Hinding-hindi makakalimutan ni Ciara ang pangyayari na nagbigay kasiyahan sa kanyang buhay. Intrams nang araw na iyon sa mataas na paaralang pinapasukan niya. Nasa ikatlong taon na siya noon ng kanyang pag-aaral.
Noon niya nakilala si Mark. Si Mark ay isang serbis drayber at medyo may katandaan na rin. Apatnapung taong gulsng na ito habang si Ciara ay labing apat na taong gulang pa lamang noon. Sa edad nila ay para na silang mag-ama.
Sa may karindeya malapit sa paaralang pinapasukan niya unang nakita si Mark. Nag-iisa lamang ito noon at tila naiinip sa pagdating ng mga gurong pinagseserbisan niya.
Magiliw na bata si Ciara. Isa sa mga ugaling nagustuhan ko sa kanya at isa rin sa pinakaayaw ko sapagkat iyon ang nagiging dahilan ng pagkapahamak niya kung minsan.
Nilapitan niya si Mark.Siya ay nakipagkilala at nakipagkuwentuhan dito. Sa pag-uusap nila ay nalamanniya na iisa lang sila ng lugar na inuuwian. Inalok siya ni Mark na sumabay na sa kanya sa pag-uwi. Dahil muka namang mabait ito ay tinanggap niya ang alok nito.
Nang dumating na ang oras ay naglabasan na ang mga estudyantemula sa paaralan upang magsiuwi na. Gayundin ang mga guro. Nang makalabas na ang mga guro ay agad na lumapit sa kanila ang ilan sa mga iyonupang tawagin na si Mark. Isa sa mga guro ang nagtanong kay Mark kung sino siya. "Anak ko siya", narinig ni Ciara na tugon nito sa nagtanong. Iba ang kasiyahang naging hatid sa kanya ng mga sinabing iyon ni Mark.
Ulilana si Ciara sa ama bago pa lamang siya ipanganak. Ganunpaman ay marami pa rin siyang nakagisnang ama dahil na rin sa pagpapalit palit ng kanyang ina ng nobyo. Maging ang ibang lalaki sa kanilang lugar ay tinurin din niyang ama-amahan. Sa bawat lalaking makilala niya ay tila hinahanap niya roon ang katauhan ng kanyang ama na siya namang ikinagagalit ng kanyang ina sa kanya.
Sa dami ng naging ama-amahan niya ay ni minsan ay hindi niya pa naranasang ipakilala ng mga ito sa ibang tao bilang anak kaya ganoon na lamang ang kagalakang nadama niya sa kanyang puso.
Mula ng araw na iyon ay ginusto na niyang mapalapit kay Mark. Gusto niyang maranasan ang maging anak nito. Hindi naman siya nabigong mapalapit dito. Naging mabait si Mark at maalalahanin sa kanya. Isang mabait na ama nga ang naging imahe nito sa kanya.
"Anak, bukas na bukas din ay lilipat na tayo ng matitirahan. Doon na muna tayo titira sa lola mo sa Montalban. Pauupahan na lang muna natin itong bahay pansamantala para magkapera.Babalik din tayo rito kapag nakatapos ka na sa iyong pag-aaral." Tinig iyon ng kanyang ina na siyang gumulantang sa kanya. Nalungkot siya. Naisip niya ang mga kaibigang maiiwan niya. Maging si Mark ay naisip niya. Naging malapit na siya rito.
Nang araw din na iyon ay nagpaalam siya kay Mark. Naiyak siya sa pagpapaalaman nilang iyon. Mamimis niya ito ng husto. Ayaw man niyang lisanin ang lugar na kinalakihan niya dahil sa mga taong naging malapit na sa kanyang puso ay wala siyang nagawa. Bata pa siya kaya wala pa siyang boses sa anumang desisyon ng pamilya.
Walang araw na hindi niya naaalala si Mark. Madalas ay nangangarap siya na tapos na siyang mag-aral at kasama na niya ulit ito. Naisip niya na balang araw ay tutulungan niya ito kapag siya ay nagkatrabaho na. Naisip niya na may katandaan na rin ito sa muli nilang pagkikita at ayaw na niyang mahirapan ito sa pagtatrabaho.
Mabilis na dumaan ang mga araw. Ang mga araw ay naging mga linggo. Ang linngo ay naging mga buwan at ang mga buwan ay naging mga taon. Lumipas ang limang taon at natapos din siya sa kanyang pag--aaral sa kursong edukasyon.
Pinili niyang bumalik sa Pampanga kung saan siya noon ay nakatira. Agad niyang hinanap si Mark upang tuparin ang pangako niya sa kanyang sarili na kapag nakatapos na siya ng kanyang pag-aaral ay kanya itong hahanapin at tutulungan.
Hindi naman siya nabigong hanapin ito. Sa pagkakataong iyon ay naging mas malapit pa sila sa isa't-isa. Hanggang ang pagkakalapit nilang iyon ay humantong sa tagpong hindi inaasahan.Sa tuwi- tuwina ay hinahanap ng kanyang paningin ito. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay gusto niya itong makita sa hindi niya maintindihang dahilan. Sa pakiramdam niya ay kulang ang mga araw niya kung hini ito makakasama, makikita o kahit matanaw man lamng.
Hanggang isang araw, "Ciara! Baka iba na 'yan, ha? Baka may gusto ka na dun sa tao. Kadiri ka. Ang tanda-tanda na non," sabi sa kanya ng isang kaibigan nang sinabi niya rito ang nararamdaman.
Agad niyang itinanggiang hinala ng kaibigan. "Imposible!", sigaw niya sa kanyang isip. Pilit niyang tinataboy sa kanyang isip na may gusto siya rito ngunit parang nananadya at pilit pa ring nagsusumiksik ang ieyang iyon sa kanyang isip. Inisip niyang lumayo kay Mark upang mapigilan ang nararamdaman niya. Kung totoo nga na mayroon siyang pagtingin dito ay ayaw na niyang palalimin pa iyon. Gusto niyang pigilin ang kahibangang iyon habang maaga pa. Ngunit isipin pa lamang niya na kailangan niyang layuan ito ay nalulungkot na ang kanyang puso. Hindi niya maintindihan ang sarili. Nasasaktan siya sa isiping kailangan niyang layuan ito. Hindi niya kaya.
Pinili niyang pakinggan ang kanyang puso. Nagpalukob siya sa nararamdaman niya. Hindi siya lumayo kay Mark.
Sumapit ang kaarawan niya. Ipinagdiwang niya iyon kasama si Mark. Paakatapos ng maliit na selebrasyon kasama nito ay inihatid na siya nito sa kanila. Pababa na siya ng sasakyan nang hilahin siya nito pabalik ng sasakyan at di inaasahang siilin siya nito ng halik ang kanyang inosenteng mga labi. Nagulat siya sa ginawa nito at natulala. Nang makabalik siya sa kanyang ulirat ay agad na siyang bumaba ng sasakyan at patakbong pumasok sa kanilang bahay. Nalito siya s mga nangyari. Hinintay niyang tawagan siya nito upang humingi ng dispensa sa nangyari ngunit hini nito ginawa.
Sinubukan niyang kapain sa kanyang puso kungmay galit ba siyang naramdaman ngunit wala. Sa ginawa ay natuklasan niya na tila nagustuhan pa niya ang nangyari.
Nag-isip-isip siya. Sa pag-iisip niya ay antagpuan niya ang sarili na minamahal ang taong hindi niya apatmahalin sa ganoong paraan. Hindi na pala pagmamahal para sa ama ang nadarama niya rito kundi iba na. Nahulog na pala ang loob niya rito.
Nang sila ay muling magkita ay mas nagkaroon ng kalinawan ang nararamdaman niya para rito. Nakumpirma niya na mahal niya talaga ito. Hindi lang iyon, nalaman niyang may pagtingin din ito sa kanya.
Alam nilang mali ang mahalin ang isa't-isa. Pamilyadong tao si Mark. Isa pa ay makakasira sa reputasyon niya bilang isang guro ang pakikipagrelasyon dito. Mali man ay nagawa pa rin nilang kunsintihin ang kanilang nararamdaman.Napagdesisyunan nilang ilihim ang bagay na ito sa lahat para sa ikabubuti ng isa't-isa. Tinago ito ni Ciara maging sa pamilya niya dahil alam niyang hindi matatanggap ng mga ito ang ginawa niyang pakikipagrelasyon kay Mark. Ayaw niyang magalit ang mga ito sa kanya. Mahalaga ang mga ito sa kanya. Mahal na mahal niya ang mga magulang at ganoon din si Mark para sa kanya.
Wala silang sinumang pinagsabihan tungkol sa bagay na ito. Ngunit isang araw ay hindi sinsadyang natuklasan ko ang sikreto nila. Pinsan ako ni Mark. Nalaman ko ang sikreto nila isang araw nang sundan ko si Mark para ibigay ang nakalimutan niyang bagay nang pumunta siya sa bahay namin nang araw ding iyon. Nakita ko siyang kayakap ang isang babaeng noon ko lamang nakita. Maganda ang babaeng iyon-morena, may kahabaan ang tuwid niyang buhok, may mapupungay na mga mataat katamtaman ang tangos ng ilong. Halatang bata pa ito. Inaamin ko na nang makita ko siya ay nagkaroon ako ng paghanga sa kanya. Sa ginawa nila ay hindi na nila maipagkakaila sa akin ang kanilang relasyon. Ipinakilala siya sa akin ng aking pinsan. Nalaman kong Ciara ang kanyang pangalan. Ako lang ang tanging nakaalam ng kanilang sikreto. Dahil doon ay ang naging takbuhan ni Ciar sa tuwing magkakaroon sila ng tampuhan at di pagkakaunawaan ng aking pinsan.
noong una ay parang gusto kong husgahan ang relasyon nila dahil na rin sa laki ng agwat ng kanilang mga edad. Dahil na rin sa pagiging saksi ko sa kanilang relasyon ay natutunan ko na mahal nila ang isa't-isa. Kahit na nagkaroon na ako ng pagtingin kay Ciara ay hindi ako gumawa ng paraan para magkasira sila bagkus ay sinuportahan ko pa sila.
Isang araw ay lumapit sa akin si Ciara. Basang-basa ng luha ang kanyang mga mata. Nalungkot ako sa nakita ko. Mahal ko na siya kaya nasasaktan ako kapag nakikita ko siya sa ganoong kalagayan.
Inalam ko ang dahilan sa likod ng kanyang mga luha. Nalaman ko na may iba pa palng babae ang pinsan kong si Mark. Kaye ang pangalan niyon at ayon daw kay Mark ay mas mahal nito ang babaeng iyon kase kanya lalo pa at iyon ang nauna sa kanya. Ganunpaman ay mahal din siya ni Mark.
Alam kong masakit iyon para kay Ciara. Gusto kong magalit sa pinsan ko dahil s ginawa niyang pananakit sa amamin ni Ciara ngunit hindi ko ginawa. Pinsan ko pa rin si Mark at hindi ko dapat panghimasukan ang mga bagay na wala na akong kinalaman.
Kahit batid na ni Ciara ang tungkol kay Kaye ay hindi pa rin niya hiniwalayan ang aking pinsan. Gusto ko siyang pangaralan. Gusto kong sabihin na huwag na siyang magpakatanga at maging martir ngunit hindi ko ginawa dahil alam kong hindi rin siya makikinig sa akin. Isa pa, alam kong nagawa niya lamang iyon dahil sa labis na pagmamahal sa aking pinsan.
Nagpatuloy ang kanilang relasyon sa kabila ng mga rebelasyon. Mahirap man para kay Ciara nginit pinilit niyang maging matatag at tanngapin ang katotohanan. Hindi niya kayang mawala sa buhay niya si Mark.
Hindi pa man siya nakakabawi sa sakit ay nakadagdag sa sakit na nararamdaman niya ang bagong kaalaman na nangibang bansa si Kaye at balak nitong kunin si Mark pagkalipas ng limang taon.
Upang konsolahin ang sarili ay inisip ni Ciara na matagal pa ang limang taon. May pagkakataon pa siyang mahigitan ang ang naging pagsasama ni Kaye at ni Mark.
Muli silang naging masaya ngunit hindi maitatago sa akin ni Ciara ang kanyang tunay na nararamdaman. Ang pangamba niya sa malaking posibilidad na mawal sa kanya ang kanyang pinakamamahal.
Sa hindi inaasahan ay naging mabilis ang pagproseso sa pagpetisyon kay Mark. Naging lubos ang pagkalungkot ni Ciara. Walang gabi na hindi siya umiiyak sa isipin na sasama sa ibang babae si Mark.Awang-awa ako sa kanya. Sinubukan niyang pigilan si Mark ngunit, "Pangarap ko ito. Mahal kita pero sana maintindihan mo na mas mahal ko siya. Siya ang nagpasaya sa buhay ko sa loob ng maraming taon. Isa pa, nandoon ang asenso. Doon ko mabibigyan ng magandang bukas ang mga anak ko. Kukunin kita pagkalipas ng tatlong taon kapag nakaipon na ako." ang sabi lang nito.
Nagbitaw man ng pangako si Mark sa kanya ay nandun pa rin ang duda kung babalik pa ito sa kanya. Mahal na mahal ni Mark si Kaye kaya naman maliit ang posibilida na kunin pa siya nito.
Naghintay si Ciara. Naghintay siya sa kabila ng walang katiyakang pagbabalik nito sa kanya.
Habang naghihintay siya ay naghihintay din ako sa kanya. Umaasa rin ako na mamahalin niya ako balang araw.
Umalis si Mark at hindi na muling nagparamdam pa kay Ciara. Lumipas ang tatlong taon at higit pa ngunit hindi na ito bumalik pa.
Awang-awa ako kay Ciara. Patuloy pa rin siyang naghintay. Hanggang sa..."Ciara, palayain mo na ang sarili mo. Nasasaktan ako kapag nakikita kang ganyan," hini ko napigilang sabi sa kanya.
"Mahal ko siya, Jim. Maghihintay ako sa kanya. Kahit gaano pa katagal ay maghihintay pa rin ako sa pagbabalik niya. Kung sakaling sa pagbabalik niya ay hindi niya pa rin ako mahal, patuloy pa rin akong maghihintay hanggang sa mahalin niya ako. Kung kulang pa ang buhay ko sa paghihintay, hihilingin ko sa Diyos na sa susunod kong buhay sana ay ako naman ang mahalin niya," sigaw niya sa akin habang umiiyak. Tinangka ko siyang yakapin ngunit tumakbo siya. Tumakbo siya ng tumakbo. Tumakbbo siya ng tumakbo hanggang sa..."Ahhhhhhhh!!!".
Tulala ako sa mga nangyari habang ang mga tao ay abala sa pagdalo sa kanya. Nasaksihan ko kung paano siyang nangisay. Alam ko na ang ibig sabihin non. Wala na siya. Iniwan na niya ako. Wala na ang babaeng minahal ko at alam kong mamahalin pa hanggang sa mga susunod ko pang buhay.
Madalas ay sinisisi ko ang aking sarili sa pagkawala niya ngunit nagawa ko lang naman iyon dahil sa pagmamahal ko sa kanya. Gusto ko siyang magising sa katotohanan. Kung sana ay hindi siya tumakbo...hindi sana siya...hindi sana siya...hindi sana siya nawala sa akin.
Kung ipapanganak akong muli, hihilingin ko sa Diyos na ako sana piliin niyang mahalin at pangakong hindi ko siya sasaktan. Hindi ko siya hahayaang malungkot.
Saturday, March 20, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
mgamda..
ReplyDelete