayroon ding GA-youths ( haha in short mga gurang). Kami ang tropa ng panga, we are the family of JAWS..hekhek..pero kahit iba-iba man ang hugis, laki at hubog ng mga panga at pagkatao namin, nabuklod kami sa IISANG dahilan….

Alas-siyete ng umaga, ito ang simula ng araw ng tropang Panga. Kahit kasarapan at kahimbingan pa ng pagtulog, pinipilit naming bumangon at hilamusan ang mga nagmumuta naming mga mata at punasan ang mga panis na laway na natuyo at gumuhit sa pisngi na parang chalk na isinulat sa mukha. it’s a new morning, “I want to thank You God for having compassionately restored my soul within me, great is Your faithfulness.” Ito ang mga katagang aking binabanggit gayundin ng aking mga katropa sa bawat umagang gigising kami, sa bagong pagkakataong naibigay sa amin upang mabuhay muli ng isang araw. Pagpapasalamat sa ating Panginoon ang kauna-unahang bagay na bumubukal sa aming isip at pananalita sa isang bagong araw na aming natangap.

Mula sa magkakalayong barangay, magkikita-kita kami sa aming hide-out sa kampo alas siyete impunto upang simulan ang araw namin sa pamamagitan ng isang panalangin. Hindin naman gaano kahabaan ang panalangin na aming sinasambit tuwing umaga, pero ang sigurado, lahat ng bagay at tao dito sa mundo ay kaparte at kasama sa aming panalangin. At pagkatapos ng aming panalangin, susundan ito ng maghapon na paghayo upang mangawil at mangisda ng mga tao, Hindi ito isang ordinaryong gawain ng mga simpleng tao na may ordinaryong buhay. Ang tropang panga na nagmula sa ibat-ibang uri ng pamumuhay ay nabuklod dahil sa bagay na ito. IISANG dahilan. Ang gawin ang kaloob ng Panginoon.

Weird talaga noong una, pero sanayan din yan. Mahirap na masarap kumbaga. Ang gawin ang kaloob ng Panginoon at paglingkuran Siya ay ang naging direksyon ko at ng tropa ng mga panga. Tinatawag din kaming mangingisda o “fishers of men”, hindi fishermen kasi magkaiba yun, sige isipin mo. Naituro din sa amin na ito na ang pinakamataas na trabaho sa balat ng sansinukob, “ows?! Kahit sa presidente ng isang bansa mas mataas pa?”..OO naman! At matibay ang paniniwala ko doon. Kahit nga ako na estudyante at hectic ang skedyul, I find time na gawin ang duty ko sa Panginoon. Astig talaga kasi mas mataas pa ako sa presidente ng Pilipinas. Hehe..ganyan din ang lokohan ng mga panga at nakakatuwa talagang isipin na kahit ang iba sa amin ay mababa lamang ang pinagaralan at iyong iba nga ay di man lang nakatuntong ng elementary, sa ganitong kadahilanan, naiiangat namin ang mga sarili namin at kahit papaano ay nakakaboost ng self-esteem.

Kamusta ka? Kamusta ka na! kamusta ka naman? Lagi kong tanong sa mga taong binibingwit ko. Hehe. Para akong machine na may routine na sasabihin. Pero talagang dapat ma-PR ka talaga at marunong ka sa inter personal relationship, kamay dito. Kamay diyan, kahit sino basta tao kinakamayan ko at pinipilit silang kilalanain at sa huli upang masilo ko at upang maging parte ng Jaw family. Tuwang tuwa ako sa tuwing may bagong mukha akong nakikilala. “ibang hugis na naman ng panga ito.” ani ko. Sa bawat taong aking nakikilala at bawat pangang nabibingwit, unti- unti kong ipinupukol sa kanila ang isang napakagandang balita.

Sa una pahirapan pa din na ipasok sa sistema ng bawat pangang aking nakilala ang napakagandang balita, ang Salita ng Panginoon. Joooogs!! Para ngang sinasalpok ng pompyang ang ulo ko sa mga panahong inaayawan nila ang kwento ko. Ganun talaga pala yun. Ito rin ang isa sa mga bagay na naituro sa akin ng Panginoon, may tao talagang gugustuhin at mayroon ding aayawan ang news NYA. Adjust adjust lang tayong mga panga sa mga binibingwit natin, pasasaan ba at mahuhuli natin sila ng sagaran!

Sa bawat pagdaan ng araw, parang gulong din pala ang pinasok kong ito, see-saw baga kasi minsan nasa ilalim ka ng karir mo, pero minsan naman, malakas na malakas ang kita mo sa pamimingwit ng isda. At pinagpala ka lalo kapag nakahuli ka ng School of fish…BIG TIME!! Hehe.. Tiyaga at sipag din ang talagang kasama sa puhunan mo. Astig nga talaga, para lang akong nag dodota, nagpapaupgrade at nagpapataas ng level.

Lumipas din ang mga araw, wala sa kamalayan ko, lumalaki at dumadami na pala ang huli ko. Naku, din na ata magkakasya sa bangka ko ang mga malalaking pangang nabingwit ko. Kaya mabuting bagay, nandyan ang tropa, ayos na ayos kasi maibibigay ko sa kanila (lalo na sa may kakaunti pang huling isda), ang ibang huli ko na di ko na mahawakan. Kaya naman tuwang tuwa din ang jaw family kasi nadagdagan din ang huli nila at unti-unting lumalaki na ang Jaw family, ang pamilyang naglilingkod sa Panginoon.

Balik tayo sa good news ng Panginoon. Toinks! Nakakaaliw malaman na ang Bible pala ang pinakamabentang libro sa buong mundo. Halos 44 milyong kopya ng bibliya ang nabebenta bawat taon, at sa anong kadahilanan??? Eh di para ipangdisplay sa bahay at isang araw makita mo na lamang na inaamag na at ginagapangan na ng ipis. Talaga naman, isasama lang pala sa koleksyones ng mga librong pangdisplay. Asus! Kamusta naman yun?! Ito naman talaga ang senaryo sa bawat bahay na dinadalaw ko at ng ibang tropa ng panga kapag binibisita namin ang mga bago naming bingwit sa kani-kanilang mga bahay. “okay lang yan” sa isip ko, pero ang totoo, hindi masayang makita na amagin ang bibliya sa kanilang bahay naku lalo na kung gagamitin pang pangsiga ng apoy ang ga pahina nito…kahibangan naman yun…tsk tsk.kaya nga to the rescue ang jaw family! Para kaming mga superman, ironman, batman, maskman, bioman, suman at isama mo pa si wapakman na handang magpabago sa mga pananaw at magligtas sa mga buhay ng aming bagong jaw members.

Genesis, ito ang pinakaunang libro sa bibliya. Uy!, alam ko yan..! hehe, kahit nga ang 66 books ng bible alam ko at kabisa ko ang pagkakasunod-sunod. Pero sinubukan kong tanungin ang bawat taong bago kong nakikilala tungkol sa mga simpleng detalye ng bibliya, tulad ng “sino ang unang tao sa mundo?”, “ano ang sampung utos ng Diyos?” o kaya naman, “ano ang pinakahuling libro sa bibliya?”. Nakakalungkot at minsan nakakatuwa kapag naririnig ko ang mga sagot nila. Para ngang gusto kong bigyan ng isang konyat sa ulo dahil sa kanilang mga ssagot. Pero ganun talaga, nakita ko din naman ang sarili ko sa kanila sa mga panahon ng aking kamangmangan at kawalang malay tungkol sa Bagay na ito. Ganito nga rin ang pinagdaanan ng tropa ng panga, walang malay sa una, pero nahubog at natuto sa huli.

Ang papel namin ay di natatapos sa panghuhuli ng isda, kung hindi isang habangbuhay na papel na aming gagampanan sa bawat taong aming nabingwit. Kapag nahuli mo na siya, hanggang wakas ay aalagaan mo siya. Ayun! Kaya talagang kahanga-hanga ang papel natin bilang fishers of men at talagang maituturing na pinakamataas na trabaho ito dahil isang mabigat na responsibilidad ang nakaatang sa iyo sa oras na simulan mo ito. Once you’ve started it, kelangan tapusin at plantsahin mo din tio. ..geeee! kakapagod!

Iyon ang maling akala ng karamihan. Bakit ka mapapagod sa isang bagay na gusto mo at nag-eenjoy ka? Palibhasa kasi, hindi sanay ang katawan ng tao sa ganitong sistema ng pamumuhay. Sinanay ko na ang sarili ko sa ganito. Pinatibay na ako ng aking pananampalatay sa Kanya. Alam kog hindi Niya ako pababayaan at alam kong lahat ng ito ay may gantimpala mula sa Kanya. Kaya nga kahit nag-aaral ako, naisasabay ko pa ang paglilingkod ko sa Kanya. May kayabangan din akong taglay..hehe.. pero isa lang naman talaga ang ipinagyayabang ko, hindi ako kung hindi SIYA, na nasa akin..

Hibang daw ako sabi ng ibang kamag-anak ko, ng ibang kaklase ko, ng ibang nakakakilala sa akin. “hibang na kung hibang!” pero purong joy, kagalakan kuno ang akng nararamdaman sa ganitong uri ng buhay, sa ganitong uri ng paglilingkod, sa ganitong uri ng pagtratrabaho. Lalo na kapag naiisip ko na lumalaki na ang pamilya ng panga, masayang Masaya ako, at lalo pa akong ginaganahan at tinutulak na palakihin pa lalo ang pamilya ng Panginoon.

“I am doing this, we are doing this thing, not because of the reward that awaits us from God, nor because we want to be famous nor for a simple reason of making a big family of jaws, but primarily because, this is the will of God.” Ito lagi ang itinatatak ko sa isip ko, vividly painted in my mind, na ginagawa ko ang mga bagay na ito dahil ito ang utos ng Panginoon, ito ang gusto Niya. Kaya nga ba kapag dumarating sa punto na inaakala ng iba na pagod na ako, pagod na kami ng tropa ng panga,iniisip nila na nagaadik kami dahil lagi kaming may lakas kahit pa gaanong kadaming isda ang aming hinuhuli at inaalagaan. Ang galing talaga, kasi kahit ako namamangha kung san galing ang lakas ko, at isa lamang ang sagot diyan, sa Kanya.

Balanse ang buhay, yan ang isa sa mga bagay na ipinakita at itinuro sa akin ng Panginoon. May oras na talagang dapat seryoso kami lalo na sa oras ng pagtuturo sa mga bagong kilala at bagong katropa, pero ang isa sa pinakamagandang parte ay ipinakita din ng Panginoon na dapat may oras din dapat kami para magsaya. Yes!!! Outing na ito! Parang noong isang lingo lang, nagpunta kami sa Lemery, Batangas. May isang bible camp dun, grabe sobrang ganda, sobrang tahimik at relaxing ang lugar. Malamig ang simoy ng hangin, madaming puno ng niyog, malinis ang dagat, pakiramdam ko nasa Boracay na ako. Talagang perfect place yun for us to unwind and relax. Ang saya! Pero kahit nandun ka, di mo pa rin maalis sa isipan mo ang mga taong inaalagaan mo.

Naglakad-lakad ako sa tabing dagat, kasabay ng malakas na simoy ng hangin ay ang ampiyas ng alon ng dagat na dumadampi sa balat ko. Nakakita ako sa baybay ng mga maliliit na isda. Nakakatuwa silang pagmasdan habang sama-sama silang lumalangoy. Naisip ko na naman ang mga taong nabingwit ko at kasalukuyan kong inaalagaan. Naalala ko na ganoon din sila noong bago ko silang huli, maliliit pa lamang at wari mo’y mga batang walang malay. Napangiti ako ng saglit ng makitang unti-unti’y lumalaki sila. Hindi na sila mga dilis kung baga, lumaki na sila sa isang galunggong na isda. Tiyaga at sipag ang puhunan, inuunti-unti ko, namin, ang pagpapakain ng Kanyang mga salita at pagtuturo ng lahat ng utos ng Panginoon. Masayang alalahanin, masayang pagmasdan at Masaya kong aabangan ang kanilang paglaki.

Itinuloy ko ang paglalakad sa buhanginan. Di pa ako nakalalayo ay nakakita ako ng mga isdang patay sa baybay dagat, malamig at walang buhay. Sa senaryong iyon ay dumampi sa isip ko, katulad ng mga isda, may mga tao ding papanaw at mamamatay sa labas ng aming lambat at pangagalaga. Tumpak ang sabi ng Panginoon, na hindi naman lahat maliligtas. Hay…buhay.. pinilit kong iwaksi ang isipan ko sa mga bagay na iyon. Ngunit patuloy pa rin itong nagririma sa akin, patuloy pa ring umuukilkil. Nais pala akong paalalahanan ng Panginoon na pagibayuhin ko pa ang panghuhuli at pagaalaga, dahil maraming isdang nangangailangan ng tulong, maraming isdang kailangang mabingwit at madala sa kaharian ng Panginoon.

“PANGA!”, ang sigaw ng tropa “Ang laki talaga ng panga mo! Hahaha.” Sabay tawanan, andun pala sa likuran ko. Papalapit sila sa akin, ibat-ibang hugis ng panga, ibat-ibang kulay at anyo ng mukha, ibat-ibang edad, ibat-ibang pinagdaanan ngunit nabuklod sa iisang adhikain. Weird na kung weird! Sabihin na nila ang gusto nilang isipin sa amin. Magugulat na lang sila isang araw na kumagat na pala sila sa aming bingwit at siguradong di na sila pakakawalan ng tropa ng Panga! Welcome to the family of Jaws. Pahuli ka na.

No comments:

Post a Comment